II

Cane's

Gusto kong tumakbo... Papalayo... Pero mas gusto ng puso kong lapitan at yakapin siya.

Kung ganito ang nararamdaman ko para sa kanya ibig sabihin, mate ko si Alpha Callum?

Si Callum Cerberus ang anak ni Alpha Coundrel Cerberus. Ang kasalukuyang Alpha.

So kung siya nga ang mate ko, ako ang susunod na magiging Luna? Isang Allwest magiging Luna?

I just can't even!

Without thinking twice ay iniwan ko si Helga sa pila at tinungo ko si Alpha Callum.

Hindi ko alam kung bakit pero dala na marahil ng katotohanang 'mate' ko siya kaya gusto kong mapalapit sa kanya.

I was about to approach him ng may talipandas na bigla na lang kumandong sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

'As if they're mates!'

"Hi, Callum babe. Kamusta ka na? Sorry late ako ha."

And I don't know, I feel something inside like 'I-want-to-slap-your-goddam-face-so-hard' and 'I-want-to-tear-your-face-apart-bitch!' feeling. Which is unusual.

Pinalaki akong kalmado ng mga magulang ko, reserved, passive.

Pero feeling ko, gusto kong sumanog sa galit habang nakikitang naglalampungan sila.

Lilinawin ko lang, hindi ako tanga.

Alam ko at sigurado ako sa nararamdaman ko. Alam ko ring napansin ako ng Alpha pero inignora niya lang ako.

Bakit? Hindi niya ba nararamdaman yung nararamdaman ko?

"Hoy, Cane, bat ka tulaley jan. Baka kagatin ka pa ng langgam katutulala sa dalawang ginawang hotel na itong cafeteria."

Nagising lang ang diwa ko ng hatakin ako ni Helga papalayo sa dalawa. Ayaw man ng katawan ko eh wala na akong nagawa sa lakas ng babaeng beta.

'mate, lapitan mo ang mate natin!'

"Anong sabi mo Helga? Anong mate?"
Binalingan naman ako ni Helga ng nakataas-kilay na tingin.

"Anuba Cane, ang layo-layo ng sinasabi ko sa naririnig mo. Hoy Cane, balik-balik din sa Earth pag may time. Sobrang lutang mo yata today?"

Pero sigurado akong may nagsalita eh.

Sigh. Nevermind.

Binalingan ko ng huling tingin ang walang malay na Alpha.

Mag-uusap tayo mamaya. Hindi ako makapapayag ng may kahati sayo. Mate kita, sure ako dun!

*********

After ng klase eh nagpaalam na ako sa babaeng beta na may mahalagang pupuntahan. Samantala inabangan ko naman si Alpha Callum sa madalas niyang pinupuntahan. Ang gym!

At pag siniswerte ka nga naman, naabutan ko siya kasama ang dalawa niyang kaibigang beta, sina Jace at Roi.

Habol-habol ang hinga kong tumakbo papalapit sa kanila at hinarangan ang kanilang dadaanan.

"Hoy, lobo, anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na pwede kang maparusahan sa walang habas mong pambabalakid sa landas namin?" Ani ng seryosong si Jace.

Ang lalim niya talagang managalog, akala mo naman pinanganak kasabay ni Rizal!

"Paumanhin po, mahal na Alpha at mga beta. Nais ko lang po sana kayo Alpha Callum makausap para sa isang napaka-importanteng bagay."

Mate kita. Nais ko agad sabihin, pero pinigilan ko muna dahil katabi niya ang mga kaibigan niya. At sigurado akong mabibigla sila.

Hindi ko rin alam kung saan ko ba hinuhugot ang kakapalan ng mukha ko pero ganito siguro talaga kapag nagmamahal ka, nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo naman talaga ginagawa.

"Sige, sabihin mo na, may praktis pa kasi kami."

"Ng pribado mahal na Alpha. Napakahalaga po nitong sasabihin ko."

Nagtinginan naman ang tatlo matapos kong sabihin yun at nagtanguan naman sila.

Matapos yun ay dumiretso nga kami sa isang pribadong lugar. Ang likod ng gym.

"Now what? Anong mahalaga mong sasabihin wolf?" Anito sakin.

Huminga ako ng malalim. This is it.

Kaya ko 'to! Alam kong tatanggapin niya ako.

Buong tapang kong pinikit ang aking mga mata at sinambit ang mga salitang kanina ko pa nais sabihin sa kaniya.

"MATE KITA! AT MAHAL KITA!"

Sa wakas nagawa ko ring sabihin.

Mistulang may malaking tinik na nahugot sa dibdib ko at nakahinga na rin ako sa wakas ng maluwag.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang mga seryosong tingin ni Alpha Callum.

Tingin na hindi ko mabasa kung anubang naramdaman niya sa isiniawalat kong katotohanan.

Hindi siya mukhang galit, pero mas hindi siya mukhang masaya kaya hindi pa rin ako mapalagay.

Sa isang iglap, dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa aking direksyon suot-suot na ang isang mapaglarong ngisi at nanginginang na mga tingin.

Bago lang sa aking paningin na makitang ganito siya, dahil seryoso siya palagi kahit pa nasa paligid niya ang mga malalanding shewolves.

"Tama ba ang narinig ko wolf?" Papalapit siya ng papalapit habang ako naman ay sinusubukang lumayo ng lumayo.

"O-o-opo, mahal na Alpha. Ako po ang mate n-niyo. Ak-ko po ang itinadhana ng Moon Goddess na maging inyong kabiyak habangbuhay." Dagdag ko pa.

Napatango-tango naman siya at mas lumapit pa. Ako naman at di na makaatras sapagkat pader na ang aking nakabungguan.

"So ibig sabihin pala ikaw ang magiging asawa ko in the future?" Tumango-tango naman ako.

"Ikaw ang magiging kaniig ko gabi-gabi?" Namula naman ako sa kaniyang sinabi at nag-iwas ng tingin.

Sigurado akong namumula na ako ngayon dahil sa mga weird na pinagsasasabi ng alpha. Ganito ba nagagawa ng pagkakaroon ng mate sa isang Alpha? Nagiging agresibo at... Sexy? Teka, mali!

"Ibig sabihin ikaw na ang magiging future Luna ng pack na ito? Ganoon ba yun, wolf?"

Tuluyan na nga niya siyang nakalapit at mas lalong lumakas ang amoy niya nalalanghap ko. Nakakaakit! Nakakataas ng libido.

Teka mali!

Naramdaman ko pa ang mga kamay niyang masuyong humahaplos sa aking mga balikat at nararamdaman ko ang ilong niya na dahan-dahang nilalanghap ang amoy ng aking leeg.

Nakakahiya, baka ang baho ko na.

Ganito pala ang pakiramdam ng makadaupang-palad mo ang mate mo? Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling. Ang makasama ang iyong mate ang kapalarang hinding-hindi mo matatanggihan kailanman.

"Isa kang hangal."

Napamulat ang mga mata ko ng maraman na ang napakahigpit niyang kapit sa aking balikat, na tila nais bang bakliin ang mga buto ko roon.

At nang makita ko ang kaniyang mukha ay bakas na bakas doon ang galit at pagkairita?

Tumawa pa siya ng patuya at pwersahang itinulak ako ng napakalakas sa pader.

"Tanga ka ba?! Ako? Si Callum Cerberus? Magkakaroon ng isang mate na lalaki, este bakla pala. Ano sa tingin mo ako? Tanga para magpapaniwala sa mga sinasabi mo?! Bakit? Kating-kati at tigang na tigang ka na ba kaya nagawa mong mag-imbento ha?! Nakakahiya ka! Allwest ka pa naman! Isa kang salot sa lahi niyo!"

Sa isang iglap ay parang sinira ng mga sinabi niya ang puri, diginidad, pangarap, at pag-asa ko sa kaniya. Parang gusto kong lumubog sa aking kinauupuan pero alam kong sa sarili kong nagsasabi ako ng totoo.

Kung kaya't pinilit kong tumayo at magpaliwanag.

"Alam kong nagulat ka lang at mahirap talagang tanggapin. A-ako rin mismo hindi m-makapaniwala nung una. Pero seryoso at totoo ang nararamdaman ko sayo Alpha. Sigurado akong ikaw ang mate ko at hindi ako mag-iimbento ng kahit ano para masira ang pangalan ng lahi namin!"

Sa halip ay tumawa lang siya ng malakas at tinignan ako na waring hindi makapaniwala.

Matapos yun ay tinitigan niya akong mabuti ng seryoso.

At nagwika...

"Osige, kung talagang mate kita at hindi ka nag-iimbento lang. Pakinggan mong mabuti 'to..."

"I, CALLUM CERBERUS, REJECT YOU CANINE ALLWEST TO BE MY MATE. NOT NOW, NOT EVER!"

Sigaw niya bago ako tinalikuran at iniwang tila mamamatay na sa pagkabigo.

Sundan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top