CMWY 88
After the wedding, they decided to leave early with Antoinette. Kanoa was driving the car they borrowed from Belle while Ara was singing with Antoinette at the back seat.
Their family and friends understood. They were on their way to Antheia to celebrate the rest of their day. It was already four in the afternoon.
Kanoa was driving quietly. Masaya siya sa kasal nila ni Ara, pero habang binabaybay niya ang pamilyar na daan papunta sa anak niya, nalulungkot siya na isa lang ang kasalukuyan nilang kasama. Sapat si Antoinette sa kanila, pero alam ni Kanoa sa sarili nilang may kulang sa kanila ni Ara.
"Love?"
Tumingin si Kanoa sa rearview mirror at nakita si Ara na ngumiti sa kaniya. "Bakit?"
"Antoinette's sleeping na," mahinang natawa si Ara. "She looks so nice dancing kanina, 'no? She enjoyed so much with Jaja and Kien. Sabi ni Kuya Sam, ihatid na lang daw natin si Antoinette mamaya."
"Ayaw mo ba siyang isama?" tanong ni Kanoa.
Mahinang natawa si Ara. "Are you sure gusto mo siyang isama mamaya sa hotel? Are you really sure?"
Umiling si Kanoa at ngumiti. Nakatingin siya sa daanan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Alam na niya ang ibig sabihin ni Ara dahil matagal na ang huling beses na nagkaroon sila ng pagkakataong sila lang dahil clingy si Antoinette sa kanya.
Pagdating nila sa columbarium, medyo malakas ang hangin dahil na rin umuulan pa. Ipinasuot ni Kanoa ang coat niya kay Ara. Suot na rin ni Antoinette ang sariling coat na dala pa nila galing sa New York.
Tulog pa rin ang anak nila kay binuhat na ito ni Kanoa papasok sa columbarium. Hawak niya ang kamay ni Ara habang mabagal silang naglalakad papunta kay Antheia. Suot pa rin nila ang damit na ipinangkasal. Nagdala na lang din sila ng cake para kainin doon.
Huminto sila sa harapan ng anak nila. Kaagad na bumitaw si Ara kay Kanoa kaya naman sinundan lang niya ito ng tingin.
Hinaplos ni Ara ang salamin at idinit ang noo. Narinig ni Kanoa ang mahinang pagsinghot ni Ara kaya naman hinaplos niya ang likuran nito.
"Hi, Theia." Muling humikbi si Ara. "Dad and mom are married. We got married today, my love, and I wish you're here, too."
Hinalikan ni Kanoa ang gilid ng noo ni Antoinette habang nakatingin kay Ara. Inilabas nito ang personalized charm at inilagay sa bracelet na para kay Antheia.
It was a puzzle ring charm almost similar to their wedding rings.
"Don't worry, love, we won't leave you here again. You'll come with us na sa New York," Ara smiled warmly and sniffed. "I won't leave you hear alone again. Sa lahat ng memories, you'll be with us. Sa lahat ng gagawin naming memories, you will always be with us."
Lumapit si Kanoa at inakbayan si Ara. Hinalikan niya ang gilid ng noo ng asawa niya at hinayaan itong humikbi sa tabi niya. Humigpit din ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Are you okay with staying with Antoinette muna while I'll be in New York? Wait ko na lang kayo there. I will be looking for a bigger apartment na for us para may sariling room na rin si Antoinette. Shara will be coming with me na rin kasi may work siya so you'll be okay?" tanong ni Ara.
Ramdam ni Kanoa ang lungkot sa boses ni Ara. Hindi nito kayang magsinungaling sa kaniya at alam niyang hindi nito gustong hindi pa siya makasasabay, pero hindi namilit o inintindi pa rin siya.
"Okay lang naman si Antoinette sa 'kin," sagot ni Kanoa at hinawakan ang kamay ni Ara papunta sa upuang malapit sa kanila. "Kaso okay lang ba sa 'yong sumabay na lang kami? Ayokong mag-stay rito nang matagal 'tapos ang layo mo?"
"But your visa," mababa ang boses ni Ara.
Ngumiti si Kanoa. "May papakita pala ako sa 'yo."
"What is it?"
Inilabas ni Kanoa ang phone at ipinakita kay Ara ang e-mail sa kaniya. Naroon ang contract niya para kumpanyang napasukan sa New York pati na rin ang approval ng working visa niya.
"W-What?" Ara's eyes were glued on his phone. "Wait, you didn't tell me about applying? When? How?"
"Surprise 'yan," natawa si Kanoa. "Hirap na hirap akong itago sa 'yo, ha. Ang hirap magsinungaling, pero gusto kong dito na lang. Kaya ayon. Sabay tayong babalik sa New York at doon na lang tayo."
Seryosong nakatingin si Ara sa kaniya, pero kita niya ang pamumuo ng luha sa magkabilang mga mata nito.
"Nakahanap na rin ako ng apartment. Noong nasa New York pa si Shara, nakiusap ako sa kaniya kung pwedeng mag-hire ng maglilinis, magpipintura, at mag-aayos ng mga gamit. Okay na, Love. Okay pa naman 'yung isang apartment mo, pero ready na rin 'yung isa kung sakali mang wala kang gustong ipabago."
Tahimik pa rin si Ara na nakatitig sa kaniya. Kinuha niya ang phone at binuksan ang messages ni Shara.
"Ayan 'yung apartment. Mas malapit siya sa school ni Antoinette kaya walking distance lang tayo. May sariling room na si Antoinette para may asawa time naman ako," natawa si Kanoa na nakatitig pa rin kay Ara. "Okay lang ba sa 'yong sa New York na lang din ako?"
"What kind of question is that!" singhal ni Ara at mahinang sinuntok ang braso niya. "Of course! I was crying last three nights knowing I'll leave alone 'tapos . . . but are you okay sa New York? Your career is here."
Nagsalubong ang kilay ni Kanoa. "Puwede naman akong gumawa ng career doon. At least magkasama tayo. Saka gagawa pa tayo ng pangatlong anak. Di puwedeng malayo ka na naman sa 'kin."
Kaagad na napalitan ng tawa ang luha ni Ara. Inihilig nito ang ulo sa braso niya habang pareho silang nakatingin sa kung nasaan si Antheia.
"Barbara Celeste Dinamarca sounds good," bulong ni Ara. "Let's fix Antoinette's name to Antoinette Drae Dinamarca, too."
Tumango si Kanoa. "Ayusin na rin natin 'yung bagong urn ni Antheia. Antheia Rae Dinamarca na rin."
Ngumiti si Ara at tumingin sa kaniya. "If ever we'll have another baby girl, I have a name na for her."
"Ano?" Nagsalubong ang kilay ni Kanoa.
"You'll know if ginalingan mo sa honeymoon," sagot ni Ara na natawa. "Galingan mo, love."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top