CMWY 135

When Ara stood up, she noticed that Kanoa was staring blankly at them. May lungkot sa mga mata nito at seryoso ang mukha lalo nang bumaling ang tingin kay Antoinette. 

And there, she already knew what was happening. 

Actually, kahapon pa niya ito napapansin. Hindi mapakali na nalinisan pa nito ang buong apartment nila. At ganito si Kanoa sa tuwing malapit na ang birthday at death anniversary ni Antheia. 

Walang pagkukulang kay Antoinette at iyon ang ipinagpapasalamat niya, pero hinahayaan din niya si Kanoa na magluksa pa rin sa isa pa nilang anak. It was one thing they could never escape. Kahit naman siya, may lungkot at bigat sa puso niya. 

But she remembered a quote about grief. It never ends, but it changes. It wasn't a sign of weakness but rather the price of life. 

Kanoa noticed she was staring. She saw how his face immediately lit up. He stood up and ran towards them. Kinuha kaagad ni Kanoa si Annabeth. Hinalikan nito ang pisngi niya bago nilapitan si Antoinette. 

Ara knew that their pain would never be the same. Walang mas mabigat. Walang mas magaan. They just had to continue life with Annabeth and Antoinette. They needed to count every moment they could. The kids were growing up. And they were growing older by age, too. 

Tinanggap na rin naman nila ni Kanoa na walang makakatanggal ng sakit at pagluluksa nila sa nawalang anak. Kailangan lang nilang magpatuloy sa buhay. 

Ang mahalaga, kumportable ang buhay nilang apat. Naibibigay nila ang mga pangangailangan ng mga anak nila. Antoinette's enjoying her ballet school. Minsan din itong sumasama kay Kanoa sa office kaya natututo na rin ng photography. 

Kanoa even gifted their daughter a Polaroid camera!

They enrolled Annabeth to swimming. Ito ang bonding nilang mag-ina. Minsan ding sumasama sa kanila sina Kanoa at Antoinette. 

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Lumapit si Kanoa at inakbayan siya. Hinalikan nito ang gilid ng noo niya pababa sa pisngi. "Ang busy mo sa work nitong nakaraan. Ayos ka lang ba?" 

Iniyakap ni Ara ang kanang braso sa baywang ni Kanoa at isiniksik ang katawan dito. "I'm okay lang. Thanks of taking care of the kids whenever I'm at the meeting. Buti na lang your bosses are nice!" 

"Kaya nga, eh. Ang swerte nga namin ni Jai sa employer namin," ani Kanoa. "Sana makapunta na rin sila Gia rito. Naho-homesick si Jai, eh. Sabi nga niya kung hindi lang talaga nakakaganda ng buhay, uuwi siya sa Pilipinas, eh." 

Hindi nakasagot si Ara. Tumingin siya kay Annabeth na buhat ng asawa niya, pero nakatingin kay Antoinette na nagbabato ng tinapay sa ducks. 

"Kung bakit naman kasi ang hirap mabuhay sa Pilipinas," umiling si Kanoa. "Magkausap nga kami ni Mama kahapon, 'di ba? Gusto na raw niyang mag-resign doon sa trabaho niya. Nahihirapan na raw siya." 

Nagtatrabaho ang Mama ni Kanoa sa isang malaking mall bilang parte ng recruitment at human resources. 

"Hindi na raw niya masikmura 'yong hiring process sa parteng cashier at bagger, pero kailangang college graduate. Dapat nga mas binibigyan ng pansin 'yong mga hindi nakatapos para sa trabahong 'yon. Pero wala, eh, Pilipinas," mahinang sambit ni Kanoa. "Ang hirap mahalin." 

Tumingala si Ara at tiningnan si Kanoa. "Tell Mama na 'wag na siya mag-work and she can live with us here na lang sa New York! It's gonna be fun. Let her retire here na lang para our kids will grow up with a grandparent naman." 

Napatitig si Kanoa sa mukha ni Ara. Nalungkot siya sa huling sinabi nito dahil ilang taon na ang nakalilipas simula nang ikasal sila, pero never nilang napag-usapan ang parents nito. Kahit na bumibisita rito sa New York ang mga kapatid ni Ara, never narinig ni Kanoa na nag-usap ang mga ito tungkol sa mga magulang. 

"Sure ka ba?" tanong niya. "Naisip ko na rin 'yan, pero for visit lang para ma-try ni Mama." 

"Yes!" Halos mapatalon si Ara. "I love Mama kaya! Please, Love. Let her stay with us?" 

Tumango si Kanoa. "Sige. Itatanong ko." 

Nakita ni Kanoa ang excitement sa mukha ni Ara bago ito humiwalay sa kaniya. Lumapit ito kay Antoinette na tumulong. Inaya na rin nito ang anak na maglakad-lakad. Siya na ang may hawak kay Annabeth habang nakasunod sa mag-ina nya. 

Tumingala si Kanoa at pinanood ang ulap na nasisinagan ng araw. Hinalikan niya ang pisngi ni Annabeth. 

"Kamukhang-kamukha mo rin mommy mo," aniya habang nakatingin sa mukha ng anak. "Wala man lang kayong nakuha sa 'kin?" 

"Antoinette is very tamad mag-aral," sagot ni Ara na nasa likod pala niya. Hinihingal pa. "Just like you." 

Umiling siya. "Puwede bang talent na lang kunin n'yo?" Si Annabeth ang sinasabihan niya. Muli nyang hinalikan ang malaking pisngi ng anak. "Ganda-ganda mo. Para kang mommy mo." 

Ibinalik ni Kanoa ang tingin kay Ara na tumatakbo. Panay naman ang habol ni Antoinette. Araw-araw pa rin siyang humihingi ng tawad. Araw-araw na nagpapasalamat. Araw-araw na sinusubukang maging maayos ang lahat. 

Para kay Barbara. 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys