CMWY 60
Nang mapagod, naupo na muna sina Ara at Kanoa sa bench. Nakatulog naman si Antoinette sa stroller nito kaya naisipan muna nilang magpahinga. Nasa central park sila dahil naisipan lang nila maglakad total wala namang pasok ang anak nila.
Both were watching people jog, play, and just walk around like them. It became a habit that whenever they weren't busy, they would visit the park and would sometimes play with their daughter.
"Hindi naman siya naglakad, pero siya ang napagod," natawa si Kanoa na inayos sun visor ng stroller ni Antoinette. "Ano'ng gusto mong lunch, Love?"
Nag-isip si Ara. "Let's eat something Italian today if okay lang? I'm craving pizza and pasta with lots of olives, Love. Can we? Please?"
"Oo, sige lang. Mamayang dinner naman, puwede ba tayong mag-Chinese food? Na-miss ko 'yung masebong fried rice sa kabilang street natin, eh. Ako na lang ang bibili mamaya. Gusto rin ni Antoinette 'yung orange chicken doon, 'di ba?"
Tumango si Ara at sumanda sa bench. "Yup. That sounds nice then let's get something sweet na lang sa may bakery bago tayo umuwi. I'm having my period na soon kaya I'm craving a lot."
"Punta na rin kaya tayo sa grocery? Meron ka pa bang stock ng napkins mo? Kailangan ko na rin palang bumili ng shampoo ni Antoinette kasi parang paubo na rin," ani Kanoa. "Pero bukas na lang siguro 'pag nasa school na siya."
Ara agreed and rested fixed her ponytail. Nagulat siya nang bigla siyang kilitiin ni Kanoa sa kilikili na halos ikatili niya ngunit pinigilan kaagad para hindi magising si Antoinette dahil baka mag-tantrums ito kapag nabitin sa tulog.
"Kadiri ka!" Ara pouted. "I'm sweaty."
Kanoa snorted and shook his head, but immediately stared at Ara as if something crossed his mind.
"What?" Ara asked. "What's going on?"
"One week na rin kasi tayong engaged, pero hind pa natin napag-uusapan ulit 'yung tungkol sa posibleng kasal. Laging napupurnada, eh," natawa si Kanoa. "Total andito na rin tayo, puwede nating pag-usapan sandali?"
Ara nodded. "Sure thing. I am actually a little shy to open about the topic kasi baka isipin mo, nagmamadali ako. But it's nice that we can talk about it na. Is there something going on inside your mind?"
"Saan mo gustong magpakasal? Gusto mo bang dito sa New York o sa Pilipinas na lang?" tanong ni Kanoa. "Hindi naman ako nagmamadali. Kahit kelan naman na gusto mo, pero gusto ko lang din itanong sa 'yo."
"I wanna get married in the Philippines kasi our families and friends are there. I know na we're not rushing, but since you need to go home na rin soon, tingin mo ba na okay na sumabay na kami ni Antoinette sa 'yo and then we'll get married na?' nahihiyang tanong ni Ara. "I asked my company if I can take a leave and they agreed, but for a month lang kasi I have to be present sa ibang meetings."
Tumango-tango si Kanoa. "Kung kelan ka ready umuwi, umuwi na tayo. One month lang puwede, 'no? Kung sakali man, gusto mo bang dito na tayo bumili ng ibang gamit para hindi na natin 'yon aalalahanin pag-uwi?"
Naningkit ang mga mata ni Ara. "What do you mean?"
"Wedding gown mo," sagot ni Kanoa habang nakatingin sa kaniya. "Damit n'yo ni Antoinette. Dito na natin bilhin para makapili ka talaga."
"Sige," Ara excitedly smiled. "Let's buy na lang here, even your clothes? Also, I want the wedding to be simple lang. Do you have a lot of friends ba? Can we do a maximum of thirty lang?"
Umiling si Kanoa. "Si Jai at Gia lang naman naiisip kong imbitahan. Wala naman na 'kong naging ka-close after college. Sila lang kaya walang problema. Sa family ko, si Mama, Ate at asawa niya. Dalawang anak niya. Not sure ako kay Papa kung pupunta siya. Bahala na. Basta ang mahalaga 'yong hindi ka stressed."
"Thank you," Ara kissed Kanoa's cheek. "Kuya Sam will walk me down the aisle. I asked him."
"P-Paano ang daddy mo?" nagsalubong ang kilay ni Kanoa. "Iimbitahan mo ba siya?"
"I will . . . invite him, if okay lang sa 'yo," sagot ni Ara.
"Wala namang kaso sa 'kin, eh." Hinawakan ni Kanoa ang kamay ni Ara. "Sige lang, ikaw ang bahala."
Mapait na ngumiti si Ara at umiling. "I will invite them, but I doubt dad will come. Mom, there's a possibility, but our dad . . . I'm not really sure and . . ."
"And?" nagsalubong ang kilay ni Kanoa.
". . . and I don't care if he won't come. I won't mind," ngumiti si Ara. "It's my wedding. Our wedding. . . I won't let him ruin our mood."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top