20
It was already 6 pm at nasa pamantasan pa rin sila, ngayon ang torch ceremony sa PNU at tutugtog din ang PNU chorale para sa gabing iyon. Hindi talaga sila kasama roon dahil mga third year at 4th year na gagraduate lang dapat ang naroon, pero dahil sa accomplishment report na ginawa nila sa org. kanina ay narito sila ngayon.
"Huy, gusto ko rin ng ganito. Sana naman patapakin tayo nila madam kahit third year lang" birong sabi ni Joanna sa kanila.
Nakaupo sila sa grasslandia, last day naman kaya ayos lang kung uuwing may kaunting dumi.
"Ikaw sigurado na kami. Tsaka malay mo naman sa third year ay bumait bait sila ma'am 'di ba, gagraduate tayo teh, tiwala ka" wika ni Issa habang busy ito sa pagce-cellphone.
"Teh, dama mo ba yung third term? Kulang na lang ay tanggalan na ako ng braincells sa mga pinagagawa natin. Hindi ko kinakaya, maygahd." muling reklamo ni Joanna.
"Sige sigaw mo para pag may nakarinig sa'yo, sibak ka talaga" asar ni Issa rito.
"Busy ka na naman sa role mo as shoulder to cry on para diyan sa kaibigan mo?" pag-usisa na nito sa kaibigan dahil kanina pa si Issa na hawak ang cellphone nito.
"Hoy sorry ka hindi na, nakinig na kaya ako kay Angela." nag make face pa si Issa, natawa lang siya sa mga pinaggagawa ng mga ito.
"Ano ba yang pinagkakaabalahan mo teh?" hindi niya napigilang tanungin ito.
"Secret, aawayin niyo lang ako eh." tinabi na nito ang cellphone sa takot na baka hablutin iyon ni Angela, malapit pa naman ito sa kaniya.
"Wow marunong ng mag-secret, aawayin ka pa rin namin pag 'di mo sinabi." nanlilisik pang tinignan ito ni Joanna.
"Akala mo siya 'di nagsisikreto. Hoy baka kala mo, nakita ulit kita sa Blumentritt noong nakaraang gabi, pangit na 'to. Kunwari pang stress, pero may stress reliever naman" pambawi nito kay Joanna, "Oh, h'wag mo itatanggi, gusto mo tawagin natin yung kasama mo?" banta pa nito.
"Ang epal, kung ayaw sabihin 'di h'wag." pikon na suko nito.
Muling bumalik ito sa tabi ni Kristine, natatawa naman siya sa busangot na mukha ng kaibigan.
"Ikwento niyo kaya pareho, ang pangit niyo eh." datong ni Angela.
"Wala nga kasi yung akin, nakilala ko lang sa omegle. Bored ako tapos ayun, magka-chat lang kami sa TG, walang face reveal, walang kahit ano. Kaya chill po, pwede?" pag-amin ni Issa sabay baling ng tingin kay Joanna.
Binatukan naman si Issa ng katabi, galit tuloy itong tumingin kay Angela.
"Ginagawa mo ha? Pinagalitan niyo ako noong nakipag text ako doon sa nakakuha ng number ko sa NBS pero ikaw itong nag-omegle pa ha." naiinis ngunit nag-aalalang wika ni Angela.
"Wala naman akong balak gawin, gusto ko lang ng kausap dahil nasanay akong ganoon kay Alex. Ayos naman kausap si kuyang omegle, tsaka we never say our names kaya chill. Bukod sa alam niyang PNUAN ako, wala na. He never asked for more details naman." paliwanag pa ni Issa sa kanila.
Bumuntong hininga sila parehas ni Joanna sa kwento ng kaibigan, hindi nila ito masisisi. Pero nag-aalala sila sa kaibigan dahil baka ma-attach ito sa kausap at muling masaktan.
"Just guard your self mars, ayaw namin na masaktan ka ulit. Baka you moved on nga kay Martinez tapos ito naman may bago 'di ba." pagpapa-alala ni Joanna.
Napayuko lang si Issa dahil sa sinabi ni Joanna, realizing the possibility of hurting herself again.
Ilang sandali pa ay umakyat na sa stage ang choir ng PNU kaya tumayo na sila para lumapit dito.
May pagkamalayo rin kasi ang pwesto nila sa stage, mas masarap kasi sa gitnang parte ng grasslandia, madilim at tanging ilaw lang sa langit at ilang bumbilya mula sa Catwalk and nagsisilbing ilaw ng pamantasan.
Unang pinatugtog ng chorale ang PNU hymn at isang inspirational song. Isang sikat na kanta mula sa Ben and Ben ang pinatutugtog habang unti unting binubuksan ang lahat ng pailaw sa loob sa PNU.
Lahat ng mga tao ay manghang mangha sa kulay na dala nito. Isang malamig na hangin ang nagpasarap sa gabing iyon ng maabot ng ilaw ang ang buong formation ng students.
"Ang saya mars, I feel the graduation vibes." nakangiting sabi ni Angela sa kanila.
"Ako rin, biruin mo after ng ilang reklamo sa requirements, demands pa sa FBESS month, pero ito tayo isang lingo na lang at matatapos na ang second year. Kaunting kembot na lang ay third year na tayo." tuwang tuwang wika ni Issa.
"Thank you sa isang taon mga teh. Kahit papaano ay naging madali ang buhay dahil nandito kayo. More chicken and royals to come sa atin." pagbanggit pa ni Issa sa paborito nilang pagkain tuwing lunch.
"More chicken and royals to us." sabay sabay nilang sabi.
Siguro nga ay may mga nangyaring hindi maganda sa taon na ito para kay Kristine, but she's still happy. Hahayaan niya na lang ang panahon ang kumilos para sa kanilang dalawa ni Alas.
Gusto niya pa rin itong makita bago matapos ang taon sa pamantasan pero ayaw niya ng saktan pa ang binata kung sakali, alam niya na sa tuwing makikita siya nito ay maalala lang nito ang desisyon niya.
Tinignan siya ng mga kaibigan dahil sa biglaang pagtahimik niya.
"Siya pa rin ba teh?" tanong ni Joanna. Muli silang naupo sa pwesto nila kanina.
"Wala naalala ko lang, tara 'di pa tayo uuwi?" iwas niyang aya sa mga ito.
"Tara na ba? May klase pa rin tayo bukas. Last week na natin ito." pagpapa-alala ni Joanna sa kanila.
"Last hell week kamo, putik isang linggo na lang pero yung trabaho pang isang buwan pa ata eh." pagrereklamo ni Angela.
"Baliw ka kasi, sino bang nagsabi sa'yo na kunin lahat ng huling presentation, eh 'di natambakan ka ngayon." asar dito ni Issa.
"He, porket tapos na kayo. Kainis din kasi mga kasama ko potek, mapagdecide kasi nung una eh." napapadyak pa ang kaibigan sa inis. Kasakalukuyang inaayos ng mga ito ang gamit para makauwi.
"Mga mars h'wag muna kayo aabsent ah, mababaliw talaga ko mag-isa sa room 'pag nagkataon." naiiyak na pakiusap ni Angela.
"Ha, libre mo muna kami shake bago kami pumayag." pang-aasar muli ng dalawa.
"Ang kapal ng mga mukha niyo kahit kailan eh 'no. KKB lang 'uy."
"Magsha-shake pa tayo? 'Kala ko uwi na?" pagtataka niya sa usapan ng mga ito.
"Okay lang 'yan mars, rush hour pa. Mamaya na us umuwi." minsan talaga ay maga-agree na siyang masamang impluwensiya ang mga ito.
"Porket LRT LRT lang kayo eh 'no. Hatid niyo kaya ako hanggang amin."
"Ay wag ganon teh, mahal pamasahe sa inyo ano ka. Kung lilibre mo kami pwede pa." pang-aasar ng mga ito sa kaniya.
"Mga buraot kayo, tara na nga." sabay-sabay na tumawa na nang-aasar ang tatlo sa kaniya.
Malapit na sila nang biglang napatigil si Joanna at Angela, mas nauuna kasi itong maglakad kaysa sa kanilang dalawa ni Issa.
"Hehe, mga mars. May naiwan pala ako sa PNU, balik tayo pwede?" Joanna said with a nervous laugh.
"Ha, anong naiwan mo?" takang tanong niya rito.
"Ah yung cellphone ko ata, tara na dali baka may makakuha." nagmamadali pa nitong hila sa kaniya patalikod.
Maski si Issa ay naweirduhan sa asal ng dalawa. Tinanaw niya naman ang direksyon na tinitignan ng dalawa ngunit mabilis itong hinarangan ni Angela.
"Dalian na natin mars baka mawala yung cellphone ni Jo." pagmamadali pa nito.
"Oh, saan mo naiwan? Tawagan kaya natin." suggestion niya ng makabalik sila sa loob ng pamantasan.
"Ah hindi na, sa restroom ng MB ko ata naiwan. Tara Issa samahan mo ko." Kristine still feel that something's wrong with Joanna. Ang aligaga ng kilos ng kaibigan.
Naiwan si Angela na ganoon din ang lagay.
"Ano ba talagang nangyayari 'Gel?" naguguluhan na niyang tanong dito.
"Ewan ko ba diyan kay Jo, biglang sabi na naiwan daw niya cellphone niya." napatigil naman ito sa pagsasalita ng dumating sila Joanna.
"Ano nakita niyo na?" alalang tanong niya sa dawala.
"Oo, hehe tara uwi na lang tayo." si Issa ang sumagot para dito.
"Akala ko magsha-shake tayo?"
"H'wag na teh, gabi na pala. Baka ma-late tayo bukas." gatong ni Joanna sa sinabi ni Issa.
"May tinatago ba kayo?" hindi niya na napigilan, kanina okay lang na ganoon dahil si Angela at Joanna lang pero ngayon ay pati si Issa ay weird na rin ang kilos.
Pakiramdam niya ay may hindi siya alam na nangyayari.
"Wala mars, feel mo lang iyan. Kinakabahan lang ako kasi akala ko wala na yung cellphone ko." paliwanag ni Joanna na parang nabasa ang iniisip niya.
"Sige sabi n'yo eh. Tara na." nagtinginan lang ang tatlo at sumabay na sa kaniya palabas.
That moment she really want to burst into tears, but she wants to keep acting dumb in front of her friends. Mas maganda na iyon kaysa umiyak nang umiyak sa harap ng mga ito.
She appreciates the effort of the three, trying to hide what they saw earlier. Pero kahit anong tago, nakita na niya eh.
Kitang kita ng mata niya ang saya sa mukha ni Alas habang nakikipagtawanan ito sa babaeng kausap. It was the same girl she saw, back when she first met Alas sa tapsihan. I guess hindi lang ito blockmates, it maybe a special girl for him to laugh like that.
Nasa may tawiran sila sa tapat ng Chowking nang magsalita siya sa mga kaibigan.
"Thank you mga teh, but it's okay. At least masaya siya 'di ba?" pag-amin niya sa mga ito. The three apologetically looked at her after she said that.
"H'wag nga kayong ganiyan, ayos lang 'yun. Dapat tumuloy pa rin tayo, sayang tuloy yung shake." pag-alo niya sa mga ito. "H'wag kayong tumingin ng ganiyan, mas lalo niyo lang pinabibigat." she said at a low voice.
"Sorry teh, akala namin mas better na h'wag mong makita, kaso ayun mas mabilis ata mata mo sa amin." hinawakan ni Joanna ang kamay niya para pagaanin ang loob nito.
"Wala iyon. Kalimutan na lang natin ha, lets just say na, its for the better. At least, before the school year ends, I saw him and he's happy." pilit niyang tinatago ang basag na boses sa mga kaibigan.
May naligaw na maluwag na UV kaya mabilis na siyang nagpaalam sa mga ito.
"See you bukas mga mars, ingat kayo."
Pilit man niyang pinapasigla ang boses ay alam ng mga kaibigan niya ang totoo.
Nang mawala ang mga ito sa mata niya ay doon na bumagsak ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
She was thankful that the UV was dark enough to hide her tears, she used a handkerchief to kept the sound of pain.
She never thought that she will cry in a public place, to make it worst, she broke her promise. Tinaraydor siya ng sarili, pero gusto niyang kwestiyunin ang mundo, bakit ba unti unti siyang pinapahirapan nito?
Bakit niya kailangan pang makita ulit sila Marco at ibigay ang drawing nito?
Bakit niya kailangan makita si Alas sa tapat ng 7/11 at masayang nakikipagtawanan?
Bakit ba siya nag-iinarte kung siya naman ang nagtulak paalis dito?
Tanggap naman na niya, hindi na kailangan pang ipamukha ng mundo.
Ngunit sa isip niya, marahil parusa ito ng mundo sa isang taong duwag na tulad niya.
And she will forever wish that one day, she can be brave enough to face everything.
---------------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top