11
Nasa meeting sila ng araw na iyon para sa gaganaping FBESS month. Dahil patapos na rin ang January ay kailangan na nilang magmadali.
Off ang simula ng meeting na iyon para kay Kristine, Friday pa man din pero naiinis pa siya. Paano ba naman kasi ay napagalitan siya ni Sir Carlo kanina. Noong nag-start kasi sila ay nag-ingay ang cellphone niya, nakalimutan pala itong i-silent nila Issa matapos manood ng vlog kaninang lunch break.
Ang kinaiinis niya ay ang tingin ng grupo ng Events associate, matapos siyang sitahin ng adviser. Ayaw niyang patulan ang grupo ni Harry kahit alam niyang simula makita siya ng mga ito kasama si Alas ay doon na rin nagsimula ang mga tinginan nito sa kaniya.
Pinipilit niya na lang ignorahin ang mga ito at tinutuon na lang ang atensyon sa meeting. Maganda ang line-up ng activities ng STEP. Ngayon ay pinag-uusapan na lang nila kung sino sino ang maghahandle ng bawat events.
Ang tatlo niyang kaibigan ay parte ng Budget and Finance, si Joanna ang head nito at associate naman nito sila Issa at Angela. Alam niyang saksakan ng tamad ang mga ito kapag usaping events at ayaw na ayaw ng mga ito ang maghandle ng isang program, kaya hindi na siya nagtaka ng kunin ng mga ito ang pag-aayos ng tshirt printing.
Palihim siyang tumawa ng nakita niya ang ngiting tagumpay sa mukha ng mga kaibigan matapos ang meeting nila na wala kahit isa sa mga kaibigan niya ang naging head ng kahit isang activity, samantalang siya ay tatlo ang hahawakan. Ang isa ay siya talaga ang head committee, habang ang dalawa ay kanang kamay na naman siya ni Charlie.
"Nakakainis, ang daya niyo. Sana sinamahan niyo ako doon sa research forum for FBESS." reklamo niya sa mga ito.
"Sorry na teh, medyo mabigat din naman itong pa-tshirt ni mayor. Kailangan pa namin kolektahin yung bayad tsaka mag hanap ng pagawaan sa Divi. Sama ka na lang? hehehe." aya sa kaniya ni Joanna.
"Oo naman, doon na rin ako hahanap ng token for research forum ni Dr. Reyes."
"Kailangan pa ba nating dumaan sa faculty? Ang luho ni Sir Carl, gusto ko ng umuwi eh." tamad na sabi ni Angela. "Napagod ako sa pag-irap ni Mylene, ang laki ng galit ng ate mo ghorl"
"Kasi naman daw naging second choice si bakla dahil ayaw mong kunin yung Photoessay making contest." natatawang sagot ni Joanna rito.
"Mars, stress yun. Si Charlie naman kasi maka-turo kanina parang ewan." asar pa nitong sagot.
"Hayaan mo na, daanan na lang natin sandali sa faculty. Naroon na yata sila eh."
Paglabas ng rest room ay dumiretso na sila ng faculty, pero sa tapat pa lang ng talipapa ay nakasalubong na nila na pababa sila Harry.
"Nakaalis na raw si sir, 7 pm na rin kasi. Binigay daw sa president ng II-9 yung gagawin natin. Sa Tuesday ipapasa." informed nito sa kanila.
"Hala, teka may klase ba sa tuesday 'di ba laban ng PNU basketball team yun sa TUP?" gulat na tanong ni Issa sa mga ito. Kanina pa tahimik ang kaibigan, pero kapag gala talaga ay lumalakas ang energy nito.
"Duh, Issa hindi ka ba informed na hindi naman big event iyon? At hindi ka rin naman taga IPHERDS." mataray na sagot ni Harry dito. Naramdaman niyang nagulat ang mga kaibigan sa inasta ng ka-blockmate.
"Duh, Harry hindi ka rin ba na-informed na gusto kong manood at wala kang paki? Arte nito. Salamat sa info, tara na nga mga mars." mabilis na naglakad ang kaibigan patalikod. Gusto pa sanang magsalita ni Angela pero inawat niya na lang din ito.
Nang makalabas ay malakas na nagpapadyak si Issa sa inis.
"Ampucha, kung hindi lang talaga labag sa values uphold ng major natin ang manapak ng ka-blockmate, inuna ko na si Harry sa listahan eh. Nakakainis." asar na sabi nito sa kanila.
"Kung hindi lang umawat si Tine kanina, sinagot ko na talaga iyon eh. Hindi ko alam kung anong sumanib doon at nagka ganon 'yun." dagdag ni Angela dito.
Gusto niyang pakalmahin ang mga kaibigan bago umuwi, ramdam niyang naghahalo ang inis at pagod sa mga sistema ng mga ito.
"Gusto niyong kumain? Ice cream muna tayo?" aya niya sa mga ito. Kasalukuyan silang nasa tapat ng pedestrian at inaantay na mag green light.
"Tara? Ka-stress eh, Friday naman. Hirap pa bumyahe rush hour, palipas muna tayo." pag-segunda ni Joanna sa kaniya.
"Sige tara, pampatagal inis. Saan tayo?" tanong ni Issa.
"7/11 o SM?"
Hindi alam ni Kristine kung siya lamang ang nakapansin sa pagbabago ng reaksyon ni Joanna noong mabanggit ang 7/11. May hindi ba silang alam magkakaibigan?
"7/11 na lang? O gusto niyo subukan natin yung shake doon sa gilid ng printan sa may San Mar? Sabi nila masarap daw iyon eh." pag-kwento ni Angela.
Nang mapansin siya ni Joanna ay mabilis na ngumiti ito sa kaniya, pinili niya na lang ignorahin dahil alam niya kung may sasabihin ito, ay magkukwento naman ang dalaga.
"Sige tara."
Agad silang tumawid pagstop ng mga sasakyan at naglakad sa kahabaan ng kalsada sa tapat ng TUP.
"Paano tayo makakanood ng laro ng basketball sa Tuesday kung may ipapagawa si sir Carl, akala ko pa naman pwedeng umabsent." nanghihinayang na kwento ni Issa.
Gustong gusto talaga manood ng kaibigan dahil maglalaro rin ang pinsan nito na basketball player ng PNU. Siya man ay gusto rin makapanood dahil game iyon nila Alas laban sa university nila.
"Ganoon din naman nangyari last year 'di ba, hindi rin binigyan ng free time ang ibang students. Nakadepende talaga sa schedule nila, matigas ka lang noon kaya nag-cutting ka eh." pang bubuko ni Angela sa kaibigan.
"Okay lang, worth it kaya try niyo, daming gwapo sa TUP eh." malakas na tawa nito, nakalimutan yata ng kaibigan na nasa tapat nila ang university na sinasabi at ang dami pa nilang nakakasalubong na estudyante mula rito.
"Shhh, mars hinaan mo naman boses mo nakakahiya, ang daming nakatingin." sita ni Joanna rito.
"Oo nga teh, tignan mo may magsasalita na naman diyan." birong pagpaparinig niya kay Angela.
"Bakit, wala pa kong sinasabing grayhams ha." maang-maangan na asar nito. At sinundan nang malakas na tawa. Dahil dito ay nakakuha sila ng atensyon mula sa ibang estudyanteng naglalakad.
Ito na nga ba ang sinasabi niya eh, kapag talaga nadaan sila sa lugar kung saan maraming TUP students ay inaasar ito ni Angela.
"Huy teh nakakahiya na talaga kayo ni Issa." natatawang awat ni Joanna rito.
"Ang hilig nila sa matatamis 'no? Grayhams tapos puto." dagdag pa ni Angela.
Natawa naman silang tatlo sa sinabi nito, kahit kailan talaga ay ang weird ng sense of humor nilang magkakaibigan.
Binilisan naman nila ang lakad dahil madilim na rin noong oras na iyon, nabalita pa naman na may naholdap na estudyante sa kalsadang iyon dahil madilim. Ang sabi ni Mayor ay palalagyan daw ng ilaw pero hindi naman nila alam kung kailan.
Isa ito sa panganib na hinaharap ng mga estudyante sa lugar nila kapag gabi. Madalas kasi na ang mga dinadaanan ng mga estudyante ay walang ilaw o hindi naman kaya ay pundido ang ilaw sa poste. Tulad na lang sa kahabaan ng Sta. Isabel at Adamson, marami pa namang tumatambay at naglalakad doon, pero wala ring ilaw.
Narating naman nila nang matiwasay ang tindahan ng shake na sinasabi ni Angela, may ilang mga estudyante sa loob nito dahil computer shop din pala ang lugar na iyon.
Pansamantala silang tumigil sa gilid nito, may isang mahabang upuan kasi na nakalagay doon para siguro sa mga nag-aantay na customers.
"Bakit walang gan'to sa loob ng pamantasan? Nagsasawa na ko sa lemonade minsan eh." sabi ni Angela sa tabi niya.
"Nagsasawa, paano ba naman inaaraw araw mo." sagot ni Issa sa tabi nito. "Lemonade na nga ata dumadaloy sa dugo mo eh."
Natawa naman sila sa pang-aasar nito, "Okay lang, sa'yo nga 3 in 1 na kape, yak so cheap." ganting asar nito sa kaibigan.
"Walang pambili ng starbucks? So cheap." dugtong pa ni Joanna sa kanan niya.
"Duh, I can buy coffee kaya sa starbucks, it's so malayo lang." maarteng pagpatol ni Issa sa pang-aasar ng dalawa.
"Whaaa(t)? Wha are ya seying?" with matching rolling eyes pa na sagot ni Angela.
Natatawa na lang siya sa kalokohan ng mga kaibigan. Isa ito sa mga tagpo kung saan nagpapaka conyo ang mga ito habang nag-aasaran, ramdam naman niya kahit papaano na nawala na ang inis sa mga katawan ng mga ito dahil sa nangyari kanina.
"Pero maiba tayo, sino ba kasi yung nag-text sa'yo kanina at naingay yang cellphone mo?" curious na sabi ni Joanna.
"Ay oo nga, teka hindi ko na-check eh." kinuha niya sa bag ang cellphone at tinignan ang notifications dito.
"Ay teh, textmate na sila ni Alas shet" eksaheradang sabi ni Angela na talagang tinignan ang cellphone niya. "Iba rin, improving dati chat chat lang ah."
"Baliw, hindi. Ano lang basta, ang oa mo na naman Angela Marie ha." natatawang tulak niya sa mukha nito.
"Weh, di kami tumatanggap ng basta. Bakit magkatext na kayo aber?" usisa ng kaibigan sa tabi niya.
Noong Thursday night pa talaga iyon nagsimula, kinuha ni Alas ang number niya matapos nitong magpunta sa bahay nila ng bandang alas-nuwebe ng gabi. Hindi niya iyon inaasahan, ang alam niya nga ay nakauwi na dapat ito matapos kumain kasama sila Marco.
Ngunit nagulat na lang siya ng tawagin siya ng kuya niya mula sa kwarto, nagsusulat pa siya ng notes ng pumasok ito. May naghahanap daw sa kaniya sa labas, wala naman siyang naisip na maaaring pumunta rito dahil hindi naman alam nila Joanna ang bahay niya, maliban na lang sa isang tao. At hindi nga siya nagkamali nang makita niya si Alas sa tapat ng bahay nila kausap ang papa niya.
Sobra ang kabang naramdaman niya noong mga oras na iyon, mabuti na lang at wala naman itong sinabi. Inalok ng papa niyang pumasok si Alas sa loob ng bahay nila pero mabilis itong tumanggi, nagpunta lang daw talaga ito para ihatid ang biniling pagkain.
Pinagalitan niya ito dahil hindi naman sinabi ng binata na pupunta ito sa kanila ng ganoong oras, siya pa ang sinisi nito dahil siya raw ang nagsabi na namimiss niya ang mami na tinda ni Mang Boy.
Aaminin niya natuwa siya sa ginawa ng binata, ang totoo ay kinikilig siya ng mga oras na iyon. Gusto niya sanang ihatid ito hanggang sa sakayan ng tricycle pero mabilis na tumanggi ang binata at pinagalitan pa siya. Bago ito umalis ng bahay nila ay hiningi nito ang number niya, ang hirap daw kasi niyang kontakin lalo na kapag naka offline ang dalaga.
Doon niya lang din nalaman na nag-chat pala si Alas, pero dahil naka-off ang data niya, ay hindi niya ito nabasa. Nagulat na lang siya ng tumawag ang binata sa kaniya, wala pang sampung minutong nakakaalis ito sa bahay nila.
"Tapos iyon, magkausap lang kami noong gabi." pigil ngiting niyang kwento sa mga kaibigan.
"Teka lang ha teka lang, ibig sabihin as in buong gabi magkausap kayo?" overacting na sabi ni Issa.
"Syempre ano -- ah hindi, mga hanggang past 11?" hindi siguradong sagot niya. Halos parang naipit naman ang mga kaibigan niya sa kilig. "Huy, nakakahiya kayo. Pinagtitinginan na tayo oh. Tara na nga para kayong mga bulate sa ginagawa niyo eh."
Tumayo na siya para sana umalis, pinagtitinginan na rin kasi sila ng mga tao doon dahil sa ingay ng tawa ng mga kaibigan niya lalo na si Issa.
"Eh kasi naman mars, yung kwento mo nakakagrabe lang."
"Para kayong mga baliw, magkausap lang kami kagabi anong nakakagrabe doon?"
"Ah ewan ko sayo mars, well enjoy mo lang iyan. Happy kami for you ha." masayang sabi ni Joanna sa kaniya.
"So paano 'yan hindi ka makakanood ng laro ni Alas sa tuesday? First time mo sanang pumasok ng university nila pag nagkataon." pagbalik usapan ni Issa sa laro sa tuesday.
"Hindi naman ako nagsabi na manonood ako, tsaka nahihiya rin akong pumasok ng university nila." pag-amin niya sa mga ito. Hindi pa naman talaga siya inaaya ni Alas na manood ng game nito sa Tuesday, ayaw niya naman na sa kaniya iyon manggaling.
"Ano ka ba teh, syempre aayain ka non. Noong friendly match nga lang nila sa RTU, gigil na gigil na si kuya mo sa paglaro dahil naroon ka."
"Sira, ang sabihin mo malisyoso lang talaga kayo."
"Asus, kunwari 'di kinikilig. Girlfriend duty ka no'n mars, in fairness." pang-aasar ng mga ito sa kaniya.
Tinawanan niya na lang ito dahil kahit anong sabihin niya ay mang-aasar pa rin ang mga ito. Ang iniisip niya ay paano sasabihin kay Alas kung sakaling ayain siya nito. Alam niyang susuportahan siya ng mga kaibigan pero ayaw niya rin naman na umabsent sa klase para lang sa ganoong bagay.
Hindi si Kristine ang tipo ng estudyante na magde-decide na lang ng basta basta without weighing the possibility of the consequences. Hindi rin niya hilig ang pag-cutting, mas binibigyan niya ng importansya ang pag-aaral niya dahil hindi rin naman sila mayaman, at pressure pa na nakatapos na ang mga kapatid niya.
Ganoon din naman ang mga kaibigan nila, kaya lang ay maloko talaga si Issa at Angela kapag dating sa attendance. Pero madalas naman ay valid ang reasons ng mga ito.
Naghiwalay silang magkakaibigan sa tapat ng Sta Isabel, iba-iba kasi sila ng uuwian. Nag-antay naman siya ng dadaan na UV. Hinihiling niya na sana ay may dumaan pang UV sa oras na iyon.
Sampung minuto din ang inantay niya bago may humintong UV galing Lawton. Agad naman siyang sumakay, pero nagulat siya nang makita si Alas sa tabi ng pintuan sa likod ng sasakyan. Pareho pa silang nagulat ng makita ang isa't isa.
"'Di ba dapat kaninang 5 pm ang labas mo?" bati sa kaniya nito. "Almost 8 pm na ah, bakit ngayon ka pa lang uuwi?" ramdam niya ang seryoso sa tono nito.
"May meeting kami kanina, late na natapos eh. Then dumaan kami sa Sanmar nila Issa." mahinang paliwanag niya rito. Nakaidlip kasi ang mga tao sa sasakyan at baka maistorbo ito ng boses nila.
"Sana nagsabi ka, hindi ka sumasagot sa texts eh." nahihimigan niya ang tampo sa boses nito.
"Eh? Hindi ko rin napansin. Gamit ko kasi sa minutes of the meeting yung cellphone tapos nasa labas kami kumain nila Issa kaya hindi ko rin nabuksan." paliwanag niya rito. "Katatapos lang ng practice niyo?"
"Oo, whole day din iyon dahil seryoso si coach na matalo ang university niyo, advance sorry ah." birong sagot nito sa kaniya.
"Nako 'pag narinig ka ni Issa lagot ka, pinsan pa naman niya yung isa sa player ng PNU."
"Oh? Eh 'di manonood kayo sa Tuesday? Huy, nood ka ah, dapat nandoon ka." Ito na nga ang sinasabi niya, paano niya tatanggihan ang ganyang mukha?
"Bakit? Ah may klase ka nga pala." mahinang wika nito.
"Sorry, 'di kasi pang whole university yung special power kapag SCUAA."
"Ay's lang, nakanood ka naman nung game namin sa RTU." ramdam niya pa rin ang lungkot sa boses nito.
"Bawi na lang ako, kapag nanalo kayo lilibre kita ng mami kaila Mang Boy." suhol niya rito.
"Sure ka ba? University niyo kaya kalaban namin tapos gusto mo ako manalo?" takang tanong nito sa kaniya.
"H'wag ka na lang maingay kay Issa." mahina ngunit natatawang sagot niya rito.
Ngumiti lamang si Alas sa kaniya, at tsaka ito tumango.
"Sige, sabi mo 'yan eh. Asahan ko yung libre mo ah."
Nang makarating siya sa kanto kung saan siya baba, ay inaya siya ni Alas na kumain muna dahil pasado hapunan na rin ng oras na iyon. Pero tumanggi siya dahil hindi siya nakapagpaalam na sobrang late siyang makakauwi.
"Hatid na lang kaya kita?" alok pa nito sa kaniya.
"Hindi na, tignan mo oh." hawak nito sa noo ng binata. "Mukhang pagod ka na, umuwi ka na agad para makapag pahinga."
"Ayaw mo talaga?" nagpuppy eyes pa ang binata, natawa naman siya sa pagpapa-cute nito.
"H'wag na talaga, mag tricycle naman ako."
"Sabi mo eh."
Hinatid na lang siya nito hanggang sa sakayan ng tricycle.
"Hmm, anong oras pala start ng game niyo sa Tuesday?" tanong niya dito bago sumakay ng tricycle.
"Hapon, mga 3 siguro?"
"Hmm, sige. Goodluck ah, galingan mo." nahihiyang aya niya rito.
"Teka, ba't mo natanong?"
"Wala lang, sige na ingat ka pauwi." mabilis siyang pumasok ng tricycle para hindi na makapagtanong ang binata.
Naisip niya kasi na 3 pa naman ang klase nila kay Sir Carl sa araw na iyon, dadaanan niya na lang ito bago ang laro ng binata. Nakita niya kasi na gusto talaga ni Alas na manood siya ng game nito, pero hindi lang siya ng pinilit ng binata dahil ayaw din nito sa idea ng pagcu-cutting.
That's also another reason for her to admire Alas, hindi ito yung katulad ng ibang lalaki na pabaya or pa-chillax sa pag aaral. May times man na nauubos ang oras nito at ng mga kaibigan sa paglalaro ng online games, sinisigurado naman nito na tapos na ang requirements nilang magkakaibigan o hindi kaya ay makakapagpasa sila.
"Is that the Manila Cathedral?" Kristine asked while looking at the drawing posted in Alas wall. Kasalukuyan silang magka video call ng binata, may kailangan daw kasing tapusin ang binata na drawing para sa klase nito bukas, at nag-offer siyang samahan ito dahil hindi pa naman siya inaantok at wala naman siyang kailangan gawin kinabukasan.
"Yep, diyan ko gustong ikasal balang araw eh." nahihiyang kwento ng binata.
She looked at Alas for a minute, she never heard a guy's dream wedding, madalas kasi ay ang mga babae ang tinatanong kung saan nito gustong ikasal or kung ano ang dream wedding nito.
"Sorry, nakakahiya. Dapat pala inalis ko muna." kamot ulong sabi nito. Napansin siguro nito ang pagtahimik niya,
"No haha, sorry. Ang ganda ng drawing mo, it looks real. Parang gusto ko na tuloy diyan ikasal haha." bigla naman siyang nagulat sa sarili, kung ano ano ang pinagsasabi niya.
"Talaga? Church wedding ang gusto mo?" tanong ng binata sa kaniya.
"Hmm, oo. Naalala ko kasi yung lesson namin sa family life, iba ang vibe kapag si Lord yung kaharap mo kapag ikakasal ka sa taong mahal mo. Ikaw ba?"
Nagulat siya ng nakatingin lang sa kaniya ang binata, they are just facing each other using a phone but hell, Kristine feel that Alas is just an inch away from her. Parang nasa loob lang ito ng kwarto niya.
"If I will be ask, gusto kong ikasal sa simbahan na 'yan" sabay tingin nito sa drawing na nasa likod. "But, it will still be the best moment of my life kahit pa saan basta kasama ko yung taong mahal ko at yung taong gusto kong makasama hangga't buhay ako." sabay tingin sa kaniya ng binata.
Kristine saw something different sa mga mata nito. But she can't figure out what it is. Ilang minutong natahimik ang dalawa.
"Hmm, hindi ka pa ba matutulog?" Alas asked her after the long moment of silence.
"Paano ka? Hindi ka ba makakatulog niyan?" alala niyang tanong rito.
"Hindi siguro, pero kasi baka gusto mo ng matulog. Ayos lang naman ako." he smiled at her.
"Okay pa naman ako, gagawin ko na lang din yung notes ko for next meeting para masamahan na rin kita" ngumiti naman siya ng pabalik sa binata.
If there's another person in that room watching the two of them, it will be easier to determine that there's something going on. Isang bagay na parehong nararamdaman ng dalawang tao pero wala isa sa mga ito ang makasasatitig ng mga bagay na kanilang nararamdaman.
Wala na muling nagsalita sa kanila, patuloy ang takbo ng video call. Siya habang nagsusulat, at si Alas habang nagdadrawing. Minsan ay titignan nila ang isa't isa, ngingiti habang nakatingin sa isa.
There are no words coming in their mouth, but you can hear the sounds of their heart.
---------------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top