14


Sabi nila kapag sobrang saya mo raw, matindi rin daw ang lungkot na babawiin nito sa'yo. Ngayon lang yata sasang-ayunan iyon ni Kristine. 

Sa ilang araw na kasiyahan na pinaramdam sa kaniya ng mundo, sobrang lungkot naman ang binabawi sa kaniya nito ngayon. Isang 30 items quiz ang hindi niya nakuha sa first subject dahil late na siya nakapasok, kung hindi ba naman siya umiyak nang umiyak hanggang alas-dos ng madaling araw matapos niyang marinig ang salitang "mahal kita" kay Alas. 

Iniisip niya kung bakit kailangan niya iyon maramdaman, bakit kailangan niyang matakot. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil nasasaktan niya ang binata, pero gustuhin man ni Kristine na sabihin kay Alas na pareho sila ng nararamdaman, na gusto niya rin ito, hindi niya naman alam kung paano.

Kinakain si Kristine ng sobrang takot, takot dahil alam niyang hindi siya deserving sa kahit anong pagmamahal, takot dahil alam niyang siya ang tipo ng babae na hindi dapat mahalin ng katulad ni Alas, takot na baka lokohin at pagsawaan lang siya nito, naka baka isang araw magising si Alas at hindi na siya ang gusto nito. 

Alam niyang darating din ang araw na marerealize ng binata na hindi naman siya kahit kailanman sasapat para sa binata.

Kung mangyayari iyon, hindi alam ni Kristine kung saan niya pa pupulutin ang sarili, gustong gusto niya man ang binata, takot na takot naman siyang i-risk ang lahat para dito. 

"Mars, sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Angela sa kaniya.

Nasa library sila ng mga oras na iyon, wala siyang ganang mag-lunch kaya ito at si Kenny lang ang kumain sa canteen kanina.

"Ayos lang, saan sila Joanna?" iwas niyang tanong dito.

"Hindi ko nga rin alam eh, hindi naman nagpaalam. Biglang umalis kanina, si Issa nasa faculty kausap si madam." napansin niya namang paakyat na si Issa.

Humahangos itong lumapit sa kanila, "Pucha, nasaan si Joanna?" galit na tanong nito sa kanilang dalawa. 

"Teka, hindi namin alam. May nangyari ba?" kinakabahang tanong ni Angela dito.

"Baliw yata yung kaibigan niyo eh. Kinausap ako ni madam, ang sabi binitawan daw ni Joanna yung slot para sa 1 week exchange trip para sa Japan. And guess what kung kanino binigay?" umupo ito sa tabi niya, ramdam niyang parang nanginginig pa ang kaibigan.

"Exchange trip? Yung katulad ba yan ng pinuntahan dati nila Cj at Gio?" 

"Oo raw, parte raw ng FBESS month. Yung engot niyong kaibigan, tinanggihan daw, walang binigay na enough reason kaila Dr. Reyes, ang sabi pa ni gaga ibigay na lang daw kay Harry. Sabihin niyo nga kung hindi nasisiraan yang kaibigan niyo." inis na kwento nito.

"Mars, kalma ka muna, baka naman may enough reason si Joanna. Tanungin na muna natin." pilit nilang pagpapakalma dito. 

Kilala niya ang kaibigan, hindi iyon gagawa ng isang bagay na walang sapat na rason. Mas rational itong mag-isip kumpara sa kaniya.

Nang mga ilang minuto na okay na si Issa ay napagpasiyahan nilang hanapin si Joanna, pero tila wala ito sa loob ng pamantasan. Pinili na lang nilang pumasok sa klase dahil baka naroon na ang kaibigan, ngunit natapos na ang huling klase nila para sa araw na iyon ay hindi pa rin ito pumasok. 

Hindi siya sumabay kaila Issa nang mag-uwian, natatakot siya na baka nasa labas si Alas at inaantay siya. Ayaw niyang mag-assume at gusto niya lang manigurado. Hindi niya pa yata kayang kausapin ito, nagde-activate rin kasi siya ng lahat ng social media kung saan maaari siyang kontakin nito. Hindi niya alam, ngunit matapos nitong umamin kagabi ay mas naisip ni Kristine na lumayo muna rito kahit panandalian lang. Bibigyan niya lamang ang sarili na makapag isip.

Alam niyang kung sasabihin niya iyon ay hindi ito papayag kaya mas napili niyang i-off ang means of communication nila.

Napili niyang magstay muna sa library for the meantime, dahil dala naman niya everyday ang laptop, gumawa na lang siya advance ng ilang requirements nila. 

Maya maya ay may umupo sa harapan niya, nagulat siya ng makitang si Charlie ang naroon.

"Anong ginagawa mo rito, saan sila Issa?" tanong nito.

"Wala, umuwi na." maikling sagot niya rito sabay balik sa ginagawa.

"Bakit narito ka pa?" 

"Gusto ko lang." 

"May nangyari ba? Nag-away kayo nila Issa?" pangungulit pa nito.

Iling lang ang sinagot niya rito, wala siyang gana makipag-usap at hindi rin siya tatablan ng kakulitan ni Charlie.

"Bumalik ka na naman sa pagiging tahimik." maikling wika nito na dinugtungan ng buntong hininga. Tinignan niya lang ang binata dahil sa sinabi nito.

"After you met that guy from TUP, biglang ang daldal mo na lang lately. Napansin ko pa nga na sinasagot mo na yung mga pangungulit ko sa'yo every meeting. That's why, naisip ko na baka may something special na nagawa siya sa'yo." napapikit siya sa mga sinasabi nito. 

Pinipilit niya ngang h'wag muna isipin ang binata o ang mga nangyari between sa kanila, pero ito naman si Charlie pinapaalala pa sa kaniya. Nananadya ba talaga 'to?

"Charlie, please pwedeng iwan mo muna ako?" pagpipigil niyang h'wag ito sigawan o sungitan.

"Sorry, nag-aalala lang ako." malungkot na wika nito. "Hmmm. Sige, una na ko. Mag-iingat ka pauwi ah." mahinang paalam nito sa kaniya.

Alam niyang gusto lang nito makatulong, pero mas gusto niyang sarilinin na lang muna ang lahat. 

Nang mag ala-singko ay nagpasiya na siyang lumabas dahil pasara na rin ang library, dadaan sana muna siya ng restroom ng mapansin sila Harry sa talipapa.

Lalagpasan na sana niya ito kung hindi lang siya tinawag ni Harry.

"Kristine, pwede ba tayong mag-usap?" 

"Harry, kung hindi academic related, pwede bang bukas na lang?" 

"Sandali lang, importante lang." pakiusap pa nito.

"Please Harry, pagod na ako ngayong araw." ayaw niyang maging mataray sa ka-blockmate pero kung sasabay ito ngayon ay hindi niya talaga maiiwasan.

Nilagpasan na niya ito ng lakad, ngunit napahinto siya nang muli itong magsalita.

"It's about Alas, Kristine." napatigil naman siya ng banggitin nito ang binata, talaga bang lahat ng tao ay ito ang babanggitin sa araw na iyon. 

Gusto niya lang naman ng pahinga, bakit hindi iyon maibigay ng mundo?

Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ang pakiusap ng ka-blockmate, sandali niyang nilapag ang gamit sa lamesa kung na saan ito. 

"Ano ang meron tungkol sa kaniya?" napansin nito ang inis sa tono niya pero pinili pa rin ni Harry na ikwento ang alam nito.

Sa lahat yata ng taong nagbanggit ng about kay Alas sa araw na iyon, kay Harry ang pinaka perfect timing. 

Nang matapos itong magsalita ay hindi siya sumagot, kinuha niya lang ang gamit at nagmadaling iniwan si Harry. Wala siyang pakialam kung isipin man nito na bastos siya o ano. Wala siyang pakialam. Hindi niya iyon ginawa dahil sa mga sinabi nito, pinili niyang umalis dahil kahit matapos ang mga narinig niya dito, pinipili pa rin ng utak niya ang patuloy na magtiwala kay Alas.

Walang Alas na nag-aantay sa labas ng gate, wala ring Alas na nagpakita sa labas ng bahay nila. Ito ang hinihingi ni Kristine, pero hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan.

Pahiga na sana siya ng makatanggap siya ng unknown caller, hindi niya iyon agad sinagot sa pag-aakalang wrong number lang ito o hindi kaya ay nanti-trip. 

Pero makalipas ang ilang attempt ay nagtext na ito, ang kaibigan niyang si Issa ang tumatawag. Ng mabasa ang text nito ay siya na ang tumawag sa dalaga.

"Bakit Issa, may problema?" bungad niya rito.

"Sorry mars sa istorbo, pero may number ka ba ni Joanna?" mabilis na wika nito.

"Meron, teka forward ko sa'yo. May nangyari ba ulit? Tsaka bakit ibang number gamit mo?" 

"Sorry, nakitawag lang ako sa kapatid ko eh. Hindi ko alam kung si Joanna ang nakita kong may kasamang naglalakad dito sa may kanto namin. Mars, ang layo ng Manila sa Caloocan." ang tinutukoy nito ay ang inuuwian ni Joanna.

"Ha, Teka naguguluhan ako, kanina pa ba or ngayon lang?" 

"Ngayon lang mars, galing kami ni mama sa may palengke dito sa Blumentritt, tapos nakita ko si Joanna pababa ng jeep, at hindi siya nag-iisa." kwento pa nito sa kaniya.

"Baka naman kaibigan or kakilala. Itanong na lang natin bukas." ayaw niyang paghinalaan ang kaibigan, mas maganda kung itanong na lang nila dito ang nakita ni Issa.

"Wala siyang kaibigan na lalaki na nakasuot ng same uniform from PNU mars. Kilala ko ang mga maaaring samahan ni Joanna, at hindi ko kilala ang isang ito." nahihimigan niya ang pag-aalala sa boses ng kaibigan.

"Issa, gets kong nag-aalala ka para kay Jo. Pero mababaliw ka lang kakaisip diyan hangga't hindi mo siya nakakausap. Kilala mo si Joanna, hindi iyon gumagawa ng isang bagay na hindi niya pinag-iisipan, kung yung sa exchange trip pa rin ang inaalala mo, hintayin na lang natin mag-explain si Jo. Sigurado naman na may rason siya, sa ngayon magpahinga ka muna. H'wag mo na lang din muna siyang tawagan, baka ano pa ang mangyari o masabi niyo sa isa't isa." mahabang paliwang niya rito.

Mukha namang naliwanagan ang kaibigan dahil kumalma na ito kahit papaano. Kung mag-aaway pa ang dalawa ay hindi na niya alam kung paano pa ang mangyayari. Parehong matindi ang dalawang kaibigan kapag nagalit, parehong ayaw pa magpatalo.

Wala siyang natanggap na tawag o texts kay Alas, pinandigan talaga nito ang pagbibigay ng space and time sa kaniya. 

Kinabukasan ay late pumasok si Joanna, pakiramdam nilang tatlo ay umiiwas ito sa kanila dahil sa unang klase nila ng araw na iyon ay hindi ito umupo sa palaging pwesto nito sa tabi ni Angela.

Kakausapin sana nila ito matapos ang first subject pero naunang lumabas ito, ang akala nila na nasa klase na ito para sa susunod na subject pero wala ulit ito, nang akala nilang hindi ito papasok ay nagulat sila ng kasabay na nito si Dr. Reyes. 

Nakayukong pumasok si Joanna at halatang kagagaling lang sa pag-iyak ng mga mata nito. Nagkatinginan naman silang tatlo dahil sa pag-aalala sa kaibigan, muli ay hindi ito tumabi sa kanila, ni tignan ay hindi ginawa ng kaibigan. 

Alam niyang hindi lang siya ang nasaktan sa ginagawang pag-iwas nito, pati sila Issa at Angela. Kung hindi nga lang inawat ni Angela si Issa ay sinugod na nito ang kaibigan.

Halos sampung minuto na lang ang natitira bago matapos ang klase nila, lumipat ng upuan si Issa na malapit sa pintuan, alam niya ang plano ng kaibigan. 

Nang idismissed ni Dr. Reyes ang klase ay mabilis na humarang sa pinto si Issa, sinundan iyon ni Angela upang hindi mahalatang pinipigilan nila si Joanna makalabas. Naramdaman naman ni Joanna na wala siyang kawala sa mga ito kaya nanatili itong nakaupo.

Matapos makalabas ng lahat ng ka-blockmate nila ay sinarado ni Issa ang pinto at agad na nilapitan ang walang imik na kaibigan.

"Hoy Joanna, magsalita ka anong nangyayari sa'yo ha? Kung nakalimutan mong mag-isip sabihin mo lang, ipapaalala ko sa'yo." nagpipigil sa inis na wika nito.

"Wala, please Issa may kailangan pa akong puntahan." iwas nito sa kanila.

Nilapitan ito ni Angela, "Mars, pwede mo naman sabihin sa amin kung anong nangyayari eh." basag ang boses ng kaibigan. 

"Wala nga, hayaan niyo na muna ako please." 

"Punyemas Joanna masasampal kita kapag 'di mo sinabi kung anong nangyayari sa'yo?" sigaw ni Issa dito, maski siya ay halos mapatalon sa gulat dahil sa lakas ng boses nito. "May tinatago ka sa amin, hindi naman kami tanga Jo, oo mas matalino ka sa ating apat pero Jo, 'di naman kami manhid para 'di maramdaman na may nangyayari na sa'yo." 

Nang sabihin iyon ni Issa ay tuluyan ng umiyak si Joanna at Angela, siya ay naestatwa sa kinatatayuan, wala siyang kayang sabihin. Palagi naman siyang ganoon eh, natatakot siya na kung ano man ang masabi niya ay makapag-palala lang ng sitwasyon.

"Mars" pag-alo ni Angela sa kaibigan. Pati ito ay umiiyak na rin. 

"Hindi ko pa alam paano sasabihin. Please hayaan niyo muna ako." umiiyak na pakiusap nito sa kanila.

Walang nagawa si Issa kundi hayaan itong makalabas. Bumalik ang galit kanina ni Issa nang makitang nasa labas sila Harry at tila nakikinig sa kanila.

Sumugod dito ang kaibigan kaya mabilisan silang lumapit para awatin ito.

"Pucha, Harry hindi ito ang panahon para maging antribida ka ah. Humanap kayo ng pagtsitsismisan magkakaibigan." singhal nito sa grupo ni Harry, kasama nito ang tatlo pang kaibigan pati si Jasmine.

"Pwede ba Issa, wala kaming ginagawa at pakialam ba namin sa drama niyong magkakaibigan." mataray na sagot nito. "Hindi kami ang may problema dito, baka kayo."

Sasampalin na sana ito ni Issa, kaya siya na ang umawat sa kaibigan.

"Issa tama na, hindi deserve ng mga taong tulad nito na patulan pa natin." inisang lingon niya ang grupo ni Harry, napansin niyang napa-atras si Jasmine nang tignan niya ito.

"Maraming pwedeng gawin sa STEP, tsaka 'di ba siningit mo ang sarili mo bilang kapalit ni Joanna sa exchange trip, bakit hindi iyon ang pagkaabalahan mo? Mind your own business Harry." dagdag niya pa rito.

Inaya niya ang mga kaibigan paalis sa grupo ng mga ito, ngunit bago makaalis ay muling nagsalita si Harry. 

"Nakakatawa kayo, kunwari pa kayong may care sa isa't isa pero pare-pareho kayong may tinatago." pang-iinis nito sa kanila.

Muli ay pinigilan niya si Issa at Angela na sugurin ito, hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin sa kanila ng mga prof nila kung sakaling magkagulo ang mga ito, kaya pinipilit niyang wag umabot sa punto na magpang-abot ang dalawang partido.

"Mas nakakatawa ka Harry, ganyan ba kaboring ang friendship niyo at pati kami ay kinaiinggitan niyo. And also just to give you a fact, kung may problema kami sa isa't isa, at least hindi namin kinukwento ang buhay ng kaibigan namin sa ibang tao." sabay tingin niya ng makahulugan kay Jasmine. 

Napaatras ang mga ito sa sinabi niya, bilang paalam ay nginitian niya ang mga ito. Ayaw niyang umabot sa puntong na magkakasiraan ang mga ito dahil sa nalaman niya, pero kung gusto ni Harry ng gulo, ibibigay niya ito sa ibang paraan. 


Natapos ang araw na iyon na hindi na muling pumasok si Joanna, mabuti na lang din at wala si Sir Carl kaya naka uwi sila nang maaga. Wala ulit Alas na nag-antay sa kaniya sa labas, napansin nila Issa na parang may inaasahan siya sa labas ng gate, pero walang naglakas loob magtanong sa kaniya. 

Matapos ang sinabi ni Harry kanina ay wala na ulit nagbalik ng usapan sa nangyari, noong lunch ay mas pinili nilang pag-usapan ang ilang gawain sa nalalapit na FBESS Month, minsan ay mas pinipili na lang nilang tumahimik. 

Kahit sa bahay ay napansin ng mga magulang niya ang pagiging tahimik . Ngunit tulad ng palaging ginagawa ng mga ito sa tuwing wala siyang imik, walang nagtanong sa kaniya. 

Naalala niya ang sinabi kanina ni Charlie, nagkakamali ito, hindi siya nagbago. Siya pa rin ito si Kristine na walang imik, na palaging tahimik, na sinasarili lang ang mga bagay na bumabagabag sa isip niya. Tapos na ang panandaliang pagkawala sa nakasanayan, ng dahil kay Alas ay nakalimutan niya kung ano nga ba ang ligtas, kung saan nga ba hindi siya maaaring masaktan. 

Ngunit, bakit kahit unti-unti niyang binabalik ang sarili sa dati, ay mas lalo lang siyang nasasaktan?

Ganito na ba talaga kalaki ang epekto ng binata sa sistema niya?

---------------------------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top