CMWY 92

Ara came home late and was dead tired. Aside from the meetings, she went to some restaurants and cafés, too, to check the place for future collaboration.

Antoinette was already sleeping. Hinalikan na lang niya ito sa pisngi bago lumabas ng kwarto at pabagsak na naupo sa sofa. Hindi pa siya pumapasok sa kwarto nila ni Kanoa kaya hindi niya alam kung gising pa ba ito.

It was already eleven in the evening, and she just wanted to lay her back and rest but couldn't. The more na pagod siya, mas mahihirapan siyang matulog.

Bumukas ang pinto at nagkatinginan sila ni Kanoa.

"Nandito ka na pala. Kanina ka pa?" tanong ni Kanoa na lumapit sa kaniya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Ready ko 'yung shower?"

Umiling si Ara at hindi pinansin si Kanoa. Hawak niya ang remote ng TV at binuksan iyon para maghanap ng palabas. Itinaas niya ang paa sa sofa habang patagilid na nakahiga. Tumigil siya sa isang pamilyar na romcom na gusto lang niyang panoorin kahit na ilang beses na niyang napanood.

"Love, ayos ka lang?" Lumuhod si Kanoa sa tapat niya. "Kung inaantok ka na, tulog na tayo. Kanina pa rin tulog si Antoinette. Mukhang napagod sa school."

Ara reached for Kanoa's cheek and caressed it. "Miss ko kayo ni Antoinette today. I'm so tired. I can't even walk na."

Kanoa smiled and kissed the back of her hand. Tumayo pa ito at pumuwesto sa paanan niya. Tinanggal nito ang suot niyang foot sock bago maingat na minasahe ang binti niya. Nagkukuwento ito tungkol sa mga ginawa ni Antoinette sa school.

"Your daughter may look like me, but she's very you," umiling si Ara. "Did you talk to her about what she did?"

Tumango si Kanoa. "Sabi ko sa kaniya na okay lang namang ipagtanggol niya 'yung sarili niya, pero hindi sa puntong mananakit talaga siya. Marason si Antoinette, Love. Maingay daw kasi 'yung boy classmate niya kaya sinuntok daw niya sa braso. Saan ba niya nakuha 'yon?"

"I don't even know," Ara stood up. "Let's sleep na? I'll just drink some milk and papasok na rin ako."

Ngunit habang kumukuha si Ara ng gatas sa ref, naramdaman niya ang pagpalibot ng braso ni Kanoa sa baywang niya. Humarap siya at hinalikan ito sa pisngi bago tinitigan. She automatically smiled upon seeing the face she always loved.

Kanao removed the hair that was covering her face and smiled. "May pasok ka ba bukas? Kung wala, hindi na muna ako papasok. Dito na lang muna tayo sa bahay. Ihahatid ko lang si Antoinette 'tapos dito na lang ako."

"Yes, please," Ara nodded and pouted. "Can we cook champorado? I'm craving champorado na maraming powdered milk since kahapon pa and I want to sleep lang."

"Oo ba." Hinalikan ni Kanoa ang tuktok ng ulo ni Ara. "Bumili pala ako ng bulaklak kanina para kay Antoinette at Antheia. Nilagay ko na 'yung kay Theia sa tabi niya."

Sabay silang tumingin sa shelf kung nasaan nakalagay ang urn ni Antheia. Katabi nito ang picture frames at ilang display. Naroon din ang magkahiwalay na baby book ng anak nila. Dinala na rin nila ito sa New York pagkatapos magpagawa ng bagong urn na mayroong last name ni Kanoa.

"That's nice." Inihilig ni Ara ang ulo sa dibdib ni Kanoa. "Love, tampo ako sa 'yo kanina."

"Halata nga. May nagawa ako?" Hinaplos ni Kanoa ang buhok ni Ara. "Ano'ng nagawa ko?"

Ara looked up, pouted, and sniffed as if she was about to cry. "Hindi mo ako sinundo sa door. I was expecting a hug and a kiss, pero wala. Akala ko nag-sleep ka without me."

Kanoa pursed his lips to contain his smile. "Sorry. Next time sunduin pa kita sa office kung gusto mo, eh. Pinalitan ko kasi 'yung bedsheet kanina. Sorry."

"It's not okay. Next time dapat sunduin mo 'ko sa door with a hug kasi napagod ako!" pagmamaktol ni Ara. "I'm just kidding . . . or not."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys