CMWY 46
Ara woke up without Kanoa and Antoinette. It was just seven in the morning and she had a good night's sleep. Madalas nang maayos ang tulog niya sa magdamag dahil na rin kay Kanoa.
Simula rin kasi nang dumating si Kanoa sa New York mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas, ito na ang nag-aasikaso kay Antoinette. Kapag nagigsing ang anak nila, hindi siya gigisingin. Kahit na gustong manood sa madaling araw, sasamahan at ilalabas ng kwarto para hindi siya maistorbo.
She wasn't asking too much. Ilang beses na rin niyang sinabi kay Kanoa na gisingin siya kung kailangan para ito naman ang makatulog, pero kahit kailan ay hindi ginawa.
Bumangon si Ara at naligo. Wala naman siyang pasok sa office, pero may pasok si Antoinette. Nine naman ang pasok nito kaya marami pa silang oras. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mag-ama niya sa labas at hahayaan na lang muna niya ang mga ito.
Nang matapos maligo, naglinis muna si Ara ng kwarto. Niligpit niya ang mga nakakalat na laruan ni Antoinette at inayos ang sarili nitong kama. Nag-check na rin muna siya ng e-mail baka mayroong urgent at ipinagpasalamat niyang wala kaya magagawa niya ang gusto sa maghapon.
Nagbasa rin muna siya ng messages ng mga kapatid niya. Natutuwa siya sa progress ng Kuya Sam niya dahil bukod sa tatlong café, nagbukas ito ng Japanese Restaurant na pinagkakaabalahan nitong nakaraan.
Busy naman si Belle sa med school. Minsan naaawa na rin siya sa kakambal niya dahil nararamdaman niya ang pressure mula rito. Sinasabing pagod na, pero ipinagpapatuloy pa rin. Pangarap naman kasi talaga nito ang maging doktor, pero madalas na itong nagrereklamo sa kaniya.
Belle wanted to be a pediatrician and Aaron was aiming to be a neurosurgeon if she wasn't wrong. Both were focused on their career while being together. Sobrang cute iyon for her.
The three of them were supporting each other's career at naisip ni Ara na sana ay ganoon din ang mga magulang nila sa kanila, lalo sa kuya nilang halos isakripisyo ang kagustuhan para sa mga magulang nila. It was a good thing that finally, after passing the board exam, her Kuya Samuel pursued what he wanted. He just gave their father something to brag to his colleagues.
Maingat na binuksan ni Ara ang pinto ng kwarto. Gusto niyang makita kung ano ang ginagawa ng mag-ama niya. Narinig niya kaagad ang boses ni Kanoa at naamoy ang waffles. Sumilip siya at naabutan ang dalawang nasa dining table.
Ara was curious. Antoinette's in her own high chair and Kanoa was sitting beside their daughter. Mukhang busy ang dalawa kaya nilapitan niya ito na sabay tumingin sa kaniya. Nagkukulay pala ang mag-ama niya mula sa coloring book na puro animals.
"Good morning," Kanoa smiled at her. "Nagluto ako ng waffles. Kumain na si Antoinette. Gusto mo ng kape?"
"Ako na," Ara kissed the top of Antoinette's head. "Good morning, Antoinette. What are you doing?"
Antoinette showed her the book. "Color the ewephant, Mommy. It's gwey with white tusks and it's big."
"Wow! Galing naman mag-color. Tinuruan ka ni daddy mo?" Lumuhod siya para maglebel ang tingin nila ng anak niya. "What's this?" tinuro niya ang isa pang kinulayan.
"That's cheetah," sagot ni Antoinette. "Dada color the cheetah, please?"
Nilingon ni Ara si Kanoa na nakatingin sa kaniya. Yumuko ito para halikan ang pisngi niya bago nagsimulang magkulay base sa crayola na inabot ni Antoinette. Pinanood niya ang dalawa na nag-uusap at medyo pabulong pa nga na ikinatawa niya.
Kinuha ni Ara ang brewed coffee para timplahan ang sarili. Nakasandal siya sa island counter habang pinanoood ang dalawa na nagtatalo kung kulay orange ba o yellow ang ipangkukulay sa cheetah. Ang ending, pinag-mix na lang ni Kanoa.
Dumating na rin noong isang araw si Shara kaya may kasama na sila sa bahay. Ito na ang madalas na nagpupunta sa market para sa pagkain nila bukod sa pagtulong sa kaniyang maglinis ng bahay. Marami rin itong bitbit na pasalubong galing sa mga kapatid niya.
Habang nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan si Shara, nilapitan niya ito.
"Excited ka na bang mag-work?" tanong niya. "I'm so excited for you!"
"Maraming thank you talaga sa tulong mong makapasok ako sa company n'yo. Hindi ko nga expected na ma-hire ako kahit hindi naman ako graduate. Ang galing lang. Samantalang sa Pilipinas, kailangan degree holder. Thank you talaga sa mga opportunity," pasasalamat ni Shara sa kaniya.
Nakapasok sa pinagtatrabahuhan niya si Shara bilang assistant. Ni-refer niya ito sa manager niyang kaagad namang nag-set ng interview habang nasa Pilipinas pa si Shara para maayos na rin daw kaagad ang mga papeles. It worked out and Ara was so happy that Shara was taking a new path.
Ara pouted and shook her head. "You deserve it. And I know naman na one day, you'll really stay here na. Kamusta na kayo ni Jackson? Akala ko sasama siya sa 'yo sa Pilipinas, eh."
"Hindi pa ako ready, eh. Okay naman kami, pero siyempre hindi naman kaagad na ipakikilala ko siya sa pamilya ko," sagot ni Shara. "Nakilala ko na ang family niya, sobrang bait nila. Akala ko nga aayawan nila ako, eh."
"Why naman? Ikaw talaga!"
Mahinang natawa si Ara. "Siyempre, ang layo namin! Pero mabalik tayo. Maraming salamat talaga sa lahat. Hindi kita iiwanan. Sasamahan pa rin kita, pero gusto ko talagang mag-thank you sa mga opportunity na nabuksan mo sa 'kin. Basta kahit ano'ng mangyari, ikaw ang priority ko, ha? Kayo ni Antoinette."
"No, Shara. Yourself should be your priority now." Tumingin siya sa mag-ama na humahagikgik pa. "Besides, I have him naman na to help me with Antoinette."
"Ang saya-saya mo ngayon, Ara," sabi ni Shara. "At masaya ako para sa 'yo, sobra."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top