CMWY 18

Nakasunod si Kanoa kina Ara at Antoinette na natutuwang maglagay sa cart na tinutulak naman niya. Nasa grocery sila para bumili ng stock sa apartment at natatawa siya dahil kung ano-ano ang nilalagay ng mga ito sa cart. 

Magkahawak kamay ang mag-ina niya at paminsan-minsan niyang kinukuhanan ng picture ang dalawa. Nag-sway pa ang kamay ng mga ito na ikinangiti niya. 

"Mommy, up." Nagpapabuhat si Antoinette. Mukhang tinatamad na namang maglakad. "Up, up, mommy." 

"Ako na." Lumapit si Kanoa at lumuhod para lumebel kay Antoinette. Hinalikan niya ang pisngi ng anak niya at nilingon si Ara. "Ikaw na lang sa cart, ako na lang ang magbubuhat sa kaniya." 

Tumango si Ara at nagsimulang itulak ang cart. Sumunod lang ulit si Kanoa habang hinahaplos ang likuran ng anak niya. Mukhang inaantok ito dahil inihiga ang ulo sa balikat niya. Gusto niya ang pakiramdam. Kung tutuusin, paborito niya kapag ganito si Antoinette sa kaniya dahil nararamdaman niyang kailangan siya ng anak niya. 

Hinalikan ni Kanoa likurang ulo ng anak niya bago sumunod kay Ara. Sinabayan niya itong maglakad. 

"Ano'ng gusto mong dinner mamaya?" tanong ni Kanoa. "Ako na ang magluluto." 

Tumigil si Ara sa paglakad. "I'm thinking of cooking pasta for us. Ako na lang magluto later. It's my turn. Ikaw naman nagluto the past few days." 

Ibinaba niya si Antoinette na sumunod kay Ara. Tumango si Kanoa at sumunod sa mag-ina niya. Holding hands pa ang dalawa habang namimili ng mga bibilhin. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil ang kukulit. Hagikgik pa nang hagikgik. Minsan pang sumasayaw si Antoinette kapag gusto nito ang tugtugan sa grocery. 

May mga pagkakataon na kapag nakatingin siya kina Ara at Antoinette, hindi siya makapaniwalang kasama na niya ang dalawa. It was a long process at akala niya ay hindi na naman maaaprubahan ang visa niya, pero nakisama na ang panahon sa kaniya. 

Hindi na niya maitatama ang mga mali nang nakaraan, pero iniisip niyang sa mga susunod sana ay maging maayos sila ni Ara. 

Lumiko ang dalawa sa isang aisle at sumunod lang siya. Puro pala iyon chocolates at candies. Mas excited pang kumuha si Ara kaysa sa anak nilang ipinakikita sa kaniya ang gummy bears na may iba't-ibang flavor at kulay. Kahugis pa nga ng hayop ang iba kaya tuwang-tuwa ang anak niya. 

Sa pagkain, napansin ni Kanoa na hindi mahigpit si Ara. Ipatitikim nito lahat sa anak nila at kapag hindi nagustuhan, okay lang. Ang mahalaga, natikman. 

"Ang dami niyan," paninita ni Kanoa kay Ara nang ibaba nito ang tatlong pouch ng M&Ms. "Sa'yo lahat 'yan?" 

Tumaas ang dalawang kilay ni Ara at natawa. "Yup. Ilalagay ko sa popcorn. We should get some nachos pala! I'm craving tacos. Marunong kang magluto?" 

"Search natin sa google," suggestion ni Kanoa at hinabol si Antoinette na dumiretso sa dulo ng aisle. "What do you want?" 

"This, Dada." Ipinakita ni Antoinette ang Kinder Joy na mayroong laruan sa loob. 

Kinuha ni Kanoa kung ilan ang ibinibigay sa kaniya ni Antoinette. Lima iyon at itatago niya ang iba para hindi araruhin.

Bumitaw sa kaniya ang anak niya at tumakbo papunta kay Ara. Nakapameywang na pinanood ni Kanoa ang mag-ina niya. Pasimuno pala kasi si Ara sa pagkuha ng kung ano-ano na ikinatawa niya. 

"Why are you laughing?" Ara frowned. 

Kanoa shook his head. "Wala. Ang cute n'yo." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com



















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys