2


Isa sa mga nakasanayan na ni Kristine ay ang pumasok nang maaga, para sa FTI pa lang, ay hindi na siya nahirapan sa pagsakay. 

She was silent the whole ride, not until may bumagsak sa paa niya. 

Inuminan iyon na may bakas pa yata ng kape. Galing iyon sa katabi niya na mukha atang walang tulog. Sanay na rin siyang makakita o makasabay ng mga natutulog na college student sa byahe, minsan ay ginagawa niya rin iyon, lalo na kapag traffic at wala siyang tulog.

Kinuha niya ang inuminan nito at nilapag sa binti ng katabi. Nakayuko ang lalaki kaya hindi niya ito nakikita. Hindi niya intensyon na maawa rito, pero parang pagod na pagod ang ayos nito. 

They were already in the front of Sta. Isabel nang mag-red light, kaya doon niya na lang napiling bumaba. Isasara na sana niya ang pinto sa likod ng UV nang may biglaang humarang rito, hindi sinasadyang nauntog tuloy ito. 

Napahawak sa ulo ang lalaking katabi niya kanina. Muli namang nahulog ang inuminan nito kaya nagmagandang loob siyang pulutin ito at tanungin na rin ang lagay ng binata.

"Hey, sorry 'di ko sinasadya. Ayos ka lang?" mahinang tanong niya rito.

Gumilid muna siya, bago ito humarap sa kaniya. The guy's face seems familiar to her, 'di niya lang matandaan kung saan dahil medyo nakayuko ito.

"Ay's lang miss." tumingin ito sa kaniya nang maayos. "Huy, ikaw pala yan Ms. PNUAN." ngiting bati nito sa kanya. 

"Huh?" takang tanong niya rito. "Pinagsasabi mo?"

"Hehe, nakalimutan mo agad ako." the guy was still smiling as if nothing happened earlier.

"Sorry, nagkakamali ka ata. Mauna na ako sa'yo" paalam niya rito. Hindi siya nagpahalata na naiintindihan niya ang sinasabi nito.

Sumabay sa paglalakad niya ang lalaki, naweweirduhan naman siyang tumingin dito.

"Ikaw ata ang nauntog eh, hindi mo agad ako matandaan" pang-aasar nito sa kaniya.

She just sternly smiled at him. At dahil green na ang traffic lights, ay mabilis siyang tumawid para maka-iwas dito. 

Again, she threw a glance at him, and there she saw a bright smile from the guy. Akala niya gwapo na ito sa mga pictures nito, pero tama nga si Angela, mas gwapo nga ito sa personal.

Ang isa sa mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa kaniya ay ang schedule nila tuwing Monday at Thursday, 11 am kasi ang lunch nila at ang last class nila ay 1 pm, kapag maganda-ganda ang araw ay wala pa silang professor, tulad na lang ngayong araw. 

Nasa meeting ang professor nila sa araw na iyon kaya maaga silang makakauwi, at dahil hindi busy naisipan nilang gumala magka-kaibigan.

"Kain muna tayo sa SM ah, tomguts na ko eh. Dami pa kasing dakdak ni Joanna kanina, maaga na sana dismissal." reklamo ni Angela sa kaibigan.

"He, palibhasa 'di ka nakikinig. Maganda ang topic nila Jam kanina, sayang naman kung hindi mo tutulungan makapuntos" banggit nito sa presentation ng blockmate nila kanina.

"Sabagay. Pero yari ka na naman sa evaluation at presentation mo." paalala ni Issa rito. 

"Hayaan mo sila, as if naman mabababaan nila ako." matapang na sagot nito.

Si Joanna kasi yung tipong madalas nakakasagutan ng mga kaklase nila, minsan kahit sila sa tuwing nagrereport ay ginigisa nito. But her friend always remind them na gusto lang talaga nito na matulungan sila, well, Joanna's right. Every questions kasi na mula sa mga ka-blockmates nila na masasagutan ng presenters ay puntos para sa mga ito. Medyo mahirap nga lang ang mga tanong ng kaibigan madalas.

Malakas ang tawanan ni Angela at Issa dahil sa isang chismis na nasagap ng mga ito kaninang umaga. Silang dalawa ni Joanna ay nakikitawa lamang sa mga ito. 

Ngunit, bago pa man sila makapasok sa loob ng SM Manila, ay may nakabangga na si Angela dahil sa likot nito.

Nahihiyang yumuko sila ni Joanna sa mga ito, habang si Angela ay natatawang nagsorry sa nakabangga nito.

Noong nasa loob na sila ng SM Manila ay binalikan niya ng tingin ang mga nakabangga ni Angela, at muli niyang nakita ang lalaki kaninang umaga. 

Napansin ata nito na rito siya nakatingin, kaya ngumiti ito sa kaniya, kapareho ng ngiti nito noong patawid siya ng pedestrian lane. 

Binalik niya ang tingin sa harapan, at tagong sumabay sa lakad ng mga kaibigan. Ngunit hindi pa man sila nakakalayo, ay rinig niya ang usapan ng lalaki kanina at mga kaibigan nito.

"Hala master, siya yung sinend mo sa gc 'di ba?" one guy from the group said. 

"Pucha ka Marco, wala kang dulot na kaibigan." tingin niya si Alas ang nagsabi noon. 

Hindi niya pinansin ang mga ito, mas binilisan niya ang lakad kaya lakad habol siyang sinundan nila Angela.

"Bakit mars, kilala mo?" takang tanong ni Issa habang paakyat sila ng escalator.

"Hindi ah" sagot niya rito. 

"Ang harot niyo kasi kanina eh" she looked at Issa and Angela in front of her. 

"Hala, hindi naman namin sinasadya. Tsaka, hindi rin sila nakatingin sa dinadaanan mars" depensa ni Angela

"Pareho kamo kayo." natatawang sabi ni Joanna rito. 

Sa Jollibee ulit sila kumaing apat. Paborito kasi nila ang spicy chicken, at minsan kapag out of budget ay yung burger steak ang kinakain nila. 

Tinapik siya ni Joanna nang makita nito kung sino ang nasa likod nila Issa sa pila sa counter ng Jolibee. Well, si Alas lang naman ito at ang mga kasama nito kanina.

"Mars, sila iyon 'di ba?" turo nito sa pwesto nila Alas

"Malay ko. H'wag mo kaya ituro teh." pagpipigil niya sa kaibigan.


Issa was also looking at them when Joanna gestured to the people behind. Tumingin tuloy ng biglaan doon si Angela. Nagtataka pa noong una, ngunit nang marealize ng mga ito ang tinutukoy ni Joanna, ay ngising asong tinignan siya ng mga ito.

Dahil hindi rin naman ganoon kahaba ang pila sa counter ng Jollibee, mabilis lang din nakabalik sila Issa. Ang grupo naman nila Alas ay naupo sa medyo dulong part ng Jollibee. Medyo malayo sila sa mga ito, pero madadaanan ang pwesto nila bago makalabas ng fast food.

"Alam mo teh, feeling ko talaga pinagtatagpo kayo ni TUP boy eh, biruin mo dito rin sila kumain." pang-aasar sa kanya ni Angela.

"Medyo agree na rin ako mars, pang ilang times na ba kayo nagkakasalubong?" dagdag pa ni Issa.

"Alam niyo, malisyoso lang kayong dalawa. Kayo na nagsabi, maliit lang ang Manila." sagot niya rito sabay subo ng pagkain niya.

"Oo nga. Tsaka duh, malay niyo hindi lang ito yung first time na nakasalubong natin sila, maybe dati pa, hindi lang natin napapansin." pagpanig sa kaniya ni Joanna.

"Teh, trust me kung ganyan ang itsura, hindi yan makakaligtas sa radar nitong si Angela." natatawang asar ni Issa sa kaibigan.

"Ako na naman nabubully niyo. Tsaka sige, sinong 'di nagagwapuhan sa mukhang iyan?" at walang hiyang tinuro pa ng dalaga ang pwesto ng mga ito. 

Luckily the guys were busy eating their food. Mabilis niyang tinapik ang kamay nito bago pa makita ng mga kaibigan ng binata.

"Angela nga, napakakalat mo kahit kailan, kapag nakita ka ng mga iyan, kasama mo kaya kami." seryosong wika ni Joanna rito. Hindi kasi nito gusto ang atensyon mula sa mga hindi kakilala, naiinis sa ganoon ang kaibigan.

"Kanina pa 'yan, dapat talaga hindi na 'yan kinakaibigan eh." asar niya rito. Mas lalong nalukot ang mukha ni Angela dahil sa panggagatong niya.

Nasa labas sila at inaantay si Joanna at Issa na nasa restroom. Busy siyang tanawin ang lower grounds ng mall, nang kalabitin siya ni Angela.

Tinignan niya ang tinuturo nito, napairap siya nang makita sila Alas at ang mga kasama nito na naghaharutan sa loob ng Jollibee, tapos na naman ang mga ito pero hindi pa lumalabas ng fast food.

"Ano gagawin ko sa kanila?" walang ganang tanong niya kay Angela.

"Just wait, and look teh." nangiting sabi nito sa kaniya.

Ginawa niya naman ang sinabi nito. Ilang segundo lang ay tumingin sa gawi nila si Alas, nabigla pa ito ng makitang nakatingin siya. 

Mabilis itong nakabawi at ngumiti sa kaniya, inirapan niya lang ang lalaki dahil napaka-childish para sa kaniya ng inaasta nito. 

Narinig niyang tumawa si Angela sa gilid niya.

"Alam mo teh, medyo masungit ka sa part na 'yan ah." siniko pa siya nito.

"Mars, ang creepy lang kaya. Ano ka ba." medyo naiinis niyang wika dito. 

Palapit naman sila Issa sa kanila at nagtatakang tinignan silang dalawa.

"Oh ba't ganiyan itsura niyo?" tanong nito.

She was ready to answer Issa's question when Alas and his friends approached them. 

"Sorry kanina... Alas nga pala." pakilala nito sa kaniya while extending his hand.

"No worries." she monotonously said. Hindi na nito pinasagot muli ang binata at hinatak na sila Joanna paalis sa pwesto nila.

She may called rude because of what she did, pero ang creepy para sa kaniya ng ginawa nito.

Mabilis siyang sumakay ng escalator pababa at hindi na tinanaw ang direksyon nila Alas kanina, sumunod din naman ang mga kaibigan niya sa kaniya.

"H'wag niyong sabihin na masama iyon, ang creepy na ng ginawa niya." there's a hint of seriousness in her voice that keeps her friends in silence.

The three felt na hindi na nga siya natuwa sa mga pangyayari kaya wala ng nagbalik ng usapan, even Angela hanggang sa makauwi sila. She appreciates how her friends respect her feelings. 

Hindi niya talaga nagustuhan ang ginawa ni Alas kanina, she didn't care if that's part of his jokes or whatsoever. Masyadong creepy ang ganoon para sa kaniya, nayayabangan siya sa mga lalaking ganoon.

"Sayang, gwapo na sana eh." she said in the air while waiting for a UV to stop in front of the Rizal Park. 

"Thank you." 

Lumingon siya sa direksyon kung saan galing ang boses, at kapag nga naman napagtripan ng tadhana, kay Alas pa talaga galing ang boses na iyon.

"Oh, masyado ka bang amaze sa mukha ko?" muling sagot nito at talagang tumabi pa sa kaniya.

"Masyadong makapal ang mukha mo, ramdam ko hanggang dito." pambabara niya rito.

Umarte naman ito na parang nasasaktan, "Medyo bad ka sa part na yan teacher."

"H'wag mo akong kausapin, 'di tayo close." iwas niya rito. 

Hindi niya alam kung magaling ba talaga mang-asar ang binata.

"Ayan, close na close na tayo." tumatawang gitgit sa kaniya nito.

Muli siyang lumayo dito, "Trip mo? Feeling close ka" inis na wika niya rito. 

Sakto rin na may sasakyan na huminto malapit sa kanila, mabilis niyang tinungo iyon dahil marami ang nag-aabang ng masasakyan.

Sumunod din sa kaniya ang lalaki, dahil marami rami ang bumaba ng UV na galing Lawton ay nakasakay din si Alas, kaharap niya ito ngayon sa backseat.

She choose to ignore the playful smile of Alas. Sinuot niya ang earphone, at nakinig na lamang ng kanta.

Before she dozed into sleep, naramdaman niyang lumipat ng pwesto ang tao sa tabi niya. 



----------------//


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top