CMWY 74
Pagpasok ni Kanoa sa kwarto, naabutan niya si Ara na nasa harapan ng salamin habang inaayos nito ang mahabang buhok. Itinatali ang kalahati para lagyan ng ribbon, inaayos naman ang pagka-wavy sa bandang ilalim.
It was Ara's signature hairstyle.
Lumapit si Kanoa kay Ara at kinuha ang ribbon na nasa lamesa. Kulay orange iyon at medyo may kalakihan. Pumuwesto siya mula sa likuran at pinanood kung paanong ayusin ni Ara ang ilang buhok na nakabagsak sa mukha nito.
"Ako na magsusuot ng ribbon dito sa likod," aniya nang hindi inaalisan ng tingin si Ara. "Na-order ko na rin 'yung bulaklak, daanan na lang natin. Sure kang hindi na natin isasama si Antoinette?"
Umiling si Ara. "No muna. She'll be fine with Kuya Sam and Sayaka. Babalik naman daw kaagad si Belle and Aaron mamaya, they just have to go to the uni. Let's date na rin after, what do you think?"
Kanoa nodded and hugged Ara while kissing the back of her head. He shut his eyes and breathed. Hindi niya alam kung bakit ngunit mabilis ang tibok ng puso niya. Dahil siguro bibisitahin nila ang anak nila pagkatapos ng ilang buwan para sa kaniya, mahigit isang taon naman kay Ara.
Orange was Antheia's color kaya naman iyon ang kulay ng ribbon na napiling isuot ni Ara.
Kung tutuusin, pareho pa silang mayroong jetlag. Inaantok pa, pagod, at masakit ang katawan, pero hindi puwedeng matapos ang 24 hours na hindi sila nakapupunta sa isa pa nilang anak.
"Nagkausap pala kami ni Kuya Sam kanina," ani Kanoa habang nakaupo sa gilid ng kama at naghihintay kay Ara. "Tinatanong niya kung mayroon ba akong bachelor's party, eh wala naman akong kaibigan kaya naisip ko sanang mag-inuman na lang kami ni Jai, pero nag-offer siya."
Mula sa salamin, nakita ni Kanoa na ngumiti si Ara. "Awww, that's cool! Pumayag ka ba? You can just let him know 'pag hindi ka comfortable, ha?"
"Pumayag ako. Okay lang naman sa 'kin. Akala ko nga wala talagang magaganap na ganito, eh," ngumiti si Kanoa.
Natigilan si Ara sa pagsuklay at napatitig kay Kanoa habang nagkukuwento ito sa mga pinag-usapan pa kasama ng Kuya Sam niya. Nakita niya kung paano itong ngumiti at mukhang masaya sa trato ng kapatid niya.
They both knew how Sam despised Kanoa from the start at kahit siya mismo, hindi niya inasahang maggiging maayos ang dalawa. Sa galit ng kuya niya kay Kanoa, ni hindi niya naisip na papayag ito sa kasal nila. Ang nakakatawa, ito pa mismo ang nag-ayos.
"Ara, bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ni Kanoa. Salubong pa ang kilay nito.
Umiling si Ara at ibinaba ang suklay sa lamesa. Naglakad siya papalapit kay Kanoa at patagilid na naupo sa kandungan nito bago ipinalibot ang braso sa batok. Kaagad namang pumalibot ang braso nito sa baywang niya at ang isang kamay at nakapatong sa hita niya. Inayos ang skirt niya dahil bahagya iyong umangat.
Hinalikan din niya ang pisngi nito na nag-iwan pa ng marka ng lipstick. Sinuklay niya ang buhok ni Kanoa at ngumiti.
"Ang happy ko na okay kayo ni Kuya Sam," ngumiti si Ara at ipinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ni Kanoa. "I won't have to deal with two men fighting."
"Ayaw ka kasing kaaway ng kuya mo," natawa si Kanoa at hinalikan ang pisngi ni Ara. "Alis na tayo? Baka ma-traffic tayo, medyo malayo pa naman."
Ara nodded but didn't move. Patagilid pa rin siyang nakaupo sa kandungan ni Kanoa habang sinusuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya. Nilalaro naman ni Kanoa ang singsing niya sa kabilang kamay nang halikan siya nito sa pisngi ngunit biglang bumababa papunta sa leeg dahilan para tumayo siya.
Natawa si Kanoa.
"Ayaw mo pang tumayo, ha," pang-aasar ni Kanoa. "Gusto mo bang mag-breakfast muna bago dumiretso kay Theia?"
Naningkit ang mga mata ni Ara. "What if mag-drive thru na lang us 'tapos sa car na lang tayo kumain? I feel like the traffic's gonna suck and we're gonna be inside the car for an hour or more."
Nag-agree si Kanoa at tumayo. Muli siyang lumapit kay Ara, ipinalibot ang dalawang braso sa baywang nito at hinalikan ang pisngi.
"Why?" Ara asked Kanoa when she noticed he wasn't okay. "Are you . . . nervous, too?"
Kanoa subtly nodded. "Hindi ko alam kung bakit."
"Me, too. I miss her so much, love," she murmured.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top