CR - KABANATA 8
COUNTRYSIDE ROMANCE
KABANATA 8
N O A H
"ANO ba, Clarence!" Mabilis kong hinila ang braso kong hawak-hawak niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ka ba nanghihila? Napakabastos mo rin, e!"
"Sabi ko, uuwi na tayo."
"E ayaw ko pa nga, 'di ba? Umuwi kang mag-isa kung gusto mo, 'wag mo akong idamay!" naiinis kong sagot, masama pa rin ang tingin sa kaniya pero tila hindi ito natinag dahil seryosong magkasalubong lang ang kilay niyang nakatingin sa akin.
"Uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo!" mariin niyang sagot. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.
Napatingin ako sa paligid. Hindi naman madilim dito dahil may mga solar lights sa daan tapos bilog na bilog pa ang buwan na mas lalong nagbibigay ng liwanag sa paligid. Muli kong tiningnan si Clarence, malayo na siya sa akin. Biglang umihip ang hangin kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya.
Hindi naman ako natatakot. Kaya kong lakarin ang lugar naming nang mag-isa buong magdamag dahil alam kong ligtas ako rito dahil mababait ang mga tao. Wala ring mga hayop na pagala-gala sa paligid. Pero kasi, malayo na kami sa party. Tinatamad na rin akong bumalik. Isa pa, kanina ko pa nga rin gusting umalis doon kung hindi lang ako nilapitan ni Ren. Ang pinanghihinayangan ko lang ay hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos dahil bigla na lang akong hinila ni Clarence.
Mabilis ko naman siyang naabutan. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay ay tahimik lang kaming naglalakad. Huminto siya kaya humarap ako sa kaniyang direksiyon. Seryoso pa rin ang kaniyang emosiyon.
"Salamat," mahina kong sabi at tatalikod n asana ngunit bigla ako nitong tinawag. "Bakit?"
"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya, hindi makatingin sa akin ng diretso. Kaya kumunot ang noo ko. Inisip ko rin kung may gagawin ba ako bukas.
"Bukod sa ako ang magbabantay sa puwesto bukas, wala naman. Bakit?"
"Yayayain sana kitang mamasyal."
Tila ba tumigil saglit ang mundo sa pag-ikot. Yayayain mamasyal? Nang kami lang dalawa?
"T-Tayo? Mamasyal tayong dalawa?"
"Kasama ang tropa, siyempre. Hindi na kasi natin iyon nagagawa," aniya.
Ahh. Kasama pala ang tropa. E ano ba'ng masama kung kasama nga sila? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang tanga naman, o!
"Ah pag-iisipan ko muna," sagot ko.
"Minsan lang naman. Sige na. Akon ang bahala sa 'yo," aniya.
"Kasama si Theresa?" Tumango siya kaya napanatag ang loob ko. "Sige, sasama ako."
"Deal 'yan, a. Wala nang bawian, ang babawi ay hindi kaibigan."
Natawa ako nang mahina nang may munting alaalang lumandas saglit sa aking isipan.
"Wala nang bawian, ang babawi ay hindi kaibigan."
"Peksman. Walang baiwan hanggang dulo."
"Peksman. Walang bawian hanggang dulo," sagot ko at sabay naming itinaas ang pinky finger naming upang ipa-cross ito sa ere. Natawa ako nang mahina nang magkatitigan kaming dalawa. Nakangiti na rin si Clarence.
Pakiramdam ko'y bumalik kami sa pagkabata. Sa tuwing may ipinapangako sa isa't isa'y ganitong-ganito kaming dalawa. Noon, wala naming ibig sabihin sa akin ang lahat. Marami siyang mga pangako noon na napako na lang at tinangay ng hangin, at hindi ko alam kung naalala pa niya ang mga 'yon.
Hindi ako galit o nagtatampo sa tuwing napapako ang mga 'yon. Dahil para sa akin, sa batang ako, na hindi lahat ng pangako'y natutupad. Pero noong mamulat ako, na ganito ako, at iba na ang tumatakbo sa puso't isipan ko, may mga pagkakataon na umaasa ako. Umaasa ako na sana'y naalala niya 'yong mga pangako niya sa akin noon at tuparin iyon kahit na huli na ang lahat.
Ngunit isang araw, biglang nagbago na ang lahat. Bumalik sa dati ngunit hindi ko alam kung 'tulad pa rin ba ito ng dati.
--
Hindi ko namalayan sa kaiisip sa mga nangyari ay nakatulog ako. Umaga ko na napagtantong ang suot-suot ko pa rin kagabi ang siyang suot-suot ko. Hinubad ko na lang ang slacks dahil may shorts naman ako sa loob at saka ako lumabas ng aking kuwarto.
"Pak! Sino ka riyan? Ivana Alawi is that you?" Kunot noo akong tumingin dito habang siya'y prenteng nakaupo sa harapan ng mesa't nakataas pa ang isang paa sa isang upuan habang nagkakape.
"Bakit ka aber nandito nang sobrang aga?" taas kilay kong tanong imbes na sagutin siya. Umupo ako kaharap si Theresa at saka inagaw ang iniinom niyang kape na paubos na.
"Anong maaga ka riyan! Mag-a-alas-nuebe na kaya, te. Kanina pa kita ginigising. Umalis na si Ninang kanina pa. Siya na lang daw magbabantay sa puwesto niya..." Inagaw niyang muli ang tasa ng kape sa akin. "Magtimpla ka nga ng sa 'yo," dagdag niya.
Inirapan ko na lang siya't tumayo. "At ano'ng ginagawa mo rito?" pagtataray ko. Ano'ng akala niya sa akin, nakalimutan ko na agad ang kasalanan niya?
"Eh sabi ni Kuya sunduin kita. Alas-diyes daw ang alis natin ngayon," aniya. "At saka, pasensiya na rin at hindi kita nasamahan kagabi pero sinabihan ko naman si Kuya na samahan ka."
Pagkatapos kong magtimpla ng kape'y bumalik ako sa aking puwesto. May pandesal sa harapan namin ni Theresa na agad kong kinuha dahil baka 'pag hindi ko pa iyon ginawa'y mauubos lang nitong kasama ko.
"Kumusta naman ang party kagabi? Nag-enjoy ka? Sayang lang at hindi ako pinasama ni Kuya," nakasimangot niyang sabi.
Nagkibit lang ako ng balikat. Hindi ko naman kasi masasabing masaya bai yon o boring. Ni hindi ko nga naranasang sumayaw o makipagkwentuhan sa ibang naroroon. Mabuti na lang at nandoon si Ren na agad ding natapos dahil kay Clarence.
Pero kumunot ang noo ko nang maalala ko ang dahilan ni Clarence kagabi kung bakit hindi nakasama itong si Theresa. Tumingin ako rito.
"Ano'ng sabi mo?" tanong ko. "Na hindi ka pinasama ng Kuya mo? Akala ko ba si Ninang ang hindi pumayag na sumama ka dahil wala raw itong kasama," dagdag ko.
Umayos siya ng upo. Ibinaba na nito ang mga pang nakapatong sa isang upuan. "Aba malay ko, te! Okay lang naman si Mama kahit na wala siyang kasama. Ang sabi ni Kuya ay 'wag na raw akong pumunta at siya na lang daw ang sasama sa 'yo."
Kumunot lalo ang noo ko pero hindi ako nang-usisa pa. Inubos ko na lamang ang kape't pandesal habang nag-uusap kaming dalawa. Pagkatapos ay kaagad akong nagpaalam na maliligo't magpapalit lang muna dahil aniya'y aalis nga raw kami ng alas-diyes ng umaga.
Isinuot ko lang ang cargo pants ko saka oversized na damit at isang itim na sumbrero. Kinuha ko rin ang shoulder bag kong itim na pinaglagyan ko ng pabango at sunscreen. Nang matapos ako'y kaagad kong pinuntahan si Theresa na nasal abas na ng aming bahay. Isinara ko lang muna ang pinto at saka kami sabay na umalis.
Ilang minuto lang ang nilakad naming ay nakarating kami sa tagpuan. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang puting Van sa ibaba na nakaparada. Kita ko rin sina Clarence at ang mga kaibigan niya, maging si Cassy at dalawa pang babaeng hindi ko kilala'y kasama rin.
"What took you guys so long? It's so hot here," ani Cassy nang makalapit kami.
Napairap na lang ako. Naiinitan pa siya sa lagay niyang iyan? Nakasuot siya ng fitted na damit na hulmang-hulma ang kaniyang magandang hugis ng katawan at maiksing sexy shorts. Lumitaw lalo ang maganda niyang balat.
"Sana hindi niyo na lang kami hinintay," sagot ko. Ayaw kong makipag-plastikan.
Umirap lang siya at nilapitan si Clarence. "Let's go. Baka gabihin tayo," ani Cassy at nauna nang pumasok sa loob ng Van. Sumunod naman ang dalawang babaeng sa tingin ko'y mga kaibigan ni Cassy. Hanggang sa nakaupo na kaming lahat. Sa likod kaming dalawa ni Theresa pumuwesto katabi namin si Marcus.
Magkatabi naman sina Cassy at Clarence sa unang row ng mga upuan kasama nila ang isang babae at sumunod naman ay sina Sebastian at iyong isang babae sa harapan namin habang si Rupert ay na sa tabi ng driver's seat. Kaagad din naman kaming umalis nang makapuwesto kaming lahat.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nandito na rin naman ako at mabuti na lang din dahil nandito si Theresa dahil hindi ako mabuburyo. Kaagad din naman kaming umalis nang makapuwesto kaming lahat.
"Bakit ka ng apala umuwi kaagad kagabi?" tanong ng katabi kong si Marcus.
"Ah. Wala, inaantok ako," pagdadahilan ko kahit na ang totoo'y hindi naman talaga.
"Edi sana naglasing ka para magising ka," aniya at tumawa pa. Kumunot lang ang noo kong tumingin sa kaniya.
"Joke mo na 'yon?"
"Bakit? Korny ba?"
Natawa ako nang mahina at saka tumango. Sa kanilang apat, si Marcus ang may matinong pag-iisip. Ganon siguro sa mga magkakaibigan, may isang matino, the rest, ewan ko na lang. Pero 'tulad pa rin ng mga bata pa lang kami, wala sa hulog ang mga jokes niya.
"Puwede ka ng maging mais sa sobrang kakornihan mo," sabi ko.
Tumawa lang siya.
"Alam niyo bagay kayo," ani Theresa.
"Talaga?" tanong ni Marcus. "Bagay raw tayo, Noh." Nakangisi siyang nakatingin sa akin pero ako, hindi ako makasagot dahil ewan ko ba't bigla na lang akong kinabahan nang hindi ko malamang dahilan.
Wala naming pakialam sa amin ang mga nasa harapan pero pakiramdam ko, may mga masasamang tingin akong natatanggap.
"T-Tao tayo, kailan pa tayo naging bagay? 'Wag mo na pansinin si Theresa, ganiyan talaga 'pag absent sa Filipino."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top