CMWY 25

Nang makatulog si Antoinette, bumalik sa sala sina Ara at Kanoa para manood ng movie. Ilang gabi na nilang planong panoorin ang bagong labas sa streaming site, pero hindi nila magawa dahil pag-aari ng anak nila ang TV.

Gumawa si Kanoa ng taco na ilang araw nang nire-request ni Ara sa kaniya. Bumili na lang din siya ng ice cream sa store na malapit sa kanila at nagulat siya na pagdating niya sa apartment, mayroong bagong deliver na pizza.

Peace sign lang ang naging sagot ni Ara sa tanong niya kung bakit. 

Naka-indian sit si Ara habang pinanonood nila ang Don't Breathe 2. Focused na focused ito at minsan pang nagugulat. Mahigit dalawang linggo na rin siya sa New York at kung puwede lang na huwag madagdagan ang araw, gagawin niya. 

"By the way," biglang lumingon si Ara na ipinagtakha ni Kanoa. "Are you sure na okay lang sa 'yong ipasok na natin si Antoinette sa playschool?" 

"Oo naman. Napag-usapan naman na natin 'yan kahit noong nasa Pilipinas pa ako. Mas okay 'yon para may exposure siya sa ibang bata. Tayo lang kasi palagi niyang nakakasama. Baka mamaya nagsasawa na siya sa pagmumukha nating dalawa," sagot ni Kanoa. 

Malakas na natawa si Ara at kumportableng sumandal sa sofa. "Also, sure ka bang ayaw mong tanggapin 'yung offer? Here naman 'yon sa New York." 

"Ayoko. Sa oras ng trabaho? Possible na hindi ako makakauwi kahit pa sabihing nasa New York lang din ako. Ang tindi kaya ng overtime sa mga shooting. At saka wala kang kasama. Wala si Shara. Ayokong iwanan kayong dalawa lang rito." 

Tumango si Ara ngunit patagilid na tumingin kay Kanoa. "Hindi mo ba nami-miss mag-work? I mean, I don't know your future plans, Kanoa. I don't even know if when ka babalik sa Philippines, eh." 

"Wala pa akong planong bumalik soon. Six months naman ang visa ko, eh 'di sulitin ko 'yung six months. Sa work, wala naman akong nami-miss kasi ginagawa ko pa rin naman 'yon lalo kapag nasa park tayo. Palagi pa rin naman akong kumukuha ng videos kaya hindi nakaka-miss." 

"All your videos are about Antoinette na!" ngumiti si Ara. "You're still documenting?" 

"Oo. Araw-araw pa rin ina-update ko 'yung daily photos niya. Pinanood ko nga noong nakaraan. Ang angas nang magiging resulta noon. Excited tuloy ako kapag nag-school siya. Noong napag-usapan nga natin 'yon, sabi ko ang saya siguro kung magkasama sila ni Theia. Naisip ko lang, sino kaya ang tagapagtanggol?" ngumiti si Kanoa at inakbayan si Ara. "Si Antoinette, hindi mo kaugali, Ara" 

Ara agreed and pouted. "She's more like Belle than me. Sobrang weird!" 

"Feeling ko kung sakaling nandito si Antheia, siya naman ang parang Ara. Siya 'yung parang palagi lang naka-smile. Palaging naka-ribbon pa rin 'yung buhok 'tapos palaging hahawak lang sa 'tin. Itong si Antoinette, sweet kaso may attitude, eh. Hindi talaga ikaw," pagpapatuloy ni Kanoa at hinalikan ang gilid ng noo ni Ara. 

Mas isiniksik ni Ara ang katawan kay Kanoa. Ngumiti sya sa sinabi nito. Sa unang pagkakataon, narinig niya ang pangalan ni Antheia at mukhang ganoon nga rin ang pakiramdam niya. Tumingin siya kay Kanoa at naningkit ang mga mata niya. 

"Bakit ganyan ka tumingin? Ano'ng pinaplano mo? Ito si Ara kapag naniningkit na, may naiisip," umiling si Kanoa at uminom ng softdrink. "Ano 'yon?" 

"What if gumawa tayo ng boy version ni Antoinette?" Ara chuckled and teased Kanoa.

Kanoa shook his head. "Gawa na lang tayo ng babaeng version pa. Girl dad lang ako." 

"Hala, I want another girl, too!" Ara exclaimed.

"Ayon naman pala. Gawa na tayo?" pang-aasar ni Kanoa. 

Ara shook her head. "No muna. I'm busy sa work, eh. Next time na lang." 

Natawa si Kanoa. "Makapag-suggest ka kasi. Parang ang simple, 'no? Pakasalan muna kita." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys