CMWY 65

Ara smiled while watching Kanoa and Antoinette. Both were facing the glass walls and watching the planes land. Malapit na rin ang boarding time nila kaya nililibang na lang din nila ang anak nila lalo na at naiinip na rin ito.

It would be a 17-hour flight and Ara was thankful that Kanoa decided to get business class seats for them. Kanoa wanted their travel to be as comfortable as possible.

Hindi rin makalimutan ni Ara ang hirap niya noon kay Antoinette. Kahit na nasa business class naman sila that time, nahirapan siya lalo na at naging fussy ito buong byahe nila. Mabuti na lang din at kasama niya noon si Shara.

Sa pagkakataong ito, wala si Shara at sinabing susunod na lang ilang araw bago ang kasal nila. Mayroon itong trabahong hindi basta-basta maiiwan at hindi puwedeng matagal na magbakasyon dahil halos bago pa lang din naman.

Nag-check si Ara ng message at nagsabi rin sa mga kapatid niyang nasa airport na sila. Excited siyang makita ang mga ito, pero tanggap na niyang mas excited ang mga itong makita si Antoinette.

Ara was more excited to finally see Antheia again . . . Pareho sila ni Kanoa, actually. Isa iyon sa dahilan kung bakit gusto rin nilang umuwi. Napagdesisyonan na rin kasi nilang kukunin na nila ang urn ng anak nila at isasama na pabalik dito sa New York.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Hinalikan ni Kanoa ang tuktok ng ulo niya mula sa likuran.

Ni hindi namalayan ni Ara na nasa likod pala niya ang dalawa. Buhat na ni Kanoa si Antoinette at nanghingi na ito ng milk, tanda na matutulog ito. Naupo si Kanoa sa tabi niya. Kaagad naman niya inasikaso ang bote ng anak nila na pinahiga ni Kanoa.


Nilalaro ni Antoinette ang paa nito habang dumedede na ikinatawa nila ni Kanoa. Inihiga ni Ara ang ulo sa braso ni Kanoa na muling hinalikan ang tuktok ng ulo niya at pinagsaklop ang kamay nila.

"Matulog ka mamaya sa eroplano, ha? Wala kang tulog kagabi. Natapos mo ba 'yung trabaho mo?" tanong ni Kanoa.

Tumango si Ara at humikab. "Yup. I made sure to complete everything before our vacation, so I won't have to deal with work while in the Philippines. A part of me is excited that we'll be home, but also sad na there's a possibility na mauuna akong umalis."

Umiling si Kanoa at hinawakan ang kamay niya. "Hindi 'yan. Gagawan ko naman ng paraan para sabay tayong makabalik dito. Balak ko na ring kunin 'yung ibang gamit kong naiwan. Baka balikan ko 'yung channel ko. Mag-post ako ng random videos tulad noon."

"I agree. Don't you miss working? You've been a stay-at-home dad recently and I always think na nami-miss mo 'yung dati mong ginagawa," sabi ni Ara. "I thought nga you'll accept the offer last time to be the assistant director kasi nandito naman sa US."

"Hindi pa ako ready," mababa ang boses ni Kanoa. "Basta mag-work ako kapag comfortable na ulit. Meron pa naman akong savings, kaya pa naman, bahala na. 'Wag mong masyadong isipin 'yon."

"I was just worried na baka you're bored na and you miss working. For years naman kasi you've been doing that," dagdag ni Ara. "Siyempre baka hinahanap mo na rin siya."

Tumaas ang dalawang balikat ni Kanoa. "Sometimes, but I love the freedom of just doing whatever I want. 'Wag mong masyadong alalahanin 'yon," hinalikan niya ang pisngi ni Ara. "Musta pala 'yung pagplano n'yo nila Belle at Sayaka?"

"Uy, I'm excited. Have you seen the location? Ang ganda, right?" Ara pouted. "Also, Kuya Sam called na okay na rin 'yung papers natin. Kailangan nating bumawi sa kanila pag-uwi. They literally fixed everything about the wedding."

Ngumiti si Kanoa. "Oo naman, 'no. Nagkausap na rin kami ni Kuya Sam tungkol doon. Okay na. Ako nang bahala hangga't nasa pinas tayo."

"What will you do?" nagtatakang tanong ni Ara dahil wala naman siyang alam.

"Gagawa ako ng ads and commercial ng restaurants nila ni Reid, pero pagkatapos na rin ng kasal lahat," dagdag ni Kanoa. "Musta 'yung damit mo? Ayaw mo kasing ipakita, eh."

Ngumiti si Ara at naningkit ang mga mata. "It's a secret nga, eh!" 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys