CMWY 95
Sumandal si Ara sa bench kung saan sila nakaupo ni Kanoa. Ibinaba niya ang hot chocolate sa upuan at saka pinanood si Kanoa na pinapalamanan ang bagel ng cream cheese na nabili nila mula sa dinaanang coffee shop.
Pareho silang walang trabaho kaya naisipan nilang maglakad malapit sa school ni Antoinette hanggang sa makarating sila sa park.
"How's work, Love?" Ara asked.
"Okay naman. Medyo marami kaming projects last time, pero natapos na namin 'yong iba. Marami pa sa mga susunod, pero wala namang problema. Madali lang 'yon." Kanoa smiled. "Kayo?"
Iniabot ni Kanoa ang bagel sa kaniya na kaagad niyang kinagatan. Napapikit siya dahil ang sarap ng pagkalambot ng tinapay. Medyo mainit pa iyon kaya naman parang nag-melt pa ang cheese.
"It's okay. I have a lot of blogs to do the next few days and medyo tinatamad ako," natawa si Ara. "We're gonna eat some shellfish daw next week for the blog. Excited ako kasi sabi nila they'll be serving king crab."
Kanoa smiled when Ara did that little dance who looked excited. Patuloy itong nagkuwento tungkol sa iba pang pagkaing isasama sa isusulat na blog dahil lahat iyon ay kailangang tikman.
"Are you loving your job ba or do you miss what you do in the Philippines?" Ara asked and took one big bite.
"Nakaka-miss dahil sanay akong walang employer. Sanay ako noon na hindi ako inuutusan, pero nag-e-enjoy naman ako," Kanoa smiled. "The fact na marami rin akong natututunan sa mga nakakasalamuha ko, unlike noon na gagawin ko lang kung ano ang gusto ko, it's big. I'm learning new things."
Ara smiled and nodded. "That's good to hear. I'm quite worried about you kasi career-wise. You left something big sa Philippines, eh," she drank some hot chocolate and breathed. "But I also wanna keep you here."
"Mas gusto ko rin naman dito. Mas gusto ko kayong kasama rito," Kanoa said confidently. "Ang sarap kayang makitang lumalaki ni Antoinette. Medyo pasaway na rin, eh."
Malakas na natawa dahil may katotohanan iyon. Iyon ang madalas nilang pinag-uusapan ni Kanoa nitong mga nakaraan dahil napagsasabihan na ni Ara si Antoinette kapag sumasagot na ito sa kanila.
May reason naman, pero ayaw nilang masanay na ganoon ang anak nila. Napapakamot na nga lang din ng ulo si Kanoa dahil mukhang alam nito kung saan nagmana si Antoinette.
Ara knew, too, especially that she was exposed to Belle.
"May gusto ka bang puntahan pagkatapos nating kumain?" tanong ni Kanoa.
Umiling si Ara. "Can we just stay here? Parang medyo masakit ang feet ko sa shoes na ginamit ko now. I might buy some comfortable shoes na especially since we love walking like this. These sandals kasi are a little painful."
"Sige. Alam mo, gusto kitang ayaing mag-jogging every morning 'pag wala tayong office work." Tumabi si Kanoa kay Ara. "Wala tayong masyadong physical activities recently dahil lagi tayong nakaupo at nagwo-work, gusto mo ba?"
"That's actually a good idea. I'm feeling a little sloppy lately," Ara pouted and shook her head. "I feel heavy and fat recently."
Tumingin si Kanoa kay Ara. "Hindi naman, ah. Gusto mo after ng school ni Antoinette, bili na tayo ng shoes? Bilhan natin siya para isama natin!"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top