01
"H-help," I gasp, struggling to breathe. It's the only word I can desperately manage to utter.
I keep running, with no destination in sight, hoping to escape this looming death. Despite my short breath, trembling legs, and wounded body, I push on, trying to flee from those devils.
My body starts to crumble as lights erupt behind me. "N-No!"
When I open my eyes, the nightmare fades away, leaving only my labored breathing. It takes me a few minutes to calm my shaking body.
Alam kong panaginip lang iyon, pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot at sakit sa katawan ko. Simula nung tumungtong ako sa edad na dise-otso, lagi ko nang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Hindi ko alam kung may kinalaman iyon sa tunay kong pagkatao o bunga lang ng imahinasyon ko.
Napatingin ako sa orasan. "Alas-dose i-medya pa lang. May bente minutos pa akong natitira." Napabuntong-hininga ako nang mapagtantong may ilang minuto pa bago ang out ko.
Nasa locker room ako ng mga empleyado, nagpapahinga. Siguro dahil sa pagod, hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako, pero nagising mula sa isang bangungot.
Sa halip na magpahinga, pinili ko na lang tulungan ang mga katrabaho ko. Mahaba pa ang oras ng break ko, pero ayoko na ulit mapanaginipan ang pangyayaring iyon.
Mabilis lumipas ang oras, at hapon na nang matapos ako.
"Mauna na ako sa inyo," sabi ko sa kapalitan ko ng shift sa convenience store, halatang bangag.
Habang palabas, binibilang ko ang natitira kong pera. Bahagya kong ini-yuko ang ulo nang makitang kahit pamasahe, kulang ang barya sa pitaka ko.
‘Okay lang 'yan, Keena. Makakahanap ka pa ng trabaho mamaya. Fighting!’
Gusto ko na talagang matulog. Morning shift kasi ako kanina—mula alas-singko ng madaling araw hanggang alas-tres ng hapon. Yung bakanteng oras ko, ginugol ko sa paghahanap ng trabaho, pero sa kasamaang palad, wala akong nahanap. Masarap magpahinga at mag-relax, pero para sa mahirap na gaya ko, hindi pwedeng tatamad-tamad. Kung hindi, mamatay ka sa hirap ng buhay.
"Ate," tawag ni Rosa na may agam-agam sa mukha, hinihintay ang pagdating ko sa harap ng bahay namin. Nakaupo siya sa upuang kawayan.
"Wala na po tayong pambili ng ulam. Naipambili ko po kasi ng mga materyales para sa school project namin bukas. Sorry po, Ate," sabi niya habang umiiyak. Pinunasan ko ang luha niya at hinayaang umiyak sa balikat ko.
Napalipat ang tingin ko sa bahay namin at bahagyang napangiti. Mga papabagsak na haligi, dingding na gawa sa pawid, at bubong na butas-butas ang bumubuo sa munti naming tahanan. Kung titingnan mo sa labas, parang hindi na ito kayang tirahan dahil parang bibigay na ang mga pundasyon. Pero kung sa loob, matitibay pa ang ilan.
Ang bahay na ito ang naging tahanan ko noong panahong gulong-gulo ako at halos hindi kilala ang sarili ko.
"Wag ka nang umiyak, Rosa. Hindi naman galit si Ate. Pinambili mo naman ng materyales sa school, diba?" tanong ko habang hinihimas ang buhok niya.
"Opo," sagot niya habang kinukusot ang mga mata.
"Hindi magagalit si Ate. Kailangan mo iyon, eh. At least ginamit mo sa tama ang pera." Hinawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya sa akin.
"Sorry po talaga, Ate. Promise po, pag may kailangan ako, magsasabi muna ako sa inyo." Itinaas pa niya ang kanan niyang kamay, kaya napatawa ako ng bahagya.
"Very good, Bunso."
"Keena, anak, ikaw na ba iyan?" tawag ni Inay mula sa kanyang kwarto. Mahina na kasi ang katawan niya at nakaratay na lang siya sa kama.
Pinapasok ko si Rosa dahil malamok na sa labas.
"Matulog ka na, maaga pa ang pasok mo bukas. Titingnan ko si Inay," sabi ko bago pumasok sa kwarto.
"Kamusta na po ang pakiramdam niyo? Maayos na po ba?" tanong ko habang sinusuri ang noo niya. Kagagaling lang kasi ni Inay sa lagnat, tapos umatake pa ang rayuma niya dahil sa lamig.
"Keena, wag mo ako masyadong alalahanin. Ipagpapasa-Diyos ko na lang ang buhay ko. Sarili mo dapat ang inaalala mo, anak. Tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko, kaya napangiti ako.
Maramdaman ko lang ang haplos ni Inay at marinig ang tinig niya, bumabalik ang sigla ko. Makita ko lang siyang maayos at nakakangiti, nawawala ang alalahanin ko.
"Inay, wag mong sabihin iyan. Nangako ka kay Rosa na ikaw ang magsasabit ng medalya sa kanya sa graduation, hindi ba? Sige na, magpahinga ka na ulit, gabi na." Nang makita kong humihikab siya, inihanda ko ang kumot at inayos ang unan para hindi siya mahulog.
"Goodnight, anak. Ihalik mo na lang ako kay Rosa," utos niya.
"Goodnight din po, Inay. Matulog po kayo ng maayos," sabi ko bago ko siya hinalikan sa noo. Nakita ko pa siyang ngumiti.
Pagkalabas ko ng kwarto ng Inay, nakita ko si Rosa na nakasalampak sa semento at nakasandal sa dingding habang umaalog ang mga balikat nito.
"Bunso may problema ba? Bakit ka na naman umiiyak?" napaka-iyakin talaga ng batang ito. Kahit nasa ika-anim nang baitang ay iyakin pa rin.
"Ate 'diba hindi naman tayo iiwan ni Inay?"
Nabigla ako sa tanong ni Rosa ngunit agad ko iyong itinago sa halip ginawaran ko siya ng isang munting ngiti. Minsan hindi ko alam pero mas mature pa mag-isip si Rosa kaysa sa akin. Nasa dose anyos palamang ito ngunit may pagkakataong pakiramdam ko mas matanda sa akin ang kausap ko. Isa na rin sigurong malaking factor ay ang kakulangan nito sa pagkakaroon ng ama. Ang kwento ni Inay sa amin bata palang si Rosa ng iwan sila ng asawa nito.
"Hindi natin alam kung ano ang plano ng Diyos kay Inay, Rosa. Ang importante ay habang nabubuhay pa si Inay ay paligayahin natin siya at punuin ng maraming pagmamahal, okay ba iyon Rosa?"
Tumango na lamang ito at napabuntong hininga. Nakikita kong hindi pa ito inaantok kaya naman hinayaan ko na lamang na mag-kwento ito ng mga bagay na nangyari sa kaniya ngayong araw sa eskwela. Hanggang sa nagawi ang topic namin sa nakaraan.
"Alam mo ate, natatandaan ko dati dadalhin dapat ako ni Inay noon sa amusement park. Ang sabi ni Inay hindi niya naranasang pumunta doon kaya ipaparanas daw niya sa akin. Kaso bigla ka naming nakita noon sa kalsada. Ang dami mo pong dugo sa ulo at sugat. Ano po bang nangyari sa inyo noon?"
"Hindi rin alam ni ate, bunso. Hayaan mo kapag may naalala na ako ikaw ang una kong sasabihan, okay ba iyon?"
"Opo ate, promise mo ha?" masiglang saad nito saka inilabas ang hinliliit na daliri.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang tungkol doon dahil nang magising ako ay si Inay ang una kong nabungaran. Kinamusta niya ako noon kung may masakit pa daw ba sa akin. Naalala ko pang hiyang-hiya ito na hindi niya ako madala sa ospital kahit gusto niya dahil kapos siya sa pera. Gulong-gulo ako noon dahil wala akong maalala sa mga nangyari. Inalagaan at itinuring akong tunay na anak ni Inay. Binigay pa nga niya sa akin ang pangalang Keena na dapat ay ipapangalan niya sa namatay niyang anak.
Akala ko noon hindi ako magtatagal sa kanila. Akala ko hindi ko kakayanin dala na rin ng wala akong maalala. Pero malaki ang pasasalamat ko kay Inay. Itinuring niya akong sariling anak at itinuring akong totoong kapatid ni Rosa.
Aaminin kong magpahanggang ngayon nais kong malaman ang tunay kong katauhan. Ngunit mas lamang ang kagustuhan kong manatiling si Keena Peñanueva.
"Goodnight ate. Inaantok na po ako." Humihikab na paalam sa akin ni Rosa.
Kung hindi ako makakahanap ng trabaho bukas, baka hindi na naman makapag baon si Rosa. Nasa ika-anim na itong baitang ilang buwan na lamang ay mag-highschool na kaya kailangan kong kumayod ng mabuti, dahil tiyak na mas maraming gastusin ang naghihintay sa akin sa pagtungtong niya ng highschool.
KINABUKASAN
"Ate gising na male-late ka na!" rinig kong hiyaw ni Risa sa labas ng aking pintuan na siyang nagpaggising sa diwa ko.
Anong oras na ba ako nakatulog kagabi?
"Hala shit anong oras na pala, lagot na naman ako kay boss nito!" Kumakaripas kong tinakbo ang banyo kahit tinatawag pa ako ng higaan.
Hindi na ako nakaligo ng husto basta shampoo at kaunting sabon na lamang ang naging ligo ko. Kung dati, dalawang timbang tubig pa ang nagagamit ko ngayon pinagkasya ko na ang isang timba. Mas lalo akong mala-late kung dalawang punong timba ng tubig pa ang ititimba ko sa poso.
"Rosa mauna na ako ha! Ikaw na muna ang bahala kay Inay. Kapag mag-lalaro ka mamaya, siguraduhin mong napakain at napainom mo na ng gamot ang Inay!" Hinawan ko ang mga gusot sa aking damit na nakikita ko sa salamin. Habang sinusuot ang sapatos ay lumapit si Rosa sa akin.
"Noted po ate, magiingat ka po. Pag dinaganan ka po ni dambuhala hayaan mo ihahahanda ko na po ang pang bomba sa iyo!" masiglang wika nito na bahagyang nagpatigil sa akin sa pagsisintas ng sapatos ko. Ang tinutukoy malamang nito ay ang boss ko. Hindi sa nanghuhusga ako subalit tunay naman talagang malaking bulas ang amo ko sa convinience store.
"Ano naman kinalaman nang bomba doon?" puno ng pagtatakang wika ko.
"Syempre ate kapag dinaganan ka ni dambuhala mapipiyot ka—iimpis ka. Kaya bobombahin kita para bumalik ulit hangin mo sa katawan!" Laglag panga kong tininingnan si Rosa. Hindi ko alam kung saan natututuhan ni Rosa ang mga bagay na iyon.
"Ikaw talagang bata ka, sige na ihalik mo na lang ako kay Inay. Bye-bye!" Sa halip na magpaka-stress sa mga linyahang lumalabas sa bibig nito ay minabuti ko na lamang na ibahin ang usapan. Kilala ko ang batang ito, tiyak na marami pang itong mga baong jokes.
"Bye-bye ate!"
Mabilis kong tinakbo mula bahay hanggang sa toda kung saan nakapila ang mga tricycle.
"Mang lucio, sa may 7 eleven nga po sa bayan," aliga-gaga kong utos kay Mang Lucio na lagi kong sinasakyan sa tuwing papasok ako sa trabaho.
Nang matanaw ang convinience store na pinagtratrabahuhan ko ay mabilis kong pinakalma ang sarili ko—subalit wala rin itong naging epekto.
"Keena!" hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng convinience store ay mala-tigreng boses na naman ni Boss tabachoy ang nabungaran ko.
"Ay tabachoy!" Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa gulat. Nakita ko ang mga katrabaho ko sa gilid na mga tila natatae at iba ay nagpipigil ng tawa.
"Aba sino ang tinatawag mong tabachoy?!" umuusok ang ilong na sigaw nito.
"Hala ang taba po kasi ng asong nakita kong nagdaan kanina tapos ginulat niyo pa po ako," pagpapalusot ko dito.
Napaismid ito na tila hindi naniniwala, "Bakit late ka na naman?"
"Pasensiya na po, masarap kasing matulog eh. Promise po last na 'to." Itinaas ko pa ang kaliwa kong kamay ngunit ng makita ko ang nakataas nitong mga kilay sa ginawa ko ay agad ko itong ibinaba at ipinalit ang kanang kamay.
"Siguraduhin mo lang. Sige bilisan ang kilos! Galaw-galaw!"
Nang makitang pumasok na ito sa silid nito ay agad akong nakahinga ng maluwag. Nakita kong nakangiwi sa akin ang dalawa kong katarabaho at ang isa ay nagpipigil ng tawa. Mukaha silang mga ewan.
"Grabe late ka na naman Keena. Kanina pa umuusok ang ilong ni Sir sa galit." Nakangiwing saad sa akin ni Riza.
"Napasarap kasi ang tulog ko kagabi. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kakaisip kung saan ako makakahanap ng trabahong may malaki-laking sweldo. Ang daming school project ni Rosa, tapos paubos pa ang mga gamot ni Inay," problemado kong daing sa mga ito.
"Hay ang hirap nga namang maging mahirap," nakatulalang komento ni Cadi.
"Sinabi mo pa," pumapangalawang komento pa ni Rona.
Si Cadi at Rona ay kambal. Maliit at balingkinitan na mga babae at halos kulay lang ng mga mata ang pagkakaiba. Kulay marmol ang mata ni Cadi samantalang berde ang kay Rona.
"Oy baka may alam naman kayong raket diyan oh, Riza." Binalingan ko naman si Riza. "Ikaw ang raketera sa atin, baka may alam ka?"
"Nako wala kang aasahan sa akin," umiiling-iling na sagot ni Riza sa akin.
"Cadi? Rona?"
"Wala rin kaming alam Keena, pasensya na," sabay na tugon ng nga ito.
"Hays," napabuntong hininga na lamang ako sa panghihinayang.
Napukaw lamang ang usapan namin ng may customer na, "Good morning."
Isang babae na sa tingin ko ay nasa mga trenta na ang edad ang pumukaw sa pag-uusap namin nila Riza. Maputi ito at kitang-kita ang kagandahan kahit na may edad pa ito.
"Ay, magandang umaga po Ma'am, magbabayad na po ba?" may ngiti sa labi kong bati. Nakita ko sa peripheral vision ko ang mabilis na pag-ayos ng tatlo. Si Cadi ay pumwesto sa kabilang cashier, samantalang si Rona at Riza ay sa baggage counter.
"Yes," nakangiti nitong saad bago inabot ang mga pinamili.
"Okay po, please wait na lang po," sagot ko at agad itinapat sa may sensor ang mga items, agad namang sinupot ni Rona ang mga ito.
"That would be 500 Ma'am," nakangiti ako habang inaabot ang mga pinamili niya sa kaniya.
"Thank you, bago ko malimutan. Sorry for eavesdropping but I heard you need a job with a big salary right?" alanganing tanong nito.
"Ah yes po, baka po may alam kayo," excited kong tanong. Wala na akong paki-elam king mukha na akong ewan. Pakapalan na lang ng mukha ang labanan kapag mahirap ka.
"Actually I know a job," saad nito saka may kung anong hinanap sa bag niya.
"Here take this card and call me when you have free time." Iniabot nito sa akin ang isang calling card na agad ko namang kinuha.
"Hala maraming salamat po Ma'am," masayang wika ko habang hindi maalis ang tingin ko sa ginang.
"Your welcome I'll go ahead, call me okay?"
"Hulog ng langit ang first customer natin. Salamat panginoon sa blessing," tuwang-tuwa kong binigkas ang mga salitang iyon saka tiningnan ang calling card na ibinigay ng babae.
Charlotte Lindcoln
Hindi ko alam ngunit nang mabasa ko ang apelyidong iyon nakaramdam ako ng hindi ko mapaliwanag na takot. Ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng ulo ko at sa hindi malamang dahilan, isang lalaki ang nakita ko. Tanging ang nanlilisik na gintong kulay ng mata nito ang siyang tangi kong nakikita.
Sneak peak(*_*)
"G*go, wala naman sigurong multo dito, hindi ba?" Nanginginig kong ani sa sarili habang iginagala ang paningin sa paligid—sinisikap na hanapin ang pinagmulan ng boses na iyon. Ang mga anino sa sulok ng silid ay hindi nakakatulong at nagbibigay lamang ng higit pang takot sa akin.
"Mahabaging Diyos, ano ba itong pinasok ko?" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo, pilit kong inuutusan ang nanginginig kong mga binti na tumakbo palayo sa lugar na ito—subalit tila nag-ugat na ang mga ito sa kinatatayuan ko. Ang normal na tibok ng puso ko ay unti-unting bumibilis na halos ito na lamang ang tangi kong naririnig. Nang sa wakas ay nakaya ko nang igalaw ang mga paa ko ay walang pakundangan kong nilisan ang mansiyong iyon.
Enjoy reading>.<
Don't forget to vote and comment your thoughts about the story^_^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top