CHAPTER VII

Hindi ko naman talaga gustong makialam sa paraan ng paghahanap niya ng pera para mabuhay sila pero i just want to help. Lumaki ako na maswerteng di nahihirapan sa mga materyal na pangangailangan ko ano naman ngayun kung magbabahagi ako ng kahit kaonti lang? Sana di siya magalit o sana di niya na lang malaman mas maganda yun.

Pagpasok ko palang sa bahay maingay na bunganga na ni mama ang inabutan ko.

"Cecilia bakit yung mga tanim ko sa labas lanta na? Di niyo ba tinutubigan yun?" Tanong ni mom.

"Di po kasi masyadong sumisikat ang araw maam dahil laging umuulan" sagot naman ni Cecelia.

"Ang Ref natin bakit di man lang nagalaw? Ano bang kinakain ng anak ko at di nauubos ang lamang nito?" Tanong nanaman ni mom.

"Eh kasi po maam di naman po dito natutulog si Alexa" sabi ni Yaya Cecilia at yun palang alam kong sisigaw na si mama.

"AXIFERRRRRRR!!!" tawag ni mom at aakyat sana sa hagdan pero nagpakita ako.

"Ma don't be OA, alam mo namang tinutulongan ko si Mira diba?" Tanong ko kay mama kaya medyo kumalma siya.

"Speaking of Mira bakit nagagawa naman niyang pumunta sa photoshoots niya Anak, ikaw na walang ginagawa di man lang sumisipot" sabi ni Mama.

"Ma saka na natin pag-usapan yan, kumain namuna tayo" sabi ko sa kanya at mukhang nakahanda na rin naman ang hapunan.

"Tumawag ang teacher mo ang sabi pinilit lang daw na di ka magkaroon ng line of 7 na grade, ano bang problema Axiffer?" Tanong ni mom.

"Wala pong problema" sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kubyertos. Gusto ko mang magsalita pinili kong ikimkim nalang lahat ng mga kataga na gustong kumawala.

"And you're coach called too, ang sabi nag-quit ka daw sa Badminton team niyo?" Tanong ni mom.

"Sumali lang naman ako nong nakaraan dahil maganda yung jersey" sagot ko sa kanya.

"Yun na ba yun axiffer? Sasali ka lang dahil maganda yung Jersey di para manalo? Walang problema pero mababa ang grado?" Tanong ni mom, she's really pro when it comes to pissing me off.

"Walang Problema sa akin, yung mundo ang baliktad ma! Kakaiba ako, di ako tulad nila desisyon kong maging ganito" sabi ko na medyo tumataas na ang boses.

"What do you mean?" Tanong ni mom.

"I know my purpose ma! I'm just tired of all of this" sagot ko at iniwan na ang hapag-kainan.

"Axiffer! Bumalik ka dito yan na ba ang kinalabasan ng pagbabarkada mo?" Tanong ni mama.

"Di ko lang sila basta-bastang barkada ma! Pamilya ko sila" sabi ko at pumasok na sa loob ng Kwarto.

Punong-puno na ako sa lahat ng kaplastikan na toh! Kinuha ko ang mga damit at gamit ko sa Aparador at ipinasok sa loob ng bag ko. Pumunta ako ng Cr at naghilamos yinignan ko ang sarili ko sa salamin, puno ng pagod ang mga mata ko at mapag-isa naman ang isinisigaw ng mga hininga ko. Huminga ako ng malalim at tinahak ko ang pinto sa huling pagkakataon isinirado ko ang pinto at lumabas ng kwarto dala-dala ang bag ko.

"Maam saan po kayo pupunta?" Tanong ni Ceceilia.

"Magpapahangin lang po" sabi ko at pilit na pinapaalis si Yaya cecilia sa daan ko sa pagsabi na magiging okay lang ako.

"Axiffer saan ka pupunta?" Tanong ni mom.

"I want to start my own life ma, magsarilihan na tayo! Total you already did start a life on your own by leaving me here everyday" sabi ko kay mama habang umiiyak. She's the only family I have left but I'm pushing her away too.

I want to set mom free from me, i don't want to drag her down. Pabigat lang ako sa mga pwede niyang makuha pang karangalan sa hinaharap I keep dragging her down.

"Don't do this Alexa" sabi ni Mom at yayakapin sana ako pero tinabig ko ang mga kamay niya.

"Set me free ma! Don't you get it? Iba ang gusto ko! Iba rin ang gusto mo! Di tayo tugma, pabigat lang ako sayo. Ayaw ko na maging pabigat sayo ma dahil ngako ako kay daddy na di ako magiging sakit ng ulo sayo pero yun mismo ang ginagawa ko, I'm leaving para di na ako maging sagabal pa" sabi ko at naglakad na paalis.

"Axiffer hindi ka sagabal anak" sabi ni mama at napahinto ako.

"Maaring di nga ako sagabal ma pero isa akong kamalian sa perpektong buhay mo" sabi ko.

"Bakit mo iniiwan si mama anak?" Tanong niya at naluha ako

"Para abutin natin pareho mga pangarap natin para kay daddy ma" sabi ko at umalis na.

Ewan di ko alam baka ako lang ang ganitong mag-isip sa aming dalawa. Pero nong nawala si daddy nangako kami ni mama na hanapin siya pero sa gitna ng paghahanap tumigil si mama, dumiretso ako at dahil sa pagkapit ko sa pag-asang baka andun pa si papa hinihintay lang na mahanap namin nagiging sagabal ako sa pag-unlad ni mama. Ayaw ko yung uuwi siy sa kabila ng busy schedule niya dahil sakin. Ayaw kong sa dami ng pwede niyang unahin inuuna niya ako, ako na di man lang napapantayan ang pagmamahal at pag-idolo ng ibang kabataan na kaedad ko sa kanya. Aaminin ko ni minsan di ko sinuportahan si mama dahil busy ako maghanap kay papa, busy akong ibalik yung dating pamilyang meron ako at yung simpleng buhay na nakilala ko habang siya ay tumatayo ng sariling pamilya, nakahanap na ng bagong kukuhanan ng suporta, pareho nila akong nakalimutan na ni daddy. Pareho na silang nawala sa akin, yung isa nawala sa gitna ng paghahanap at yung isa na nawala ko dahil hindi pa din nahahanap.

Sa edad kong toh kakaiba ako di ako tulad ng iba kung mag-isip. Meron sariling mga ideya gusto kong sundin, mga gustong abutin na parang di mo sukat akaling pwede palang kamitin. Hahanapin ko ang kinalakihan kong pamilya, hahanapin ko rin ang magiging kasiyahan ko tulad ng ginawa ni mama.

"Nabuang ka na? Babe where have you been you're mom was literally crying over the phone" bungad ni Mira nang makarating ako sa kanila.

"Well what do you expect? I walked genius" sabi ko at inisnaban siya.

"Myghad ang attitude ha" sabi niya at kinuha ang bag na dala ko.

"Lalayas ka lang rin naman di ka pa nagdala ng motor" sabi ni Mira at inisnaban tin ako.

"San ka nakakita ng scene sa movie na lumayas may dalang motor?" Tanong ko sa kanya.

"Di naman movie yung life mo eh! Edi sana you called a tricycle nalang duh!" Sabi ni Mira.

"Ano susumbatan mo rin ako?" Tanong ko kay Mira.

"No ofcourse not" sabi niya sa akin.

"Buti naman" sabi ko at pumasok na sa loob.

"If done ka na sa breakdown mo mag-usap tayo ha" sabi niya bago ko isirado ang pinto ng kwarto niya.

Umiyak ako ng umiyak buong magdamag hanggang di ko na maramdaman yung sakit. Di ko rin alam bat ako ganito but i love myself it's just that ang hirap lang! Ang hirap lang mabuhay kung wala kang kakampi, ang hirap mabuhay kung sarili mo lang yung meron ka. Isang araw magigising ka nalang at sasabihing, habang-buhay na lang ba akong magiging pabigat sa mundo? Gusto ko! Sobrang gusto kong mawala na, hinihiling sa mga tala na kunin na nila ako pero kahit kailan di diniling ng mga bituin ang mga hiling ko. Sa tingin ko ay di pa ako gustong kunin ng kalawakan dahil marami akong maiiwan, pero pagod na ako! Sobrang pagod na akong manahinik nalang! Gusto ko nang magpahinga, gusto ko lang naman mabuhay na ng mag-isa malayo sa mga tao na naaapektuhan ng ugali kong kakaiba.

Di naman sa meron akong negative way of thinking pero talagang ganito lang ako kakaiba sa lipunan ng mundo. Lagi nalang akong nawawalan ng mahal sa buhay, wala akong karamay. Lahat sila may kanya-kanya ring problema, na dapat iresolba. Mas gusto kong sarilihin lahat ng mga naiisip ko, gusto kong di sabihin sa kanila lahat ng pinagdadaanan ko. Pero sila ang kumakatok sa mga pinto! Sila ang bumobugabog sa pananahimik ko. Ayaw kong malaman nila, mas gusto kong mawala nalang ng payapa kesa maabala sila.

"Mira? Anong ulam?" Tanong ko nang magising ako pero si Spade agad ang nakita ko.

"Oh bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Labas tayo?" Tanong niya sa akin

"Wala bang klase ngayun?" Tanong ko sa kanya.

"Holiday ngayun oi! At kahit may klase ngayun late ka na kung papasok ka" sabi niya sa akin.

"Di ka magtratrabaho?" Tanong ko sa kanya

"Sirado ang Water Station tuwing Holidays" sabi niya.

"So wala kang gagawin?" Tanong ko sa kanya.

"Iimbitahan ba kita kung meron?" Tanong niya kaya napangiti ako.

"Wait magbibihis lang ako" sabi ko at nagbihis na. Gusto kong sabayan ang suot niyang classic t-shirt lang, pants, and classic vans shoes kaya kumuha lang ako ng same blue cropped shirt ripped jeans at Classic Vans rin itinali ko rin ang 1/4 part ng upper right hair ko para cute.

"Ready ka na?" Tanong niya sa akin.

"Yezzer!!!" Excited kong sabi. Kinuha niya ang kamay ko at isinukbit ito sa braso niya na parang sasayaw kami sa prom.

"Luh siya may pa ganito pa?" Tanong ko

"Yes naman" sagot niya at kumindat. Letseng kindat yan kinilig ako.

"Ayan na sila" sigaw ni Mira kasama ang tropa. At andito rin ang mga siraulo.

Nakahiwalay sila sa dalawang grupo ang isang group ay pinangungunahan ni Mira at sa kabila naman ay ni Ysiquo.

"Kami ang kampon ng mga single! Sigaw!" Sabi ni Ysiquo, walang sumigaw kaya nong sinamaan niya sila ng tingin ay nagsitawanana ang mga siraulo.

"Mag-ingay mga may jowa jan!!!" Sigaw ni Mira. Sumigaw naman si Mira, Indigo, Yzra at Cazzie

"Hoi Indigo dito ka sa group namin" sabi ni Ava.

"Luh! Asa ka" sabi ni Indigo.

"Punyeta ka! May jowa ka pala di ka nagsha-share!" Sumbat ni Eva.

"Kaming mga may jowa di marunong mag-share" sabi ni Mira at nagsisigawan kampon niya.

"Oh eh para saan ba ito?" Tanong ko sa kanila.

"Ang lungkot mo kasi edi may pasabog yang baby daddy mo" sabi ni Ysiquo.

"Sinong mahilig sa bata?" Pasigaw na tanong ni Mira.

"Sumigaw lahat ng ALEXA!!!" sigaw ni Eva.

"ALEXA!!!ALEXA!!! Achuchu! Achuchu! ALEXA!!! ALEXA!!! achuchu! Achuchu!" Chant ng mga siraulo.

"Magsitigil kayo makakatikim kayo sakin" sabi ko at inisnaban sila tumingin ako kay Spade at biglang lumiit siya charot lumuhod siya.

"Luh wala pang tayo magpro-propose ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Sinong mahilig sa bata?" Chant ni Mira na parang leader sa cheerleading.

"ALEXA!!!ALEXA!!! Achuchu! Achuchu! ALEXA!!! ALEXA!!! achuchu! Achuchu!" Chant nila.

"This is a promise ring! If you take this ibig sabihin you accept my love and promise to love me back with all your heart" sabi niya sa akin.

"Anong masasabi ng mga may jowa?" Sigaw ni Mira.

"Meron kaming sikreto di namin sasabihin, sumali sa amin para fresh ka na din" Chant ng may jowa group.

"Kampon ng mga single anong masasabi?" Sigaw ni Ysiquo.

"Wait kasali ako" sabi ni Trina na kakarating lang at pumunta sa kanila Ysiquo.

"Ulit! Kampon ng mga single ano masasabi?" Sigaw niya.

"Hey! Alexa your so fine, You define that single is just so fine! Hey Alexa! Hey, hey alexa wag ka ng jumowa!!!" Chant rin ng mga kasama niya.

"Sinong panalo?" Tanong ni Mira.

"Para sa ano ba yan?" Tanong ko sa kanila.

"Pag sinagot mo si Spade ibig sabihin kaming panalo at team may jowa ka na pag di mo sinagot dun ka sa kampon ng mga single" sagot ni Yzra

"Ah edi panalo kayo" sagot ko at isinuot sa sarili ko ang singsing.

"Tayo na?" Tanong ni Spade

"Yup" sagot ko at hinalikan siya.

"Ay di kaya may pahalik si master" kumento ni Eva.

"Like you babe" sabi ko at tumawa.

Ipinahiram ni Ysiquo ang motor niya sa amin and thats what we use on our first ever date as official couples. Naloka ako sa pasabog ng mga kaibigan ko may paganon pala at pustahan pala yun? Letseng Cazzie nakavlog pala kami sana ol vloggerist. Letse pinagkakitaan ako ng mga siraulo HAAHHHAH.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top