CMWY 82

Three days before the wedding, Ara wanted to rest and sleep. Kinakabahan din kasi siya at excited. Bigla niyang naisip na bad combination pala iyon dahil nag-manifest ito physically. Medyo hindi maayos ang pakiramdam niya. 

Hindi niya maintindihan kung nasusuka ba siya o parang may butterflies sa sikmura niya. Malamang na kapag nalaman ito ni Kanoa, matatawa na naman ito.

Kanoa was with Jai. Hinayaan na muna niya itong makasama ang kaibigan. Ayaw pumayag dahil nami-miss daw siya, pero gusto muna kasi niya itong bigyan nang kalayaan kahit na sandali lalo na at hindi rin naman sila magtatagal dito sa Pilipinas.

Muling hinarap ni Ara si Belle na nakahigang katabi niya. Nag-puppy eyes ito dahil nga nagpapasamang magpunta sa mall. May gusto kasi itong bilhing sapatos, pero ilang araw na ring pinag-iisipan.

"Ayaw kong umalis." Niyakap ni Ara ang unan sa tabi niya. "Go buy it na kasi!"

"Grabe naman, eh. I want to spend time with you kaya nga kita niyayaya. Imagine, you'll get married in three days. After the wedding, siyempre you'll be with Kanoa for your honeymoon. And then you'll go back to New York na. Wala kang magiging time sa 'kin."

Nakatitig lang si Ara kay Belle na nagmamaktol. Gusto niyang pagtawanan ito, pero mukhang seryoso lalo nang ihiga na ang ulo sa unan. Nakita niya ang pagtulo ng luha nito.

"I just wanna spend time with you," mababa ang boses ni Belle. "I'll miss you na naman, eh."

Malalim na huminga si Ara at umiling. Bumangon siya at tinitigan si Belle na nakatingin sa kaniya. Salubong ang kilay nito at suminghot pa.

"Fine. Maliligo lang ako. How about Antoinette? Kuya Sam's very busy. Iiwanan na lang ba natin siya kay Shara?" tanong ni Ara at bumangon sa kama.

"Isama na lang natin siya," ngumiti si Belle at nagmamadaling bumangon. Lumapit ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Oh my gosh! Thank you so much, Barbara. I love you so much talaga!"

Bago pa siya nakasagot, lumabas na si Belle ng kwarto. Kinausap naman niya si Shara na kung puwede ay ayusan si Antoinette dahil sasama ang mga ito sa kanila ni Belle. Gets naman niya kasi ang point ng kakambal niya dahil may katotohanan iyon.

Nag-message na rin siya kay Kanoa na aalis sila at magpupunta sa malapit na mall. Tumawag naman ito at sandaling nakipag-videocall sa kanila ni Antoinette ngunit kaagad na nagpaalam dahil pumasok na rin si Belle sa kwarto para ayain sila.

They used Belle's car. Pinag-usapan nila si Aaron na mayroong exam kaya hindi makakasama. Ara also opened a topic about her twin's course. Excited siya para sa kakambal ngunit kita rin niya ang pagod nito sa pag-aaral.

Habang binabaybay nila ang daan papunta sa mall, nakatanggap ng tawag si Belle at dahil naka-bluetooth speaker naman, narinig niya ang conversation. It was Aaron asking kung puwede ba muna silang dumaan sa bahay nito dahil na kay Belle pala ang school ID na naiwan sa bag.

"I'm really sorry," Belle maneuvered the car and looked at her. "Okay lang ba?"

"Oo naman! That's more important than your shoes," Ara chuckled.

Belle laughed because it was true. Medyo may kalayuan din kasi ang bahay ni Aaron sa lugar kung nasaan sila. Hindi naman live in ang kakambal niya at fiancè nito. Nakatira si Belle sa sarili niyang condo unit, mayroon namang sariling bahay si Aaron sa isang kilalang subdivision.

Nilingon ni Ara si Antoinette na nakatingin lang sa bintana at pinanonood ang bawat lugar na nadadaanan nila. Medyo traffic din kaya naman inabot sila ng halos isang oras bago makarating sa bahay ni Aaron. Sinabi ni Belle na bumaba na muna sila dahil gusto nitong i-tour siya sa bahay ng kasintahan.

Ara was holding Antoinette's hand who kept on asking where Kanoa was. She kept on explaining that Kanoa was with a friend and he'll be with them soon. Again, another question.

It was three in the afternoon and good thing the weather was fine. Pagpasok sa loob ng bahay, walang tao. Nakapatay ang ilaw sa living and dining room kaya binuksan iyon ni Belle. Nakasunod lang sila hanggang sa dumiretso sila sa glass door sa tabi ng living room. Humarap sa kaniya ang kakambal niya at ngumiti.

"I'm sorry for lying," anito na humawak sa pinto ng glass door at pagbukas, nakita niya ang lobo na kulay pastel pink, pastel green, purple, at yellow. Mayroong lamesa na mayroong mga pagkain, inumin, at bulaklak.

"Let's go?"

"Belle? What's happening?"

Belle smiled and walked towards the garden with a pool. Ara followed her twin and to her surprise, there were people waiting for her, smiling, too!

"Surprise!" Belle uttered and hugged her sideways. "It's your bridal shower! Papayag ba kaming wala? But don't worry, I only invited people whom you're comfortable with. Okay?"

Ara's chin vibrated and nodded. She looked at everyone and waved. They were smiling at her, congratulating her for getting married soon. Everyone was familiar to her! There were a total of seven women including Belle and Shara.

Kanoa's mom. Kanoa's sister.

Sayaka, her bestfriend.

Harley whom she talked to multiple times through messages and video calls for her wedding cake. They became friends! Makulit ito at nakasundo niya sa ibang bagay na hindi niya inaasahan. Gandang-ganda kasi siya rito.

Frankie whom she met through Reid, Sam's best friend.

Antoinette ran towards Harley and Sayaka and asked for a cupcake making everyone laugh.

"You guys didn't have to do this, but thank you," Ara smiled but her eyes started pooling with tears. "Oh my gosh! Thank you. I really didn't know what to say kasi I had no plans. I don't have many friends, but this is perfect. You guys are perfect."

Lumapit sa kaniya ang mama ni Kanoa at mahigpit siyang niyakap. Hinaplos nito ang buhok niya dahilan para mapahagulhol siya. Umpisa pa lang, maayos na ang trato nito sa kaniya. Wala silang naging problema, maasikaso pa nga.

Ara was still hugging Kanoa's mom when a familiar face smiled at her. Hawak nito ang maliit na cake na mayroong kandila sa gitna. It was her mom.

"Mom?"

Her mom smiled and walked towards her. "Blow your cake."

The cake was round with pastel color frosting and the word "Bride". The font used was from the album Lover by Taylor Swift.

"You're the least expected person to be here," Ara sniffed, wiping her tears. She blew the candle and looked at her mom. "Why are you here, mom?"

Nakita ni Ara ang lungkot sa mata ng mommy niya dahil sa tanong niya, pero iyon naman ang totoo. Questionable para sa kaniya ang pagpunta ng mommy niya.

"I invited mom." Belle held Ara's hand. "I hope that's okay."

"Of course, it's okay. I was just shocked that you'll be here, mom. I really wasn't expecting anything from you," Ara said truthfully. "But thank you for being here."

Mahigpit na yumakap sa kaniya ang mommy niya at bumulong. "I'm sorry about everything, Barbara."

Ara nodded and whispered. "It's okay, mom. Thank you for being here. Really."

"Enough!" Belle exclaimed and sniffed. "We're here to have fun, not to cry! Please, I don't wanna ruin my make-up! We have so much to do now."

Nagpaalam muna ang mommy nila at sumama sa mama ni Kanoa para asikasuhin si Antoinette na nagsisimulang kumain ng cupcakes. Nagkakalat ito ng icing sa mukha, pero tawa pa nang tawa ang mga lola.

Lumapit sa kanila si Harley at Sayaka. Nagtaka si Ara dahil mayroong nakalolokong ngiti ang tatlong babaeng nasa harapan niya. Hindi niya maintindihan, pero parang may mali.

Inabot naman sa kaniya ni Frankie ang isang cupcake. "Hay nako, Ara. Mag-ready ka na kasi may regalo si Harley."

"Ha?" Nagsalubong ang kilay ni Ara. "Ano 'yon?"

Harley smiled at her. Nakataas pa ang kilay nito. "Hindi puwede rito. May mga oldies at saka nandito si Antoinette. Baka mabatukan mo 'ko."

"What is it?" tanong ni Ara, pero tinawanan lang siya ng mga babaeng kaharap niya. "Hey! What is it?"

"Tara." Inaya siya ni Belle papasok sa bahay. Dumiretso silang lima sa guest room ng bahay. "Ginawa ni Harley 'yan para sa 'yo. Kainin mo raw."

Binuksan ni Ara ang ilaw at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Nasa kama ang isang pabilog na cake. It was a round cake with penis.

"Oh my gosh, that's huge." Ara looked at the girls. "Harley!"

Harley scrunched her nose. "Ito naman parang hindi pa nakakakita! Gift ko 'yan sa 'yo. Kainin mo, ha?"

Nilapitan ni Ara ang cake at ikinagulat na mayroon pang surprise ito sa malapitan. "That's cum! Ewww!"

"Grabeeee!" singhal ni Belle. "Maka-eww naman as if you haven't s—"

"Shut up!" Ara shouted. "Thank you, Harley, but oh my gosh . . . why?"

"Why not!" Belle squinted. "Taste the cum."

"Belle!" paninita ni Sayaka.

Malakas na natawa sina Belle, Harley, at Frankie.

Mas nilapitan ni Ara ang cake at natawa. Nilingon niya si Harley na naka-cross arms pa. "Grabe ka."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys