CHAPTER IV

Pumunta dito kanina yung Rowver kasam nong Leibrice mga hinayupak ang lakas ng loob mag-eskandalo. Lakas maka-badtrip nong Leibrice ang sarap talaga pabubunotin buhok sa ilong nakakagigil talaga eh.

"Si Alexa oh na-stress di nirereplyan" pang-aasar ni Cazzie.

"Sinong bago dzai?" Tanong ni Eva.

"Yung Crush niya noon na Grade 9" sabi ni Mira.

"Mahihilig lang sa bata ang malakas pre" sabi ni Ysiquo.

"Wow ha hiyang-hiya" sabi ko kay Ysiquo.

"Okay na yung Mahilig sa bata kesa naman dun sa Bestfriend lang daw pero girlfriend kung umasta" sabi ni Yzra.

"Bestfriend lang daw eh" sabi ko.

"Yeah bestfriend lang" sabi ni Ysiquo.

"Well this is Awkward" sabi ni Indigo.

Sabay kaming umuwi ni Ysiquo halata namang kailangan niya ng kausap masyado siyang natosta dun sa topic namin kanina.

"Sure ka, Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang nga" sabi niya.

"Weh tostado ka masyado kanina ah" sabi ko sa kanya.

"Luh di kaya, sabi ko naman sayo nagmo-mov on na ko pre" sabi niya.

"Eh sinungaling" sabi ko.

"Papunta na ako dun, hintayin mo lang" sabi niya.

"Gaano ba kasakit yung ma-fall sa bestfriend?" Tanong ko sa kanya gusto ko kasing nasisiguradong maiintindihan ko mga sitwasyon ng kaibigan ko para masamahan ko sila sa hirap at ginhawa CHOUR pero totoo nga para damayan ko sila.

"Di naman masakit ma-fall sa Bestfriend eh, ang masakit yung mahulog ka sa taong Alam mong kahit kailan di pwedeng maging sayo" sabi ni Ysiquo.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya ganun din naramdaman ko noon kay Spade. Ngayun ba na malapit na kami sa isat-isa may pag-asa na ako sa kanya?

"Tapos minsan rin kasi akala mo same feelings kayo pero akala mo lang pala" sabi ni Ysiquo. Mas lalong sumikip dibdib ko kahit wala naman akong dibdib dahil sa sinabi niya. Paano kung akala ko lang pala gusto niya rin ako? Pero ang totoo pinipilit ko lang sarili ko sa kanya?

"Mahirap din kasi mag-move on lalo na pag same circle of friends lang din kayo dahil lagi kayong magkikita kahit ayaw mo, gusto mo muna magsarili pero andun yung ayaw mo mag-iba yung samahan niyo" sabi niya sa akin.

"Geh lang pre iiwasan natin ang laging pag-gala para di na kayo masyado magkita" sabi ko yun nalang naiisip kong pwedeng solusyon eh, dahil tuwing gumagala lang naman ang tropa saka sila nagkikita at napakadalas naming gumala.

"Eh hindi pwede yun!" Sabi niya kaya kumunot noo ko.

"Eh bakit?" Tanong ko.

"Siyempre kakati mga paa ko kung di ako makakagala pre, alam mo namang di mo talaga maiaalis yan sa ating magkakaibigan eh" sabi niya kaya natawa naman ako. Oo nga di talaga matatanggal sa amin mg pag-gala, si Mira nga may Family Problem na gala pa din, si Cazzie rin kahit maraming kaaway G na G pa din, ganun din si Eva at Ava na pulis ang tatay di man lang patitinag nakahahanap pa din ng paraan para gumala.

"Siraulo" sabi ko sa kanya. Ibinaba niya lang ako dun sa may Crossing sa may Mercury dahil pwede namang mag-tricycle nalang ako at may bibilhin rin naman ako sa Mercury.

"Alexa?" Humarap ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Spade, pauwi ka na? Sayang di tayo sabay bumili" sabi ko sa kanya at ngumiti

"Uhm Hi! Ako si Merakle BESTfriend ni Spade, ikaw sino ka?" Tanong sa akin nong malditang babae.

"Luh galit ka sis? Ang attitude ah" sabi ko.

"Pagpasensyahan mo na mataray lang talaga magsalita yan" sabi ni Spade.

"I'm Axiffer Lexillian Kardova. Pumili ka dun sa dalawa ng itatawag sa akin, dahil di pa tayo close para magtawagan ng nicknames" sabi ko sa kanya.

"Wala akong pake di naman kita kakausapin kaya no need, what did you want from Spade? Paalis na kami eh" sabi ng mataray na babae.

"Talk to you later baby! Ang ingay kasi ng aso mo eh, tahol ng tahol" sabi ko at nag-blow ng flying kiss.

"Eh baby raw? Sino nanaman ba yang bagong pokpok na kalandian mo ha Bragaz?" Rinig kong tanong niya.

"Ulol kalandian agad?" Tanong naman ni Spade.

"Eh ano bah?" Tanong nong babae.

"Ayan na tricycle oh, tara na" sabi ni Spade at di na nasagot ang tanong.

Myghad napaka Inggetera at Nakakaimbyerna yung babaeng yun ha! Nagigigil ako buti nalang di ako pumapatol sa mga mukhang aso hayst. Nakakairita talaga!

Ikinuwento ko kay Mira ang tungkol dun sa babae nang makabalik ako sa Hospital at siyempre pagkabukas at pagkabukas agad yun noh nanggigiliti na kaya ako sa inis lalabas na yung usok sa tenga ko kung di ko pa makuwento sa human diary ko ang lahat ng yun

"Nakakairita siya! Mukha siyang aso na tahol ng tahol, tapos alam mo ba maka-asta siya girlfriend! Grrrr nakakainis talaga" kuwento ko kay Mira.

"Don't stress I already Stalked her you've got nothing to worry about her, wala naman siyang laban eh kung totoo ngang she likes Spade too edi sana matagal ng sila diba" sabi ni Mira.

"Ah kairita" sabi ko ulit.

"Pabayaan mo na, look she's following me in IG pala oh" sabi sakin ni Mira pero pinabayaan ko lang siya magkuwento at makisali sa pagpintas sa babaeng yun natural kaibigan ako eh edi ipaglalaban ako niyan.

"Come here, Selfie tayo" sabi niya at nag-selfie.

"Talaga bah nasa Hospital ka Inday Selfie gyapon ginaisip mo" paninita ko sa kanya.

"Look at the caption" sabi ni Mira.

"Shout out to the girl who said my Bestfriend is a pokpok, Is this how a pokpok looks like to you?" Basa ko sa Caption.

"Siraulo ka Mira! Maba-bash ka nanaman ng mga Inggitera dahil jan eh" sabi ko sa kanya.

"Pabayaan mo sila, the Important thing is makarating sa kanya yung message ko nang maguilty naman siya. Ikaw pa talaga sinabihang pokpok ha" sabi ni Mira at ayun nagkuwentuhan nalang kami at di na nag-isip tungkol sa mga taong may ayaw sa amin dahil wala naman kaming pake sa kanila.

Nang mauwi ako sa bahay ayun pinagalitan nanaman ako lagi nalang daw ako wala sa bahay, puro raw ako gali which is true. Pero kaya naman ako wala sa bahay dahil busy ako tumulong sa iba eh, ano namang gagawin ko sa bahay eh wala naman akong kapatid, kapamilya, o makakasama jan na dapat alagaan o bantayan. Hinaing na siguro toh ng karamihan sa mga Only Child sa mundo, lagi nalang ako yung nakikita lahat ng mali ko pinupuna lahat ng atensyon nasa akin eh. I'd rather be on Mira's small Apartment than this big mansion walang ka-tao-tao puro kwarto, laging wala si mama anong dapat kong gawin dito kausapin yung sarili sa salamin?

"Oh sige pag-uwi ko wala ka nanaman dito ha" sabi ni mama na naghahanda ng gamit para sa buisness trip daw.

"Wala ka rin naman pag-umuuwi ako ah" sabi ko kaya napatingin siya sa akin at lumapit.

"Anak I'm doing this for you, for us rather para di na natin danasin ulit yung hirap tulad ng dati" sabi ni mom at hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakatingin sakin

"What are you doing mom?" Tanong ko sa kanya.

"I'm Establishing a Big Buisness Anak" sabi niya at tinapik ang pisnge ko

"Bakit lagi kang wala, Ma?" Tanong ko sa kanya.

"Wala tayong kikitaing pera kung nakaupo lang ako dito anak. Kailangan natin ng pera para sa pag-aaral mo, para sa mga bayarin ang dami kong ipina-pasweldo oh" sabi ni mom

"Sana talaga makakapagtrabaho ka na di ka umaalis" sabi ko kay mom

"I need to leave to secure a better future for you, Alam mo naman na mahal na mahal ka ni mama diba?" Tanong niya sa akin

"Yeah I love you too Ma" sabi ko at humalik sa pisnge niya bago siya umalis para sa buisness trip niya.

"Hey kula? Asan kayo?" Tanong ko sa kanya sa tawag.

["Bagumbayan ako pre nag-bike ride kami ng mga kapatid ko"] sabi ni kula.

"Sila Roxi, asan sila?" Tanong ko sa kanya.

["Nasa bahay lang naman ata yun sila Roxi"] sabi ni Kula.

"Sige sige mang-aaya ako ng ride, bawi ka nalang later ha" sabi ko.

["Oo sa sunod nalang ako sasama, gesi gesi bye"] sabi ni kula at pinatay na ang tawag.

Nang-aya ako mag-ride dahil wala rin naman akong gagawin dito sa amin eh, wala naman si mom at alas tres palang ng hapon kahit manood ako ng movie buong magdamag dito sa bahay di naman mawawala pagkabagot ko dito eh.

"San tayo Lex?" Tanong ni Roxi.

"Arat Tantangan?" Tanong ko sa kanila.

"G" sabay nilang sagot.

Gaya ng dati chill chill lang kami sa pagmamaneho habang papunta doon. Pumunt kami sa mga kaibigan namin dun tapos nag-usap lang, kaunting katuwaan at short race rides.

"Sa sunod ulit pre!" Sabi ko sa kanila.

"Balik kayo!" Sabi ni James isa sa mga kaibigan namin dun.

"Panilag maayo sa dalan! Gaulan daan oh" sabi ni Ric.

Nakaka-touch lang dahil mga kaibigan ko lang ang mga taong toh pero mas sobra pa yung saya ko kapag kasama sila. Lalo na sila Mira sila yung nandiyan tuwing malungkot ako, minsan natatanong ko na ano ba yung pakiramdam na maraming miyembro yung pamilya? Ano ba yung feeling ng laging may kasama sa bahay? Ano ba yung feeling ng may mga kamag-Anak na matatakbuhan kung nagigipit kayo o di kaya naman yung feeling ng may pinsang kasama mag-sleep over, gusto ko din maranasan yung feeling ng magkaroon ng Family Reunion.

Si Mama ay Only Child lang naman at Si Papa at ganun rin di Close si Papa sa Pamilya niya at wala rin masyadong kapamilya si Mama dahil nag-madre ang kaisa-isang kapatid niya. Nang dumating ako sa mundo Pareho ring patay ang mga lolo't lola ko on both sides Kaya wala talaga akong kinalakihang Pamilya kundi si Mama lang tapos ngayun pati siya wala na ding time sa akin. Hayst

Sa kanila Mira na rin ako natulog dahil di ko bet sa bahay, nakakapagod mapag-isa.

"Oh blanket" sabi ni Mira.

"Salamat sa kumot! pinasosyal mo pa yung tunog ha" sabi ko sa kanya. Ewan ko ba jan sa kanya baluktot talaga yung dila mapatagalog, Ilonggo, o English laging may Accent at Kasosyalan ang pagbanggit niya.

"Ewan ko sayo" sabi ni Mira at nahiga na kami.

"Kelan kaya ako makakawala sa pagiging mag-isa noh?" Tanong ko sa kanya.

"Andito naman kami nila Crizzy at Dash eh kami ang family mo" sabi ni Mira at ngumiti ako.

"Thanks babe" sabi ko at pumikit na.

"Always welcome babe" sabi niya at magsisimula palang mag-apply ng Skincare niya kaya nauna na akong matulog.

Nang sumunod na Araw may Klase maaga palang ay umalis na ako sa Apartment nila Mira para makaligo pa ako sa bahay, kailangan ko kasing umuwi dahil wala akong dalang uniform.

"Oh late ka nanaman ililista kita ha magbayad ka ng singko mamaya" sabi ni Eva na naglilista.

"Ano tayo Elementary?" Tanong ko sa kanya.

"Magtanong ka dun sa Presidente" sabi niya sabay turo kay Yzra.

"Tss oh eto na nga" sabi ko at nagbayad na.

"Joke lang yun wala talaga tayong babayaran" sabi niya sabay takbo.

"Hoy! Buraot ka" sabi ko sa kanya pero lumayo na siya ang aga pa tuloy badtrip na ako sayang yung singko ko.

"May Assignment bah?" Tanong ko kay Ava dahil todo solve si Mira dun sa upuan niya.

"Daming na-miss na Activities yan kaya naghahabol na makapasa" sabi ni Ava.

"Need mo help?" Tanong ko kay Mira.

"Bakit marunong ka magsolve?" Tanong niya sa akin.

"Syempre" sagot ko kaya tumingin siya sa akin "hindi" dugtong ko kaya humagalpak si Ava sa tawa.

"Ulol dun ka nga! Ang gulo mo" sabi niya at nagtuloy-tuloy pa sa mga na-miss niyang activities.

"Apaka sipag naman bata" kumento ko.

"Hoi Monday Cleaners magsi-linis na nga kayo!" Utos ni Yzra kaya nagsitayo na sila.

"Hoi Alexa kasali ka sa Monday Cleaners maglinis ka na" sabi ni Yzra at binanggit lahat lahat ng pangalan namin.

"Eh Friday kaya ako ba't nandiyan pangalan ko ha!" Tanong ko.

"Oh bakit di ka rin naman naglilinis tuwing Friday ah! Maglinis ka na nga" sabi ni Yzra.

"Alam mo Ish minsan ayaw ko sayo" sabi ko sa kanya.

"I love you too babe" sabi niya at humagalpak sa tawa.

Siya lang yata yung Presidentent Siraulo eh, di ko nga alam ba't naging Presidente yan ang daming katarantaduhan.

"Sige ang di maglinis talaga sinasabi ko ipatatawag ko mga Crush niyo eh" sabi ni Yzra

"Paano sis, eh nasa korea Crush ko" sabi ng isa naming Classmate.

"Ako rin" sabi nong isa.

"Itatapon ko kayo palabas ng Classroom papuntang korea sige mamili kayo maglilinis o tapon" sabi ni Yzra.

"Patapon na yan" sigaw ko mulaaa Malayo

"Oo nga patapon nalang para makita na namin BTS!!! Asawa ko si jimin" sabi nong isa.

"Bias ko si Taehyung walang aagaw" sabi ng isa pa.

"Magsi-linis na nga lang kayo pagwawalisin ko mga itsura niyo eh" sabi ni mayora na umuusok na ang tenga.

"At ikaw tarantado ka eh! Suhol ka ng suhol kaya nagkaka-Idea yang mga yan sumabat eh" sabi ni Yzra at hinabol ako.

"I'm flash ghorl, You'll never catch me" sabi ko sa kanya.

"Ms. Kardova and Ms. Walker ba't kayo tumatakbo?" Tanong ni Sir.

"Konting Away kaibigan lang sir but we're fine naman" sabi ni Yzra at sinamaan ako ng tingin.

"Okay Prayer leader kindly Lead the Prayer and we'll start Class After" sabi ni Sir.

"Ms.Briguenza mamaya na yan magpa-pray na" sabi ni Sir kaya tumayo na si Mira. Haynaku alam kong nahihirapan siya andami ba namang na-miss tapos naghahabol pa siyang masali pa din sa Honors, I wish i can do something pero talagang bobo din ako sa ganyan eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top