CMWY 101
Pagkahatid ni Kanoa kay Antoinette sa school, dumaan muna siya sa isang Japanese restaurant para bilhan ng ramen si Ara dahil iyon ang madalas nitong kinakain nitong mga nakaraan. Dalawang linggo na rin simula nang malaman nila ang tungkol sa ipinagbubuntis nito at wala pa silang nasasabihan.
Naabutan niya si Ara na naglilinis ng living room. Maingay ang vaccum kaya hindi nito narinig na dumating siya. Ibinaba niya sa dining table ang pagkain bago nilapitan ang asawa niya.
Niyakap ni Kanoa si Ara mula sa likuran na ikinagulat nito ngunit kaagad na humarap. May ngiti sa labi, pero alam ni Kanoa na kagagaling lang nito sa iyak. Namumula pa nga ang mga mata pati ang ilong.
"Ano'ng nangyari?" tanong niya dahil alam niyang hindi naman magkukusa si Ara na sabihin iyon sa kaniya.
"Wala naman." Pumalibot ang dalawang braso ni Ara sa baywang ni Kanoa. "It's just that . . . I'm still overwhelmed. Naligo kasi ako and I felt the bump. Naiyak lang ako kasi. Alam ko naman na it's possible for us to have another baby, pero . . . natakot ako."
Tinanggal ni Kanoa ang buhok na nakaharang sa mukha ni Ara at hinalikan ang tungki ng ilong nito. "Valid naman, Love. Ako rin natatakot, pero gusto ko rin sanang i-enjoy 'tong pregnancy mo. Wala kasi ako noong una, eh. Pero hindi ko in-invalidate ang nararamdaman mo. Just try to be open para alam ko kung kung saan ako lulugar."
Sa sinabi ni Kanoa, parang biglang natauhan si Ara dahil simula nang malaman niya ang tungkol sa pinagbubuntis, nililihim niya sa asawa niya ang totoong nararamdaman tulad ng takot at kaba sa mga susunod pa.
"Natatakot ako sa check up next week," pag-aamin ni Ara. "I know na normal naman si baby, but I can't stop thinking about the possibilities na what if it was my fault Antheia was sick? What if I was the problem? What if yes and the new baby will be sick, too?"
Hinawakan ni Kanoa ang kamay niya at maingat siyang hinila papunta sa sofa. Si Kanoa ang naupo samantalang patagilid na naupo si Ara sa harapan nito. Naramdaman niya ang paghaplos sa likod na nagpakalma sa kaniya. Inihiga niya ang ulo sa balikat ng asawa at niyakap ito nang mahigpit.
"This is what I wanted before," bulong ni Ara habang ipinaglalandas ang hintuturo sa leeg ni Kanoa. "When I was pregnant with twins, I wanted this. I needed this. You were so close, but also far. It was really hard."
Na-guilty si Kanoa kahit na ilang taon na ang nakalipas at tapos naman na iyon. Kung alam lang din niya, sasamahan naman talaga niya si Ara. Hindi na niya maibabalik ang nakaraan kaya naman babawi na lang siya sa kasalukuyan.
"Magiging okay lang tayo, Ara. Sasamahan naman kita sa lahat. Nag-leave ako buong two weeks para may kasama ka muna," sabi ni Kanoa. "Do you wanna go somewhere o dito lang tayo sa bahay? Okay sa 'kin kahit na ano."
"Dito lang us sa house," sagot ni Ara. "But later gusto ko kumain sa chinese restaurant 'cos I'm craving xiao long bao. Tomorrow naman I want pancakes."
Sasagot sana si Kanoa nang oo ngunit ikinagulat niyang basta na lang itong bumangon at napatitig sa kaniya. "I'll get fat. Ang dami kong gustong kaining food."
"Normal naman 'yon, pero sabi ni Doc, iiwas muna tayo sa matamis, 'di ba?" paalala ni Kanoa. "Itanong natin 'yong doctor mo kung ano 'yong mga pagkaing hindi puwede."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top