PROLOUGE

"Goodbye love." Nangangatog ang mga tuhod ko't nanghihina ako habang tinitignan siyang tumatalikod na sa akin.

"Don't call me love anymore please." Malamig na sambit niya habang patuloy pa din sa paglalakad palayo.

"Can I ask one more favor before I go?" Nanghihina na ako, ngunit nagawa pang kumawala ng mga salitang umiikot sa aking isipan.

"Ano 'yon?" huminto siya upang pakinggan ang sasabihin ko.

"Can I hug you? Please...last na," hamagulgol ako, habang nagpipigil ng mga luha. Hindi ko alam bakit ko pa ito pinipigilan, halata namang ito'y nakawala na.

"I don't want to let you go," Mabilis siyang lumapit sa akin at hinagkan ako ng buong-puso.

"What are we if we're not together?" Tanong ko sa kanya at medyo natawa. I got used to him being with me always, I never thought I'd give up on the man that I love.

"Dreamers, we aleays have high hopes. Let's make those dreams a reality, Okay?" Bulong niya habang paulit-ulit na hinalikan ang noo ko.

You'll always be my dream spade...

Yun na ang huli naming pagkikita bago ko siya iniwan... para hanapin ang sarili ko. How can I accept someone else's love if I can't even accept myself? Napaka positive niyang tao at napakaganda ng future niya, hindi ko hahayaang masira ng isang katulad ko ang lahat ng pinaghirapan niya sa buhay... hindi pa ako ready na pakawalan siya, pero susubukan kong pakawalan ang pagmamahal at mga memories kasama siya, kasama si Spade. kahit ang ibig sabihin pa nito ay maaaring pagbalik ko wala na akong babalikan pa.

Hindi totoo ang mga nakasulat sa libro ng mga bata, hindi totoo ang Happy Ending. Nabulag ako ng mga kuwentong nababasa ko mula pagkabata, napaniwala nila akong kaya kong ipaglaban ang isang bagay na di ko pala kaya.

"Sure ka talaga?" Tanong ni Mira sa akin.

"Sure na sure na ako." sabi ko sa kanya habang tinutulongan niya akong ipasok sa sasakyan ang mga bagahe ko.

"Like i always say Running Away won't solve your Problems," sabi ni Dash kaya tumulo nanaman ang luha ko.

"It won't solve my Problems, Dash but it will solve his." sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.

Flashback....

Love? Paano kung hiram lang pala ang mga sandali natin?" Tanong ko sa kanya

"Edi luluhod ako kay God at hihinging dagdagan pa ang mga oras na magkasama tayo, kahit hiram lang ito gagawin ko ang lahat para mapahaba ang oras natin love," sabi niya sa akin.

Naalala ko ang mga pag-uusap namin kagabi. Na mas lalo lang nagpalalim sa mga iniisip ko.

"Paano kung may iba pang plano ang tadhana para sa atin? Paano kung hindi pala ako?" tanong ko ulit.

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Axiffer Lexillian Kardova soon to be Mrs. Andres." Sabi niya at siniil ako ng halik tumutulo ang luha ko habang pilit na pinapalitan ang mga matatamis niyang halik.

Eto na ang huli kong halik sa mga labi mo Love, eto na ang huling beses na makikita ko ang mga ngiti mo, eto na ang huling beses na ako ang dahilan ng bawat tawa mo sana mapatawad mo ako.

"Lex? May problema bah?" Tanong niya sa akin sabay pahid ng luha ko.

"I wanna break up with you Spade." sabi ko sa kanya kaya napaayos siya ng upo.

"Nagjo-joke ka ba Love?" Tanong niya at natawa

"Mukha ba akong nagjo-joke, Ha spade?" Tanong ko sa kanya.

"No i don't want love." sabi niya at niyakap ako.

"Pero ako gusto ko." sabi ko sa kanya.

"Alam mo love even when you'll give up on me, I'll still fight for this! I'll still fight for what we have, us." sabi niya sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin sa mga mata niya.

"Hindi ako masaya, Spade," panimula ko sa kanya. Tumulo ang mga luha niya, I'm so sorry Love kailangan kong sabihin toh para maniwala ka.

"Kung hindi ka masaya bakit lagi kitang nakitang nakangiti tuwing kasama mo ako? And don't tell me it's fake i can see it in your eyes Love," sabi niya sakin at nagpahid ng luha ngunit patuloy pa din ito sa pagbuhos.

"I wan't to find myself Love, i want to go somewhere na sasaya ako. At hindi yun dito sa tabi mo." sabi ko sabay bitaw sa kamay niyang kanila lang ay hinahawakan ko.

"I'll do anything Lex. Magtratrabaho ako during night, mag-aaral ako tuwing umaga Promise may time pa din ako sayo. I can do anything you want alex, huwag mo lang ako iwan." sabi niya sa akin. Buong buhay ko umiiyak lang ako ngunit kakayanin ko kahit ngayung gabi man lang ay pipigilan ko para mapaniwala ka love.

"You're not enough Spade." sabi ko sa kanya at umalis sa kinahihigaan namin, pumunta ako sa aparador.

"I beg you Lex, please." sabi niya sa akin.

"Sorry Spade." sabi ko at nagpatuloy na sa pag-aayos ng gamit.

"Please tell me you're joking." sabi niya at nalatulala na lamang habang tinitignan akong mag-impake

"I'm going Spade, aalis ako sa Tacurong." sabi ko

"Before you go Love please spend a night with me." pagmamakaawa niya sa akin.

Huminga ako ng malalim nakatalikod pa din sa kanya. Naiiyak na ako ngunit kailangan kong tatagan ang loob ko.

"Hanggang ngayun gabi lang Spade." sabi ko sa kanya.

I also want an excuse to be with him even longer and this is the perfect one.

"Ofcourse Love, as you wish." sabi niya at niyakap niya ako mula sa likod.

End of Flashback....

Nabalik ako sa pag-iisiip ng kasalukuyan nang magsimula na akong tinatangay unti-unti ng sasakyan paalis sa lugar kung saan kami gumawa ng mga ala-ala napapaiyak ako. Handa ba talaga akong pakawalan siya o ginagawa ko lang ito dahil ito ang inaasahan ng lahat na gagawin ko?

Naalala ko ang pag-uusap namin noon. No'ng dinala niya ako sa Fiesta, ang saya pero napagkamalan kaming magnanakaw kaya natulog kami sa presinto.

"Alam mo First time kong makulong." sabi niya sa akin.

"Kung di mo ako nakilala sana wala ka sa kulongan ngayun." sabi ko sa kanya at yumuko.

"Wag mo sisihin ang sarili mo lex, sa lahat ng taong nakilala ko ikaw lang ang kahit kailan di ko pagsisisihan." sabi niya.

"Sa tingin mo kung 'di ba tayo nagkakilala sa Crossing ng Buenaflor noon mamahalin mo pa din ba ako?" Tanong niya sa akin.

Napaisip siya ng matagal habang nakatingin sa mga mata ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya noon.

"Kahit di ako natumba noon at kahit di ka napagbintangan na nabangga mo ako, sigurado akong titigil ka pa din naman kung makakakita ka ng taong nangangailangan ng tulong mo." sabi niya sa akin

"Pero sa tingin mo mamahalin mo pa din ako?" Tanong ko sa kanya.

Labis ko siyang nasaktan paano nga kung di siya natumba non o di ako napagbintangan mamahalin niya pa din kaya ako tulad ngayun? Ganun pa din ba ang iisipin ng mga tao? Na ako ang may kasalanan bakit nawalan sila ng tiwala sa kanya? Magiging rason pa din ba ako ng paghihirap niya?

Ako pa din ba ang dahilan ng lahat? Kung sana di niya ako nakilala di siya masasaktan ng ganito at di magbabago ang tingin ng mga tao sa kanya.

Nagpupunas ako ng luha ng nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at siya ang tumatawag, sabay ng pag-alis ko ang pagkalimot ko sa lahat. Kakalimutan ko siya alang-alang sa kinabukasan niya.

Muli siyang tumawag ng maraming beses ngunit parang musika lamang ito na mas nagpapatulo pa ng luha ko. Hanggang sa tumigil ang mga tawag at napalitan ito ng isang mahabang text message.

From: love

Gusto ko lang sabihin sayo na ang sagot ko sa tanong mo ay oo. Kahit di tayo nagkakilala noon sa Crossing Buenaflor ikaw at ikaw pa din ang mamahalin ko ng paulit-ulit, ikaw lamang wala ng iba. Hihintayin ko ang pagbabalik mo love. Always take care of yourself do it for me, hugutan mo ako ng lakas love wag kang susuko hanggang sa mahanap mo ang tunay na ikaw....

Madami pa pero di ko na tinapos, habang binabasa ang text message na yun ay mas lalo akong naiyak, kahit ano pang masamang sabihin ko sa kanya lagi niya akong naiintindihan. Kahit parang trinaydor ko siya sa pag-alis ko nagawa niya pa din akong padalhan ng mensahe na di naglalaman ng kahit ano mang kasamaan kundi purong matalinhagang salita na galing sa puso niya.

I will find myself love at pagnahanap ko na ang sarili ko babalik ako, babalik ako para tignan ang mga na-achieve mo titignan ko ang mga pangarap mong iyo ng nabuo. Papalakpakan kita at bibigyan ng yakap dahil pagbalik ko alam kong matagumpay ka na at mamahalin ka ng mga tao dahil yun ka, yun ang ugali mo. Yun ang rason bat kita nilisan masyado nang madaming nagmamahal sayo na alam kong di mo na ako kakailanganin. Babalik ako love and im sure you will make me proud.

***
Chapter 1 will be publish when the series 1 had already been finished. Haha

MY LOVELY BOOK COVER IS MADE BY : FantaSimp

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top