CMWY 76

Ara calmed when Kanoa held her hand. They were still inside the car, outside the Columbarium, trying to calm themselves. It had been more than a year since Ara visited her late daughter and the feeling was still the same.

It was still painful.

Sa mga araw na hindi niya nabibisita si Antheia, hindi ito nawawala sa isip niya dahil kahit kailan, hindi niya pinalitan ang wallpaer ng phone, iPad, at laptop niya. It was the last photo of Antoinette and Antheia together. She took it before leaving for Singapore.

Pinagsaklop ni Kanoa ang kamay nilang dalawa at hinalikan ang likuran niyon. Awtomatikong ngumiti si Ara at hinaplos ang pisngi ni Kanoa.

"I love you so much," Ara murmured while looking at Kanoa. "I'll always thank you for giving me the girls and know that I am still sorry that you didn't get a chance to meet Antheia."

Kanoa shook his head and smiled at Ara. "Malungkot, oo... may mga panahong nagluluksa pa rin ako, pero mas importante kayo ni Antoinette. Hindi na rin kasi maibabalik pa, eh. Mas mahalaga 'yung kayo na."

Sa sinabi ni Kanoa, bumagsak ang pinipigilang luha ni Ara na kaagad namang pinunasan ni Kanoa gamit ang hinlalaki nito bago siya hinalikan sa gilid ng noo.

"Tara na? Excited na rin akong ilagay 'yung charms sa bracelet niya," ngumiti si Kanoa.

Tumango si Ara. Naunang lumabas si Kanoa ng sasakyan bago siya sumunod. Hinintay siya nito sa hood may puno na nasa gilid ng sasakyan nila. Nang makalapit, kaagad niyang niyakap si Kanoa na hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

Kinuha rin ni Kanoa ang bulaklak na hawak niya bago humiwalay sa kaniya. Pinagsaklop nito ang kamay nilang dalawa at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng Columbarium.

The weather was nice, it was a sunny day, but Ara and Kanoa felt a little down and gloomy. They should be happy but couldn't.

Mula sa malayo, nakita ni Ara ang pamilyar na lugar kung saan nakalagak ang anak niya. Sa halos dalawang taon, kapag hindi siya maayos, kapag miss na miss niya si Antheia, gusto niyang magpunta rito ngunit malayong-malayo.

Bumagal ang paglakad nila habang papalapit. Nakita nila ang bulaklak na patuyo pa lang at mukhang bago pa. Hindi na rin naman sila nagtaka dahil madalas na nagpupunta rito si Belle at Sam para linisin ang loob at lagyan ng bagong bulaklak.

They stopped in front of their daughter's resting place. Ara could see Kanoa from the reflection. He let go of her hand and took out his own hanky to wipe the glass that was covering their daughter's urn.

Ara stood there silently watching. Hinayaan niyang si Kanoa ang magtanggal ng mga bulaklak sa loob at siya naman ang naghawak sa mga gamit para mas malinisan pa nila bago ilagay ang bagong bulaklak.

Matagal na tinitigan ni Ara ang pangalan ng anak niya. Nakapalibot pa rin doon ang bracelet na madadagdagan ng bagong charms.

Kanoa bought three charms in total and one was personalized. Nakita niya ang isang charm na nakakabit sa bracelet para kay Theia. It was a heart with a small hole. Sa tabi niyon, ikinabit ni Kanoa ang isa pang heart, pero hindi na hole. It had a small diamond on it.

"Walang ganito si Antoinette," sabi ni Kanoa habang ikinakabit iyon. "Noong binili ko 'yung engagement ring mo, naghanap ako ng pwedeng mag-custom. Bumili ako ng maliit na diamond na halos kapareho noong sa engagement ring mo 'tapos pinalagay ko rito."

Ara was intently listening to Kanoa. Yakap niya ang bouquet ng bulaklak na baby's breath.

Another charm was an apple. It was from Pandora. There were three. A camera, heart, and a compass dangle charm. Mayroon din niyon si Antoinette.

"You're enjoying Pandora, ha?" natawa siya nang makita ang huli pang charm.

Tumingin sa kaniya si Kanoa at ngumiti. "Noon, wala naman akong pakialam sa mga ganito. Ni hindi ko nga alam na nag-e-exist ang mga charm. Na mayroon palang Pandora, hanggang sa nakilala kita. Ang hilig mo sa ganito noon, eh."

Ngumiti si Ara at at tinitigan si Kanoa.

"Noong tayo na, lagi mong suot 'yang mga charms mo. Nagsimula tayong maghanap para sa 'yo. Ngayon naman, naghahanap ako para sa kambal," ani Kanoa habang ikinakabit ang huling charm. "At bawat milestone, dapat meron sila."

Ikinabit ni Kanoa ang huling charm. It was from Pandora, too. A simple Letter K Alphabet charm.

"Love." Inihilig ni Ara ang ulo sa braso ni Kanoa habang pareho silang nakatingin sa urn ni Antheia. "I was thinking, after the wedding, gusto mo bang lagyan natin ng last name mo 'yung urn ni Theia?"

Tumingin si Kanoa sa kanya at mahinang natawa. "After the wedding, last name na natin 'yon."

Ara smiled. "Yup. Let's add Dinamarca sa urn ni Theia."

Kanoa nodded and wrapped his arm around Ara. "Antheia Rae Marzan-Dinamarca. Ang haba, Love. Kasya ba diyan eh ang liit niyan?"

Hinawakan ni Kanoa ang urn ni Theia. It was so small that it broke their hearts. Hindi deserve, eh.

"Pagkakasiyahin," sagot ni Ara at hinaplos ang pangalan ni Antheia. "Hi!" 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys