CMWY 30

Sumimsim ng kape si Kanoa at ipinalibot ang tingin sa coffee shop kung saan sila nakatambay ni Ara habang naghihintay na matapos ang playschool session ni Antoinette. Medyo maraming tao at maingay dahil nagkukuwentuhan ang mga ito.

Tumingin siya kay Ara na tinutusok lang ng tinidor ang cake at seryosong nakatitig doon. Napansin na niya ang katahimikan nito pagkahatid pa lang nila kay Antoinette sa school.

Hindi nagtanong si Kanoa dahil alam niyang magsasabi naman si Ara sa kaniya, pero bothered siya.

"Ara? Ano'ng nangyayari?" pagkuha niya sa atensyon nito. "Kanina ka pa tahimik."

"Wala naman." Pinilit ni Ara ang ngumiti. "I was just happy that Antoinette's starting her school na."

Naningkit ang mga mata ni Kanoa nang biglang umiwas ng tingin si Ara. Alam niyang mayroong mas malalim na dahilan at mukhang tama siya nang bigla na lang tumulo ang luha nito sa makabilang pisngi at bahagyang tumalikod sa kaniya. Nagkunwari itong nakatingin mga cake na nasa gilid nila.

"Gusto mo pa ng cake?" tanong ni Ara na hindi pa rin tumitingin sa kaniya. "I think I'll get the vanilla with honeycomb. Let's get . . ." medyo nanginig na ang boses nito.

"Ara." Hinawakan ni Kanoa ang kamay ni Ara. "Ano'ng nangyayari?"

Tumingin sa kaniya si Ara at muling bumagsak ang luha nito sa magkabilang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Lumipat siya ng upuan mas malapit kay Ara at hinawakan ang kamay nito na kaagad namang isinubsob ang mukha sa braso niya.

Hindi na nagtanong si Kanoa. Naramdaman niya ang paghikbi ni Ara at ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Nilaro naman niya ang bracelet na suot nito—bracelet na tulad kina Antoinette at Antheia. Nito lang din niya na-realize na kung ano ang charms na nasa anak nila, mayroon din sa bracelet ni Ara, mas maliit lang.

It took Ara five minutes to finally get her strength and faced Kanoa who immediately kissed her forehead. She pouted and cried even more.

"Bakit?" mahinang natawa si Kanoa. "Nakatingin 'yung mga babae sa dulo baka akala nila inaaway kita. Ano'ng nangyari?"

Suminghot si Ara. "My makeup's gone na," reklamo niya. "I don't know what to feel kasi. I am happy that Antoinette's in school na. New milestone, but I am also broken that we're supposed to be waiting for two."

Sabi na, eh.

Tama si Kanoa nang naisip dahil pagpasok ni Antoinette sa school kanina, iyon din ang naisip niya. Dalawa sana ang ihahatid at susunduin nila, pero kailangan nilang umusad dahil kahit anong iyak o lungkot, isa lang talaga. Wala silang magagawa sa parteng ito. Gustuhin man nila, may mga bagay na hindi pupuwede.

"Sabi sa 'yo gawa na tayo, eh," pagbibiro ni Kanoa para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Ara.

Hindi siya nagkamali nang bigla itong humiwalay sa kaniya, hinampas ang braso niya, at humalakhak. Tawa-iyak pa nga dahil tumatawa ito ngunit lumuluha. Medyo humahagulhol pa.

"Uy, baka akalain ng mga tao rito sinasaktan kita o nababaliw ka na," natawa si Kanoa at hinalikan ang gilid ng noo ni Ara. "Alam kong malungkot, pero maging masaya na lang tayo mamaya kasi malamang na mag-aaya na naman si Antoinette sa museum. Puwede bang sa iba naman? Nagsasawa na 'ko sa wion at webra."

Ara hugged Kanoa sideways. "Thank you for always making me laugh. Ayaw ko nang mag-cry!"

"Normal lang namang umiyak. Hindi naman kita pipigilan. Samahan pa kita, eh," natawa si Kanoa. "Pero kidding aside, iyak lang tayo. Ganoon naman talaga, eh. Gusto mo bang magpa-counsel tayong sabay? Puwede naman sa psych mo rito, 'di ba?"

Nagulat si Ara sa suggestion ni Kanoa. "Are you sure? I would love to!"

"Oo. Tagal ko nang gustong itanong sa 'yo kung gusto mo mag-couple counselling, eh. Okay rin naman na mayroon pa rin tayong individual sessions minsan, pero gusto ko rin 'yung magkasama tayo lalo na't meron tayong common reason," dagdag ni Kanoa.

Ara was speechless and didn't know what to say. She was staring at Kanoa's side profile who was talking about what he read about couple counselling. Again, a lone tear escaped and she smiled.

Kanoa even gave her a link to see the benefits of couple therapy and she was in awe.

"Sige. I'll talk to Dra. Stevens."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys