CR - KABATAAN 1

COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 1

N O A H

“Salamat po! Balik po kayo sa susunod!” Abot-langit ang ngiti ko habang iniaabot ang dalawang supot ng mga pasalubong binili sa akin nitong mga costumer. Umalis din sila kaagad nang mabayaran na nila ang mga pinamili.

Ang saya talaga ng buhay kapag ka bumubuhos ang blessings. Paano ba naman kasi, naubos ang mga paninda kong souvenirs at mga kakanin. Kaya naman oras na para magligpit ng mga gamit. Wala pa naman kaming pasok kaya tinutulungan ko na muna si Inay sa pagtitinda ng mga souvenirs at mga kakanin dito sa isang pasyalan sa amin. Marami ang mga dumadayo rito. ‘Yong iba’y galing pa ng ibang bansa. Kaya nga madalas, napapa-english ako ng wala sa oras kapag nakikipag-usap sa mga Afam.

“Hoy bakla!” Tumaas ang kilay ko sa kararating lang na malas.

“My gaad! Mabuti na lang at naubos na ang mga paninda ko bago pa man dumating ang malas ng mundo!” sabi ko at saka siya tiningnan. “Oo, ikaw ang tinutukoy ko,” dagdag ko.

“Gusto mong upakan kita?” Inambahan niya ako ng suntok pero ‘di naman ako natatakot sa kaniya. Subukan lang niya akong saktan, Tatay niya makakalaban niya.

“Ay sus! Takot ka lang sa Tatay mo. Ano ba’ng ginagawa mo rito? State your business because I don’t have time to talk to you,” sabi ko saka siya inirapan.

“Tangina, nag-english pa ang pangit. ‘Di mo bagay,” aniya pero hindi ko na lang siya pinansin. Kasasabi ko lang na wala akong oras para makipaglokohan sa kaniya. Isa pa, pagod ako.

Isinukbit ko sa aking balikat ang bag ko nang matapos kong ilagay ang lahat ng aking gamit. At saka ko muling hinarap si Clarence na hindi pa pala umaalis. Tiningnan ko lang siya’t muling inirapan at lalampasan n asana siya nang hawakan ako nito sa braso.

“RAPIST! HE-!” Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko at masama akong tiningnan.

“TANGINA MO! Tumahimik ka nga. Papansin ka, e.”

Mabilis ko siyang itinulak gamit ang buo kong lakas. “At ako pa ngayon ang papansin, hah! Gago ka pala! Ikaw ‘tong nandito’t manggugulo,” inis kong sabi.

Minsan, may sa topakin din itong taong ‘to. Walang araw na hindi niya sinisira ang buhay ko. Ewan ko ba’t pinanganak pa siya ng Nanay niya. Ang tanda-tanda na niya.

“Ibalik mo na kasi ‘yong damit ko. Mag-ba-basketball kami, wala akong maisuot,” aniya, masama pa ring nakatingin sa akin.

Tumaas ang kilay ko. “Wow hah! Sana hindi mo sinunog ‘yong mga damit kong branded noong isang araw. I tolded—I mean, sabi ko naman sa ‘yong mabilis talagang gumanti ang karma, Clarence. Kaya walang sa ‘yo, hoy! Akin na ang mga damit mo,” sagot ko sa kaniya at mabilis siyang iniwan doon.

Ano’ng akala niya, ibabalik ko sa kaniya ‘yong mga damit niya? No way! Apelyedo lang niya ang nakalagay roon pero akin na ‘yon. Ipangtatrapo ko sa salamin sa aking kuwarto kasi roon ‘yon nababagay.

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa aming baryo. Pagdating ko sa tapat kung saan aakyat pa ako para makarating sa aming bahay, naabutan kong pababa si Theresa, kapatid ni Clarence.

“Baks! Nandiyan ka na pala. Balak ko sanang pumunta sa puwesto ninyo,” aniya pagkalapit sa akin.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Eh boring sa bahay, palagi na lang si Kuya ‘yong nakikita ko. Tapos ikaw, busy ka pa. Hindi tuloy tayo nakakapagtsismisan,” sagot niya.

“Sinabi ko naman sa ‘yong itali mo ‘yang kuya mo sa kulungan, e hindi mo pa rin ginagawa. At saka Theresa, ‘wag mo ‘kong idamay sa mga tsismis na ‘yan,” sabi ko at nagsimulang humakbang paakyat. Sumunod naman siya sa akin.

“Gaga! hindi naman manok siya Kuya para itali,” aniya.

“Hindi nga, pero unggoy, oo,” sagot ko.

“Bakit ba kasi galit nag alit kayo sa isa’t isa? E samantalang noon, halos hindi na kayo mapaghiwa—“

Pinutol ko ang kaniyang sasabihin. “Noon ‘yon. Magkaiba na ngayon, Te. Saka puwede ba, ‘wag na nating pag-usapan ang kapatid mo. Maganda ang hapon ko ngayon dahil naubos iyong mga paninda ko, kaya ililibre kita ng isaw.”

“Talaga?! True ‘yan?”

“Oo basta tulungan mo akong magdahilan kay Mader Earth para makakupit tayo pang-extra,” sabi ko at pinalo lang niya ako sa balikat. “Eme lang.”

--

Pagdating namin sa bahay ay si Mader Earth ang naabutan ko sa aming bakuran. Abala siyang nagsisibak ng kahoy na kaniyang gagamitin upang makapagluto ng mga kakanin.

“Mader, nandito na po ako,” tawag ko sa kaniyang pansin.

“At bakit nandito ka na, Constantine? Sino’ng tao sa puwesto?” Masama siyang tumingin sa akin.

“Wala po. At saka Mader, puwede po bang tawagin niyo na lang akong Noah. Mas maganda pa pong pakinggan.”

“Ay for me, Ninang, mas maganda po ang Constantine. Lakas maka-gamot!” natatawang sabat ni Theresa. Tiningnan ko siya nang masama.

“Bakit ba napaaga ang uwi mo?” tanong ng aking Mader Earth, kaya lumingon ako.

“Naubos nap o ‘yong paninda. May pumakyaw po,” sagot ko sabay abot sa kaniya ng wallet kung saan nakalagay lahat ng kinita ko ngayong araw. “Nabawas ko na po ang talent fee ko riyan at saka tip,” dagdag ko.

“Gusto mong pabayarin kita sa mga kinakain mo rito sa bahay?”

“Ito namang Mader kong maganda pero byuda, ‘di na mabiro. Wala po akong ibinawas diyan, pero manghihingi po sana akong pang meryenda namin.” Ngumiti ako.

Hindi siya tumawa bagkus ay dumukot lang siya ng isang daan at iniabot iyon sa akin. Mabilis ko iyong kinuha. At saglit na pumasok sa loob ng bahay upang maipasok na muna ang aking bag. Paglabas ko’y naabutan ko sina Theresa at Mader na nag-uusap pero kaagad silang tumahimik nang mapansin ako.

“’Nang, alis na po kami,” paalam ng aking kaibigan.

“Ano ‘yong pinag-uusapan ninyo?” tanong ko sa kaniya nang makababa kami. Hindi na rin kami sasakay ng tricycle dahil malapit lang naman ang nagtitinda ng isaw rito sa aming baryo.

“Ah wala ‘yon, te. Binigyan lang niya ako ng pera,” aniya at ipinakita ang isang daan ding ibinigay ni Mader.

“Ang bait naman ng Nanay ko sa ‘yo. What if palit na lang tayo ng magulang?”

“Edi makakasama mo si Kuya—“

“Nevermind, Theresa! Iyong-iyo na iyong kapatid mong pinaglihi sa unggoy.”

“Speaking of unggoy. Baks, look!” Tinapik niya ang balikat ko at gamit ang kaniyang naka-lip gloss na labi ay itinuro niya sa di kalayuan ang papalapit na grupo ng mga pangit sa amin. Makakasalubong namin sila.

Animoy parang F4 kung maglakad. Taas noo. Nakalagay sa bulsa nila ang mga kamaya. Pinagtitinginan sila ng mga kabaryo naming mga babae. Umikot ng hanggang 360 degree ang mga mata ko. Napatingin ako kay Clarence. Sakto ring nakatingin siya sa akin at bigla akong kinabahan.

“No-ah, kapag malaki na tayo, 'yong malaking-malaki, gusto kong magpakasal tayong dalawa.”

Napabalik ako sa reyalidad nang muli akong tapikin ni Theresa sa balikat. Hindi ko namalayang na sa harapan na pala namin ang grupo nila Clarence.

"Guwapo ba ako?" tanong nito. Tumaas ang kilay ko.

"Te, naramdaman mo ba 'yong malakas na hangin?"

"Hindi, e. Bakit?"

Napabuntonghininga akong lumingon sa kaibigan ko. Ang hirap niyang maging kaibigan, ayaw makisama. Lumingon ako sa grupo ni Clarence. Apat silang magkakaibigan; Sebastian, Rupert, Marcus, at si Clarence. Si Clarence ang pinakamatangkad sa kanilang apat, at si Marcus naman ang maputi. Iyong dalawa'y okay lang naman, may mga mukha pa rin naman.

"Kukunin ko na iyong damit ko, may laro kami ngayon," ani Clarence. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Inirapan ko siya. "Palitan mo na muna iyong sinunog mong mga damit ko bago ko iyon ibabalik."

"Magkano ba iyon?"

Napatingin ako rito. "Himala. May pera ka? Eh nanghihingi ka lang naman kay Ninang," sagot ko.

Umasim ang kaniyang mukha at masama akong tiningnan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kaagad ding nawala iyong masama niyang tingin dahil mabilis ako nitong nilampasan. Sumunod naman iyong tatlo niyang buntot kaya naiwan akong tulala. Tumingin ako kay Theresa, ang gaga, wala na naman sa tabi ko't nandoon na kay Esang na abalang nagpapaypay ng mga panindan niyang Barbeque.

Umiling na lang ako. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyong reaksiyon ni Clarence kanina. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top