17
Alas-nuwebe ang usapan nila ni Charlie na magkita sa tapat ng gate ng PNU. Dahil palagi siyang maaga kung umalis ng bahay ay mas nauna siya rito.
Sampung minuto lang naman ang inantay niya bago dumating si Charlie, alam ata nito na kanina pa siya nandoon kaya may dala pa itong suhol.
"Sorry Tine, haba kasi ng pila sa monumento. Peace offering?" sabay pakita nito ng binili na iced coffee mula sa Dunkin malapit sa Adamson. "Wala kong hinalo diyan. Kunin mo na."
Kinuha niya ang inumin mula rito, "Sumakay na tayo para maaga rin tayong makauwi." pag-aya niya rito.
May mga dumadaan na sasakyan papuntang Divisoria sa tapat ng pamantasan nila kaya hindi sila maglalakad ng malayo. Dahil umaga pa naman ay mabilis nilang narating ang lugar.
Nang makarating sila ay kinuha ni Kristine ang listahan ng mga dapat nilang bilhin, mostly doon ay prizes para sa mga participants ng events na hawak nila ni Charlie, at ang iba ay ang ipapagawa nilang token para sa guest speakers.
"Hmm, bilhin muna natin lahat ng prizes na ito. School supplies naman daw ang sabi ni sir 'di ba? Then after that, tsaka na natin hanapin yung mga pagawaan ng souvenirs." paliwanag ni Charlie.
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
Pumasok sila sa loob ng 168, marami kasi doon na wholesale ang bentahan. Hindi ganoon karami ang kailangan nila kaya nahirapan silang dalawa ni Charlie na tumawad.
"Sige na kuya, sa inyo naman po namin kukunin lahat. Baka po kasi hindi magkasya yung budget namin." pakiusap ni Kristine sa tindero.
Nakuha niya ang mga ganoong linyahan kaila Issa, sa tuwing lumalabas sila. Ganoon daw dapat ang teknik para mapilitan ang nagtitinda na babaan ang presyo.
"Hay nako, kung 'di ka lang maganda eh. Sige, 80 na lang. Ano pa ba ang kailangan mo?" nginitian niya ang tindero matapos nitong pumayag. Kinalabit naman siya ni Charlie matapos ang ginawa.
"Sa iba na lang kaya tayo bumili Tine?" bulong nito sa kaniya.
"Ha? Nakatawad na ako lilipat pa tayo?"
"Hays. Sige, pero ako na lang ang kukuha." sabay agaw nito sa listahan na hawak niya. "Prepare mo na lang yung budget, ako na bahala dito."
Ito ang pumalit sa pamimili niya kanina, siya naman ay tinuturo lang ang mga dapat at hindi dapat kunin. Nakuha nila ang lahat ng nasa listahan sa iisang tindahan lang, ginaya ni Charlie ang ginawa niya kanina kaya kahit papaano ay nabawasan ang presyo ng ilang binili nila.
"Ang galing niyong tumawad mag jowa ah, ready na magpamilya." biro ng tumatayong may-ari ng tindahan. Dito kasi inabot ng tindero ang bayad at ang hinihingi nilang resibo.
Awkward na ngiti ang sinagot niya lang dito habang si Charlie ay natatawa sa reaksyon niya.
"Gusto mo bang kumain muna? May foodcourt sa taas nito." pag-aya sa kaniya ni Charlie matapos ibalik sa kaniya ang listahan nila, ito ang may hawak ngayon ng mga binili nila kanina.
"Okay lang, hanapin muna natin kung saan pwede magpagawa ng souvenir."
"Sige, alam ko marami sa ground floor, check natin."
Hindi sila gaano nahirapan sa paghahanap ng mga store na nag-ooffer ng customized items. Mabilis din ang proseso ng pagpapagawa nila ng token kaya naman bago pa magtanghali ay tapos na sila sa ginagawa.
"Charlie, ako na mag-uuwi ng mga token, ibabalot pa 'yan eh. Ikaw na sa mga prices, bukas na rin 'yan dadalhin ah." kinuha niya sa binata ang ibang hawak nito. "Dito na ako sasakay eh, kita na lang tayo bukas."
"Ha? Teka, 'di ba kakain pa tayo?"
Hindi niya maalala na pumayag siya rito.
"Ah, sa bahay na lang ako kakain. No budget." alibi niya rito.
"Sagot ko, tara na." wala siyang nagawa nang hatakin siya nito sa isang fast food.
Tanging Mcdo at Jollibee lang ang nakita nila paglabas ng 168. Medyo marami ang tao sa Divisoria.
Hindi sinasadyang maalala niya si Alas, natawa siya ng maalala ang tingin nito sa Divisoria.
Kumusta na kaya ito?
"Sorry, ako na pumili ng kakainin mo, 'di ka kasi sumunod sa counter eh." napa-angat siya ng tingin sa nagsalita.
Bakit kahit alam niyang si Charlie ang kasama niya kanina pa, ay si Alas naman ang nasa isip niya.
"Kristine, sigurado ka bang ayos ka lang?" may pag-aalala sa mukha nito. "Ilang araw ko na kasi napapansin ang pagiging tahimik mo."
"Lagi naman akong tahimik Charlie." sagot niya habang inaalis ang wrapper ng kanin.
"Pero iba ngayon." napansin nito na mukhang hindi niya naman gustong pag-usapan ang bagay na iyon. "Sige, hindi na kita kukulitin."
Simula nang umalis sila sa fast food ay hindi na muling nagsalita si Charlie. She felt that she was a little harsh to Charlie earlier, batid naman niyang nag-aalala lang ito bilang kaibigan.
"Hmm. Pasensya na kanina. Don't worry Char, okay ako promise." nginitian niya ito.
"Ayos lang, naiintindihan ko naman. Just remember that I'm always here to listen Kristine." ngumiti man pabalik si Charlie ay alam niyang nasaktan pa rin ito sa ginawa niya.
Pero ito lang ang kaya niyang sabihin sa binata.
Magkahiwalay sila ng daan, hinatid lang siya ni Charlie sa may sakayan matapos noon ay umalis na rin ito. Isang text naman ang natanggap niya na lalong nagpalungkot ng araw na iyon.
"May kulang sa ngiti mo, masyadong peke. Halatang pilit. Namimiss ko na yung totoong ngiti mo, 'yung ngiting nagpapaningning ng mata." it was sent by an anonymous number, but she knew who's the sender.
Lahat ng STEP officer ay natataranta na, almost half-hour na lang ang meron at dumadami na rin ang tao ngunit wala pa rin ang president nila. Galit na galit na rin ang adviser nila dahil si Charlie ang opening remarks para sa event nila sa araw na iyon.
It's already their second event, at dalawa sila ni Charlie ang in-charge dito. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang binata.
"Kristine ano, hindi pa rin sumasagot? Kapag wala si Charlie, the only choice we have is you. Ikaw ang mago-opening remarks. Kayo ang may spearhead ng event na ito pero kayo itong wala." galit na sabi ng adviser nila.
Wala siyang naisagot dito. Alam niyang wala siyang lakas ng loob magsalita sa harap ng maraming tao, sa klase nga lang ay minsanan niya lang iyon gawin, paano pa sa harap ng mga taong hindi niya naman kilala.
Ang event nila ay isang seminar. It will tackles values that a person must have in order to live a quality and happy life. Since ang audience nila ay first year, a month from now ay malalaman na ng mga ito kung pumasa ba sila sa majorship exam, and she knows how frustrating once you found out na hindi ka pumasa. It's not only a test for future but also a test of mental stability.
It was Charlie's idea, at sinang-ayunan niya lang dahil nakita niya ang relevance nito sa current times.
Nilapitan siya nila Angela.
"Mars, 'di ko alam ang gagawin ko. Naka ilang tawag na ako kay Charlie pero hindi siya sumasagot." kinakabahang saad nito.
"Baka may emergency lang si pres, kumalma ka muna teh. Mas lalong walang papasok sa isip mo kapag natataranta ka." sabi ni Issa.
"Teh, hindi ko kayang mag opening remarks. Papalpak lang ako roon, mas lalo kaming patay ni Charlie kay Sir Carlo." dala ng frustrations at pagod ay naluluha na rin siya.
Inakay naman siya nila Angela palabas ng Auditorium. Naaawa sila sa kaibigan, hindi nila kailanman nakita si Kristine na ganito, na malapit na mag break down.
Inabutan siya ni Angela ng tubig, nakita nilang palapit si Sir Carlo kaya dumistansya sila ng kaunti.
"You can do it, Kristine, just trust yourself. Dr. Reyes was the one who decided to let you speak for the opening remarks. You know that it means something, we, the VE family knows that we can always count on you." pagpapalakas ng loob ng adviser nila.
Tinignan lang ni Kristine ang mga kaibigan at tumango ito sa kaniya.
Inisang tawag niya pa si Charlie ngunit hindi talaga ito sumasagot, siguradong mapapatay niya na talaga ito kapag hindi valid ang rason nito.
Puno na ang Auditorium, nagsimula na rin ang prayer and national anthem kaya nagready na siya sa gilid ng gate.
Pilit niyang pinapalakas ang loob, hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin. Charlie was the one who prepare a speech for this event. Her thoughts was distort, natatakot siya na baka hanggang stage ay madala ito.
Then a memory rushed in her mind. She remember what Alas said, "Kapag hindi mo alam ang una mong sasabihin, ngitian mo na lang sila." that one was originally a joke from Alas to her.
But that day, it was a motivation for her.
Nang tinawag ang pangalan niya ay kinakabahan siyang umakyat sa stage, tinignan niya ang mga kaibigan sa likod at todo suporta ang mga ito. Bago niya inayos ang mic ay tinignan niya ang mga professors niya na nasa harap. All of them are smiling at her, as if it was their way of giving her a support.
Ginawa niya ang sinabi ni Alas. She first smiled at the audience, it was a genuine smile, and the next thing she knew, dire-diretso na lang lumabas ang mga salita sa kaniya.
"No one will know what will happen tomorrow, or maybe an hour after. No one knows what comes next, because as we all know, the only thing that is permanent in this world, is change. Sa seminar na ito maaaring matuto kayo, maaaring ang mga sasabihin ng mga speakers for today might help you or not. But what we just want you to know, as a person you need to build something in you. Maybe courage, perseverance, determination, or any character that will help you to win the battle of life. I hope that after this seminar, one of you will open a door for change. Thank you and have a good day everyone."
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng Auditorium, kita niya ang ngiti sa mukha ng kaniyang mga professors, isang matamis na ngiti ang ginawad niya sa mga ito.
"Iba mars, 'yun ba ang hindi prepared? Sinong philosopher ang sumanib sayo?" biro ni Angela nang lumapit siya sa mga ito.
Masaya ang mga ito para sa kaniya. She guess she did a great job.
"Ang galing mo Tine, pero sana ikaw din. Sana after this seminar, you open your door." Makahulugang sabi ni Issa sa kaniya.
Naisip niya rin kausapin na si Alas. Tama ang kaibigan niya. Hindi lang ang mga tao sa loob ng Auditorium na iyon ang dapat magbukas ng pinto, kung hindi pati siya.
Ilang beses na niyang sinusubukan tawagan si Alas ngunit hindi ito sumasagot, hindi rin ito online, nag-iwan naman siya ng messages at text dito para mabasa nito kung sakali.
"'Di ba kapag Wednesday may klase kamo siya hanggang 2? Antayin na lang kaya natin? Malapit naman na oh." suggestion ni Issa.
"Pero 'di ba sabi mo teh, may contest na sinalihan si Alas? Paano kung wala siya sa university nila?" tanong ni Angela.
"Ang alam ko rin eh, 'di ko na kasi natanong kung saan ang venue. Hindi na kami nakapag-usap 'di ba." nawawalang pag-asa niyang sagot dito.
"Wait, curious lang. Ano bang desisyon mo? You will give chance na ba kay Alas?" tinignan niya ang kaibigan.
"Hindi."
Napatanga ang mga ito sa kaniya. Opening doors doesn't mean papasok na siya sa isang relasyon, ang balak niya ay kausapin si Alas, at sabihin dito na magkaibigan muna sila. Kasi iyon pa lang ang kaya niyang label sa ngayon.
Naisip niyang kailangan nilang iestablish ni Alas ang strong foundation ng friendship, na tutulong sa kaniya at dito na magtiwala at manindigan.
"Pustahan hindi papayag si Alas niyan, tataya ako ng isang shake sa SanMar oh."
"Wala kang dulot Issa. Hello, kung seryoso siya sa'yo, tatanggapin niya iyon."
"Malay natin 'Gel, masakit para kay Alas na malaman na gusto siya ni Kristine pero hindi nito kayang panindigan ang nararamdaman nito para sa kaniya." paliwanag naman ni Issa sa dalawa.
Hindi yata nakakatulong ang mga kaibigan niya, mas lalo lang siyang naguguluhan dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito.
Wala siyang nagawa nang pilitin siya ng mga ito magbakasakali sa labas ng university nila Alas. Dahil wash-day nila ay hindi naman awkward para sa kanila ang mag-abang sa labas ng gate ng mga ito.
Ilang sandali ang inantay nila ng matanaw niya sila Marco na palabas, ngunit may kasama ang mga ito. Nang makita siya ni Marco ay mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya.
"Kristine, anong ginagawa niyo rito?" kinakabahang tanong nito.
"Si Alas?"
"Ha, ano. Ngayon kasi yung contest niya, hindi niya ba nasabi sa'yo?" hindi mapalagay si Kristine sa tono ni Marco, para kasi itong kabadong kabado.
"Duh, pupunta ba kami dito kung alam niya?" pagtataray ni Angela dito.
Hindi pa nakakasagot si Marco nang hatakin na siya bigla ni Issa paalis.
"Teka mars, bakit?" hindi ito nagsalita at patuloy lang sa paglalakad at paghatak sa kaniya. Ang dalawa naman ay nakasunod lang sa kanila.
Hinila niya ang braso sa kaibigan ng nasa tapat na sila ng Normal Hall. "Baka pwede mong sabihin sa akin kung anong nangyayari?" hindi niya napigilan ang inis sa ginawa ni Issa. Kahit si Angela ay nabigla sa ginawa nito.
"Wow, mali ko pa? Oh sige, gusto mo 'di ba, tignan mo." turo nito sa likod niya.
Nasagot na ng nakita niya ang tanong niya kanina kung bakit kinakabahan si Marco, mukhang tama na naman ang gut feel ni Kristine. Muli niyang hinarap ang kaibigan at ngumiti dito.
"Tama na, ang plastic mars. Tara na hahatid ka namin. At hindi ka tatanggi."
Hindi naisip ni Kristine na ang unang pagbisita ng mga kaibigan niya sa bahay nila ay dahil pa sa broken-hearted siya. Ngunit dahil sa mga ito, kahit papaaano ay hindi niya ganoon naiisip ang nakita.
Ngunit muling binalik ni Angela ang usapan dito.
"Mga mars, curious lang ulit. Bakit ka nasaktan kanina kung wala ka namang balak payagan si Alas?" tanong ni Angela habang nakataas pa ang paa na kumakain.
"Okay, nalunok po ata ni Angela ang kaniyang common sense." irap pa ni Issa sa kaibigan. "Duh, mahal kasi pero hindi kayang panindigan. Hashtag pinakamagulo." pang-aasar sa kaniya nito.
Tinawanan niya lang ito, tama na naman si Issa, pinakamagulo siya. Mahal niya ngunit hindi niya kayang panindigan ang nararamdaman para dito.
"Alam niyo ako lagi inaaway niyo, akala niyo naman wala kayong mga harot ah. Mga utot din kayo eh." natatawa niyang asar sa mga ito.
Kaniya-kaniyang iwas ng tingin ang mga kaibigan niya maliban kay Angela.
"Oh hindi na ako, tinigil ko na pakikipag-text"
"Bakit nagsawa ka rin 'no?" usisa ni Issa.
"Oo, ikaw lang naman 'di marunong magsawa rito duh, hashtag Issamarupok."
Si Issa na ngayon ang ginigisa ni Angela, kahit siya ay hindi sang-ayon sa ginagawa ng kaibigan ngunit kahit anong gawin nila ay matigas ang ulo ni Issa.
Isang ingay sa labas ang nagpatigil sa kanilang apat, tinignan siya ng mga ito ngunit nagkibit balikat lang siya.
"Akala ko Tine, 6 pa uwi nila mama mo pati kuya mo?" tanong sa kaniya ni Angela.
"Ha, oo. Tsaka may susi iyon sila mama." nagtatakang tanong niya.
"Ako na titingin, wait." paalam ni Issa sa kanila.
Inis ang mukhang bumalik ang kaibigan, at isang tao lang ang dahilan ng pagka-inis nito sa araw na iyon.
"Nasa labas si Alas."
---------------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top