CMWY 71

Alam ni Kanoa na pagod at inaantok na si Ara. Ganoon din naman siya, pero hindi nila mapantayan ang energy ni Antoinette na panay ang kuwento sa ibang kasama nila.

Kararating lang din nila sa condo ni Sam. Galing pa sila sa isang restaurant na malapit dito para kumain ng dinner. Humingi pa ng pasensya sa kanila si Sam na hindi na ito nakapagluto na inasar naman ni Belle na sobrang excited kasi kaya hindi na nakakilos nang maayos.

"Ara, ayusin ko lang muna ang mga gamit natin sa kwarto," bulong ni Kanoa kay Ara. "Mukhang mamaya pa 'yang si Antoinette."

Ngumiti si Ara at sumunod sa kaniya. Patagilid siya nitong niyakap. Hinalikan pa siya sa pisngi. "You should sleep. Ako na muna ang bahala kay Antoinette since mahaba naman ang tulog ko sa plane kanina. Kami na muna rito."

"Sure ka ba? Magbabawi lang ako sandali, pero gisingin mo ako kung kailangan, ha?" Hindi na rin tumanggi si Kanoa. "Inaantok na rin talaga ako. Basta kung sakali man, gisingin mo ako."

Ara nodded and prepared Kanoa's clothes. Hindi pa rin ito nagpatinag nang ilabas ang mga gamit ni Antoinette tulad ng gatas, toddler bottles, at damit na pantulog. Narinig din niyang tinawagan nito ang ina para sabihing nasa Pilipinas na rin sila.

Nagpalit na rin muna ng damit si Ara at paglabas ng bathroom, naabutan niya si Kanoa na inaayos pa rin ang mga maleta nila.

"Love," pagkuha niya sa atensyon nito na kaagad namang tumingin sa kaniya. "Let's do that tomorrow. Mag-sleep ka na muna."

Lumapit si Kano asa kaniya at hinapit ang katawan niya. Ipinalibot nito ang dalawang braso sa baywang niya at yumuko para halikan siya na kaagad naman niyang tinugon.

"Kami na ang bahala kay Antoinette. We won't bother you tonight. I might stay with Sayaka and Belle sa kabilang room and Kuya Samuel asked he can stay with Antoinette naman, okay lang ba sa 'yo?" tanong ni Ara.

Nakita kaagad niya na nagsalubong ang kilay ni Kanoa. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito.

"Basta kapag matutulog ka na, balik ka rito." Hinaplos ni Kanoa ang pisngi niya. "Sige na, okay na 'ko rito. Basta kapag hinanap ako ni Antoinette, gisingin mo kaagad ako."

Ara nodded and left the room.

Naabutan niya sa living room si Aaron na nakaupo sa sofa. Nasa sahig naman si Sam at Antoinette na busy sa panonood ng TV. Panay ang halik ng kuya niya sa pisngi ng anak niya habang kausap si Aaron tungkol sa kung ano.

"Is she gonna be okay with you? I'll bond with the girls," paalam niya sa dalawa. "Just let me know if Antoinette needs something, ha?"

"Ako na'ng bahala," tumango si Sam. "Go bond with them."

Nagpasalamat si Ara sa kuya niya. Tumingin siya sa orasan. It was almost nine in the evening and she was a little tired, but knew that she wouldn't be able to sleep.

Sandali siyang bumalik sa kwarto at naabutan si Kanoa na nadapa na sa kama. Mukhang matutulog na nga ito, pero nang makita siya, kaagad itong bumangon at tumingin sa kaniya.

"Bakit?" naningkit ang mga mata ni Kanoa.

Umiling si Ara na nahiga sa tabi nito. Kaagad namang yumakap si Kanoa sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi habang hinahaplos ang tiyan niya. "Wala naman. I'll stay here until you fall asleep."

"Ano'ng iniisip mo ngayon?" Muling hinalikan ni Kanoa ang pisngi niya. "Para namang hindi kita kilala, Barbara," mahina itong natawa.

Patagilid na humarap si Ara kay Kanoa. "Wala naman. I'm just happy to be back home. I'm excited about the wedding, I'm happy na we're with the family."

"Gusto mo bang dito na lang tayo sa Pilipinas?" biglang tanong ni Kanoa. "Gusto mo bang pagkatapos ng kontrata mo sa New York, babalik tayo rito?"

Nakagat ni Ara ang ibabang labi. "That's the thing . . ." Hinaplos niya ang pisngi ni Kanoa. "Ikaw ba?"

"Huwag ako ang tanungin mo. Ano ba ang gusto mo?" tanong ni Kanoa. Alam ni Ara na kaunti na lang ay makatutulog na ito dahil iba na ang tono ng boses. "Huwag mong isipin 'yung magiging sagot ko. Ano ba ang gusto mo?"

"I love it here. I love that our families are here, but I also love our life in New York. I realized, I love that I am growing a lot. Career-wise, I know I am doing okay. I love my workplace, my job, and the life I have there," pagpapatuloy ni Ara. "But would be selfish if I want us to stay in New York?"

Umiling si Kanoa. "Hindi. Gusto ko rin ang buhay roon. Puwede naman tayong umuwi kung puwede para magbakasayon. Kung saan ka kumportable, roon tayo."

"How about your comfort?" kinakabahang tanong ni Ara dahil iniisip niya talaga ang career ni Kanoa.

Ngumiti si Kanoa at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na ito nagsalita at basta na lang ipinikit ang mga mata.

"Fine. Let's talk about that later na lang. I love you."

"I love you. Tulog muna 'ko, ha? Usap tayo mamaya."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys