KABANATA 5

COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 5

N O A H

"Te, alam mo kanina ko pa napapansing malalim ang iniisip mo." Kumunot ang noo kong napalingon kay Theresa. Nakakunot din ang kaniyang noo.

"Pakialam mo ba?" sagot ko dahil wala akong maisip na sasabihin sa kaniya. Isa pa, ayokong pag-usapan ang mga nakatatawang bagay na nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko alam at ayokong alamin yon. Masyado pa po akong bata para sa bagay na 'yon.

Mataas din ang pangarap ko. Gusto ko iyong Afam, hindi 'yong katulad—teka, ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Umiling-iling ako. Wala 'to. Masamang espirito lang ang sumasanib sa akin ngayon. Kailangan ko 'tong labanan dahil hindi ito puwede.

"Oh 'di ba, para kang tanga ngayon na umiiling-iling. Alam mo, Noah, um-attend ka kaya ng mga seminar tungkol sa mental health baka makatulong sa 'yo 'yon," ani Theresa na nagpabalik sa akin sa reyalidad ng buhay.

Tumingin ako sa kaniya nang masama. "As if naman may natutuhan ka sa mga 'yan. For sure, ang pakay mo lang doon ay libreng pagkain," sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Well at least um-attend," aniya. Hindi ko na lang siya pinansin. Siguro, kailangan kong intindihin ngayon kung ano ang bumabagbag sa aking damdamin ngayon. "Pero seryoso nga baks, ano ba talaga 'yang iniisip mo?"

Napapikit na lang ako't napabuntonghininga dahil sa kakulitan ni Theresa. Kaya hinarap ko siyang muli.

"May tanong ako, teh," panimula ko pero tinitigan lang niya ako. Kaya nagpatuloy na lang ako. "What if, 'yung nabura mo ng feelings dahil napalitan ng galit tapos ngayon biglang bumalik? Ano gagawin mo?"

Kumunot ang kaniyang noo. Napatingin siya sa itaas at saka hinawakan ang kaniyang baba na tila ba malalim ang kaniyang iniisip. Kinakabahan ako dahil baka kung ano'ng sabihin niya pero nasabi ko na, bahala na siya kung ano'ng iisipin niya.

"Nagkajowa ka ba dati?" tanong niya nang muli siyang tumingin sa akin. Umiling lang ako. "Eh wala naman pala, dami mong arte," aniya.

"Ewan ko sa 'yo. Palibhasa kasi sa 'yo, tiyan mo lang pinapagana mo 'di yang utak na mayroon ka. Naku Theresa, sisipagin ko talagang maging doctor para ako na mag-oopera sa ulo mo at ipapalit ko utak ng kambing!" inis kong sabi at saka ko siya inirapan.

Ang seryoso ko sa tanong ko tapos siya napakawalang kwenta kung sumagot. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng tao rito sa mundo, si Theresa pa ang naging kaibigan ko.

"Tse! Gusto ko lang i-confirm. Kasi kung nagkajowa ka na at ex mo 'yang iniisp mo, naku 'teh malamang may feelings ka pa rin sa kaniya. Pero kung hindi mo naman pala naging jowa, ba't ka namumukmok diyan? Umamin ka na don!"

Napapailing na lang ako dahil mas lalo siyang nawalan ng sense kausap. Muli akong bumuntonghininga. Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil masakit na ang aking puwetan. Nakaupo kasi kami rito sa upuang gawa sa kawayan sa lilim ng isang malaking puno malapit sa aming bahay. Day off ko ngayon at saka, sumama rin kasi pakiramdam ko kanina dahil kahapon nga'y naulanan ako gawa ng tumakbo ako habang mahinang umuulan.

"Alam mo, para mawala 'yang iniisip mo, manood na lang tayo ng basketball," ani Theresa. Tumingin ako rito, may kinakain na siyang mangga na hindi ko alam kung saan niya nakuha. "Nahulog," dagdag niya sabay ngatngat sa manggang hilaw.

"Ayoko, tinatamad ako," sagot ko.

"Sila Marcus ang maglalaro, 'di ba siya crush mo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Crush?! Saan mo naman nalaman 'yan?!" ang hindi ko makapaniwalang sabi. "At kailan pa?" dagdag ko.

Nakibit lang siya ng balikat. "Wala. Hula ko lang. Hindi naman kasi puwedeng si Kuya Clarence kasi aso't pusa kayo non, lalong-lalo na iyong dalawa kasi hindi papatol sa 'yo iyon. Kaya si Marcus lang alam ko dahil nakita ko kayo noong isang araw, nagtitigan," kuwento nito.

"For your information, w-wala sa kanila," mabilis kong sagot.

"Edi tara na, para naman malibang tayo. Burying-buryo na rin kasi akong kasama ka," sabi nito.

"Siya sige! Hintayin mo ko rito at magpapalit lang ako," sabi ko dahil suot-suot ko iyong jersey shirt ng kapatid niyang kinuha ko sa kanila.

Ngunit mabilis akong pinigilan ni Theresa. "'Wag na, 'te! Matagal ka pa namang magpalit at baka matapos na 'yong game nila," sabi nito at hinila-hila ako.

--

Malayo pa lang kami'y rinig na ang sigawan ng mga tao sa may basketball court dito sa aming baryo. Programa ito ng Sangguniang Kabataan ng aming barangay. At marami ang nakikilahok. Pumuwesto kami ni Theresa malapit sa stage ng gym kung saan nakapuwesto ang kampo ng kaniyang kapatid.

"Uy There! Ganda mo ngayon, a," bati sa kaniya ng isang lalaking hindi ko naman kilala. Ngayon ko lang din ito nakita sa amin.

"Araw-araw akong maganda, Nadjie!" sagot ni Theresa at saka umirap.

Tumawa lang si Nadjie at 'yong mga kasama nitong nakarinig. Tumingin naman ito sa akin. Tiningnan ang kabuuan ko.

"Sino 'tong kasama mo, There? Kakampi ba namin?" Sinamaan ko ito ng tingin. Ano'ng pinagsasabi niyang kakampi ko sila? Mukha ba'ng batak 'tong mukha ko?

"Pft!" Narinig kong nagpipigil ng tawa si Theresa. "Ah-eh, hindi, kaibigan ko," sagot nito at saka mahinang tumawa. Mamaya ka sa akin, te!

Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling na lang ang tingin sa laro. Hindi ko alam pero ng lapastangan kong mga mata'y hinanap ang bulto ng lalaking pinakaayaw ko. Nakasuot ng pulang jearsey, 'tulad ng suot ko ngayon, ang grupo nina Marcus. Habang asul naman ang sa kabila. Tiningnan ko ang score board, lamang ang kabilang grupo.

"Mukhang tambak 'yung grupo ninyo, a," sabi ni Theresa.

"Ah, oo, e. si Clarence kasi hindi nakapaglaro," sagot ng isa.

"Huh? E nakita kong umalis 'yon nang maaga kanina?"

"'Yun na nga kaso nang dumating dito, wala naman siyang jearsey kaya hindi siya pinapalaro ni coach," sagot ni Nadjie.

Bigla akong napatingin kay Theresa. Saktong tumingin ito sa akin. Pareho kaming napatingin sa suot-suot ko sabay lipat ng tingin sa mga kagrupo ni Clarence. Pareho kami ng mga suot, malamang! Dahil kay Clarence mismo ang suot-suot ko.

"Ah, natatae ako. Babalik ako," sabi ko kay Theresa at hindi na siya hinintay pang makasagot dahil mabilis akong umalis doon. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa bahay nina Clarence.

"Oh, Noah, naparito ka? Saglit, bakit ka ba tumatakbo?" nagtatakhang tanong ni Ninong nang makasalubong ko siya sa kanilang bakuran.

"S-Si Clarence po?" tanong ko, habol-habol ang hininga.

"Si Clarence ba? Hindi ko alam, kanina pa siya wala rito," sagot nito.

"Ganoon ba? Sige po, Ninong. Alis na po ako," sagot ko't mabilis ding umalis doon. Habang palinga-linga sa paligid ay nag-iisip ako ng puwedeng lugar na puntahan ni Clarence.

Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko ngunit nagdadalawang isip ako kung pupunta ako roon. Matagal na kasi akong nakakapunta roon, malamang ay hindi rin ito nagagawi sa lugar na 'yon. Umiling ako. Bahala na, magbabakasakali na lang ako at sana'y makita ko siya roon.

Mabilis akong tumakbo habang sumisinghot-singhot dahil sa sipon ko. Kagagaling ko lang sa trangkaso pero bahala na, bahala na talaga.

*****

Thank you for reading! Sana sipagin ako para matapos ko na 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top