CMWY 108
Napangiti si Kanoa habang nakatingin kay Ara na malakas na tumatawa kasama ang mga kapatid na nagluluto ng lunch nila. Dalawang linggo na simula nang dumating ang mga ito at nalalapit na rin ang pagbalik sa Pilipinas.
Wala silang ginawa kung hindi ang kumain sa labas nitong mga nakaraan. Madalas silang nasa park tuwing umaga para mag-walking at sa gabi naman, nasa city area sila para kumain kung saan.
Kanoa saw how Ara missed her siblings. Alam niyang malulungkot ito kapag umalis na ulit at sila na lang, pero maintindihin naman ang asawa niya.
Antoinette was happy playing with Sayaka. Galing sila sa Luna Park kahapon at halos walang pahinga ang anak niya. Kasama nito sina Belle, Sayaka, at Sam na umikot sa parke. Naiwan naman sila ni Ara sa isang restaurant dahil ayaw nitong masyadong maglakad. Pag-uwi naman, halos hindi na makabangon si Antoinette sa sobrang pagod.
Pumasok na muna si Kanoa sa loob ng kwarto para maglinis. Busy naman ang mag-ina niya.
Maayos sa kwarto si Ara noon pa man, pero dahil sa pagbubuntis, madalas na lang itong natutulog nitong mga nakaraan kaya siya ang naglilinis ng kwarto at banyo nila. Siya na rin ang nag-aayos ng mga damit nito sa closet na naka-hanger at nakaayos base sa kulay. Mas madali raw kasing maghanap ng pang-OOTD.
Habang inaayos ang mga camera sa office table nila ni Ara, narinig niya ang pagbukas ng pinto at nagtama ang mga mata nila. Kaagad siyang ngumiti at humarap. Itinapat niya ang hawak na camera kay Ara na kaagad ngumiti. Ipinakita pa nito ang bump na nakatago sa oversized hoodie.
Kanoa immediately took photos of Ara, including different poses and facial reactions.
"Are you okay?" Ara walked towards Kanoa. "Bakit ka pumasok here?"
"Naglilinis ako." Kanoa placed the camera on top of the table. "Magpapa-laundry pala ako mamayang hapon. Medyo marami na tayong maruming damit. May gusto ka bang kainin para daanan ko?"
Ara immediately nodded and started telling Kanoa all the foods she was craving. Cream puff, New York Style Pizza, Sinigang na lechon, at Boy bawang na maanghang para daw lalagyan ng suka.
Naalala niyang inis na inis si Antoinette noong nakaraang linggo dahil pagpasok nito sa kwarto nilang mag-asawa, maasim dahil sa cornik na mayroong suka. Naalala niya ang galit ng anak nila na hindi ito pumasok sa loob ng kwarto nila ng mga tatlong araw.
Tuluyang lumapit si Ara sa kaniya patagilid siyang niyakap. Hinalikan naman niya ang tuktok ng ulo nito at hinaplos ang tiyan.
"Hindi ka ba masyadong nahihirapan?" tanong niya.
Tumingala si Ara at umiling. "Nope. This pregnancy's 80% easier that the first one. Siguro kasi I'm mad at you noon and you're not with me plus I was carrying a twins pa."
Hindi alam ni Kanoa kung malulungkot ba siya sa sinabi ni Ara o matutuwa na hindi ito nahihirapan sa kasalukuyan. Totoo lang din ang sinabi ni Sam at Belle sa kaniya na moody si Ara dahil minsan, bigla na lang din itong hindi mamamansin.
"I'm sad na uuwi na sila sa Philippines," sabi ni Ara na nangingilid ang luha. "Now I don't know what to feel. A part of me wants to go home to be with my siblings, but we already built a life here in New York."
Nakita ni Kanoa ang pagbasak ng luha ni Ara sa magkabilang pisngi. Pinunasan niya iyon gamit ang hinlalaki at hinayaan itong umiyak.
"No. I'm just being emotional. I love it here and we can come home naman anytime we're free, right? Belle and Kuya Sam told me naman na they'd visit more often," suminghot si Ara at nakatitig kay Kanoa. "Basta you're here naman with me. I'll be okay."
Yumuko si Kanoa at hinalikan ang pisngi ni Ara papunta sa labi nito na kaagad tumugon sa kaniya. Naramdaman pa rin niya an paghikbi at alam niyang napapaisip ito, pero mas gusto naman ang buhay rito sa New York. Both were thriving for each careers. Nag-e-enjoy sila pareho.
"Sige na. Bumalik ka na roon sa kanila." Inalis niya ang buhok na nakaharang sa mukha ni Ara. "Mamaya alam naman ko namang makakatulog ka na. Aalis na rin ako mamaya, after lunch for laundry at para na rin sa mga pinapabili mo."
Tumango si Ara at hinalikan siya sa pisngi.
"Isipin mo na lahat ng gusto mo, ha? Baka mamaya 'pag uwi ko na naman, saka ka may maaalala," umiling si Kanoa, pero natawa.
—
T H E X W H H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top