CMWY 96

Hindi maintindihan ni Kanoa kung ano ba ang nangyayari kay Ara dahil simula nang dumating siya, hindi na siya nito pinansin. Nakahiga ito sa sofa habang nanonood ng TV. Hinalikan niya ito sa pisngi, pero hindi siya pinansin. 

Okay naman sila kahapon. Nag-walking pa nga sila sa park. Kumain pa nga sila ng ice cream. Okay rin naman sila kaninang umaga. Nag-almusal pa nga silang magkakasama kaya hindi niya maintindihan kung bakit pag-uwi niya, inis na inis ito sa kaniya. 

Sinundo niya si Antoinette sa school at inihatid ito sa bahay nila kaninang tanghali bago siya bumalik sa office. Umalis naman siyang natutulog si Ara kaya hindi na niya ito ginising. Paguwi niya noong hapon, mainit ang ulo nito. 

"Kain na tayo?" Lumebel si Kanoa kay Ara. 

Tumayo si Ara at basta na lang itong naglakad papunta sa dining table. Tahimik nitong sinandukan ng carbonara ang pinggan ni Antoinette. Nagtanong din ito sa anak nila kung kumusta ang school at nag-sorry kasi natutulog kanina kaya hindi siya kaagad nakamusta. 

Nag-observe lang si Kanoa. Habang kumakain, nakayuko si Ara. Hindi ito tumitingin sa kaniya. Sumasagot kay Antoinette, pero hindi sa kaniya. Paulit-ulit niyang iniisip kung ano ang nagawa niyang kasalanan para magalit sa kaniya ang asawa niya. 

It was Ara's turn to do the dishes, but Kanoa volunteered. Akala niya tatanggi si Ara tulad noon, pero basta na lang nitong pinatay ang faucet at iniwan siyang mag-isa sa kusina. Pumasok ito sa kwarto ni Antoinette at bumalik ulit siya sa pag-iisip kung may nagawa ba siya. 

Huminga nang malalim si Kanoa at ipinagpatuloy ang paglilinis sa kusina. Inayos din niya ang babaunin nila ni Ara sa office kinabukasan. Nagbabad siya ng chicken na may timpla para iprito bukas. Nag-isip pa siya ng salad na idadagdag sa pagkain nila. 

Nang matapos sa ginagawa, pumasok si Kanoa sa loob ng kwarto ni Antoinette at naabutan si Ara na patagilid na nakahiga sa tabi ng anak nila habang binabasahan ito ng libro. Lumapit siya sa dalawa at hinalikan ang anak nila sa pisngi. 

"Good night, Daddy," Antoinette smiled at him. "Sleep na ako after this story." 

Kanoa nodded. "Yup, para maka-sleep na rin si mommy," he smiled. "Good night, Antoinette. I love you."  

Hindi pa rin tumingin sa kaniya si Ara. Iniwanan niya ang dalawa at naghintay sa sala. Ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na si Ara. Kumuha ito ng juice sa ref bago pumasok sa kwarto nila nang hindi pa rin siya kinakausap. 

Malalim na huminga si Kanoa at sumunod sa kwarto. Nakaupo si Ara sa office table at busy na nagta-type sa laptop. Kapag ganito ang situwasyon, hangga't maaari, hindi niya ito kinakausap dahil alam niyang seryoso ito sa ginagawa. As much as he wanted to ask what was happening, he couldn't. 

Instead of overthinking and asking again, Kanoa laid down and shut his eyes. Pagod siya sa maghapon dahil sa shoot nila. Ipinatong niya ang braso niya sa noo niya ngunit pinakikiramdaman niya si Ara. Naririnig niya ang bilis ng pag-type nito sa keyboard hanggang sa bigla itong tumigil. 

Dumilat si Kanoa nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang mahinang pagsara niyon. Nakapatay na rin ang ilaw sa kwarto, wala rin ang phone ni Ara sa lamesa pati rin pala ang laptop. 

Kanoa got up and went outside their room. Naabutan niya si Ara na nasa kusina at mukhang hinuhugasan nito ang basong ginamit. He walked towards Ara and hugged her from behind.

"Ano'ng nangyayari?" tanong niya at hinalikan ang gilid ng noo ni Ara. "Bakit ganito tayo? May nagawa ako?" 

Walang naging sagot, pero naramdaman ni Kanoa ang malalim na paghinga ni Ara. 

"Love?" 

Humarap si Ara sa kaniya at namumuo ang luha sa magkabilang mga mata nito na kaagad bumagsak pagkurap. Sunod-sunod ang paghikbi, ang paghingang malalim, at nasundan iyon nang hagulhol. 

"I'm not feeling well," Ara said in a low voice. "You didn't even notice I was sick. You're so busy. You're not paying attention."

Kanoa stared at Ara. "Love, tinanong kita kaninang umaga kung okay lang bang pumasok ako. Sabi mo, okay lang kasi okay ka naman. Sabi mo bilhan na lang kita ng salad kaya bumili ako kaninang lunch. Kinain mo ba?" 

"Oo. But still!" Ara rolled her eyes. "My okay lang is not okay!" 

Natawa si Kanoa sa sinabi ni Ara dahilan para mas lalo itong humagulhol sa harapan niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang yakapin ito habang nakasubsob sa dibdib niya. 

"Gusto mong lumabas? Tulog naman na si Antoinette. Kausapin ko lang sandali si Shara," pag-offer ni Kanoa. "Tingin mo?" 

"Okay," Ara smiled. "Let me just get my hoodie." 


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys