CHAPTER III

Katatapos lang ng New Year Celebration namin kasama ko si Mira at mga kapatid niya sa pagsalubong ng bagong taong yun andun din si Fielo at di ko rin naman tinigilang kausapin si Spade na nagre-reply din naman pero malimit lang. Ang suplado eh puro tipid ang reply hayst.

Nasa Apartment ako ngayun nila Mira binabantayan ko ang mga kapatid niya dahil ipapakilala na daw siya ni Fielo sa nanay nito, oh diba nauna pa Legalization kesa sa label. Pero naghalikan na rin naman sila nong New Year ay ewan ko ba sa kanya basta ako naiinis na ako kay Spade di nagre-reply.

["What, bakit ba tawag ka ng tawag?"] Bungad niya nang masagot na ang tawag ko.

"I'm bored" sabi ko sa kanya.

["Bored din naman ako ah, tumawag ba ako sayo?"] Pamimilosopo nito kaya natuwa ako, hindi siya busy kung ganun dahil nakasagot siya guguluhin ko toh.

"Oh bored ka din? Libangin natin isat-isa magkuwento ka, asan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

["Luh feeling jowa tanong ng tanong"] sabi niya at humagalpak.

"Ako nasa kanila Mira ako. Bantay Bata 163 dzai! Sana all ipakikilala na sa nanay ikaw kailan mo ako ipapakilala?" Tanong ko sa kanya at talagang napapwesto na ako ng maayos sa sofa nagsisimula nang maging masaya ang phone call na ito.

["Uh di kita jowa kaya di kita kailangan ipakilala sa kahit sino"] sabi niya kaya napasimangot ako, napaka hard-to-get talaga.

"Anong pangalan ni mommy? Kunwari ka pa you like me rin naman" sabi ko sa kanya at naririnig kong tumatawa siya sa kabilang linya.

["I don't like you"] sabi niya kaya napataray nanaman ako.

"Yeah cause you love me na pala, ikukuwento ko talaga sa mga anak natin na napaka hard-to-get ng tatay nila di dapat tularan" sabi ko sa kanya

["Feeler! Sure na agad na magkakaanak di mo pa nga ako nakukuha eh"] sabi niya.

"Eh makukuha rin kita pagnangyari yun madali nalang yung part na may anak" sabi ko at humagalpak.

["Ulol, geh na may inuutos pa sa akin"] sabi niya

"Say hi to mommy for me or daddy kung sino man nag-uutos sayo" sabi ko sa kanya.

["Uh I don't have Parents, geh na babye"] sabi niya at pinatay na ang tawag.

What? Wala siyang parents, napaka walang kwenta ko talagang kausap sheyt! Ka-awkward nong sitwasyon ko kanina nong tinatanong ko ang about sa mama niya napaka wala talagang preno ng bunganga ko sana di siya na-hurt grrr. Anyways wala na muna akong magagawa dun nag-isip nalang ako ng mga paraan para makabawi sa kanya, di rin naman ako nahihirapan dito sa Apartment nila Mira dahil kaonti lang naman ang gagawin at di rin pasaway si Crizzy na walang ibang ginawa kundi magbasa ng libro o di kaya maglaro sa mga laruan niya, si Dash naman puro ML lang naman ginagawa niyan.

Gusto ko sana kumain sa labas kasama ni Spade kaso di raw uuwi si Mira dahil malakas ulan sa Farm kaya wala akong nagawa kundi ipagabukas na ang naisip. Wala na akong ibang ginawa kundi tumingin sa cellphone ko bawat minuto naghihintay ng reply.

"Alam mo para kang timang" sabi ni Dash.

"Sino?" Tanong ko na nakatingin pa din sa phone.

"Siyempre ikaw, alangan naman si Crizzy di rin naman pwedeng ako kaya syempre Oo. ikaw!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Lose streak ka noh? Ang init ng ulo" sabi ko kaya napa-eye roll siya.

"Ah basta mukha kang timang sino bang hinihintay mo mag-reply? May jowa ka na?" Tanong sa akin ni Dash.

"Siyempre naman, Ako pa!" Sabi ko sa kanya nang biglang nagbeep ang phone ko. Sa wakas nag-reply na.

"Jowa daw pero wala pang Endearment, sabihin mo nililigawan mo palang" sabi niya at humagalpak.

"Umalis ka nga jan, masasapakkita eh. Mind your own buisness" sabi ko at lumayo sa kanya. Binasa ko ang text message at ang sinabi lang sa akin goodnight mula kaninang umaga pa ako naghihintay ng reply tapos goodnight lang? Tss di ko na toh kakausapin ulit nakakainis talaga.

Nag-video call ang siraulo kong tropa ang pasimuno si Cazzie akala ko talaga mag-uusap o may ganap yun pala ipa-prank lang ako ng mga loka, ako pa pumilit jan kay Cazzie mag-vlog eh ngayun kasali pa ako sa mga tinatarantado. Pero okay lang yun support naman ako eh vlogging kaya isa sa mga ikinasasaya ng tropa kong yun.

["Thank you talaga Lex"] sabi niya. Tumawag kasi siya pagkatapos nong vlog niya para ipaliwanag sa akin at mag-sorry.

"Letse ka! Oo ah, duu indi gid bag-o sa akon ang matarantado kag okay yun madami manonood dahil madaming may crush sakin" sabi ko at humagalpak.

["Yucks ikaw pa gid"] sabi niya at humagalpak rin.

"Joke lang gani, CHOUR. Bye na anay babe gatawag jowa ko" sabi ko sa kanya.

["Weh? Ikaw may jowa."] Tanong niya at humagalpak.

"Oo nga, duh" sabi ko.

["Okay sabi mo eh, bye babe"] sabi niya at pinatay na ang tawag.

Pinatay ko ang tawag niya at sinagot ang tawag ni Spadey baby Chour ang harot. Sinagot ko na pero biglang pinatayan ako kaya nag-dial ako baka importante.

"Nagtawag ka?" Tanong niya sa akin sa inaantok na boses.

"Halata bah?" Tanong ko sa kanya.

"Ba't ka tumawag?" Tanong niya ulit kaya kumunot noo ko siya una tumawag eh.

"Ikaw naunang tumawag sis tapos bigla mong pinatay kaya na-curious ako" sabi ko sa kanya.

"Di ako tumawag baka si Merakle pinapakialaman niya phone ko kanina eh" sabi niya kaya tumaas ang mga kilay ko bes, na-iintriga ako sino itong Merakle na ito? At bakit siya ang humahawak ng phone ni Spade?.

"Sino yun? Aso mo?" Tanong ko sa kanya.

"Grabe naman! May aso bang marunong gumamit ng phone?" Tanong niya na medyo natawa

"Eh sino nga?" Tanong ko sa kanya.

"Bestfriend ko, sorry sa istorbo tulong ka na. Goodnight sweetdreams." Sabi niya.

"Sige goodnight" sabi ko at pinatay na ang tawag. Di ako mapakali talaga bang bestfriend lang? Nag-search ako sa Facebook ng Merakle na yan, tss di naman maganda eh.

Puro same sila ng suot ni Spade sa mga posts niya at halos magkasama sila sa mga posts niya, and Friends pala kami sa fb di ko siya kilala never kong nakita sa nf ko pangalan ng babaeng yan walang kwentang friend di marunong mag-react CHOUR.

Dahil puro kami mababait na nilalang ala siyete na kami nagising ng mga kapatid ni Mira at ang aarte nito ayaw sa luto ko loyal sa luto ng ate nila, masarap naman luto ko ah.

"I'm full Ate" sabi ni Crizzy na kumakain ng tinapay at nagga-gatas.

"Ako ayaw ko lang talaga kumain ng luto mo" sabi ni Dash.

"Ang aarte! Sayang Pritong bangus yan oi! Alam mo ba kung paano ako naging ninja sa pag-ilag ng mantika na tumatalsik dahil jan tapos di niyo kakainin?" Sermon ko sa kanila.

"Di ko alam and I don't care" sabi ni Dash.

"Exactly di mo alam kaya eat it na" sabi ko sa kanya.

"Okay ate I'll eat para di ka na mag-cry" sabi ni Crizzy.

"Good one Crizzy" sabi ni Dash at kumuha na rin sa niluto ko

"Ayan kakain din pala pina-highblood pa ako" sabi ko at nag-eye roll, ang aarte ng mga batang toh samantalang yung ate nila wala namang ka-arte-arte yun nong bata pa kami eh.

Nagwawalis ako dahil kakarating lang namin galing school nang namilit si Crizzy mag-bike sa labas kaya sinamahan ko. Nang nasa labas kami nakita ko si Spade.

"Oi! Andito ka lage?" Tanong niya sa akin.

"Stalker ka! Sinusundan mo ako noh?" Tanong ko sa kanya.

"Galing ako sa bahay ng groupmates ko sa cheerleading namin sa mapeh oi wag kang feeler" sabi niya.

"Ah okay, cheerleader ka pala?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi Ah" sabi niya kaya biniro ko pa siya wala lang para mapahaba ang usapan namin kilig ako eh.

"Tama na nga! Sabing hindi eh, ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Diba sinabi ko sayo kagabi bantay bata 163 ako sis" sabi ko sa kanya.

"Ah okay, at hindi nga sabi ako sis" sabi nito at nag-pout.

"Edi baby nalang" sabi ko at nag-eye roll lang siya.

"Kaninong kapatid toh? Parang ang yaman mo naman para mag-babysit" sabi niya sa akin.

"Di kaya kami mayaman, kapatid yan ng bestfriend ko. Wala ang ate niya kaya binantayan ko muna" sabi ko sa kanya.

"Same old same old, mahilig ka pa din sa bata" pang-aasar niya.

"Shut up" sabi ko at nag-eye roll.

"Ate Lex help" sabi ni Crizzy dahil nahulog tsinelas niya habang nagba-bike.

"Ang cute mo pagnakatalikod Ate" pangaasar niya sa akin.

"Shut up" sabi ko ulit.

"Pagnakatalikod lang" sabi niya at humagalpak.

"Cute naman talaga ako duh" sabi ko sa kanya at hinayaan na ulit si Crizzy na maglaro.

"Asan banda?" Tanong niya sa akin.

"Alam mo bulag ka talaga noh? Di mo na nga nakikita kakyutan ko di mo pa nakikita halaga ko" sabi ko sa kanya.

"Luh siya humugot amp! Kita ko kaya, ikaw lang yung laging nagsasabing hindi" sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin namumula ako bes.

"Kilig ka naman?" Tanong niya kaya nasapak ko siya.

Kasaya na sana ng hapon na yun pero may di inaasahang pangyayari ang naganap.

"Ahhhhh!!! Ate lexiiiiiiiii" sigaw ni Crizzy. Nang tumingin ako ay huli na dahil nabangga na si Crizzy mabilisan akong tumakbo papunta sa kanya at siniguradong okay lang siya nang makita kong may mga dumudugo siyang galos ay nagpanic na ako, mas lalo ako nagpanic nang makita ko ang paa niya.

"Gago ka ah! Ang bobo mo mag-motor di mo nakita yung bata? Bulag ka ba ha? Maguilty ka naman kahit konti may plano ka pang tumakas ha" sabi ni Spade na pinipigilan yung siguro mga edad labingdalawa o labing tatlo na batang lalaking yun, napaka iresposable ng batang yun Mabilis rin naman ako magpatakbo pero marunong naman akong tumingin hayst baka mapano pa si Crizzy naku naman kawawa yung bata baka maputulan ng paa masira ko pa kinabukasan niya myghad maguiguilty ako mababaliw ako magpapa-admit ako sa mental Hospital or Psychiatric Hospital tapos di na magiging kami ni Spade mapupunta na siya dun sa Merakle and worst baka mag-FO pa kami ni Mira kailangang mapagamot ang batang itoooo.

"Arat sa Hospital G?" Tanong ko na habang lumuluha.

"Wag ka ngang umiyak, natatakot lalo ang bata sayo eh" sabi ni Spade.

"Ayaw kong mabaliw sis, Arat na kasi antagal mo naman gumalaw eh" sabi ko at nagpara na ng Tricycle.

"Baliw? Ewan ko sayo ano bang konek?" Tanong niya pero busy pa ako sa pag-pa-panic para matawa sa ekspresyon niya sa mukha.

"Din kamo?" Tanong ng Tricycle Driver.

"Malamang sa Hospital 'kol eh langan namang sa Hardware anong gagawin namin dun bibili ng lagare puputulin yung paa ng bata?" Tanong ko kaya mas lalong lumakas ang iyak ni Crizzy.

"You're not helping" sabi ni Spade.

"Private o Public?" Tanong ng Tricyclr Driver.

"Kung ikaw mautdan ka tiil kol mamili ka pa kung Private o Public? Syempre kung din pinakalapit! Ghad diin ang Common Sense?" Tanong ko na habang pinapatahan si Crizzy.

"Sa pinakamalapit nalang po kol, pasensya na nag-aalala lang po yung kasama ko sa bata" sabi ni Spade habang nagmamaneho si Angkol(Manong).

"Pasensya na maam Ginasigurado ko lang budlay na daan basi ang pinakalapit nga Hospital di niyo gale bet teh sala ko pa" sabi ni Manong.

"Sorry man kol ah, pakidalian nalang" sabi ko at nauna na ako sa loob ng ER dahil sobrang nagpa-panic na talaga ako.

"Spade!" Tawag ko sa kanya nang makapasok siya.

"Asan na siya?" Tanong ni Spade at niyakap ako para patahanin umiyak.

"Andun sa loob kailangan daw tignan kung gaano kalala yung crack kag tan awon kung amuto lang ang diperensya nga natabo" sabi ko sa kanya.

"Oh tahan na! Magiging okay din siya" sabi ni Spade pero di pa din ako matigil sa kakaiyak dahil nag-aalala ako halos kapatid na turing ko sa batang yun eh.

Dumating si Mira at nagsorry ako permo mukhang di naman siya galit so di pala kami mag-e-FO pero baka mabaliw pa din ako wahhh ano ba yan ano ba tong mga naiisip ko?

"Tahan na sabi naman nong kaibigan no na di siya galet diba" sabi ni Spade.

"Halos kapatid ko na rin yang si Crizzy eh, nasubaybayan ko paglaki niyan baka masira ko kinabukasan nong bata" paliwanag ko kay Spade.

"Ulol maaayos naman yung paa niya di naman ganun kalala yung Crack, wag kang OA" sabi niya at humagalpak.

"Tawa tawa ka jan todo hug ka nga kanina! Gusto mo talagang niyayakap ako noh? Tss Chancing" sabi ko kaya kumunot noo niya.

"Hindi kaya! Stress na stress ka kasi kaya pinapatahan lang kita noh" pagdedeffend niy sa sarili niya.

"Tss i don't think so" sabi ko.

"Luh ikaw lang yung may gusto eh!" Sabi niya.

"Asa ka" sabi ko at uminom na ng sabaw nong Cup Noodles at talagang hinintay niyang kumalma ako bago umuwi, inabot ba naman ng Umaga.

"Alis na ako ha, ngayun kasi magsisimula klase namin eh" sabi niya. ah di pala sabay sabay magsi-balik sa klase ang mga schools? Ang daya naman.

"Hala sorry sa abala, Oo bilisan mo baka ma-late ka pa. Sorry talaga ulit ha" paulit-ulit ako nag-sorry 6:30 na kami nagising sis nandun lang kami sa may mga upuan nakatulog. Sana ol caring hayst pa-fall.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top