CMWY 123
Mahimbing na natutulog si Ara kaya naman siniguro ni Kanoa na walang ingay dahil nitong mga nakaraan, sensitive ito sa lahat ng bagay. Madalas na bigla na lang iiyak, magtatampo sa kaniya, o kaya normal lang.
Simula noong magbuntis ito, naging normal na routine na para sa kaniya ang tampo o galit ni Ara kahit wala naman talagang dahilan.
Inayos niya ang lunch ni Antoinette na nanonood naman ng movie sa sala. Nag-request ng pizza ang anak niya kaya nagpa-deliver na lang sila. Katatapos lang din niyang linisin ang mga kwarto para sa pagdating nina Sam at Belle ngayon mismo. Hindi na niya masusundo ang mga ito dahil binabantayan niya si Ara.
Naka-schedule na ang caesarean section ni Ara sa isang araw. Gusto sana nitong mag-normal delivery, pero hindi kakayanin.
"Thank you, Daddy," Antoinette scrunched her nose.
"You're welcome," he kissed his daughter's head. "Check ko lang si mommy mo. Dito ka lang, ha? May aayusin lang akong gamit sa room."
Antoinette nodded and continued watching.
Pagpasok niya sa kwarto, mahimbing pa ring natutulog si Ara. Lagpas alas dose na rin ng tanghali. Wala rin silang matinong tulog. Naka-schedule na rin kinabukasan ang panganganak nito. May lungkot dahil sinabi ng doctor na hindi kakayanin ni Ara ang mag-normal, pero mas importante ang well-being ng mag-ina.
Hinalikan niya ang noo ni Ara bago lumabas ng kwarto. Dumiretso siya a kusina para tingnan ang niluluto niyang roasted chicken sa oven at pinakukulugang patatas para sa mashed potato na request ng anak niya.
"Daddy?" Kinuha ni Antoinette ang atensyon niya.
Kaagad na tinakpan ni Kanoa ang pinakukuluan niya bago lumapit kay Antoinette na nakaupo lang sa sofa yakapt ang unan. Iniabot nito sa kaniya ang cupcake na walang icing dahil siya na ang kakain niyon.
"Thank you." Naupo siya sa tabi ni Antoinette. "Gusto mo pa?"
Umiling ito. "Daddy, if the baby's here na . . . do you still love me?"
Nagulat si Kanoa sa tanong ng anak niya. Matagal siyang napatitig sa inosenteng mukha nitong nahihintay ng sagot niya. Tumango siya bilang sagot bago ngumiti.
"Oo naman. Love na love kaya kita. At saka baby sister mo 'yong baby. Pareho namin kayong love ng mommy mo," aniya at iniabot ang isa pang cupcake. "Love ka namin, sobra."
"But what if you'll love the baby more?" nagsalubong ang kilay ni Antoinette na ikinalungkot ni Kanoa.
Ngumiti si Kanoa at kaagad na binuhat ang anak niya para makaupo ito sa legs niya. Hinalikan niya ang pisngi nito. "Siyempre hindi mangyayari 'yon. But remember what your mommy told us last time?"
Tumango si Antoinette. "That she will still sleep with me even with the baby?"
"Oo! And remember sabi ni, Mommy, and we will still do the dates. Everything. We'll still go to the park like we always used to. We'll still watch a movie, eat breakfast or dinner at a restaurant, and play with you, but we're going to have another playmate."
Nanlaki ang mga mata ni Antoinette at malapad itong ngumiti. "I'll share my toys to the baby and I won't be maingay para mag-sleep siya. Can I hold the baby, Daddy? I can kiss her, too?"
Hinaplos ni Kanoa ang buhok ni Antoinette. "Yup!"
"And we'll buy more clothes for her, too? And we'll go to the Disneyland? And we'll tell her stories, too?" Sunod-sunod na tanong ni Antoinette. Marami pang suggestion na gagawin kapag daw lumabas na ang kapatid.
Hinawakan ni Kanoa ang kamay ng anak. "But there are times that we'll go to the park alone. Us two lang. We'll have our daddy and Antoinette date!"
Ngunit hindi inasahan ni Kanoa ang magiging reaksyon ni Antoinette. Ngumuso ito at nagsalubong ang kilay na para bang napaisip pa.
"But I want to have a date with my baby sister," anito na naningkit pa ang mga mata. "Can she come with us, Daddy?"
"Oo naman, but sometimes, we'll just do it together lang," ani Kanoa na nahihirapang mag-explain. Si Ara naman kasi talaga ang taga-explain kaya nag-iisip siya nang maayos na salita.
Malapad na ngumiti si Antoinette. "Okay, Daddy."
Bumalik ang atensyon ni Antoinette sa pinanonood ngunit panay ang halik ni Kanoa sa gilid ng noo ng anak nila ni Ara. Napag-usapan na nila ito at alam nilang magiging challenge sa kanila ang paglabas ng bunso lalo na at sanay si Antoinette mag-isa.
There would be an adjustment, but both talked about how they would make Antoinette comfortable. That was the priority.
—
T H E X W H H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top