CMWY 100

Tahimik na lumabas ng clinic sina Ara at Kanoa. Kahit na nasa loob na sila ng taxi, wala pa ring nagsasalita sa kanila. Nag-explain naman ang doctor tungkol sa situwasyon. Isa lang ang ipinagbubuntis ni Ara ngayon at iyon ang ipinagpapasalamat ni Kanoa. Isa pa, maayos ang lagay ng mag-ina niya. 

Pero hindi niya alam kung ano ang magiging approach kay Ara. 

Kanoa was happy about the pregnancy, but upon seeing Ara's reaction, he wasn't so sure anymore. She was too quiet. She was stiff . . . and not even a word after the doctor talked to them. Basta na lang din itong nagpasalamat bago sila umalis. 

Nilingon niya si Ara na nakatingin sa bintana ng sinasakyan nilang taxi. Malalim ang bawat paghinga. Gusto niyang magtanong, pero hindi nya magawa. 

Tumawag si Kanoa kay Shara paraitanong kung nasa bahay na ba ito kasama si Antoinette. Oo raw. Nanonood lang daw ang anak nila at hinahanap sila, nagtatanong kung pauwi na ba sila. 

Kanoa automatically smiled. Alam niyang matutuwa si Antoinette kapag nalaman nitong buntis si Ara dahil ilang beses na itong nanghihingi sa kanila ng kapatid na para bang napakadali lang niyon dahil nainggit sa kalaro sa kabilang apartment. 

Hanggang sa makarating sa bahay, hindi siya kinausap ni Ara. Dumeretso ito sa kwarto ng anak nila kaya sumunod siya. 

Antoinette immediately hugged Ara and showed her new doll. Kabibili lang nila iyon last week at inaayos ni Antoinette ang buhok nito. Nilalagyan ng ribbon tulad ng palaging ginagawa ni Ara. Inayos din ni Antoinette ang dress ng doll dahil nakasuot ito ng pang ballerina at nagpatulong kay Ara na isuot ang sapatos. 

Sumandal si Kanoa sa pinto at pinanood ang dalawa. Ara sounded positive, mukhang masaya naman ito. Hindi niya alam kung sasabihin na rin ba ni Ara kay Antoinette at hindi niya ito pangungunahan. 

Iniwan niya ang mag-ina niyang naglalaro. Dumeretso siya sa bathroom nila para lagyan ng tubig ang bathtub, baka sakaling gusto ni Ara na maglublob sa maligamgam na tubig. 

Habang nakatitig sa napupunong tubig, magaan ang pakiramdam ni Kanoa dahil masaya siya. Natuwa siya na sa pagkakataong ito, kasama na siya ni Ara. Na kung ano man ang mangyari, magkasama na sila. Magaan ang dibdib niya dahil narinig niya ang unang heartbeat ng anak nila na hindi niya nagawa sa kambal. 

Kanoa breathed upon remembering Antheia. Kung kasama rin nila ito, mas magiging masaya. Masaya sila sa kasalukuyan, pero hindi pa rin maikakaila ang kulang sa kanila. 

Nilaro ni Kanoa ang bula sa bathtub nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto nila. Sinilip niya si Ara na tinanggal ang coat na suot nito at tumingin sa kaniya. Tipid itong ngumiti at saka naglakad papalapit nang nakanguso pa nga. 

"Okay ka na?" Hinaplos ni Kanoa ang likod ni Ara. "Nag-prepare ako ng warm tub. Baka gusto mong maglublob para mabasawan 'yang sakit ng likod mo." 

"Join me." Tumingin si Ara sa kaniya. 

Tumango si Kanoa at habang nakalublob sila sa tub, nakasandal si Ara sa kaniya. Nakahiga ang ulo nito sa balikat niya habang hawak ang kamay ng isa't-isa. Tahimik pa rin ito at hindi na niya iyon matiis. 

"Bakit tahimik ka? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo. Nafu-frustrate akong wala akong alam sa nararamdaman mo ngayon," pag-aamin ni Kanoa. "Gusto mo ba o masyado pang maaga?" 

"No. It's not that. We talked naman about having a baby," sagot ni Ara na nanatiling nakapikit. "I am very happy. I'm just not feeling well and . . ." Huminto ito at malalim na huminga. "And I just remembered the first time I knew about the babies. I was . . . alone that time. It just felt different this time." 

Kanoa kissed the side of Ara's head. 

"It's overwhelming that I don't know how to express it. I'm sorry if it looks like I don't want it. I just . . . don't know how to react about it. I am happy. I want this," Ara sniffed. "I love you." 

"I love you," Kanoa caressed Ara's tummy and sobbed. He buried his face in between her shoulder and neck. "Mahal na mahal kita, Barbara. T-Thank you." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys