CMWY 110
Pagkasundo pa lang ni Kanoa kay Ara, nataka na siya kung bakit hindi ito humalik pabalik sa kaniya. Hinalikan naman niya ito sa pisngi, pero hindi tulad noon na haharap sa kaniya, at hahalik pabalik.
Isa pa, bawat galaw ay padabog. Sa pagsuot ng seatbelt, parang galit. Sa pag-ayos ng aircon, galit. Sa paglabas ng phone sa bag, galit.
"Love, ano'ng nangyayari?" tanong niya.
Patagilid na tumingin si Ara. Salubong ang kilay nito at bahagyang natatakpan ng buhok ang mukha. Walang naging sagot at humarap lang ulit sa daan. Naobserbahan niyang malalim ang bawat paghinga at hinahaplos ang tiyan.
"May masakit ba? Gusto mo bang magpunta tayo sa hospital?" Hinawakan niya ang kamay ni Ara. "Nagugutom ka?"
"No." Inagaw nito ang kamay.
Kanoa took a deep breath—another mood swing.
"May gusto ka bang puntahan? Grocery, maybe?"
"No."
"Okay," he murmured and drove.
He was silent the entire drive but would constantly gaze at Ara. Kumportable itong nakasandal sa upuan at nakatingin lang sa bintana. Gustuhin man niyang hawakan ang kamay nito, natatakot siyang baka agawin ulit.
For now, she would let her have her moments.
Dumaan muna sila sa isang drive-thru ng fast food chain para bumili ng pasalubong kay Antoinette. Nag-order din siya ng usual food ni Ara at nang lingunin niya ito, nakatitig ito sa kaniya ngunit kaagad na ngumiti.
Malalim na huminga si Kanoa nang magsimulang magkwento si Ara tungkol sa trabaho. Medyo busy, maraming meeting, at malamang na mainit ang ulo. Tulad noon, siya ang napagbubuntunan. He wasn't complaining tho. He understood.
Mahirap din minsang intindihin, pero sa ilang taong magkahiwalay sila ni Ara, mas gugustuhin na niya ito kaysa magkaroon ulit sila ng pagkakataong mag-away.
Kanoa knew he couldn't fight with Ara. He wouldn't even dare. Mas gugustuhin na lang niyang maging taga salo ng init ng ulo kaysa tuluyan itong magalit sa kaniya.
Years of suffering no more. He wouldn't let Ara feel it again.
Nang makuha nila ang order, excited nitong kinuha ang burrito, churros, at softdrink. Nag-extra pa siya ng guacamole at chips dahil iyon ang paborito ni Ara.
"Thank you, Love." Ara smiled, scrunching her nose. "Can we watch a movie later? I wanna order a vanilla cake with caramel kaso baka you don't want to."
"Okay lang naman, pero 'di ba pinagsabihan tayo ng doctor mo na iiwas muna sa sweets?" paalala niya. "Nag-softdrink ka na now. Sa susunod lang 'yon?"
Mabagal na tumango si Ara at kumagat nang malaki mula sa burrito. Panay ulit ang pasasalamat nito sa pagbili niya ng pagkain. Bigla niyang naalala na nagtanong naman siya kanina, pero sinabing hindi.
Then Kanoa remembered what his mom told him. Kapag sinabing ayaw, bumili pa rin siya. It would make a big difference and seeing how happy his wife was, he would do it all over again.
Again, Ara thanked him after a big bite.
—
T H E X W H H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top