CMWY 85

The ceremony was short and straightforward. It was enchanting and romantic. All the guests were quietly listening to the wedding officiant. Belle and Sam were happy for their sibling—no, everyone was happy.

After the traditional vow of I, state my name . . . they put on each other's ring and kissed. That was it. No more vows.

Wait . . . not really. They just chose to say the vow privately.

Nang matapos ang ceremony, nagpaalam na muna sina Ara at Kanoa na magre-retouch sa kwartong pinaggalingan ni Ara. Iniwanan na rin muna nila si Antoinette kay Sam at Sayaka.

Everyone was having fun. Wala pang pagkain kaya naman nagkukuwentuhan ang mga guest nang iwanan nila ang mga ito.

Hawak ni Kanoa ang kamay ni Ara habang naglalakad sila sa hallway papunta sa kwarto. Paminsan-minsan niya itong nililingon at magkakatinginan silang dalawa at sabay na ngingiti.

"What can you say about the wedding theme?" Ara asked. "Did you like it?"

"Oo naman. Medyo malayo siya sa expectation ko kasi akala ko makulay o kaya naman pastel na paboritong kulay mo kaya medyo nagulat ako," Kanoa smiled. "Pero kahit ano naman ang theme basta makasal tayo, okay na 'ko."

Ara smiled widely and didn't say a word until they reached the room. Naupo siya sa kama at hinilot ang talampakan niya dahil medyo sumakit iyon dahil sa sapatos nang lumuhod si Kanoa. Inangat nito ang hemline ng dress niya at maingat na tinanggal ang sapatos na suot niya.

"Meron ka bang flats na lang?" nag-angat ng tingin si Kanoa. "Para hindi ka na mahirapan mamaya."

"I have, but later ko na isusuot 'pag lalabas na tayo," aniya at nahiga sa kama. Nakatitig siya sa kisame bago pumikit.

Naramdaman niya ang paglubog ng kama at nilingon si Kanoa na nahiga sa tabi niya. Patagilid din itong nakatingin sa kaninya nang iangat ang kamay niya at pinaglaruan ang suot niyang engagement ring at wedding ring na magkatabi.

"Kagabi habang iniisip ko ang vow ko para sa 'yo, paulit-ulit kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyon mong pakasalan ako. Sa dami ng mga nangyari sa buhay mo simula nang dumating ako, napaisip ako kung sigurado ka ba talaga sa desisyon mo," ani Kanoa nang hindi nakatingin kay Ara. Diretso lang na nakatingin sa kamay nilang dalawa. "Halos lahat sila binibiro ako na sana, hindi ka mauntog."

Seryosong nakatingin si Ara kay Kanoa. Hinayaan niya itong magsalita.

"Pabiro ang pagkakasabi nila, pero alam ko ring seryoso sila dahil ako mismo, nagtatanong sa sarili ko na paano ako kung sakali mang mauntog ka nga? Paano ulit ako babangon? Kung meron lang talagang helmet para hindi ka mauntog, binili ko na, eh."

"Silly!" Ara squeezed Kanoa's hand.

Tumingin si Kanoa kay Ara. Walang ngiti. "Seryoso, Ara. Bago ka kasi dumating sa buhay ko, wala akong planong maging seryoso sa kahit na sino. Ni hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na darating ang taong babago sa 'yo. Ang katwiran ko kasi noon . . . bakit ka magbabago para sa isang tao? Kung ano ka, dapat 'yon ka. Pero hindi pala. Makakahanap ka pala talaga ng katapat mo, eh."

Nanatiling tahimik si Ara habang nakatitig lang kay Kanoa. Pareho silang nakahiga sa kama. Naririnig din nila mula sa kwarto ang kulog, kidlat, at pagbuhos ng ulan.

"Paulit-ulit akong hihingi ng sorry sa nakaraan. Alam kong hindi na natin 'yon maibabalik, pero kung kailangang araw-araw akong magso-sorry sa 'yo, gagawin ko. Alam kong nagsisimula pa lang tayo, Ara. Hindi ako magpa-promise na magiging maayos at magaan lahat, pero susubukan ko."

Ara reached for Kanoa's cheek and shook her head. "We'll try, not just you, Kanoa."

Hinawakan ni Kanoa ang kamay ni Ara at hinalikan iyon. "Mahal kita, Ara. Sobra. Gusto ko 'yung pakiramdam 'pag malapit ka. Gusto ko kapag nakahawak ka sa 'kin. Gusto ko kapag nakikita kita. Sa tuwing kasama kita noon, sinusulit ko ang bawat segundo. Hindi ko alam kung bakit, dahil siguro alam kong may kasalanan ako sa 'yo at darating ang araw na lalayo ka."

Narinig ni Ara ang pagsinghot ni Kanoa kasabay ng pagbagsak ng luha nito sa gilid ng mga mata dahil nakatingin ito sa kaniya.

"Thank you kasi naging partner kita noon. Alam kong pabigat ako at naging pahirap. Alam kong pangit ang kinalabasan sa side mo, pero sa parte ko," tumigil si Kanoa at humikbi. "Niligtas mo 'ko. Hindi ko alam kung ano ang buhay ko ngayon kung sakali mang hindi kita nakilala, pero ipinagpapasalamat kong dumating ka. Nabago ang lahat. Binago mo lahat. Sabi ko nga sa sarili ko... kung hindi ikaw, 'wag na lang."

Nag-init ang mga mata ni Ara habang pinakikinggan si Kanoa.

"Gusto kong magpasalamat para sa kambal, para sa ating dalawa, at para sa mga susunod pa. Thank you kasi tayo pala talaga." Muling hinalikan ni Kanoa ang likod ng kamay ni Ara.

Maingat na bumangon si Ara at tinitigan si Kanoa. Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan sa noo. Sunod-sunod na bumagsak ang kuha niya habang nakalapat ang labi niya sa noo ni Kanoa.

"I felt stupid for letting you in. From the very start, I know that I'm in the wrong. Nakilala kita dahil sa sinasabi ng iba, but I gave you a chance kasi iba ka naman sa sinasabi nila. Turns out, you had your agenda. It really broke me," Ara chuckled painfully. "I loved you that I didn't care everything kaya ang sakit noong nalaman kong dare ako, laro lang ako para sa 'yo.

"You said I saved you and while saving you, you drowned me," she sobbed and bit her lower lip. "Ang hirap kong umahon that time. I was so broken that I literally lost the Ara you knew. Hindi ko na siya maibalik. But then I realized that while hating you, I also couldn't stop loving you."

Samantalang nakatitig lang si Kanoa kay Ara na hindi tumitigil sa pagsuklay sa buhok niya gamit ang mga daliri nito. Kita niya ang pagbagsak ng luha sa magkabilang mata ng asawa niya . . . at dahil iyon sa kagagawan niya.

"We already talked about everything a couple of times. What we had was painful and we'll experience more in the future. I wouldn't blame you for everything anymore, my love. It already happened, we couldn't do anything about it. Instead, I'd love to create new memories with you. We already did. The past few months, we had fun and I am looking forward to more, Kanoa," Ara smiled warmly. "I'd love to go wherever you'll go, and I'd love to count memories with you."

Bumangon si Kanoa at maingat na hinila si Ara papalapit sa kanya para yakapin ito nang mahigpit na mahigpit. Isinubsob niya ang mukha at hinalikan ang balikat ni Ara.

"Basta kung saan ka, roon ako," bulong ni Kanoa. "At oo . . . sa pagkakataong 'to, magkasama tayo sa lahat."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys