21

"Goodbye everyone, h'wag kalimutan ang seminar mamayang hapon ah. Asahan ko ang lahat. Mag iingat kayo."

"Yes ma'm, ikaw pa malakas ka sa'min eh." pambobola pa sa kaniya ni Theo, ang presidente ng advisory class niya.

"Asus, nang uto ka pang bata ka. Sige na, kita tayo mamaya." paalam niya sa mga ito.

"Bye ma'am."

Nang makalabas ang lahat ng estudyante niya ay sinugurado niya munang walang naiwan na gamit sa mga upuan ng mga ito bago isara ang pinto.

Iyon ang pang-huling klase niya sa umaga at mamayang hapon ulit ay grade 9 students naman ang hawak niya. Grade 10 and 9 ang hawak niyang klase, nagtuturo na siya bilang isang public teacher sa school malapit sa kanila, doon niya napili after passing the licensure exam.

Sila Issa ay busy rin bilang teacher sa kaniya-kaniyang nitong alma mater. Minsan ay hindi na rin sila ganoon madalas nagkikita-kita. Lalo na at hectic ang schedule ni Angela. 

Nasa sarili siyang opisina nang pumasok ang principal nila. Agad naman siyang tumayo bilang pag-galang dito.

"How are you Ms. Delos Santos? Hindi ba pinapasakit ng mga estudyante ang ulo mo?" pangangamusta nito sa kaniya.

"No ma'am, actually I'm enjoying the new schedule you have. Thanks again for trusting ma'am."

"Cut the formality Kristine, alam naman nating ikaw lang ang nakapag masteral ng guidance and counseling among all the values teacher here. So kanino pa naman kami magtitiwala 'di ba? And look, the number of students who are engaging in the guidance activities are quite increasing, at masaya ang feedbacks na nakukuha ng school doon." tukoy nito sa bagong trabahong binigay sa kaniya. 

"Its my job to do ma'am at masaya rin po ako na nagkakaroon ng panibagong outlook ang mga bata sa guidance office." naalala niya noong unang tatlong taon niya sa eskwelahang iyon, halos sumuko na siya sa tigas ng ulo ng mga bata. Grade 7 at 8 pa ang hawak niya noon at sobrang hirap talaga siya.

"And you're part of that change Ms. Delos Santos. Anyway, I just want to tell you na gagawin ang Magsaysay building at maapektuhan ang advisory class mo, its better na ikaw na rin pala ang magsabi na lilipat muna kayo pansamantala sa Roxas building, but it will be for a short period of time. Magaling daw ang kinuha ni Mayor na architect at engineer kaya mabilis ang trabaho ng mga ito." pagbabalita sa kaniya ng principal.

Matagal na nga ang building na iyon, doon pa siya nagklase noong junior highschool niya.

"No worries Ma'am, I'll handle that po."

"And one thing, can I ask a favor?" kita niya ang ngiting hindi pwedeng hindian sa mukha ng prinicipal.

"Sure ma'am, anything that I can do." ngumiti siya pabalik dito. As if na makakatanggi siya sa favor nito.

"Can you lend a time later? Darating kasi ang representative ng construction team ni Mayor mamayang hapon and I need someone to tour them around." paliwanag pa nito.

"Pero may seminar po ang mga bata mamayang hapon."

"Oh, Mr. Fernando will take charge of that." banggit nito sa kinaiinisan niyang teacher sa school na iyon. Naging kaibigan niya na rin ito, ngunit inis na inis pa rin talaga siya rito, lalo na kapag nang-aasar ito.

Kasabayan niya ang guro pero sobrang dalang lang nilang magkasundo, sobrang yabang at antipatiko kasi ng binata kahit Values ang subject na tinuturo nito. Ang malala roon, nagkakasundo pa ito at si Joanna sa pang-aasar sa kaniya.

"But ma'am, the children are expecting to see me during the seminar." pahabol niya rito.

"H'wag kang mag-alala Kristine, pareho lang naman kayo ni Johann na gusto ng mga bata kaya wala ring problema, kung hindi ka talaga mapalagay dumaan ka na lang. 3 pm pa naman ang dating ng team ni Mayor." the principal smiled at her but she hint the seriousness of her voice.

"Sige po, I'll drop by na lang po sa seminar hangga't wala pa." walang choice na payag niya.

"Good, I'll go now. See you around Ms. Delos Santos."

Ilang sandali matapos umalis ng principal ay may muling kumatok sa opisina ni Kristine. At ayon na ang simula nang pagkasira ng umaga niya. 

"Good afternoon Ms. Delos Santos, how are you today?" bati nito na may mapang-asar na ngiti sa kaniya.

"Bawal ang pangit dito, makakalabas ka na." pagtataray niya rito.

"Oh, sige. Ingat ka palabas." wika nito na parang siya ang tinutukoy na pangit.

"Ano bang kailangan mo? H'wag mo kong bwisitin ngayon Johann pwede ba."

"First name basis na tayo ngayon kahit sa school? Wow, improving dati sa labas lang ah." amazed na wika nito habang nakataas pa ang paa sa upuan sa harapan niya.

Hinampas niya ang folder sa binti nito, "Alam mo parang wala kang manners, wala ka sa bahay niyo. Lumayas ka na nga rito." galit na sabi niya sa guro.

"Chill Kristine, kapag nakita ka ng mga bata sige, iisipin nila na namamalo ang guidance counselor nila." pang-iinis pa nito.

"Johann, please lumabas ka na bago magdilim ang paningin ko sa'yo." malumanay niyang pakiusap dito.

"I like it, may pagtingin ka na pala sa'kin Kristine ah, kaya pala ganyan ang asta mo. I like your style." walang tinag nitong sabi.

"Pinagsasabi mo. Ano ba kasing kailangan mo at nang makalabas ka na."

"Ito naman, lagi ka na lang galit sa'kin. Yayain lang kitang kumain sa canteen, boring kumain mag-isa." he monotony said.

"Ang daming gustong sumabay sa'yo maglunch, bakit ako ang ginugulo mo rito?" tanong nito sa binata.

It's true, Johann is a good looking guy, kaya nga noong unang beses nilang magkita at hindi sinasadyang naquestion niya kung Values teacher ba talaga ito. Doon din nagsimula ang asaran nilang dalawa, dahil akala ng binata ay crush niya ito.

"Hindi naman sila kumakain kapag kasabay nila ako, nakatitig lang sila sa mukha ko. Ang sarap ko raw kasi." muli ay lumabas ang tawa sa bibig nito.

Hindi talaga kayang magseryoso ng guro kahit sandali.

"Napakayabang mo talaga para sa isang Values teacher."

"Oh, ayan ka na naman sa stereotyping mo, susumbong kita kay Joanna, sige." banggit nito sa kaibigan.

Sa tuwing dumadalaw kasi ang mga kaibigan niya ay lagi nasasaktuhang nambubwisit sa kaniya si Johann kaya nakilala ng mga ito ang isa't isa. Paminsan minsan din ay sumasama na si Johann sa kanila. 

"Samahan pa kita eh." subok niya rito.

"Tara na kasi, seryoso lunch lang hindi kita aasarin." pagpilit sa kaniya ng binata.

"Oo na, pero h'wag sa canteen. Alam mo naman mga tao doon, daig pa tsismosa sa mga eskinita."

Tinawanan naman siya ni Johann dahil sa sinabi. Totoo naman iyon, mas madalas kumalat ang balita sa eskwelahan nila dahil sa mga tindera sa canteeen nila.

"Sa labas na lang tayo kumain, mahaba pa naman ang vacant mo, 11:30 pa ang klase mo 'di ba?" pagbanggit nito sa unang klase niya para sa grade 9. Dalawa lang ang klase niya sa hapon, ang isa ay 11:30 at ang sunod ay mamayang 6 pm, bago ang dismissal ng mga bata.

"May alam ka ba sa labas?" tanong ni Kristine dito.

"Sus, ako pa ba? Ano, tara?" aya nito muli, nakatayo na ang binata sa harap ng pinto ng guidance office.

"Oo na, sandali." niligpit niya lang ang ilang gamit at sumunod na kay Johann.

Sa isang mamihan sila kumain, sa likod lang ito ng eskwelahan nila kaya naman hindi sila mahihirapan bumalik.

"Hindi ko alam na kumakain ka pala sa mga ganito Ms. Delos Santos ah." ngisi nito sa kaniya.

"'Kala ko ba bawal ang stereotyping Fernando?" banggit ni Kristine sa apelyido ng binata, alam niyang doon asar na asar ito.

"Weh, ang epal naman. Huwag mo kasi sabi banggitin surname ng tatay ko, ramdam ko yung kilabot eh." pinakita pa nito ang braso sa kaniya. Natatawa naman siya sa inasta nito.

"Bakit, ang ganda ganda ng Fernando ah." pang-aasar niya pa.

"Hatdog ka Kristine, parang tatay na may malaking tiyan eh." tinapik pa nito ang sariling tiyan, "Abs ang meron ako kaya dapat Johann ang tawag mo, nakakagwapo." inangat angat pa nito ang kilay.

"Ewan ko sa'yo, dalian mo na lang ho diyan at may klase pa ako." nauna pa siyang natapos dito.

Ngayon na lang siya muli kumain ng mami, hindi na niya matandaan kung kailan ang huling beses. Hindi na kasi nila muling inulit nila Joanna ang mga bagay na maaaring makapag-paalala ng nakaraan.

"Okay ka lang Tine?" nagulat siya ng bigla siyang tapikin sa braso ni Johann.

"Ha, oo. Tara na?"

Tumango lang si Johann matapos nito magbayad.

Nang makabalik sila sa eskwelahan ay nagpaalam ang co-teacher na magreready na ito para sa seminar mamayang 1 pm. Dahil 30 minutes pa ang aantayin niya bago ang klase ay sumama muna siya rito, ayaw niyang mapag-isa sa mga oras na iyon.

Kasalukuyan niyang dinidikit ang ginawang tarpapel sa board ngunit nahihirapan siya rito dahil hindi dumidikit ang gamit na tape sa board.

Lumapit naman si Johann sa likod niya para tulungan siya rito, ito ang naglagay ng duck tape sa likod ng tarpapel.

Ramdam niya ang lapit ng mukha ng binata sa kaniya, nakapatong ang kamay nito sa kaniya dahil hawak niya pa rin ang tarpapel. Nang makaramdam ng parang kuryente mula sa kamay ng binata ay mabilis niyang binitawan ang tarpapel dahilan para mahulog ito.

Mabilis siyang lumipat ng pwesto dahil parang biglang uminit ang paligid, napansin niyang hindi lang siya ang nakaramdam noon dahil kahit si Johann ay napatigil sa ginagawa.

"Una na pala ako, baka nandyan na ang mga bata." awkward niyang paalam rito.

"Sige, h'wag mo akong masyadong isipin baka hindi ka makapagturo nang maayos." pahabol na asar nito.

Hindi na niya iyon pinatulan, alam niyang hindi magpapatalo si Johann sa kaniya at nararamdaman niya pa rin ang kaba dahil sa nangyari kanina.

Tapos na ang klase niya at dadaan lang siya para mag-hello sa mga bata sa seminar. Nandoon kasi ang advisory class niya at ilang malalapit na estudyante sa kaniya na nahawakan niya rati.

Natanaw niya si Johann na nakikipagkulitan sa presidente ng klase niya kaya naman lumapit siya para pagalitan ang mga ito.

Nagulat ang mga ito nang tumikhim siya para makuha ang atensyon ng mga ito. Si Johann ay nanatiling nakangisi lamang sa kaniya. 

"Ma'am, si sir Johann talaga iyong nang-aasar. Ang kulit ma'am oh." turo ni Paolo, ang presidente ng section na hawak niya sa gurong nakangiti lang sa kaniya.

Pinanlakihan niya lang ng mata si Johann kahit gustong gusto na niya itong kurutin, "Sorry class, hindi kasi nakainom ng gamot ang teacher niyo."

"Oo, hindi niya kasi ako inaalagaan guys." pagdadrama ni Johann sa harapan ng mga bata, inakbayan pa siya nito.

Dahil sa sinabi nito ay inasar tuloy sila ng mga bata. Wala na tuloy ang focus ng mga ito sa speaker sa harapan.

"Eyes on the speaker class, h'wag niyong pansinin si Mr. Fernando." sabi niya sa seryosong boses, mabilis namang sumunod ang mga bata sa kaniya.

"Ikaw, imbis na ikaw ang magsaway ng makukulit, ikaw ang number 1 na pasimuno." palihim niyang kinurot ang lalaki.

"Aray, masakit. Isusumbong talaga kita." hawak nito sa braso.

"Samahan pa kita eh." panunubok niya rito.

Dahan dahan namang tumayo nang maayos si Johann at lumapit pa sa kaniya.

"Talaga, sasamahan mo ko?" mahinang bulong nito sa tenga niya, ramdam niya ang hininga ng binata. Ang lapit lapit pa ng mukha nito sa kaniya.

Tinapakan niya ang paa nito bilang ganti, mahinang napasigaw naman ang guro sa tabi kaya may ilang estudyante na napatingin sa kanila.

Ngumiti siya sa namimilipit na guro, "Bye Mr. Fernando." mapang-asar niyang ngisi dito.

Tanging si Johann lang ang nakakapagpalabas ng pagiging maldita ni Kristine, kaya nga kapag kasama nila iyon minsan nila Joanna ay tuwang tuwa ang mga ito panoorin silang nag-aasaran.

Pumunta siya sa opisina ng principal ng malapit na ang alas-tres ng hapon, gusto niya sanang itanong kung ano ang itsura ng representative na sinasabi nito. Ngunit walang tao sa opisina nito.

Ang guard naman sa panghapon ang tumawag sa kaniya ilang sandali lang, naroon na raw ang team na pinadala ni mayor.

Inayos niya ang uniporme upang maging presintable sa harap ng mga ito, at tsaka sumunod sa guard.

"Ilan sila kuya?" tanong niya rito habang naglalakad sila sa gate.

"Mga 5 ata ma'am? Puro lalaki ho eh. Pero may isang babae ma'am." Natanaw niya naman na nasa loob na ng school ang mga ito. "Pinapasok ko na pala ma'am, nakakahiya ho eh."

"Sige po, thank you kuya."

Nang makalapit ay halos hilingin na ni Kristine ang lamunin ng lupa, of all places sa school pa talaga?

"Wow, teacher ka rito Kristine?" si Marco ang unang lumapit sa kaniya, ang ilang kasamang tao ng mga ito ay takang taka dahil sa ginawa ng binata.

"Ah oo." huminga siya nang malalim to composed herself. "Kayo yung pinadala ni mayor for the renovation?"

Ngumiti sa kaniya ng makahulugan si Marco, matapos noon ay binaling ang tingin sa lalaki sa likod nito.

"Oo, pero saling pusa lang talaga ako rito. Pero ngayon alam ko na ang dahilan." ngumiti ulit ito na parang may bagay na inaalala. "Nga pala Kristine, this is Ar. Alas Mercado and Engr. Andrei Ramos, they are the head of the construction team. I guess naman, kilalang kilala niyo na ni architect ang isa't isa?" ngisi muli sa kaniya ni Marco.

Iba ang tindig ni Alas, ang laki ng pinagbago nito. Ngunit hindi lang iyon ang napansin niya, hindi rin nakatakas sa mata ni Kristine ang babaeng kasama ng mga ito. Ang babaeng nakita niya ilang taon na ang lumipas. 

Inabot ni Engr. Ramos ang kamay nito upang makipagkilala sa kaniya. 

"It's also nice to meet you, I'm Kristine Delos Santos. Shall I tour you around?" pag-aya niya sa mga ito.

Ngumiti siya sa ibang kasama nila Marco bilang pagbati.

"No need, we just want to see the exact building, not the whole school." masungit na sabi ni Alas. Natawa naman si Marco sa inasal ng kaibigan.

"Sure, this way." she said. If Alas wanted a formality between them, then Kristine will be glad to give that to Alas.

Tumabi sa kaniya si Marco habang papunta sila sa Magsaysay building, katabi ito ng building kung nasaan sila Johann.

"Sorry teacher sa inasal ng kaibigan ko, tumatanda eh." natatawang paumanhin ni Marco sa kaniya.

"Sira, ayos lang. Kumusta ka? Asensado ah."

"Slight lang, ikaw din ah. Gaano ka na pala katagal dito?"

"Going 5 years na ata? Ikaw saan ka nagtatrabaho?"

"May sariling architectural firm kami nila Alas, gust---"

"Sobrang layo ba Ms. Delos Santos ng building niyo?" Alas interrupted what Marco's saying.

Napatigil siya dahil sa tono ng pagkakasabi nito. Tinuro niya ang building sa likod.

"That's the building, nagmamadali ba kayo?" tanong niya rito competing Alas intensity.

Hindi naman kasi ganoon kaliit ang eskwelahan, iyon ang pinakamalaking school sa siyudad ng taguig. Pinagsama ang highschool at elementary doon kaya mula sa gate na pinasukan nila Alas kanina ay may kalayuan talaga ang lalakarin nila.

"Architect Assistio, focus on your job. Continue to walk Ms. Delos Santos." binalingan ni Alas si Marco dahil tinawanan nito ang kaibigan.

"Ayaw lang kasing sabihin na gusto niyang makipagpalit. Sige na teacher, gusto ko pang may trabaho bukas eh." natatawang lumayo sa kaniya si Marco. She didn't understand what he said, ang gulo pareho ng mga ito.

Nasa tapat na sila ng Magsaysay building nang lumabas si Johann mula sa katabing building.

Lumapit naman ito kay Kristine na nagpataas ng kilay ni Alas.

"Ano meron Tine?" tanong nito not minding the people around them.

"Ah, construction team daw galing sa opisina ni Mayor, gagawin daw itong buiding." sumabay sa paglalakad nila papasok ng building si Johann. "Tapos na ang seminar?"

"Hindi pa, pero nandoon si Santos parang koala na naman kaya lumabas na ako." tukoy nito sa teacher na patay na patay kay Johann.

Natawa siya sa reaksyon ng binata, iyon kasi ang teacher na pinaka ayaw ni Johann dahil parang hindi iniisip na nasa eskwelahan sila kung makadikit sa binata.

Huminto sila sa hagdanan ng building, tatlong palapag iyon kaya hindi niya alam kung ano ang prefer ng mga ito unang puntahan.

"Where do you wanna start?" tanong nito indirectly kay Alas.

"Mind introducing us first to your friend Ms. Delos Santos?" napatingin naman siya kay Johann na nagulat sa sinabi ni Alas.

"No need, hindi naman kami parte ng trabahong ito" tinalikuran ni Kristine ang binata, napatawa naman ang ilang kasama nila dahil sa sinabi niya.

"I guess, let's start with the first floor." nauna siyang maglakad dito at sumunod naman sa kaniya si Johann.

"Ang taray mo doon Tine ah, ikaw ba talaga 'yan?" pang-aasar sa kaniya ni Johann.

"He, ba't ba nandito ka?"

"Eh, boring doon sa seminar kasi wala ka." napatigil naman sila ng may umubo sa likod nila.

Nakita naman niyang natatawa si Marco sa gilid ni Alas. She wasn't sure if that fake cough was from Alas.

"Hindi naman siguro kailangan i-explain sa inyo ang bawat bahagi ng building 'di ba?" tanong niya sa mga ito.

"Oo Tine, hindi na. Kami naman ang kukuha ng measurement ng buong building. Kailangan lang may kasama to make sure na may guide kami baka mamali ng pasok eh." paliwanag ni Marco sa kaniya.

"Sige, so open naman iyong limang room dito sa first floor. Hmm, tingin ko pare-pareho lang ang laki ng bawat room?" hindi niya siguradong sagot kay Marco.

"It's not enough, we need to make sure." sagot sa kaniya ni Alas.

"Marco, sinabi ko bang sigurado ako?"

Natawa naman ang binata sa parinigan nila ni Alas, "Aba ewan ko ha" inaya nito ang ilan sa engineer na pumasok sa ilang silid.

Naiwan silang tatlo sa labas, dahil kanina pa nakatingin si Alas kay Johann ay nagkusa na ang binatang magpakilala dito.

"I'm Johann Fernando."

"Ar. Alas Mercado." pagtapos noon ay sumunod si Alas kaila Marco.

"Ako lang ba o mayabang talaha ang isang iyon?" tanong sa kaniya ni Johann.

"Ganoon talaga, galit ang mayabang sa kapwa niya mayabang." irap niya rito. Iniwan niyang nakatayo ang binata.

Kahit papaano ay naging matiwasay ang pagtour niya sa team ni Alas. Si Marco lang ang kumausap sa kaniya buong ikot nila dahil bumalik na si Johann noong nasa first floor pa lang sila.

Kasalukuyan namang kumukuha ng measurement ang ilang kasama nila Marco, kaya lumapit na rin siya rito para magpaalam.

"Marco, pwedeng mauna na ako? May klase kasi ako. Patawag mo na lang ako kapag may kailangan kayo. Dito lang ako sa katabing building." turo niya pa sa building kung saan din lumabas si Johann kanina.

"Ah sige, paalam ka na lang kay Ar. Mercado." ngiti sa kaniya ni Marco. Alam naman niyang inaasar lang siya nito, pero as a courtesy ay magpapaalam na rin siya.

"Excuse me, architect, I'll go ahead na. If you need anything, you can ask the janitor to call me."

"Saan ka pupunta?" tanong nito. Akala niya ay siya lang ang nagulat sa sinabi nito, ngunit tingin niya ay pati ang babae na kanina pa nakadikit kay Alas. 

"May klase ako."

Alas didn't respond, he just looked at her that makes Kristine feel intimidated by him.

Nakarinig siya ng tawa mula sa direksyon ni Marco kaya mabilis niyang iniwas ang tingin kay Alas at lumabas ng kwarto.

Wala ang utak niya hundred percent sa klase kaya halos ilang beses siyang nagkakamali sa mga sinasabi.

"Ma'am, excuse me po. Okay lang po ba talaga kayo?" tanong sa kaniya ng isang estudyante.

"Ah, yes sorry. So balik tayo sa activity niyo for today. The main question that we need to answer is here: Why people tell lies?" tanong niya sa mga bata, pagpapahalaga kasi sa katotohanan ang topic nila para sa araw na iyon. Gamay niya naman iyon kaya lang dahil sa nangyari ng hapon na iyon ay parang natuyot ang utak ni Kristine.

Kahit papaano ay nabalik niya ang utak sa mga bata, natutuwa kasi siya sa ideya ng mga ito. Iba't ibang perspective ang nasha-share ng mga bata tungkol sa pagsasabi ng katotohanan. May ilang pang pagkakataon na nagtatalo ang mga ito.

"Class, silence, please. Remember, respect everyone's opinion." pagpapatahimik niya sa mga ito.

"Tandaan niyo na lagi itong nakadepende base sa karanasan niyo. Ang mga tao ay may iba't ibang rason sa pagtatago nila ng totoo, halimbawa yung white lies. People tell white lies, because they want to protect someone. But remember, hindi kailanman nakabubuti ang pagsisinungaling. Tulad na lang ng sinabi ni Moris kanina, kapag nagsinungaling ka mas lalo mo lang pinapalaki ang gulo. Ang pagkakamali ay hindi kailanman maiaayos ng isa pang pagkakamali." paliwanag niya sa mga ito.

Another student raised her hand, "Ma'am, nagsinungaling na po ba kayo?"

She paused to that question, "Oo naman, I'm ain't saint to tell you class na never in my life na nagsinungaling ako." she laughs with her sentence.

"Eh, ma'am paano kung bigyan ka ng chance ni God bumalik sa past mo, anong kasinungalingan yung gusto niyo pong itama?" pahabol na tanong ng isa.

Hindi naman ganoon karami ang beses na nagsinungaling siya, ang pinakamalaking kasinungalingan lang na pinagsisihan niya ay ang sinabi niyang nakalimutan niya na si Alas.

"Hmm, ano ba?" kunwaring isip niya kahit alam naman na niya ang sagot. "Siguro, yung sinabi ko sa isang tao na kaya ko siyang kalimutan kahit hindi?" alinlangan niyang sagot sa mga ito.

May ilang estudyante ang humiyaw dahil sa sinabi niya lalo na ang mga lalaki sa gilid.

"Ma'am, ex mo ba iyan?"

"Ma'am, paano na si Sir Johann?"

"Ma'am, sino yung gusto mong kalimutan?"

Sunod sunod na tanong ng mga estudyante niya, tinaas niya ang kamay bilang senyales na tumahimik ang mga ito.

"Tsismoso rin kayo eh 'no? Bumalik na tayo sa lesson." natatawa niyang sagot sa mga ito.

"Wait lang ma'am, last question na po. Yung gusto niyo po bang kalimutan, ex-lover po ba iyan?" tanong ng isang lalaki niyang estudyante.

Napatigil naman sila nang may tumawa sa labas ng classroom. Doon ay kita niyang nakatayo si Marco at Alas, at ang tawa ay mula kay Marco.

Lumabas siya upang kausapin ang mga ito.

"Kanina pa ba kayo diyan?" kinabahang tanong niya sa dalawa.

"Hindi naman masyado teacher, doon lang sa part na may gusto kang kalimutan. Sino iyon teacher? Gusto ko rin malaman." mapang-asar na wika ni Marco sa kaniya.

"He, hindi kita estudyante. Tapos na ba kayo?"

"Oo, may gusto lang magpaalam sa'yo." sabay tingin nito sa katabi.

"Sorry hindi ko na kayo maihahatid ah, bawal iwan ang mga ito eh." turo niya sa mga estudyanteng nababali na ang leeg kakadungaw sa kanila.

"Ang galing mong teacher Tine." Marco said with a sincere smile.

"Thank you, oh paano balik na ko ah." paalam niya rito.

Iniwan niya ang dalawang nanatiling nakatayo sa labas.

"Saan na nga ba tayo kanina?" tanong niya sa mga estudyante niya.

"Sino iyong mga 'yun ma'am?"

"Ah, sila yung architect na magdedesign ng renovation ng Magsaysay building." paliwanag niya sa mga ito.

"Ma'am kakilala mo po yung matangkad na kasama noong kausap niyo? Ang gwapo po ah, pag ganoon lahat ng architect, magaarkitek na lang po ako." natawa siya sa expression ng mga estudyante niyang babae.

Ganoon talaga lagi ang reaksyon ng mga babae kapag nakikita si Alas, palagi na lang.

Muli niyang tinanaw ang direksyon kung na saan nakatayo sila Alas kanina.

Numiti siya ng mapait, napagtripan na naman siya ng mundo. Bakit sa lahat ng arkitekto sa mundo, si Alas pa ang ipapadala sa kanila.

Parusa na naman ba ito?



----------------------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top