CHAPTER X

Pagkagising at pagkagising ko palang ay may mga tao na ang nasa loob ng Hotel room ko at nagma-make up sa akin.

"Ma ilalakad ko lang naman tong mga damit bat kailangan naka-make up?" Tanong ko.

"Nak Camera's will be everywhere maganda ka anak pero may ikakaganda ka pa with the help of make up" sabi ni mama

Pagdating namin sa Backstage bigla akong na insecure ang tatangkad at ang gaganda ng mga babaeng models na nakasuot ng 24K Clothes. Each and Every one of them holds a unique beauty.

"Mamsh Carielle Kardova" sabi ng isang matangkad at may french accent na lalaki, I think he's gay. I don't have any problem with gay i love the LGBT community, but why??? Why is he so handsome?

Tumalikod siya saglit para tumawag ng someone kaya kinalabit ko agad si mama.

"Gwapooo!!!" Bulong ko.

"Don't even, he's Gay and may jowa na siya" sabi ni mama at natawa kami pareho. Like mother like daughter nga naman talaga pareho kaming mabilis makakita ng gwapo.

"May Spade kaya ako" sabi ko

May kanya-kanyang Make-up Artist or taga-assist ang mga Models tinutulungan sila mag get ready. Meron iba na kinakabahan katulad ko at meron ding hindi, baka matagal na silang nagmo-model.

"Hi, kinakabahan ka din?" Tanong ko sa isang babaeng Morena na may blue eyes.

"Super! First Walk ko toh" sabi niya.

"Same never pa akong lumakad sa harap ng mga tao dati" sabi ko.

"What agency are you from? Sa agency din ba namin? I don't recognize you kasi" sabi niya.

"Oh my God you don't know Axiffer?" Tanong ng isa pang babae na nag-aayos ng buhok malapit sa amin.

"Magtatanong ba ako Ate if alam ko?" Tanong nong morena sa Red-haired girl.

"Siya ang Anak ng may-ari ng 24K Coleen, she's the face of the brand your walking for Myghad you didn't know talaga?" Tanong ulit nong Red Haired girl.

"Hi I'm Axiffer, call me Alex" sabi ko

"Hi I'm Coleen and that's Rolli, sorry I didn't recognize you ha I'm really nervous. I'm new to this Industry" sabi niya.

"Okay lang yun, ako nga di naman model eh" sabi ko.

"You're not a model? But you're the face of 24K" sabi ni Rolli.

"I'm a rider" sabi ko.

"Really? Ako rin" sabi ni Rolli.

"Guys help me my body is stiff" sabi ni Coleen kaya napatawa ako.

"Huwag mo kasi isipin na may malaking Crowd sa labas, kunwari just your friends" sabi ni Rolli.

"My friends are judgemental" sabi ni Coleen kaya natawa ako.

"Everything will be fine" sabi ko. Wow ang lakas mang-comfort ng ibang tao eh ako nga nanginginig na eh, meron talaga akong ugali na I help other people to be strong but I can't apply it to myself.

"Axiffer Darling goora here na" sabi ni mamsh Josiah ang gay friend ni mama na nagha-handle sa mga models na toh.

I can here the loud music. Actually nasa beach kami, nasa loob lang kami ng tent at isa isa kaming lalakad sa platform na yun at ang malas ko ako ang mauuna.

Nakasuot ako ng Red leather jeans manipis na Cropped 24K regular shirt at Red Lether Jacket, maraming bulsa ang jeans at ang jacket naman ay merong parang hook na pwedeng ikabit sa pants para di ito lilipad or para di tangayin ng hangin yung sides niya. Meron ding shades na cute kahit anong galaw ko di ito matanggal sa mata ko maliban kung kukunin ko ito kaya I think this is good, meron ding akong hawak na Helmet that says 24K. The helmet isn't heavy and the inside of it is so soft kahit na napaka tigas nito sa labas.

Sinenyasan akong maglakad na daw at mismong pagtapak ko sa entablado yung kaba ko kanina dumoble pa, I didn't know what i looked like. Andami kong ini-overthink na what if's. What if ang pangit ng lakad ko? What if mukha akong tanga, I did my best but I don't know if it's great. I'm wearing high platform boots kaya medyo natapilok ako dahil di naman talaga ako marunong maglakad ng kahit anong meron takong. It's a great thing that I didn't fell.

I never smiled, Di ko alam kung anong vibe ko sa cam basta I just keep on looking in a Camera then into another Camera ulit or I'll look down While Changing Positions at bumalik na, Kahit noong pabalik na ay di ko pa din alam kung anong ginagawa ko basta ganun.

Sumunod sa akin si Rolli na nakasuot ng Joggers at Sports Bra, may nakatali rin na color Brown jacket sa waist niya meron din siyang dala-dalang Helmet.

Ang napansin ko sa mga damit na ito ay di sila matingkad, And It has a really tick material good for our country. Kasi napaka Init dito sa pinas kelangan makakapal ang Materials nito upang di masunog ang balat ng mga Riders at maganda ring hindi matingkad dahil masakit sa mata ng ibang Riders ang matitingkad na damit. Do I find it good quality? Yes god quality naman siya pero I think they should make it less Extravagant meron kasing ibang tao gusto lowkey lang ayaw nilang maging center of attraction at ang masasabi ko pag suot itong mga jackets ng 24K mapapalingon talaga ang mga tao sayo.

"Nice work Coleen" sabi ko nong tumuntong ako na ako ulit sa platform para maboost ang confidnce niya.

Hanggang sa natapos na lang ang Runway at nagpi-pictorial nalamang kaming lahat pandagdag sa brochure na gagawin daw nila. Ofcourse my mom's brand isn't that famous yet para mailagay sa magazines.

"Thank you Ate Axiffer sa support" sabi ni Coleen.

"Luh sakin walang thank you?" Tanong ni Rolli

"Thank you rin po ate Rolli" sabi ni Rolli.

Namasyal kami kasama ng iba pang Runway models pero serious type kasi sila masyado kaya kaming tatlo ang laging magkasama pumunta ang iba sa kung saan-saang banda ng venue para magpicture kami naman pumunta sa Beach Area para gumawa ng Sand Castle.

"So hindi kayo magsta-stay sa Cebu?" Tanong ni Coleen.

"Uuwi rin kami ni mama sa Tacurong sa Wednesday I guess" sabi ko.

"Uhm uuwi rin ako ng Davao Coleen. But don't worry kahit wala kami galingan mo pa din lalo na at gusto mo ang ginagawa mo" sabi ni Rolli. Malungkot kasi si Coleen, i don't know parang tunay na magkakaibigan naging turingan namin kahit ngayun lang kami nagkakilala baka kasi same vibes kami.

Matapos namin mapagod kakatawa at kakagawa ng sand castles ay bumalik na kami sa Dressing Room para kunin ang mga gamit namin at mahiwa-hiwalay na ng landas.

"Axiffer anjan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" sabi ni mama

"Ah ma Friends ko Coleen and Rolli" pagpapakilala ko.

"You are Antonio Lebruzcia's youngest daughter, right?" Tanong ni mama.

"Opo Rowana Llianne po but Rolli for short" sabi niya at kinamayan si mama.

"Nice meeting you hija, and say hi for you parents for me okay" sabi ni mama at tumingin kay Coleen.

"Mitsuo and Elianyse's daughter? Youre so grown up na darling, ang liit mo pa nong umalis kayo sa Tacurong" sabi ni mama.

"Yes po I am Mitsuo and Elianyse's daughter pero I didn't know tumira din po pala kami sa Tacurong" sabi ni Coleen.

"Ang liit mo pa non eh, anyways say hi to them for me ha" sabi ni mama at nagpaalam na kami pareho.

"Wow how did you know them ma?" Tanong ko

"They're from Top Rank Modelling Agency Alex, puro kilalang Buisness Man, Artist or Politiko ang parents ng mga kasali sa Agency na yun. Kung hindi man malalaking tao ang magulang nila sigurado namang sikat sila kaya nakapasok sa Agency na yun" Paliwanag ni mama.

"You mean yung Agency nila hindi pwede sa basta-bastang Models lang?" Tanong ko

"Yeah, And luckily I am friends with the Agency Manager kaya nagka-contract tayo sa kanila, mas mapapadali sa atin kung kilala ang models natin" sabi ni mama.

"Shouldn't we hire the local ones nalang? Kasi they work hard to be a model" sabi ko. Hayst society nga naman kung may pera ka sikat ka, paano yung mga gustong makilala? Bat di sila naririnig?

I think i want to be a journalist or Reporter basta gusto ko mabigyan ng hustisya yung mga nakakawawa, I want Equality for all hayst if only di ako bobo.

"Think Wise Darling, who wants clothes from unknown models? Kailangan para maraming bumili sa atin dun tayo sa maraming Followers at mga sikat na tao magsayang ng pera, Ayaw ko naman magsayang ng pera kakapasweldo sa mga taong di naman maipagbibili ang mga Produkto ko" sabi ni mama. I would never understand her, we have opposite personalities talaga.

Pumunta kami sa Ibiza isa raw iyong beach club at kikitain namin si Mr. Vozier, I don't want to call him tito yet or whatever di ko pa feel.

Nagpaalam ako kay mama na mag-c-cr pero naglakad-lakad lang talaga ako hanggang marating ko ang isang bahagi na di masyado madami ang tao naghanap ako ng mauupuan ko dun at nagchat kay Spade.

"Vc tayo?" Tanong niya sa vm

"Ikaw, kung di ka busy" sabi ko sa vm at kinagat ang labi ko. Ayaw ko kasing makadistorbo tuwing nagtratrabaho siya kaya ayaw kong nagungulit dahil alam kong importante ang trabaho niya sa kanya.

"Hi bub" bungad ko nang sagutin ko ang Video Chat.

"Musta ka diyan? Nag-e-enjoy ka ba?" Tanong niya. Mukhang kakauwi niya lang sa bahay nila dahil nakapang-alis na damit pa siya habang nakahiga sa kama.

"Okay lang naman dito, do you want to see the view?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah sure" sabi niya at napangiti. Lagi niyang nakukuwento sakin na gusto niyang pumunta ng Cebu kasi dito daw kinasal parents niya at nandito rin yung kapatid niya na matagal niya nang hindi nakikita.

"Wow that place is amazing, tignan mo yung dagat, ang ganda mo" sabi niya

"Yeah I know right" sabi ko at napaisip ano daw? Bumanat ba siya o yung dagat talaga yun?

"Huh?" Tanong ko kaya napatawa kaming pareho

"Bungol!" Sabi niya

"Luh ikaw tong parang ewan magsalita" sabi ko

"Wala ah wala mo gid nabatian"sabi niya at humahalakhak.

"Ambot ah! Bahala ka diyan bi kausapin mo sarili mo" sabi ko at binabaan siya ng tawag. I didn't know i was more on the pikonin pala pag in a relationship, sa mga kaibigan ko kasi di naman ako napipikon sa kanila eh.

Nagchat siya ng nagchat pero sine-seen ko lang bahala siya jan nainis ako. Nag-ikot-ikot nalang ako para magpicture ng view papakita ko sa kanya pag-uwi. See galit ako pero siya pa din naiisip ko, kairita.

"Axiffer come here" tawag ni mama. Ah nagkita na pala sila ng lalaki niya at kasama pa yung suplado na anak.

"Hija you're really stunning just like your mother" sabi niya.

"Thanks" sabi ko at tipid na ngumiti.

"This is my son Ronico Permante" sabi niya.

"Hey" bati ko na di man lang siya tinitignan.

"I heard you're the face of 24K hija, you must be modelling too right?" Tanong ni Mr. Vozier.

"Actually I'm not" sabi ko

"She's still thinking about it" dugtong ni mama kaya tinignan ko siya ng masama, alam naman niyang kahit kailan di ko pinangarap maging model.

"So hijo what's your hobby?" Tanong ni mama

"I'm an athlete back when i wasn't in College yet po. Now I don't do anything for fun because i focus on my studies" sagot niya.

"You should focus more on studies too Alexa" sabi ni mama at nanahimik na lamang ako.

"Come on It's okay to have fun too" sabi ni Mr. Vozier

"Yeah but she needs to set a goal for herself already, lalo na malapit na siyang magcollege" sabi ni mama.

"I lost my appetite, excuse me po" sabi ko at tumayo.

"Can I go too?" Rinig kong sabi nong Nico nang di pa ako nakakalayo.

"Sure maybe the two of you can have some getting to know with each other too" sabi ni mama.

"Yeah that's a great idea, mag-usap kayo Ronico" sabi ni Mr. Vozier at lihim nalang ako na napataray habang naglalakad.

It's obvious that we dont like whats happening. Mas mabuti pa ata di nalang ako sumama at nagpaiwan nalang sa venue kanina or dumiretso na sa hotel.

"Hey Alexiffer!!!" Tawag ng gagong gonggong na yun pero di ko nilingon kasi di ko naman pangalan yun.

"Alexiffer bingi ka ba?" Tanong niya ng maabutan niya ako.

"Ah ako ba tawag mo? Sa pagkakaalala ko kasi di Alexiffer pangalan ko" sabi ko at nag-una nang maglakad.

"Ay what's your name nga ulit?" Tanong niya.

"Tanong mo sa butas ng ilong mo" sabi ko at lumiko dahil pader na ang nasa harap ko. Bat ba kasi di niya ma gets na ayaw ko siyang kausap o ang tatay niya kaya nga umalis ako para di ko sila makita.

"Tss fucking Teenagers" bulong nito pero narinig ko.

"Potangina tigulang" pagpaparinig ko at may mga napapatingin naman sa akin na mga guests ng beach house dahil sa sigaw ko pero mukhang di naman lahat naintindihan ako napatingin lang talaga siguro.

"Really that's the best you can do?" Tanong niya habang natatawa. Inisin ko nga tignan natin matawa siya kanina wala akong paki sa kanya ngayun mukhang ang sarap sapakin eh.

"Sintas ng sapatos mo nakalaylay pre" sabi ko kaya napatingin siya sa sapatos niya at tumakbo na ako.

Tss tanga nakaleather shoes siya tapos magkakaz-sintas? Bobo talaga.

"Napapagod na ako kakahabol ha, where are you going ba? You're walking in circles" sabi niya.

"Sino ba nagsabing habulin mo ako?" Tanong ko.

"I have a deal" sabi niya.

"I don't want to bargain with old people sis" sabi ko

"At sa tingin mo gusto ko makipaghabolan sa bata?" Tanong niya.

" I Don't Care" sagot ko

"I'm gonna get on with it na so you can run away after, so I want you to tell your mother that I kissed you para kunwari we have something then your mom and my dad would stop seeing each other"  sabi niya.

"That's your plan? Wow it sucks" sabi ko

"Why? Do you have a better Idea?" Tanong niya.

Ang pangit naman talaga ng Idea niya plus kiss? Yucks siya? The only person worth kissing is Spade at as if naman hahayaan ko siyang halikan ako noh duh.

"I have a boyfriend and my mom knows I'll never cheat" sabi ko.

"Uulitin ko do you have a better Idea?" Tanong niya.

"Hey as long as di niya saktan ang mama ko wala akong pake sa kanila" sabi ko.

"Yeah but my dad is married, and i won't let your mom have my dad" sabi ni nico.

"Aren't they seperated or something? Wala nang kasalanan nanay ko dun" sabi ko

"No they're not seperated and my mom doesn't know about this. Kabit ang nanay mo" sabi niya kaya bigla akong nagulat. The fudging Chocolate Fountain kabit si mama?

"You're lying" sabi ko.

"And why would I lie?" Tanong niya.

"Bat di mo isumbong sa nanay mo yung tatay mo?" Tanong ko.

"Halata ba na baka maghiwalay sila? Edi tuluyan nang nakuha ng nanay mo tatay ko mula sa amin" sabi niya.

"Then pagalitan mo yung tatay mo or something" sabi ko nalang at naglakad na paalis dahil sa dami ng iniisip ko nakakapagod okay? dumagdag pa tong lalaking toh sabi na nga bah di mapapagkatiwalaan toh eh.

"Ma we need to go tumawag sekretarya mo may naghahanap daw sayo" sabi ko at kinaladkad na siya.

"Oh I need to go see you later" sabi ni mama at nagpakaladkad na sa akin.

"Sino daw naghahanap?" Tanong ni mama.

"Wala ma kinaladkad kita paalis dahil walang kwenta ang lalaking yun" sabi ko.

"Alexa napag-usapan na natin toh mabait at maalaga si Vozier sa akin" sabi ni mama.

"Sa asawa niya maalaga rin kaya? Oo ma may asawa siya at sa pakikipagmabutihan mo sa kanya nagiging kabit ka" sabi ko.

"He's not with his wife na seperated na daw sila" sabi ni mama.

"Yun ba sabi niya sayo? At naniwala ka rin naman?" Tanong ko

"Why not sinabi niya sa akin yun I trust him" sabi ni mama.

"Ang tanga mo ma! Talaga bang magpapaloko at magpapagamit ka sa lalaking yan? Sisirain mo yung pamilya nila? Tanong ko kaya nakatanggap ako ng sampal.

"Hindi nga ako kabit" sabi ni mama.

"Sabi ni Nico di alam ng mama niya ang lahat ng toh? At nasa bahay lang daw yung nanay niya na inuuwian pa rin ng tatay niya ma, wala ka bang mata? Di mo makita?" Tanong ko.

"Sinisiraan niya lang ang tatay niya" sabi ni mama.

"At bakit niya yun gagawin kung walang dahilan ma?" Tanong ko.

"Sino bang paniniwalaan mo ako na nanay mo o yung Nico? Ako na nagsasabi di ako kabit Anak" sabi ni mama.

"Ay ewan ko sayo" sabi ko at tumakbo na paalis habang tumatakbo nakakita ako ng motorista kaya pinara ko

"Pasakay please" pagmamakaawa ko.

"Hi again Alexa" sabi niya at nakilala ko na ang boses niya.

Umalis ako dun at tinakasan si mama nakakainis bat ba walang nakikinig sa akin? Bat ba ayaw niya akong pakinggan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top