Final Chapter


“Ma, si Priscille po, girlfriend ko at si Cecille po anak niya,” pakilala ni Hezron sa kanyang Ina na nasa balkonahe ng bahay nila sa Maynila. Hinihintay talaga sila nito, dapat kahapon pa sana ang dating nila kasu medyo naabala lang ang leave form ni Priscille. Tulog na tulog si Cecille kaya karga-karga ito ni Hezron papasok at agad namang kinuha ng caretaker nila para pahigain sa kuwartong tutulugan nila.

“Magandang gabi po, Tita. Nice to meet you po,” she greeted Hezron Mom. Gabi na sila ng nakarating ng bahay nila Hezron kaya sa dining room na agad ang tuloy nila dagil kanina pa raw nagpaluto ang Mama ni Hezron para sa kanila. Walang masabi si Priscille dahil sa ynang pagkikita nila ay naramdaman naman niyang tamggap siya ng Ina ng kanyang boyfriend. Pareho silang mabait at mahinahon magsalita. Talagang mag-Ina nga sila.

“Kumain na muna kayo at makapagpahinga na,” saad ng Mama ni Hezron na pinagtimpla pa sila ng juice at saka ito bumalik sa sala para manood ng TV Shows, kausap naman nito ang caretaker nila kaya hindi na lang muna inabala ni Hezron ang kanyang Ina. Idang linggo naman sila titigil sa bahay nila kaya marami pang pagkakataon para magkausap at magkumustahan silang mag-Ina.

Dahil pagod sila sa biyahe ay agad ng kumain para makapagpahinga  at matulog ng maaga dahil bukas ay may importanting lakad raw silang apat. Kasama ang Mama ni Hezron. Hindi naman nag-uusisa si Priscille sa boyfriend niya dahil nagtitiwala naman siya rito at kung ano mang lakad iyon ay bukas niya na lang aalamin.

Mahimbing ang tulog ni Priscille habang katabi ang anak. Hinatid lang siya sa kuwarto ni Hezron at nagpaalam itong sa kabilang kuwarto matutulog. Hindi naman kase puwede na magtabi sila ni Priscille dahil magtatanong si Cecille.

Kinaumagahan isang dampi ng halik sa pisngi ang pumukaw kay Priscille, “Bihis kayo ng bata may pupuntahan tayo,” malambing na saad ni Hezron.

“Okay! Bakit parang excited naman ako? Saan mo ba kami dadalhin? Masiyado ka namang tahimik sa mga pinaplano mo e’ basta huwag mo lang akong gugulatin ha?”

“Kalma ka lang. Hindi kita ipapahamak sa pupuntahan natin. Mahal kita at ayokong nag-aalala ka. Lahat-lahat gagawin ko para maging masaya lang tayo. Okay? Pangako ko ’yan saiyo,” saad ni Hezron at isang matamis na ngiti ang ibinigay kay Priscille bago tuluyang lumabas. Sakto naman na nagising si Cecille kaya agad na silang bumangon at nag-ayos ng sarili dahil mukhang bihis na ang binata at silang mag-Ina na lang nag hinihintay para makaalis na.

Masaya at magaan ang pakiramdam ni Priscille ng lumabas mula sa kuwarto. Sinalubong agad sila ni Hezron para igiya sa kusina at kumain muna ng almusal bago umalis subalit muntik na siyang mapasigaw dahil kumaripas ng takbo si Cecille at sabay sigaw, “Tito Tyron! Sinundan mo kami rito?” sigaw ng bata at sabay lapit kay Tyron, ginulo naman nito ang buhok ni Cecille at pinaupo sa silyang katabi niya.

“Bakit narito si Tyron?” mahinang tanong ni Priscille dahil kahit siya ay nagulat ng makita ang kanyang best friend na prenteng nakaupo sa hapagkainan.

“Kausap ko siya kagabi, nalaman niya na nandito kayo kaya gusto niyang makita si Cecille. Huwag kang mag-alala dahil okay na kami ni Kuya Tyron at sa katunayan nga ay siya muna ang magmamaneho ng sasakyan ko dahil nangalay ako kahapon. Hindi naman talaga ako sanay bumiyahe ng malayo,” saysay ng binata.

Kahit medyo magulo ang pagkakaintindi ni Priscille sa mga sinabi ni Hezron ay hinayaan niya na lang ito. Hindi na lang siya nagtanong pa. Inisip niyang coincidence lang ang lahat. Kahit medyo nagkaroon sila ng gap ni Tyron ay hindi pa rin maaalis na masaya siyang makita ito. Unang pagkakataon na nagkita-kita ulit silang tatlo sa iisang bubong kaya medyo nahihiya si Priscille pero isinantabi niya na lang ang nararamdaman.

“Nakalipat ka na pala ng Maynila?” usisa ni Priscille sa kanyang best friend ng makalapit sila sa mesang punong-puno ng pagkain.

“Hindi pa, lumuwas lang ako dahil may inasikaso e’ wala akong kasama doon sa bahay kaya naisipan kong sumama na lang sa lakad ninyo. Total makulit naman itong si Hezron kaya pinag-bigyan ko na,” paliwanag ni Tyron.

May hindi alam si Priscille sa nangyayari pero sa halip na mag-usisa siya ay sinubuan na lang si Cecille para matapos agad sa pagkain at tahimik na lang din siyang kumain ng almusal. Wala ang Mama ni Hezron kaya siguradong kumain na rin ito at naghihintay na sa kanila para gumayak.

Kalahating oras pa ang nakalipas, nasa kalsada na sila at binabagtas ang kahabaan ng EDSA. Galing silang Makati at papunta ng East. Walang ideya si Priscille kung saan sila pupunta kaya kahit nagtatanong si Cecille ay wala rin siyang naisasagot. Tahimik lang rin ang Mama ni Hezron na katabi ni Tyron sa unahan ng sasakyan. Sa passenger seat naman silang tatlo.

Mabuti na lang hindi traffic kaya tuloy-tuloy lang ang  biyahe nila. Ilang minuto pa nasa Ortigas na sila at nilampasan nila ang lugar na iyon. Saan ba sila pupunta? Hindi na mapakali si Priscille dahil kahit si Hezron ay mukhang iba na ang kilos nito. Medyo nanlalamig at nagpapawis na ang mga palad. Papunta silang Rizal? Anong mayroon doon? Ipapakilala ba siya sa ibang pamilya nila Hezron? Ngunit hindi naman niya maalala na may nabanggit itong kapamilya sa Rizal.

Mas lalong humigpit pa ang hawak ni Priscille sa kamay ni Hezron makalipas ang kalahating oras. Dahil pamilyar na sa kanya ang lugar na iyon. Hindi siya puwedeng magkamali, magkasabwat sila ni Tyron sa lakad na ito. Hindi naman siya makasita dahil kasama nila ang Mama ni Hezron at lalong-lalo na si Cecille.

“Saan ba tayo pupunta?” hindi na nakatiis si Priscille, tinanong niya na ang katabi na nanlalamig na ang kamay. Hindi ito umimik, nilingon lang siya at nginitian siya ng ubod ng tamis.

“Shhh.. I love you.. trust me this one. Hindi kita pababayaan at hindi kita hahayaang masaktan,” mahinang bulong ni Hezron sa girlfriend.

Hindi na lang umimik si Priscille dahil pagliko pa lang ng sinasakyan nila at pagpasok sa isang subdivision ay alam niya na kung saan sila patungo. Kanina kinakabahan siya dahil sa pamilyar na lugar. Ngayon parang masusuka na siya sa samu’t saring nararamdaman. Hindi siya mapakali sa mga puwedeng kahantungan ng pinaplano ni Hezron at natatakot siya para sa kanyang anak. Hindi para sa sarili niya.

Kahit si Tyron ay tahimik lang na nagmamaneho at alam niyang kinakabahan rin ito para sa pinsan at para sa kanya. “Nandito na tayo,” pukaw ni Tyron sa kanila habang inaayos ang pagpark ng sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Saan tayo pupunta, Tito Tyron?” usisa ni Cecille, kahut ang bata ay hindi na nakatiis.

“Nasaan tayo? Hmmmnn... Narito tayo sa bahay nila Lolo at Lola Cecelia mo...” dahan-dahang sagot ni Tyron sa bata na kitang-kita na namilog ang mga mata. “Talaga po?!” dadag pa nito. Ngumiti lang si Tyron at sinulyapan sila sa salamin. Naunang bumaba ang Mama ni Hezron at sumunod si Tyron. Hindi naman agad makakikos si Priscille kaya pinagbuksan sila ni Tyron ng pinto, kinuha nito si Cecille at kinarga palabas ng sasakyan.

“Hindi pa ako ready,” walang emosyong sambit ni Priscille pagkalabas ng bata. Napalingon naman sa kanya si Hezron at nag-aalala ngunit buo na ang desiyon ng binata.

“Ready na akong pakasalan ka. Ready na akong maging Ama ni Cecille. Ready na akong harapin ang lahat-lahat para saiyo.” Makahulugang giit ni Hezron. Hindi na nakaimik si Priscille kaya nagyaya na itong bumaba ng sasakyan.

“Kahit medyo late na pero gusto ko pa ring hingiin ang kamay mo sa mga magulang mo,” bulong pa ni Hezron ng makalabas na sila sa kotse. Nasa loob na ng gate sila Tyron. Kilala ni Priscille ang sumalubong sa mga ito, halos hindi siya makahakbang ng makita niyang kinarga ng kanyang Ama si Cecille at masaya namang kinakausap ng kanyang Ina.

“Humanda ka kapag nakauwi tayo sa bahay, Hezron Casimir hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito,” pagbabanta ni Priscille dahil nanginginig ang mga tuhod niya. Wala siyang kaalam-alam na muli niyang masisilayan ang tahanang kinalakihan niya. Hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa papasok sa malaking gate dahil labis na kaba at takot ang bumabalot sa pagkatao niya. Halos tumakbo siya pabalik ng sasakyan ngunit isang  pamilyar na tinig ang kanyang narinig.

“Priscille, anak? Ikaw na ba iyan?” tawag nito sa pangalan niya at dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Isang malungkot na mukha ang kanyang nasilayan at doon na nag-umpisang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

“M-Mommy...” unang salitang nasambit niya at sabay lapit ng kanyang Ina sa kanya. Isang mainit na yakap ang naramdaman niya mula rito na halos ikahagulhol niya. Lahat ng paghihirap niya noon ay unti-unting dumadalaw sa isipan niya. Bakit mas pinili niyang tiising huwag umuwi sa kanyang pamilya? Bakit hindi niya sinubukang umuwi oara humingi ng tawad? Bakit umabot sa ganitong sitwasyon bago niya muling nasilayan ang kanyang Ina at pamilya?

“Patawarin mo kami, anak. Nagkamali kami,” sambit ng kanyang Ina na ikinatunaw ng poot sa puso niya.

“Pumasok na muna sa loob dahil nakakahiya sa mga bisita,” pamilyar na tinig ulit ang narinig ni Priscille na dati nagpapanginig ng kanyang tuhod ngunit ngayon tila hinahaplos ang puso niya ng marinig ito, “Daddy...” tawag ni Priscille sa kanyang Ama na karga-karga pa rin si Cecille at masayang pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila.

“Tumuloy na muna sa loob,” sambit ng kanyang Ama. Nakita rin ni Priscille na nagmano si Hezron sa kanyang mga magulang bago bumalik sa kanyang tabi at hinawakan ulit ng mahigpit ang kanyang kamay.

“Okay ka lang, Love?” mahinang tanong ni Hezron habang papasok sila sa mansion nila Priscille.

“At ‘Love’ na ang tawag mo sa akin? Humanda ka pa rin pag-uwi natin sa Tarlac. Masiyado mo akong ginulat. Magugulat ka rin,”

“Love kita e’ sorry na. Gusto kitang pasayahin sa araw na ito kaya ko ’to ginawa at hindi ko makakaya kung wala si Mama at Kuya Tyron,” giit ni Hezron na halatang kinakabahan pa rin, kahit medyo kalmado naman ang pagtanggap sa kanila ng mga magulang ni Priscille ay hindi pa rin mawala ang kaba na kanyang nararamdaman.

Hindi makapaniwala si Priscille sa nadatnan nila sa loob ng mansion. Akala niya ay ang Mommy at Daddy lang niya ang nasa bahay ngunit gulat siya dahil lahat ng kapatid niya ay naghihintay sa kanyang pagbabalik at masaya silang makita muli si Priscille. Mahigpit na yakap ang natanggap mula sa kanyang mga kapatid. Pinaghandaan ng mga ito ang pagdating nila dahil halos mapuno na ng pagkain ang mesa.

Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Si Tyron at hindi nga siya nagkakamali dahil masaya itong pinagmamasdan siya habang kausap ang kanyang mga kapatid. Nakatingin ito sa kanya at maluwag na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Sobrang suwerte ni Priscille sa kanyang best friend sa halip na hayaan si Hezron ay alam niyang malaking ambag ang ibinigay ni Tyron sa kaganapan ngayong araw. Isang thumbs up ang ginawa niya ng muli siyang nilingon nito. Alam ni Priscille na masayang-masaya ito para sa kanila ni Hezron at hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanila. Siya pa rin ang best friend na nakilala niya noon, hindi nagbago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top