1




Mag-isa niyang pinapanood ang maingay na paligid, para iyong isang eksena sa pelikula na pinapakita ang gulo ng isang siyudad. Sanay na siya sa ganoong eksena, sa araw-araw ba naman kasi na nakikita niya iyon, wala ng bago.

Ngunit, ito siya nagrereklamo pa rin dahil lahat ng UV na dumadaan sa tapat ng Rizal Park ay puno.

"Ba't ba kasi maraming tao sa 'Pinas?" mahinang reklamo niya.

Pasado ala-singko na kasi ng hapon at kanina pa siya nakatayo doon para mag-antay ng masasakyan.

Nagbakasali siya sa may LRT station, ngunit kanina pa siya ay wala pa ring maluwag na UV ang dumadaan sa tapat niya. 

Ilang minuto lamang, isang UV ang huminto malapit sa kaniya, kaya lang bago pa siya makasakay dito, isang lalaking ang nagmamadaling inunahan siya papasok sa back seat ng sasakyan.

Gulat siyang napatingin sa lalaki na kasalukuyang nakatingin din sa kanya.

The guy looked at her apologetically, as if maaalis noon ang inis na namumuo sa loob niya.

The guy wear a uniform from a university na malapit sa kanila. He's from TUP, ang university na kilala sa loob ng pamantasan nila. Bukod kasi sa katapat lang ito ng PNU, marami rito ay mga engineer at architect students, and some students in their university find that fascinating. Kahit pa marami naman ang kursong nasa loob ng unibersidad na iyon. 

Halos kinse minutos pa ang inantay niyang muli bago may muling makitang masasakyan. Kahit papaano ay bumawi sa kanya ang tadhana dahil napasa niya ang kanyang online requirements, iyon ang kanina niya pa kasi inaalala.

She was busy watching an anime series, when she received a notification from her social account. Isang mention galing kay Angela, blockmate niya at kaibigan.

#TUPFreedomWallPost3899

Hi kay ate from PNU na naka lanyard na black and orange, ang ganda sana pero parang masungit. Salamat sa upuan sa UV, kahit mukhang hindi bukal sa loob mo ang pagkuha ko nito sayo. Well actually, sorry for taking your supposedly seat, it was really an emergency and I badly need a ride. But next time, I promise I won't take your seat again, I just take a ride with you. And to be fair enough, I just want to tell that if I took your seat, you just actually took my heart too. But no worries, I'm not taking it back.

Hope to see you again. :>

#PNUANgotTUPIAN

Ayun ang post kung saan minention sila ni Angela. Binasa niya ang ilang comments doon.

Angela Castillo: May kilala ba kayong nasakay ng UV na black and orange and lanyard? 

Sa baba ng comment nito, ay pangalan niya at ng dalawa pa nilang kaibigan. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa, nakita niya rin ang isa pang comment na mukhang nakamention ang lalaking nagpadala ng confession. 

Marco Assistio: Master ito pala yung sinasabi mo sa gc ah, HAHHAHAHHA

Wala sa loob na tinignan ni Kristine ang mga nagreply sa comment na iyon. Una niyang nakita ang lalaking tinutukoy nito sa comment. 

Alas Mercado: siraulo, inutil ka talagang kaibigan kahit kailan. 

Isaac Franco Martinez: Master, we'll support you. Tara na sa HRD HAHAHAHA.

Tukoy nito sa canteen na nasa Normal Hall, isa pang building na sakop ng PNU ngunit nasa kabilang kalsada at katabi lamang ng TUP.

Base sa comment ng kaibigan, pakiramdam nito ay siya ang tinutukoy sa confession. At ilang sandali lamang, nagpop-up ang group conversation nilang magkakaibigan. 

Angela: Hoy Tine, ikaw lang ang may budget na mag UV express sa amin ni Issa, at tayo lang sa pamantasan ang may black na lanyard. UMAMIN KA NA!!

Kahit exaggerated ang comment ng kaibigan ay alam niyang totoo iyon. Bukod sa madalas naman talaga na jeep o hindi kaya LRT ang sinasakyan ng dalawa niyang kaibigan, ang major lang talaga nila sa PNU ang may ganoong kulay ng lanyard. Ang ibang major ay madalas green or red, depende sa kulay na nais ng mga ito. 

"Hindi ako iyon, assuming ka." chat niya sa gc nila. Batid na ni Kristine na hindi maniniwala ang kaibigan, ngunit hindi rin naman siya sigurado kung siya nga ang tinutukoy ng confession. 

Angela: Hindi ako naniniwala teh HAHHAHAH. Malakas ang pakiramdam ko

Ilang sandali pa ay nag-chat na rin doon ang dalawa pa niyang kaibigan, kung magkakasama lang sila ngayon pustahan ay hindi siya makakaligtas sa mga ito.

Issa: Hoy totoo. Malakas din ang kutob ko, nag UV ka kanina teh.

"Porket nag UV ako, ako na agad? Ang daming nag u-UV na VE major" pag-deny niyang muli. 

Angela: Nako teh, 'wag kami HAHAHHAHA. Anyway, like niyo naman yung minention ko na meme sa inyo, mga wala kayong pakisama

Ang tinutukoy na meme ng kaibigan, ay isang meme tungkol kay Immanuel Kant. 

Issa: Ang kalat nung mention mo mars, mamaya makita ni Ma'am V yun. 

Angela: Hala hayaan mo siya. Si ma'am pati social life natin gusto i-council eh.

Joanna: Nako, kapag binanggit naman ni ma'am yung pangalan mo, todo deny at sorry po ma'am ka.

Angela: He, epal ka. Si Kristine dapat ginigisa dito, hindi ako.

"Oh ba't ako? Tahimik lang ako rito oh." 

Angela: Malay mo teh, iyon na ang soulmate mo HAHAHHAHAHHA

"Soulmate ka riyan, magreview ka na nga lang" pinatay niya na ang data at baka kung ano pa ang maisip ng kaibigan niya. 

Subalit hindi siya bumalik sa panonood, bagkus tinignan niya ang facebook ng lalaki na namention kanina. 

First time ata ni Kristine na magandahan sa isang Facebook timeline ng lalaki. Puro kasi drawing ang nasa timeline ng binatang ini-stalk niya, kaunti lang ang mukha ng nakabandera roon. Mga picture pa kung saan kasama nito ang mga kaibigan o hindi kaya ang pamilya.

Hindi makalat ang Facebook timeline ng Alas Mercado na minention sa post kanina, unlike sa ugali nito.

Naiinis pa rin kasi si Kristine sa tuwing maiisip kung paanong napaka-ungentleman na inunahan siya nito kanina. But on the other side of her mind, iniisip niya na baka nga emergency ang dahilan nito, katulad nang nasabi sa post.

Kung ide-describe niya ang lalaki based sa display photo nito, mukhang tao ang binata para sa kanya. 'Yung taong, three times maligo sa isang araw at may magandang hygiene routine. Pero iyon din ang tipo ng mga lalaki na gwapo para sa kanya.

Kabuhok ng lalaki si Ricci Rivero, yung paborito niyang UAAP basketball player. Maganda rin ang mga mata nito at medyo may kakapalan ang kilay ng binata. Hindi niya malaman kung gaano ito katangkad dahil kaunti lang din ang public photos na whole body shot ang kuha.

Nang mapansin niyang masyado na siyang nawiwili sa mukha nito ay inexit na niya ang facebook app.

Wala naman siyang dapat ikainterest sa lalaking iyon. Hindi niya rin sigurado kung ito nga ba talaga ang nag-post sa freedom wall na iyon, at kung ito man, alam niyang hindi na sila muli magkikita.


Naglalakad sila nila Angela papuntang SM Manila para kumain ng lunch, doon kasi naisipan ng mga kaibigan dahil maaga pa naman para sa susunod nilang klase sa hapon.

Nang nasa loob na sila ng Jollibee ay muling kinulit siya ni Angela tungkol sa post noong nakaraan. Pansin niyang kanina pa hindi makatiis ang kaibigan, late kasi ito pumasok kaya hindi siya inusisa kaninang umaga, at magkasunod din ang klase nila. 

"Ano nga mars? Dali na, parang others ih." nag-iinarteng sabi nito.

"Bahala ka diyan teh, kulit mo hindi nga ako iyon." tanggi niya muli.

"Alam mo 'Gel parang ikaw yung may gusto, gigil na gigil ka eh." natatawang asar ni Joanna rito.

Dala dala ni Angela at Issa ang pagkain nila, habang siya at si Joanna ang nagbantay ng mga gamit ng mga ito. She help to distributed the food, ito madalas ang ginagawa nila kapag sa labas kakain.

"Sinabi mo pa, sa gc pa yan eh. Napakatsismosa." tawang asar niya rin sa kaibigan.

"We, ang epal niyo. May jowa kaya ako, belat kayo." nag make face pa ito, senyales na naaasar na sa kanila.

The four of them are 2nd year students sa PNU, isang teacher university. Pare-pareho rin silang Values ang majorship, pero si Joanna lang talaga ang may first choice noon. Silang tatlo kasi nila Issa ay psychology with specialization of guidance counseling talaga ang gusto, kaya lang bumagsak sila sa majorship exam noong first year sila.

But they were happy na rin kung na saan sila, nalagpasan na nila ang first term at kahit papaano ay masaya sila sa daloy ng buhay nila. Tri-sem kasi sa PNU, kaya may kabilisan din ang takbo ng gawain sa kanila, ngayon nga ay nasa kalagitnaan na sila ng second semester.

Hindi agad sila umalis sa Jollibee kahit na tapos na silang kumain. Angela was busy scrolling sa cellphone nito, nang bigla itong ngumisi sa kanila, at hinarap ang cellphone nito.

"Now tell me, hindi rin kayo interesado kung ganito kagwapo?" sabay pakita nito ng larawan ng lalaking nakamention sa confession post. Hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon, takot na malaman ng mga kaibigan na aware siya sa itsura ng lalaki. 

"Sino naman 'yan?" hindi interesadong tanong ni Joanna.

Umirap naman dito ang kaibigan, "Duh, siya yung nasa comment doon sa post sa freedom wall." nagmamalaking sagot nito.

"Gwapo mga mars." pakikisabay ni Issa dito.

Mukhang nakahanap na si Angela ng kakampi, gwapo kasi ang usapan. 

"Ikaw, alam mo..." turo niya kay Angela, "Kapag 'yan nalaman ng jowa mo, patay ka na naman." banta niya rito.

"Teh, hindi ko naman bet. Tsaka parang mas bagay kayo mars, look." baling ni Angela sa kanya. Tinapat pa talaga nito ang cellphone sa mukha niya. 

"Ewan ko sa'yo 'Gel, mga naiisip mo na naman." iwas niyang tinignan ito. Ayaw niyang magpadala sa pang-aasar ng kaibigan. 

"Hala, totoo kaya. 'Di ba mga mars?" tanong pa nito sa mga kaibigan niya, sabay pakita muli ng larawan ng lalaki.

"Well, medyo nga mars." paggatong pa ni Issa, tumango rin si Joanna sa kaniya bilang pagsang-ayon. "See, sabi sa'yo eh. Ship ko talaga kayo" tumatawang asar ni Angela sa kaniya. 

"Bahala ka sa buhay mo 'gel, as if naman makikita ko ulit yan 'no." walang malay niyang sagot dito.

Napatingin sa kaniya ang tatlo, nang marealize ang sinabi niya.

"ULIT? Tama ba ang rinig ko?" Joanna looked at her clarifying what she said.

"Hindi ano.. Kasi ang kulit ni Angela." suko niya sa mga ito.

Ngiting panalo ang kaibigan ng magsimula siyang mag-kwento sa nangyari sa kanya noong Biyernes ng gabi.

"Pero hindi ako sure kung siya ang nag-post, kaya don't set your hopes high 'Gel." paalala niya sa mga ito.

"Well, hindi naman malayo ang TUP. And we don't know what will happen next." mapaglarong tinignan siya ni Angela na akala mo naman ay alam talaga nito ang mga mangyayari sa mga susunod. 

"Ewan ko sa'yo Angela Marie"

She doesn't want to think that there's really a possibility that they will meet again.  She wants to believe the idea that the UV accident is just a one-time chance, and it won't happen again.


--------------------------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top