CMWY 113
Nagmadaling bumaba si Kanoa ng office nang tumawag sa office nila ang receptionist at mayroon daw naghahanap sa kaniya sa baba. The description perfectly matched his wife—pregnant.
It was almost lunch, 11:53 in the morning, to be exact.
Magre-reply pa lang dapat siya kay Ara dahil sa mga messages nito sa kaniya. Natawa pa nga siya sa GIFs na ipinadala sa kaniya, pero kaagad na lumapit sa kanila ang katrabaho niya para sabihing nasa baba ito.
Lakad-takbo siyang lumabas ng building at natigilan sa may pinto nang makita niya si Ara sa labas ng office building niya. Nakapambahay ito. Nakasuot ng simpleng pajama, T-shirt na kulay pink na pinatungan ng simpleng jacket na itim, at medyo magulo pa ang buhok. Buti na lang at naka-tennis shoes pa.
Hindi kaagad siya lumabas para panoorin itong kumain ng cookies na mayroong ice cream sa gitna. Nakasabit ang phone nito sa pulsuhan at kumukakoy pa ang mga paa. Hindi niya magawang lumabas dahil natatawa siya sa nakikita.
Isa-isang inoobserbahan ni Ara ang mga dumaraan mula ulo hanggang paa. Everyone around the area were wearing an office attire while her wife was so ready to sleep anytime. Mula sa jacket na nakabukas, nakita niya umbok ng tiyan nito.
Wala siyang tulog kinagabihan dahil alas dos ng madaling araw, ginising siya ni Ara para magluto ng chicken wings. Antok na antok siya, pero hindi siya makahindi. Sa sala pa nga siya nakatulog dahil nag-aya itong manood ng movie.
Kanoa took a deep breath, brushed his hair using his fingertips, and went outside to meet Ara. Their eyes met and Ara smiled widely. Tumayo ito at naglakad papalapit sa kaniya.
"Love, ano'ng ginagawa mo rito?" Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha nito.
"Kasi ayaw mo umuwi. I'm so bored," bulong ni Ara. "I wanna watch a movie and mag-isa lang ako sa house. Antoinette's at school pa. Hindi pa ikaw puwede umuwi?"
Umiling si Kanoa. "Love, may malaking project kasi kami this week. Nag-file na 'ko ng leave para sa work from home setup next week. Okay lang sa 'yo? Kaunting tiis lang?"
Gustong matawa ni Kanoa nang makita niya kung paanong bumagsak ang balikat ni Ara habang nakatingin sa kaniya. "What time is your lunch break?" tanong nito na halos pabulong lang. "Can I join you? I'll go home na after."
Hindi na sumagot si Kanoa at basta na lang hinawakan ang kamay ni Ara. Nag-message siya sa katrabaho tungkol sa situwasyon at kaagad naman nitong naintindihan. Sakto rin naman na lunch break na nila.
Dinala niya si Ara sa pinakamalapit na restaurant mula sa office niya. Mabagal ang bawat paglakad nila at humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kamay niya bago yumakap sa braso niya na mayroong malapad na ngiti.
Ara's eyes smiled as she scrunched her nose. Nag-taxi ito papunta sa opisina niya para lang makasama siyang mag-lunch o para ayain siyang umuwi.
The past few days, Ara was extra moody, but also clingy. Sa araw-araw, hindi niya alam kung anong Barbara ang makakaharap niya. Minsan, mahirap pakibagayan. Minsan naman ayaw humiwalay sa kaniya.
He would never complain. Si Antoinette rin, clingy nitong mga nakaraan. Gusto nitong tabi sila matulog. Ganoon din si Ara. Ang ending, sa gitna siya nina Antoinette at Ara kaya kahit na gusto niyang gumamit ng bathroom sa madaling araw, hindi niya magawa.
But again . . . he wouldn't change this for anything.
He always loved counting moments with his girls.
—
T H E X W H H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top