10




Nagmamadali si Kristine na nag-ayos ng gamit at lumabas ng silid, 15 minutes na lang bago mag 6 AM ng umaga, maabutan siya nang dami ng tao sa sakayan ng UV.

Late na rin kasi sila natapos kagabi. Lalo na sila nila Charlie, kinailangan pa kasi nilang siguraduhin na naka-labas ang lahat ng TUP students na-assigned sa kanila.

Naunang makauwi sila Joanna kagabi, siya at si Charlie ay bumalik pa ng office ni Sir Carlo para mag-report ng nangyari sa araw na iyon. Pag-uwi ay sinabayan siya ni Alas, nag-antay ito sa labas ng gate ng PNU, nauna kasi itong lumabas kasama nila Marco.

Nakausap din niya si Sir De Jesus kagabi, nag-sorry pa ito sa nangyari sa labas ng gym.

Naisip niya si Alas, maaga rin ang klase nito kapag Monday at Thursday, pero mukhang hindi pa ito gising dahil hindi pa ito online kanina. Binilisan niya na ang kilos at hindi na siya nag-abala kumain dahil nasa labas na ang mama niya at sasabay siya rito ngayong araw.

Pagdating sa sakayan ng UV ay hindi nga siya nagkamali at mahaba haba na rin ang pila, mabuti na lang at marami rin ang babyahe na UV. Habang nakapila ay nagbukas muna siya ng cellphone upang i-check kung online na ang binata.

Hindi pa rin ito nagbubukas kaya nag-iwan na lang siya ng mensahe. Naalala niyang nakalimutan niyang ibalik ang inuminan sa binata. Kagabi kasi ay ginamit nila ito at nilagay niya sa loob ng bag ang inuminan, kaya lang, nakalimutan niyang i-check kagabi ang bag bago ito umalis. Hinatid pa siya ni Alas sa tapat ng bahay nila pero hindi naalala ang gamit nito.

Mabuti na lang at tulog na ang mga tao sa bahay nila ng oras na iyon, maliban na lang sa kuya niya na naabutan niya kagabi na gumagawa ng lesson plan. Tinanong lang siya nito kung kumain na ba siya at hindi naman nag-usisa kung sino ang naghatid sa kaniya sa labas.

Kaunti pa lang ang tao sa klase nila nang makapasok siya, 15 minutes na lang ay 7 na. Mabuti na lang at hindi gaanong traffic ngayon. Wala pa sila Joanna, sigurado ay pagod din ito kagabi. Sumama rin kasi ang mga ito na magligpit kagabi bago naunang umuwi.

Hindi niya naman inasahan na lalapit sa kaniya ang isa niyang ka-blockmate.

"Good morning Kristine, kumusta event kagabi?" tanong nito.

"Okay lang, hindi ba kayo nanonood?"

"Nandoon kami, ang ingay nga nila Joanna sa pwesto namin kahapon. Saan ka ba kahapon?" hindi niya alam kung siya lang ba pero may iba sa tono ng pagtatanong nito.

"Ah. May assigned na trabaho sa'min ni Charlie kahapon kaya wala kami sa area ng PNU."

"Oh, kaya pala." batid niyang may gusto talaga itong ipahiwatig. 

"Bakit, anong kaya pala?"

"Kaya pala sa kabila ka namin nakita. Ikaw ha, infairness ang gwapo nga naman ng star player ng TUP" nakangiting wika nito at bumalik na sa pwesto. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pang-aasar nito o maiinis. Ngunit, ang pinaka naisip niya ng mga oras na iyon, marami ang nakakita sa kanila ni Alas. 

Mabuti na lang at late rin yata si Madam sa araw na iyon kaya nakapasok pa sa klase sila Issa, akala niya nga ay hindi makakapasok si Angela pero kasabay ito ng professor nilang dumating.

Binati niya lang ang mga kaibigan, halata niyang antok pa ang mga ito, miski siya ay ganoon din. Pero hindi nila pwedeng hindi pasukan ang subject nila sa Curriculum.

Dahil Thursday, maaga rin ang break nila. At pare-parehong gutom, pinili nilang kumain sa labas.

"Sure kayo na ayaw niyo ulit don sa tapsihan? Masarap naman 'di ba, tapos mura yung extra rice." aya ni Angela sa may kainan malapit sa Adamson.

"Oo nga mars, kaya lang maraming tao doon 'pag ganitong oras 'di ba? Baka wala tayong mapwestuhan." sagot ni Joanna rito.

"Huy, agree ako kay 'Gel. Gutom talaga ako at hindi ako sure kung mabubusog ako sa mcdo." sago naman ni Issa. Sinabi niya kasi kanina na sa Mcdo na lang sila kumain dahil tipid din naman ang chicken fillet doon.

"Ano Tine?" tingin sa kaniya ni Joanna.

"Kayo bahala. Saan ba gusto niyo?" binalik niya lang ang tanong sa mga kaibigan.

"Tara Mang Rudy na." madrama pang sabi ni Angela.

Wala naman siyang nagawa kundi sumunod na lang din sa mga ito.

Pagdating doon ay hindi nga siya nagkamali at marami ngang tao sa tapsihan. Tulad nung unang beses nila doon, si Angela at Issa ulit ang nag-order habang sila ni Joanna ang naghanap ng pwesto. Mabilis na pumwesto si Joanna sa tagong bahagi ng tapsihan, may bintilador kasi sa parte na iyon na nakatutok pa sa lamesa.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?" panimula ni Joanna matapos nilang makaupo.

"11 na ata? Kaunti na lang yung UV na pabyaheng FTI eh." kwento niya rito.

"Kasabay mo si Alas umuwi?"

"Oo, doon lang siya nakatira sa tenement malapit sa FTI."

"Kumusta?"

"What do you mean kumusta?" takang tanong niya sa kaibigan.

"Well, kung hindi mo lang ho alam ma'am, nakarating na ho sa buong Values major ang tsismis na hindi naman si Charlie ang kasama mo the whole event." balita nito sa kaniya.

Naalala niya tuloy ang tanong ng blockmate niya kanina.

"Sabi na eh, kaya pala kung makatanong si Jamaica kanina."

"Ha, ba't anong sabi?" curious na tanong nito sa kaniya. Palapit naman si Angela dala dala ang tray ng pagkain nila.

"Ayan teh, may pork na sila." sabay lapag nito sa pagkain sa harap nila.

"Thanks teh, ako na kukuha ng kutsara't tinidor." prisinta niya sa mga ito.

"Okay na mars, kumuha na si Issa." sakto naman ang pagdating ng kaibigan.

"Napakagaling naman teacher, thanks mga mars." bati niya sa mga ito.

"Ako lang ba o masaya talaga si Tine ngayon?" ganting bati ni Issa sa kaniya.

"Anong ngayon lang, kahapon pa kamo. Dalaga na nga 'di ba." datong ni Angela na katabi ni Issa.

"Para kayong ewan dalawa, sige 'di na ko magte-thank you ulit." nangingiting sagot niya sa mga ito.

Tumawa naman si Joanna sa tabi niya dahil sa sinabi ng mga kaibigan, "Ayan nahiya tuloy, h'wag niyong binabati." nakidatong pa ito sa pang-aasar sa kaniya.

"Ewan ko sa inyo, para kayong mga sira. Kumain na nga tayo." paglihis niya sa pang-aasar ng mga ito.

Nagsimula na ring kumain ang mga kaibigan niya. Habang kumakain ay pinag-usapan nila ang mga nangyari kagabi.

"Tingin ko talaga mananalo yung pambato ng TUP sa Mr. and Ms. SCUAA, ang ganda ng ginawa kagabi eh." pagkwento ni Issa.

Muli ay naalala niya kung paano wala lang kay Alas na makita ang babae sa stage kagabi. Busy ito buong oras sa paglalaro sa cellphone, nainis pa ito nang matalo sila dahil sa pabuhat daw si Marco. Natatawa siya dahil nai-imagine niya ulit ang harutan ng tatlo sa tabi niya kagabi.

"Ay teh, nabaliw na." napabalik naman siya ng mapansin na nakatingin ang mga kaibigan sa kaniya. "Nangiti ka diyan?" Dagdag ni Issa.

Natatawang umiling siya sa mga ito, "Ha, wala. May naalala lang, ano ulit pinag uusapan natin?"

"Wala raw pero mukhang kinikilig ka na diyan, kwento mo naman mars." nagtatampong wika ni Angela sa harap nila. 

"Wala naalala ko lang habang rumarampa kasi yung mga contestants kagabi sa SCUAA, naghaharutan sila Marco sa tabi ko. Mga hindi nanonood." natatawang paliwanag niya.

"Hehe, anong nakakakilig doon mars?" naguguluhang tanong ni Angela.

"Ano ba kayo, hindi siya doon kinikilig. Doon sa hindi naman interesado si Alas kahit magaganda ang nasa stage." sagot ni Joanna sa mga ito. "'Di ba mars?"

"Hoy, grabe ka, hindi kaya. Kahit kayo yung kasama nila kagabi matatawa rin kayo." tanggi niya pa rito.

"Kita naman namin oh, hanggang ngayon ay natatawa ka pa rin." pang asar sa kaniya ni Issa.

"Nakakainis kayo, promise hindi iyon ang dahilan." baling niya sa katabing kaibigan. "Ikaw maissue ka eh."

"Huy mars, nako kung nakikita mo yung sarili mo kahapon baka sabihin mong nagsasabi ako ng totoo. Hala, yung mga tawa at ngiti mo kahapon kasama si Alas, first time 'yon." hinarap siya ni Joanna. "Don't get me wrong mars, masaya ka kapag kami yung kasama mo or kapag naglolokohan tayo, pero yung saya mo kahapon? Bago iyon, hindi ko ma-explain eh." dagdag pa nito.

"Truth mars, kulang na lang kaya bumili ako ng popcorn kagabi habang pinapanood kayo ni Alas. Buti na lang talaga at tanaw kayo mula sa area namin kung hindi, makakatanggi ka talaga. Kaso kitang kita namin eh" natatawang sang-ayon ni Angela.

"Mga tsismosa kayo ng taon. Masaya lang talagang kasama yung tao." sagot niya rito at tinuon ang tingin sa paubos ng pagkain. "We're just friends, nothing more nothing less. Alam naman natin kung saan lang palagi."

Natahimik ang mga kasama niya dahil sa binitiwan niyang salita.

"Alam mo teh, minsan okay lang mag risk. May chances na masaktan ka pero madalas worth it. Try mo lang." sambit ni Issa sa harapan niya.

Tumango lang ang mga kasama niya sa tinuran ng kaibigan. Dahil mas nauna siyang natapos sa mga ito at nagku- kwentuhan pa habang kumakain, nag-check muna siya ng cellphone.

3 messages from Alas.

The first two are just a informing her na late ito nagising at second class na ang napasukan ng binata. The other one is a message asking kung kumain na ba siya.

Mabilis naman siyang nag-type ng sagot dito.

"Katatapos lang, nasa tapsihan kami nila Joanna. Ikaw?" chat niya rito.

Hindi online ang binata kaya tinabi niya na lang ulit ang cellphone. Timing naman na tapos na rin ang mga kaibigan kumain. Dahil parami nang parami ang tao, nag-aya na siyang bumalik ng pamantasan, isa pa ay mas tumindi ang init dahil tanghaling tapat na.

"May payong ba kayo? Grabe init eh." nagpupunas na tanong ni Angela. "Iba yung araw, nakaka hulas ng ganda hahahhaa."

Naglabas naman siya ng payong at inabot sa kaibigan. Nagpunas din siya ng pawis kaya naalala niya ang towel ni Alas na nasa bahay. Nakalimutan niya itong labhan kagabi dahil sa pagod, siguro ay bukas na lang niya ibabalik kapag laba niya mamaya.

Sa pagkakatanda niya ng schedule ng binata base sa mga kwento nito, dapat ay kasabay niya ito ng breaktime. Hindi sila tugma ng schedule kapag Tuesday at Friday dahil 6 pm ang uwian nito habang 5 pm naman ang kaniya.

Alam niya lang iyon dahil nakwento sa kaniya minsan ng binata. 12:30 na ng makabalik sila ng PNU. Sa second floor ng MB ang klase nila, dahil pagod at nainitan sa labas, nagpahinga muna sila sa catwalk.

Sandali lang at nagdecide na rin silang pumanik. Naabutan nila ang ilang blockmates na nasa labas ng room kung saan ang next subject nila, may nagkaklase pa kasi sa loob.

Hindi naman nakaligtas sa kaniya ang mga tingin nila Harry, kita rin iyon nila Joanna kaya mabilis niyang iniwas ang mga kaibigan. Inabala niya na lang ang sarili sa pagsagot sa chat ni Alas.

Ngayon pa lang daw ito kakain, nag-extend daw kasi ang prof nila sa second subject. Online naman ang binata kaya mabilis itong nakasagot sa kaniya.

Alas Mercado: 3 pa ang uwian mo diba? 

"Oo, bakit?" Hindi man alam kung para saan ang pagtatanong ng binata ay sumagot na lamang siya rito. 

Alas Mercado: Wala lang, ingat ka sa pag-uwi ha. Sayang at hindi ako makakasabay dahil may practice kami ng basketball

"Ayos lang baliw. Goodluck sa practice ah, sige nandito na prof namin. Ingat din sa pag-uwi mamaya." paalam niyang chat dito. 

Hindi niya na inantay makasagot ang binata at pinatay na ang data ng cellphone.

Naabutan ni Kristine na wala pa ang mga tao sa bahay nila nang makauwi siya. Dumiretso lang siya ng kwarto matapos i-lock ang pintuan sa labas.

Dahil walang masyadong gagawin ay pinili niyang umidlip muna.

Pasado alas-siyete na ng gabi ng magising siya, maingay na sa sala nila kaya alam niyang naroon na ang mga magulang niya.

Chineck niya muna ang cellphone, marami sa mga chat ay galing kay Alas, at dalawa naman dito ay galing kay Joanna.

Una niyang binuksan ang chat ng binata, nag-send ito ng pictures. Ang isa ay kuha ng court ng TUP at ang isa ay mukha nito na naka sad face. Nag-react siya dito ng haha dahil ang cute lang ng binata kahit halatang pagod na.

May isa pa itong picture na sinend, pero halatang hindi na ito ang kumuha. Picture iyon ni Alas habang nakangiting nakatingin lang sa court habang nagpupunas ng pawis, napansin niyang ang towel niya ang gamit nito. Hindi ba nito nilabhan ang towel niya?

Sa ilalim ng picture ay message na mukhang galing kay Marco, "Hello Kristine, grabe ang gwapo ni Master 'di ba? -Poging team captain."

Ginalaw siguro nila Marco ang cellphone ng binata, nagreact lang din siya ng haha sa chat na iyon ng kaibigan ni Alas. Dahil offline ulit ito, nag-iwan siya muli ng mensahe.

"Sorry, nakatulog ako. Kumusta practice? Nakauwi ka na ba?"

Matapos ito ay lumabas siya ng silid para batiin ang magulang.

"Ano ulam ma?" nakangiting bati niya sa ina na nasa kusina.

"Pakbet, request ni papa mo. Kumusta? Ang ganda ng ngiti natin ah." she wasn't expecting na pati ang mama niya ay mapapansin ang mga ngiti niya.

Napatingin naman siya sa papasok niyang kuya sa kusina, "Ano ka ma, kagabi pa ganyan ngiti niyan. Akala mo nga nakipag date eh." pang asar na gatong nito sa sinabi ng mama nila.

"Sinong nakipag date?" Sigaw ng papa niya mula sa sala.

"Wala pa, si kuya nang-aasar na naman." sumbong na sigaw niya rito.

"Sumbong ka pa, kapag ikaw sinumbong ko na may naghahatid sayo sa labas, tignan mo." napatigil siya sa sinabi nito. "Oh ano ka ngayon."

"Tama na Kino, kapag narinig ka ng papa mo, ikaw pagagalitan no'n." awat ng mama nito sa kanila. "At ikaw, sino ang naghahatid sayo?"

Kinakabahan naman siyang tumingin sa ina, "Wala iyon ma, kaibigan ko po. Ma-issue lang 'yan si Kuya." pinaningkitan niya na lang ng mata ang kapatid. Kahit kailan talaga ay maingay ang kuya niya. 

Ngumiti lang ang kaniyang ina sa kaniya. Para makaiwas sa pang-aasar ng kapatid, nagpaalam siya sa mga ito na babalik sa kwarto.

Binalikan niya ang cellphone sa ibabaw ng kama, may chat na roon si Alas.

Alas Mercado: Pauwi pa lang *attached picture of him with Marco and Isaac*. 

Alas Mercado: Ginagawa mo?

Napansin niyan online ito kaya agad siyang nag-reply.

"Wala naman gaano. Ingat kayo ha, say hello to Isaac and Marco from me."

Ilang sandali pa ay nagsend ito ulit ng picture ni Marco at Isaac na nakangiti, pansin niyang kuha ito sa loob ng SM Manila.

Alas Mercado: SM pa kami, bibili lang ng drawing materials. Kumain ka na?

"Hmm, hindi pa mamaya siguro. Kayo ba nila Marco?"

Alas Mercado: Hindi pa rin, katatapos lang ng practice pero baka kumain kami sa mamihan, gusto mo sumama? 

Pag-aya nito sa kaniya. Gusto niya man ay hindi niya alam ano ang ipapaalam sa magulang para lumabas.

"Kayo na lang siguro, baka 'di na ako payagan eh. Say Hi na lang to Mang Boy, sabihin mo miss ko na yung tinda niyang mami. Enjoy kayo nila Marco."

Alas Mercado: Sige, salamat. Ay yung towel mo pala, nagamit ko ulit. Nilabhan na iyon ni mama kagabi pagka-uwi ko kasama yung jersey kaya lang ginamit ko ulit kanina eh.

Pag open nito ng panibagong topic. Muli ay nagsend ito ng picture na may hawak na drawing papers.

"Ayos lang, hindi ko pa nga nalalabhan yung iyo eh. New plates?" 

Alas Mercado: Yep, next week deadline. Yung inuminan ko rin naman na sa iyo 'di ba?

"Oo, sorry haha. Nakalimutan ko kagabi kunin sa bag eh, ikaw kasi parang ayaw mong bawiin 'yung mga gamit mo kagabi." tukoy niya sa mga gamit nito na suot niya kahapon.

Muntik na talagang hindi ito kunin ng binata, kung hindi lang nagronda si Sir De Jesus noong bandang patapos na ay hindi nito mamalayan na wala itong suot na ID.

Alas Mercado: Bagay kasi sa iyo, ang cute kaya nung combination ng lanyard ko at nung sa'yo habang suot mo kahapon. 

Namula ang mukha niya habang binabasa ang chat ng binata. Naalala niya rin ang pakiramdam habang suot ang lanyard ng binata, iba ang hatid noon sa kaniya. 

"Ewan ko sa'yo, pinagsasabi mo na naman Alas, tignan mo naiwan mo na tuloy sa'kin yung gamit mo."

Alas Mercado: Ha, hindi lang naman towel at inuminan ang naiwan ko sayo ah.

Nagsend pa ito ng meme na kinikilig.

Alam niya ang tinutukoy ng binata ngunit painosente siyang nagreply dito, "Ha? May iba ka bang naiwan? Wala naman na ata."

Alas Mercado: Gusto mo talaga sasabihin ko pa? Tapos mahihiya ka naman diyan.

"Nang-aasar ka na naman, kagabi ka pa ah." kunwaring seryosong chat niya rito, pero ang totoo ay nakangiti naman siya habang tinatype ito.

Alas Mercado: Ang cute mong maasar kagabi grabe. Tawang tawa pa rin si Isaac sa kurot na ginawa mo kay Marco.

Ang tinutukoy nito ay ang isa pang nangyari kagabi.

Noong matapos kasing matalo sila Alas sa laro nito kagabi ay lumapit ang dalawa nitong kaibigan sa kanila. Noong una ay si Alas ang inaasar nito hanggang sa siya na ang simulang asarin ni Marco, dahil sa inis sa pang-aasar nito hindi niya sinasadyang biglang makurot ang binata sa braso. Madalas niya kasi iyon gawin kay Charlie kapag bigla bigla siya nitong piniprisinta sa mga meeting ng STEP.

Imbis na magalit si Marco dahil pinagtatawanan ito nila Isaac at Alas ay ito pa ang nag-sorry. Natatawa na lang din siya dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ng binata.

"Ewan ko sa inyo Alas, tulad ka ng mga kaibigan mo eh, ang kukulit. Sige na, mamaya na lang ulit. Mag-ingat kayo nila Marco. Ttyl." paalam niya rito, narinig niya na rin kasi ang katok ng kuya niya mula sa labas.

Pero ang isa pa niyang iniisip, kinakabahan na talaga siya. Iba ang kaba ng dibdib niya habang kausap si Alas. Wala naman itong sinasabing kakaiba pero the idea that lingers in her mind, remembering how close they are yesterday, makes an abnormal feeling.

Alam niya ang nangyayari, pero ang hindi niya alam, ay kung hanggang kailan ito.

Saan nga ba sila patungo ni Alas, are they just friends until the end?

—————————///

AN: Happy reading from the marsi sisters, see picture on media :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top