:Chapter 16
Arish's pov:
Araw, linggo, buwan. Wala na, nag bago na lahat.
Minsan hindi na kami nag kikita, hindi nag uusap.
Nag focus nalang ako sa academic ko at napag desisyunan na wag nalang pansinin ang mga nakikita kahit sobrang sakit na. Wala I want to keep him.
Mabuti nalang at lumipat na si elai sa Ust at nag sama na kami pag pasok at uwi.
"Buti nalang talaga lumipat ako ng Ust" bunganga saakin ni elai "Alam mo napaka tanga mo talaga!" taray niya saakin.
"Alam ko" huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko "Bakit ka pumayag sa sitwasyon na to?"
Kasi mahal ko. And when they say that love makes you stupid, it's true.
"Wag moko sasagutin na mahal mo, kasi beh grabe ka naman mag mahal tinalo mo na lahat ng marupok sa mundo!"
Kinwento ko lahat sakanya dahil sobrang bigat na ng puso ko, kaya eto siya ngayon pinapangaralan ako
"So ano ka niyan? Fubu? Girl backburner ka. Naintindihan mo ba? You're just important when he's horny, you're just important when he feels alone, hindi ka pinalaki nila tito at tita para maging isang tambayan lang"
"Bakit di niya ako I let go nalang?"
"Gaga ka, syempre di ka niya kaya let go kasi tanga ka" kinurot ko siya kaya tumawa siya ng malakas.
"Let's face it, tanga ka kaya ayaw ka niya I let go. You're giving him the attention that he wants, you're giving him all that you can, pero that's not enough para mag settle siya sayo. Kahit ibigay mo pa buhay mo sakanya, It will never be enough, unless Ikaw talaga ang gusto niya"
"You know, i never expected na aabot kayo sa point na to" seryoso niyang sabi saakin.
"Ako din naman, akala ko mahal na niya ako nung bumalik ulit siya saakin" tumawa siya ng sarkastiko "Mahal na? O bumalik lang sayo kasi umalis yung totoong mahal?" Nanakit nanaman siya.
"Umamin ka ilang beses kayo nag ano nun?" Lumaki ang mata ko sa tanong niya at tinakpan ang bibig niya "Anong bang klaseng tanong yan!?"
"Sagutin mo" pinikit ko ang mata ko sabay hawak sa kamay niya "Madami na"
"Ahhh, so hindi ka lang backburner, bed warmer ka din! Napaka useful mo naman. Sorry kung nasasaktan na kita pero kaya siya malamig sayo kasi may bago"
"Saan ba condo mo? Pwede bang doon muna ako tonight?" She nodded and held my arm so we can cross the street together papunta sa parking lot.
Sobrang swerte ko kasi may kaibigan akong tulad ni elai na kahit mabunganga hinding hindi ako iiwan.
Medyo naging busy na din ang circle namin sa kanya kanyang buhay nila kaya hindi na kami masyado nag kikita kita.
Sumakay kami sa kotse niya at tahimik lang siyang nag maneho.
"possible ba na buntis ka?" Random na tanong niya, nagulantang naman ako, pero impossible kasi nag kakatapos ko lang "Ano ka ba, syempre hindi!"
"Condom?" I burst out laughing, ewan ko bakit natatawa ako dun "Minsan, pag di ako safe"
"Tama nga na nursing student ka, alam mo mga gagawin if ever, Basta pag buntis ka ninang ako!" I laughed and pulled her hair a bit "Fuck you, di ako mag papabuntis, feelings ko nga di niya mapanagutan bata pa kaya?" We both laughed it off.
Pag dating namin sa condo niya ay nanood nalang kami ng movie, I didn't mind telling dwayne kung nasaan ako hindi din naman siya mag seseen, kaya wag nalang.
"Arish" tawag saakin ni elai nung pag upo ko sa dining area "Ikaw lang iniisip ko, wag mo naman masamain pero, paano kung sagutin na ni dayna si dwayne? Paano ka? Nakatira pa kayo sa iisang condo"
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa tanong niya "Friends?" She rolled her eyes "Sa tingin mo ba maniniwala siya sa friends, friends na yan?"
"Walang friends na natutulog sa iisang kwarto" I took a spoonful of rice and beef and shoved it all in my mouth.
Nag liligawan na sila? Kaya pala for the past three months parang wala lang ako sakanya
"I'm here to give you a heads up, dahil ayaw kong may makarinig ng rumor na kabet ka, pero dayna is planning to say yes to dwayne"
Paano na ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top