CHAPTER I
"Axiffer! Halika na andun na ang papa mo" sabi ni mama habang nagsisintas ako ng sapatos ko. I was 10 years old.
"Uuwi naman kayo diba?" Tanong ni Mira bestfriend ko.
"Pipilitin ko" sabi ko sa kanya at niyakap siya sa huling pagkakataon
Laging umaalis si papa taon taon dahil sa Trabaho niya. Di ko alam kung ano ang trabaho niya basta isang araw nabalitaan nalang namin ni mama na nasa South Africa daw siya, gusto niyang sumunod kami ni mama doon.
"Promise me you'll always call, Okay" sabi ni Mira habang nag-pupunas ng luha. Iyakin talaga siya.
"Di magkabalaka oi! Syempre tatawag ako" sabi ko sa kanya at ibinigay ang Power Rangers Figurine ko.
"Labutaw ka gid! You're going to leave then give me an astronout riding a bike? Ano toh sasakyan ko para sumunod sayo sa Africa?" Tanong niya.
"Mas labutaw ka! Power Rangers yan tanga! That's my best toy kaya alagaan mo yan" sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto habang sumusunod siya.
I don't know if dapat ba akong sumaya o hindi but our flight got cancelled kasi tumawag ang isang kasamahan ni Papa na nawawala raw siya sampong araw na kaya napilitan kaming umuwi sa Tacurong.
Eversince then hindi na namin nahanap si Papa. Mom had to work really hard para masustentuhan niya kaming pareho. Good thing Mira was there, iniiwan ako ni mama sa kanila at magslee-sleep over ako sa kanila. O di kaya naman ay isinasama nila ako where ever they go kaya lagi kaming magkasama hanggang sa lumaki nalang kaming ganun.
"I call dibs on the wings" sabi ni Mira sabay hablot nong pakpak ng lechon manok. Di ko ba alam bat ang hilig mag ingles ng babaeng yan lagi nga yang nabu-bully sa school noon dahil di marunong magsalita ng ilonggo.
"Edi wow breast part kaya yung gusto ko" sabi ko sa kanya at nagsimula na ring kumain.
"Bakit dahil flat ka?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Paghipos ka dah pagtapos ko kaon matoast ka gid sakin" sabi ko at nagsimula na ring kumain. Nasa bahay kami ni Indigo.
"Ang tatakaw inunahan pa akong kumain" sabi ni Indigo nang makarating ito.
"Sino yung lalaki kanina sa labas?" Tanong ko sa kanya.
"Ah yun trabahador ni tito" sabi niya at nagsimula na ring kumain.
"Huh? Eh diba under 18 pa yun" tanong ko.
"Nakikiusap eh kailangan daw ng trabaho" sabi ni Indigo.
"Bakit Lex crush mo noh?" Tanong ni Mira.
"Hala hindi kaya, gwapo lang" sabi ko at humagalpak sa tawa.
"Ang landi" sabi ni Indigo at nakipag-apir pa si Mira sa kanya ha.
"Correct ka jan girl" sabi ni Mira.
"Gwapo nga kasi pero di ko yun type" sabi ko sa kanila at tinignan naman nila ako na di naniniwala.
"Ano bang pangalan?" Tanong ko at natawa si Indigo.
"Hindi daw crush ha" sabi ni Mira.
"Hindi nga" sabi ko.
"Spade ata pangalan" sabi ni Indigo.
"Ah spade" sabi ko at lumamon na.
"Don't be shy, landiin mo na" sabi ni Mira at nauna nang nag-aproach kay spade sumunod naman ako, ako ang may crush sa kanya eh.
"Hi!" Bati ni Mira pero tinignan lang siya nito.
"You're so suplado but yeah I can work with that. Speaking of suplado do you want to make landi with my friend Alexa? She's single ready to mingle" sabi ni Mira halos takpan ko na ang mukha ko sa hiya pero nalimutan ko wala pala akong hiya.
"Ano daw?" Tanong ni Spade.
"Let me Introduce myself. Hi! I'm Alexa" sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay.
"Oh tapos?" Tanong nong lalaki.
"What's your name?" Tanong ko sa kanya pero di niya ako pinapansin.
"Hala ang pangit mo daw Lex!" Sigaw ni Indigo na pinagmamasdan kami mula sa kwarto niya sa taas.
"Can i Call you Love?" Tanong ko sa kanya.
"Di ako pumapatol sa mas matanda sa akin" sabi ni Spade. Napakawalang hiya niya to reject me like that.
"Okay lang yun ako gusto ko sa mga bata, gusto mo maging baby kita?" Tanong ko sa kanya.
"Oh tapos?" Tanong niya sa akin.
"Ah kairita wala kang kwentang kausap, tara na nga" tawag ko kay mira at umalis na kami.
"Olats Lex di ka daw maganda" sigaw ni Indigo.
"Wala kang hiya! Ang ganda ganda ko kaya!" Sigaw ko bago pumasok ng sasakyan. That was the first time I met that very Annoying person, ano ba yan napapa-english ako nahawa ata kay Mira.
So ayun na nga matapos yun di ko na nakita ang nakakainis na lalaking yun. Ang buong akala ko ay hanggang doon nalang talaga ang huling pagkikita namin pero may ibang plano ang tadhana. Pagkatapos ng isang taon pumunta kami ni mama sa isang paaralan sa Buenaflor para magbigay ng mga school supplies sa mga bata.
Unti-unti ng lumalaki ang negosyo ni mama non at gusto niyang tumutulong sa mga bata dahil noong bata raw siya ay iniidolo niya daw talaga ang mga namamahagi sa school nila. At dun nakita ko siya ulit.
"Axiffer! Anak come here" tawag ni mama sa akin.
"This is Spade, tutulongan niya tayo sa pagbabahagi ng munti nanting mga nakayanan sa mga batang ito" sabi niya sa akin at sumilay ang nakakademonyong ideya sa utak ko.
"Oi nagkita tayo ulit" sabi ko sa kanya.
"Di kita kilala" sabi niya sa akin at napataray nalang talaga ako.
"Nag-iisa lang ang may ganitong mukha sa Tacurong, di pwedeng di mo ako maalala. Anyways ako si Alexa, last year tinanong kita Can I call you love at di mo ako sinagot" sabi ko sa kanya.
"Di kita gusto" sabi niya agad at umalis. Nilapitan ko naman siya agad.
"Ako gusto kita" sabi ko sa kanya at tumabi habang namimigay ng mga pagkain sa mga bata.
"Matanda ka" sabi niya kaya umusok ang tenga ko, napaka walanghiya talaga.
"Hindi kaya Senior High palang ako" sabi ko sa kanya at tinarayan siya.
"At Grade 9 palang ako" sagot niya naman.
"Walang mali dun 2 years gap" sabi ko at ngumiti.
"Oh tapos?" Tanong niya sa akin, bago pa ako mapikon sinimulan ko na ang nakakaloko kong ideya.
"Hi kids!" Bati ko sa mga bata at nginitian sila.
"Hi po Ateng Maganda" sabi ng isang bata.
"Hi ate Ganda" sabi naman ng iba at nagsunod-sunod na sila.
"Hindi bat ang gwapo ng boyfriend ko?" Tanong ko sa kanila at nagsi sagot naman ang mga bata. Ang lokong lalaki di man lang tumingin sakin ah ayaw akong bigyan ng pansin.
"Opo ate" sagot ng isang batang babae.
Halos lahat sa kanila ay sumagot ng oo maliban sa isa.
"Hindi po ate" sagot ng isang lalaking bata.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mas gwapo po ako" sagot ng bata at nagsitawanan ang mga kaklase nito nang nag-posing siya.
"Bakit gwapo naman talaga siya ah" sabi ni spade dahil umiyak ang bata nang tawanan siya.
"Mas gwapo ka" bulong ko sa kanya.
"Mga bata wag tutuluran ang babaeng ito ha" sabi niya sa mga bata.
"Bakit po kuya?" Tanong ng bata.
"Masyado siyang mahilig sa bata, Aswang siya nangangain ng bata kaya layuan niyo" sabi niya sa mga bata at Tumingin naman ito sa akin na parang nandidiri
"Mahilig talaga ako kumain ng bata, gusto mo kainin kita?" Bulong ko ulit kaya lumayo siya sa akin. Humagalpak naman ako sa tawa.
Di ko alam saan siya nakatira at kahit anong hanap ko sa facebook di ko mahanap ang account niya. Hanggang sa nalimutan ko na ang tungkol sa kanya at nakakita ng kung sino-sinong makakausap. Di ako mahilig sa seryosong Relasyon, ako yung tipo ng taong bigla biglang nawawala HAHHAHAHA pero di ko naman itinatago alam ko naman kung ano ako, hindi sa pinaglalaruan ko sila pero kasi di talaga kami nagwo-work out eh.
Lagi kong naabutan si Mira na ang daming manliligaw SANA OL talaga, Meron din naman akong manliligaw pero mas solid yung kanya pre puro handa maghintay eh yung akin parang kada month iba-ibang mukha nakikita ko.
"Oh bago nanaman?" Tanong ko sa kanya.
"Ulol! Si Rowver nga pala" pakilala niya dun sa lalaki.
"Hi! Okay lang bang ligawan ko bestfriend mo?" Tanong nong lalaki.
"Ah liligawan mo palang? Ang hina, geh maiwan ko na kayo naiirita ako tumingin" sabi ko kaya sinabunutan ako ng gaga.
"Be nice" sabi niya sa akin kaya tinarayan ko siya
"Anrami ko ng nakilala pero ni isa walang sinagot yang babaeng yan, wag papascam" sabi ko at humagalpak.
"Tampaon ta na ka" sabi ni Mira.
"Eto na nga. Wag mo iwan ha andami kasing nangangako jan ni isa walang tumupad" sabi ko at umalis na. Natural halos lahat ng lalaking ipakilala niyan kinakausap ko minsan nakakainis na pero mukhang iba yung isang yun, sana talaga di niya saktan bebe ko.
Dumaan ang isang buong taon sis wala man lang naging seryosong ka-chat puro walang kwenta, puro manloloko, puro di seryoso pero okay lang edi quits na kami.
Nag-invite si Yzra sa Genalin dahil Anniversary daw nila tita. Paalis na ako ng bahay papunta sa Apartment ni Mira. Im wearing a black Crop shirt and Maong Ripped Jeans partnered with my 24K Navy Inspired Jacket. Di ko talaga alam kung bakit pero kinakabahan ako mula pa kaninang umaga, ewan baka gutom lang.
"Axiffer Lexillian Kardova!!!" Tawag sa akin ni mama noong paalis na ako.
"Where are you going? May shoot ka pa mamaya" sabi ni mom.
"Anniversarry ng Parents ni Yzra mom. She invited me" sabi ko sa kanya.
"Sige pero hindi ka aalis nang nakamotor bumaba ka jan at magpahatid ka kay manong" sabi ni Mom
"Okay lang gani ko, diba gani hambal ko mamodelling ko kung sugtan mo ko mag-motor" sabi ko sa kanya
"Nag-modelling ka ba? Eh Photoshoot nga tinatakasan mo" sabi ni mama at nagcross-arms.
"I'll ride my Life in the streets, you'll walk yours in the runway" sabi ko at pinaandar na ang motor.
"Hindi ito ang ginusto ng papa mo para sayo" sabi ni mom
"Ang gusto niya maging masaya ako sa ginagawa mo ma, ikaw di ka ba magiging masaya para sa akin?" Tanong ko sa kanya at nagpaharurot na sa sasakyan.
Mabilis ang patakbo ko, seriously i dunno what's gotten into me. Dito ako dumaan sa Crossing sa may Sunoil eh mas malapit pag sa kabila ako dumaan. Paliko na sana ako ng may paika-ikang lalaki ang sumulpot sa likod ng sasakyan na dumaan bago lang, pasalamat siya at nakapagpreno ako.
"Ano problema mo cyszt?" Tanong ko sa kanya
"Sa tingin mo cyszt ako?" Mataray nitong tanong habang iniinda ang sakit ng paa nito.
"Ako na nga may concern, galit ka pa" sabi ko sa kanya at nanaray
"Alam mo Tang*na mo" sabi niya at napansin kong madami na palang nakatingin sa aming mga tao mayroon ding mga tumigil na sasakyan.
"Hala siya Attitude, Tang*na mo rin" sabi ko at isinuot ulit ang helmet ko.
"Ano ba yan? Ikaw na nga nakabangga nagmumura ka pa" sabi ng isang babaeng nakatingin sa amin.
"Wala po akong kasalanan" sabi ko sa kanya at tinanggal ulit ang Helmet.
"Indi na magtikal langga nakita namon ang natabo" sabi ng lalaking nakasuot ng Guard uniform.
"Hala mamzer wala ko gibangga nah" sabi ko at todo deny.
"Teh nga natumba?" Tanong ng isa nanamang babae
"Mukha ba akong manghuhula?" Tanong ko sa babaeng yun dahil naiinis na ako.
"Hala bastos nga bata" sabi nong naunang babae kanina
"Mayad nalang indi ako tong bata" sabi ko at ngumiti na mas ikinapikon ng mga ale na iyon.
"Ano pangalan mo? Kuhaon ko pati Plate number" sabi ng isang rider na napadaan rin.
"Ba't ko sasabihin? Stranger ka kaya" sabi ko dito at tinaasan siya ng kilay.
"Kaluoy ang nagpadako sa imo langga kabastos ka baba mo" sabi nong babae.
"Atleast tuod ginahambal ko" sabi ko sa kanila.
"Amuni nalang langga tawagan ko si mama mo ha" sabi nong guard sa Mercury na lagi akong nakikita na kasama si mom pag bumibili kami jan.
"Opo zerr" sabi ko at ngumiti.
Nagsilayas na ang iilan aa mga chismosang putak ng putak di naman alam ang totoong nangyari. Mayat-maya pa ay nandiyan na si mama.
"Anong nangyari Guard?" Tanong ni mom
"Nakabangga maam" sabi ni Guard
"Yan! Yan na ngaba ang sinasabi ko Alexa" sabi ni mom
"Ma'am mas nami guro kong dal on sa Hospotal ning nabanggaan" sabi nong rider kanina.
"Ay sige sige ako na bahala, pasensya na gid" sabi ni mom
"Pwede ko kuhaon ang Plate number kag pangalan? pulis ko maam." Sabi niya kay mom
"Hala pulis Alexa oh" sabi ni mom at nagsuklay ng buhok gamit ang kamay dahil sa inis.
"Teh mag-ano ako mom?" Tanong ko sa kanya at dun pumasok ang nakakabaliw ngunit di naman masyado na idea. "Itaas ang kamay" sabi ko sa kanya at kunwaring may tinatago sa loob ng jacket.
Napaatras naman ang pulis at napatingin kay mon.
"Alexa" tawag ni mom sa akin dahil sa inis.
"At iwagayway" sabi ko at iwinagayway ang kamay sa ere. Nabatukan ako ni mama pero Okay lang pwede ko ng i-crossout sa bucketlist ko yung lokohin ang pulis na may dalang baril.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top