CMWY 84
Ara wanted Kanoa to stay from wedding preparation. Kahit na ilang beses niyang sinabing tutulong siya, palagi siyang pinagbabawalan ni Ara. Nakiusap pa siya para hindi na ito mahirapan, pero matigas ang ulo. Kaya naman sa araw ng kasal nila, siya mismo, nasurpresa sa kung ano ang itsura ng kasal.
Hindi naman kokontra si Kanoa sa kahit na anong desisyon ni Ara para sa kasal nila dahil kahit na anong kulay, theme, o designs, ayos lang sa kaniya. Wala lang talaga siyang nagawa.
Ipinalibot niya ang tingin sa lugar. Malayo ito sa inasahan niyang makulay tulad ni Ara. Inaasahan niyang pastel ang magiging theme, pero hindi. The entire place was rustic and has a moody vibe. The dramatic contrast of black, white, and muted colors was unexpected.
Hindi ito vibe ni Barbara kung hindi vibe ni Kanoa. Nakita na niya ang invitation. Akala niya iyon lang ang kulay itim, pero hindi. The entire place was moody and cinematic.
Kung siya lang ang photographer, mag-e-enjoy siya. Marami siyang shots na gustong makuha at alam niya sa sarili niyang kaya niyang gawing pelikula ang itsura ng kasal nila, pero hindi niya magagawa dahil siya ang groom.
Itim ang mga kandila. Tuyot ang mga dahong nasa center table kasama ang kulay puting bulaklak, baby's breath na pumapalibot dito, at itim na rosas pa nga. Mayroong lumang piano sa gilid ng event's place. Napapalibutan ito ng tuyong dahon.
Nasa loob sila ng isang event's place. Nalaman niya mula kay Ara na dapat ay outdoor wedding sila sa isang tagong lugar, pero hindi natuloy dahil dalawang araw na ring umuulan at mayroong nagbabadyang bagyo.
. . . and Kanoa wasn't shocked that Ara had this backup plan. Hindi ito basta lang dahil umuulan at minadaling ayusin. Ara knew there was a possibility, and she was ready.
Kanoa shook his head and subtly smiled.
Kakaunti lang ang guests nila. Pamilya lang at malalapit na kaibigan. Halos hindi umabot sa thirty guests at mas gusto nila iyon. Nalungkot lang si Kanoa na wala ang daddy ni Ara. Sinubukan niya itong kausapin, pero tumanggi. Ni hindi sila nagharap dahil mismong mommy ni Ara na ang nagsabing imposible.
Ngumiti si Kanoa nang makita na normal na nag-uusap ang mga magulang niya. Inayos pa ng mama niya ang tie ng papa niya dahilan para maningkit ang mga mata niya. Nahuli siya ng mga ito na parehong umiling.
Hindi pa nakikita ni Kanoa si Ara at Antoinette simula kahapon. Nag-message naman siya noong umaga, pero wala siyang natanggap na reply.
Nakapamulsang nakasandal si Kanoa sa gilid habang ino-obserbahan pa rin ang lugar. The entire event's place was made of bricks giving the autumn and rustic mood. Ang Rectangular ang lamesa at doon na mismo mauupo ang mga guest. Diretso na rin para kumain mamaya.
Nilingon niya ang cake at natawa. Iyon lang ang kulay Ara.
Two-tier cake with pastel colors. Yellow, pink, blue, purple, and green. Kakulay ito ng bridal shower cake na ipinakita sa kaniya ni Ara.
It was a lover-inspired wedding cake, and it was the only color inside the wedding.
Lumapit sa kaniya si Jai. "Ready na. Nasa labas na siya."
Tumango si Kanoa at dumiretso ng tayo. Lumapit sa kaniya ang mama niya. Inayos nito ang necktie na suot niya. It was between brown and maroon, too.
"Ready na? Nagtataka talaga ko ba't hindi pa nauuntog si Barbara," sabi ng mama niya. "Masaya ako para sa 'yo. Pakiusap ko lang. Mahalin mong mabuti, Kanoa. Ayusin mo. Nakikiusap ako."
"Si Mama. Bakit ka nakikiusap diyan? Musta kayo ni Papa? Kayo ba ulit?" pang-aasar niya dahil ayaw niyang umiyak. "Bagay kayo."
"Siraulo." Umirap ang mama niya. "Magpakatino ka, ha? Itatakwil talaga kita kapag sinaktan mo ulit si Ara. Ngayon pa lang, hindi ka na niya deserve kaya dapat magpasalamat ka."
Ngumiti si Kanoa at mahinang natawa. "Oo na, Ma. 'Wag ka mag-alala. Mahal ko 'yon. Sobra."
Tumingkayad ang mama niya at mahigpit siyang niyakap. Naramdaman niya ang pagtapik nito sa likuran niya bago siya inayang magpunta sa harapan ngunit nadaanan niya ang mommy ni Ara. Huminto siya sa harapan nito at bahagyang yumukod.
"Thank you po sa pagpunta n'yo," bulong niya.
Naramdaman niya ang pagtapik nito sa braso niya at nang magsalubong ang tingin nilang dalawa, ngumiti ito at tumango. "Best wishes."
Tumango si Kanoa at nagpaalam na pupunta na sa harapan. Sabay-sabay na ring tumayo ang mga bisita nang marinig nilang tumugtog na ang piano. Hindi niya alam na gumagana pala ang lumang piano sa gilid. Akala kasi niya, display lang iyon.
Malalim na huminga si Kanoa. Nilingon niya ang makalumang bintana ng event's place at nakita ang mahinang ambon. Medyo madilim at mayroon pang kulog. Hindi siya sigurado kung umaayon ba ang panahon, pero kakaiba ang mood.
The song was familiar to him. It was Lover by Taylor Swift, but a piano version.
Nabanggit na rin sa kaniya ni Ara na sina Sayaka, Belle, Antoinette, at Jai bilang best man niya ang maglalakad. Their daughter was their flower girl and ring bearer in one.
Bumukas ang pintong nasa harapan nila. Muli niyang nilingon ang piano nang tumugtog pa ang violin. Naunang pumasok si Jai. Tumango ito sa kaniya bago pumuwesto sa likuran niya.
"Ganda ni Antoinette," bulong ni Jai. "Hindi ko nakita si Ara."
Ngumiti si Kanoa. Excited na rin siyang maktia ang mag-ina niya.
Sayaka entered the room wearing a burnt orange spaghetti-strap long chiffon dress while holding burgundy flowers with dried leaves around it. Naka-messy bun ito at mayroong ilang buhok na bumabagsak sa mukha. Mas lalong nagmukhang masungit, pero kaagad namang ngumiti.
Kanoa and Sayaka wasn't in speaking terms for a long time. Ayaw kasi talaga ni Sayaka sa kaniya at vocal naman ito. Naging proseso ang pagtanggap ni Sayaka sa kaniya at na-explain naman ni Ara dahil nagalit ito sa mga ginawa niya.
Sayaka gave him a nod and he did the same.
Belle entered the room. She was wearing a burgundy halter chiffon dress while holding a mix of orange and black flowers with dried leaves, too. Her hair was imperfectly braided and some strands were covering her face, too. Kamukha ni Ara, pero matapang ang itsura. Parang handang makipaglaban palagi.
Malaki ang pasasalmat ni Kanoa kay Belle dahil ito ang nagtulak sa kaniya para ayusin ang sarili niya. Maganda ang relasyon nilang dalawa dahil naging magkaibigan sila bukod sa magiging in-laws na sila.
Belle squinted and raised her brow while staring at him making everyone chuckle. Parang may pagbabanta kasi kaya kahit siya mismo, natawa. Maybe it was to lighten up the mood, too.
Kanoa literally sobbed when a small girl entered the room. Antoinette was wearing a simple white dress. His daughter waved at him and smiled widely showing her cute little teeth. His heart pounded when Antoinette scrunched her nose and showed him an orange flower on her wrist.
Orange was Antheia's color.
Hawak din ni Antoinette ang isang satin bag at alam niyang naroon ang singsing nilang dalawa.
Nilnigon ni Antoinette ang pinto, parang tinitingnan kung nakasunod na ba si Ara kaya nakita niya ang buhok nito. Naka-ipit sa likuran. Naka-messy up do, pero mayroong ribbon na pula.
"Hi, daddy! My dress looks cute!" pagmamalaki nito.
Ngumiti si Kanoa at lumuhod para lumebel sa anak niya. Hinalikan niya ang pisngi nito bago muling tumayo. Humawak ito sa kamay niya. Sabay silang tumingin sa harapan. Everyone looked back.
Kanoa bit the insides of his lower lip upon seeing Ara who was walking with Sam. Dahil walang veil si Ara, nagtama kaagad ang mga mata nila. Hindi niya pinigilan ang sarili. Hinayaan niyang bumagsak ang luha niya habang nakatitig sa mukha ni Ara.
Ara was wearing a sweetheart off-shoulder dress with long sleeves, too. The dress wasn't pure white, it was made of tulle and lace. And Kanoa thought that it was very Ara.
Her hair was in a half updo with a white ribbon. That simple, but it was the Barbara he always knew. Isa pa, alam niyang ang ribbon na iyon ang binili niya noong college pa sila. Iyon ang unang ribbon na binili niya at hindi niya alam na nakatago pala iyon dahil iyon din ang unang beses na makita niya ito.
Kanoa sniffed. He was just staring at Ara who was smiling at him, but tears were visible.
Habang papalapit si Ara sa kaniya, paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang mga panahong magkasama sila bago pa ang lahat lalo sa parteng iba ang ningning ng mga mata ni Ara noon, pero ninakaw niya iyon.
Ara still looked happy, but it was different from before. Mayroong nawala kay Ara na kahit na kailan hindi na maibabalik, kahit sino . . . hindi makapagbabalik niyon kahit siya pa mismo.
Kanoa looked down when he realized that he had taken away that glint from Ara.
"Mommy ko, so pretty," sabi ni Antoinette. "Mommy! Very, very pretty talaga, 'di ba, daddy ko?"
Tumango si Kanoa at muling hinarap si Ara, pero si Sam muna ang nilapitan niya. Bahagya siyang yumukod bilang pasasalamat at kinamayan ito.
"One wrong move, Dinamarca," ani Sam at ibinigay ang kamay ni Ara sa kaniya. "One wrong move."
Ngumiti si Kanoa dahil naalala niya ang kaparehong pagbabanta noong unang beses nilang magkita ni Sam. Tinanggap niya ang kamay ni Ara bago ito tinitigan. Ngumiti si Ara sa kaniya. Nagpaalam na rin sa kanila si Sam. Binuhat na rin nito si Antoinette na panay ang daldal na maganda ang ribbon ni Ara, maganda ang dress ni Ara, at maganda ang buhok ni Ara.
Nakita ni Kanoa ang kwintas ni Ara na mayroong A&A pendant.
"Hi," Ara smiled at him. Ipinakita nito ang bouquet na puro puting bulaklak, dried leaves, at baby's breath sa paligid ngunit sa magkabilang gilid, mayroong red at orange na rose.
Ngumiti si Kanoa at inalalayan si Ara papunta sa upuan.
"Tara?" tanong ni Kanoa.
"Tara."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top