88
While waiting outside the operating room, I heard from her father that Caia was mistakenly thought that she was the daughter of her younger brother, Governor Carlos. Magmukha raw kasi sila at ngayon ay pinapahuli na ni Gov. ang may gawa noon sa kan’yang pamangkin.
Nang dahil doon ay mas lalo pang nag-apoy ang galit ko. Dahil lang sa maling akala muntik nang mamatay si Caia.
Kahit na kumilos na ang tito niya ay hindi pa rin ako mananahimik at maghihintay lang na mahuli ang mga hayop na nagtangka sa buhay ni Caia. Ang mga tauhan ko ay kumikilos na ngayon at hinahanap na ang mga suspect. Sinisigurado kong oras na mahuli sila ay mabubulok sila sa kulungan. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Caia.
“Shadrach. . .”
Gulat na napaangat ang tingin ko sa mama ni Caia.
“Shadrach tama?” tanong niya. Marahan akong tumango.
“Opo,” sagot ko.
Mugtong-mugto ang mata ng ginang ay mukhang maiiyak pa ano mang segundo ang lumipas.
Nanginig ang labi niya. “Boyfriend ka ni Caia?”
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Paano niya alam? Pero kahit na nagtataka ako ay tumango pa rin ako. Nagulat ako nang biglang lumuhod ang mama niya sa harapan ko. Agad akong tumayo para umupo at patayuin siya ngunit mabilis siyang umiling habang tuloy-tuloy na umaagos ang panibagong luha sa kan’yang pisngi.
“I’m sorry. . . Kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa anak ko. Kung sana. . . Kung sana naging mabuti akong ina at hindi na siya sinaktan pa at sinabihan nang kung ano-ano, sana hindi siya umalis kanina. Sana maayos pa ang lagay niya ngayon. . .” pag-iyak niya.
My chest tightened. Mukhang sinaktan na naman niya si Caia at sa mga oras na nakasakay si Caia ay papunta siya sa akin.
Hinagod ko ang likod ng ginang. “Hindi niyo po kasalanan ang nangyari kay Caia maliban sa pananakit niyo sa kan’ya bago siya umalis. . .” marahang sabi ko. “Huwag po kayong humingi ng tawad sa akin dahil wala naman po kayong ginawa sa akin, kay Caia po dapat kayo mag-sorry.”
Mas lalo pa siyang umiyak habang tumatango. “Sana mabuhay siya, sana kayanin niya. . .”
Tinulungan kong makatayo ang mama niya at saka pinaupo sa monoblock chair. “You have a strong daughter po, kakayanin niya po ’yan.”
---
The operation went successfully, but unfortunately, Caia is now in coma and she’s at the ICU.
Tuwing tinitingnan ko siyang nakahiga sa hospital bed at puno ng mga tubong nakasaksak sa katawan niya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maiyak.
“Bae. . . Gumising ka na, please. . .” mahinang sabi ko habang nakatingin sa mata niyang nakapikit.
Damn, I missed her.
Mabilis lang ako sa loob dahil agad na dumating ang kapatid niya. Mukhang ngayon lang niya nalaman ang nangyari sa ate niya.
“Ate. . .” pag-iyak niya nang makalapit siya sa kapatid.
Napapikit ako para pigilan ang pagluha.
Maraming nagmamahal sa ’yo, bae. Gising na. . .
---
“Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal sa anak namin, hijo. . .”
Napatingin ako kay tito Charles nang bigla siyang magsalita. Nasa cafeteria kami ng ospital para magkape dahil madaling araw na. Kami na lang dalawa ang naiwan para magbantay kay Caia. Umuwi na kanina pa sila tita Cara at Maica dahil hindi puwedeng magpuyat si tita.
Tumango ako kay tito. “It was an honor to be loved by your daughter po, tito. At sobrang sarap niyang mahalin pabalik. . .”
Agad na nanubig ang mga mata ni tito. “Bagay na hindi ko nagawa nang maayos. Nakakapangsisi, Shadrach. Nakakapangsisi na ni-minsan hindi ko pinakita ang pagmamahal ko sa kan’ya. . .”
“You can love her better once she finally woke up, tito. Hindi pa po huli ang lahat para bumawi sa kan’ya. Sigurado akong matutuwa iyon pagkagising niya. Natupad na ang isa sa mga pangarap niya. Mahal na mahal niya po kayo, tito.”
Tuluyan nang napahagulgol ang ama niya dala ng matinding pagsisisi at sakit.
Gising na, Caia. Handa nang bumawi sa lahat ng pagkukulang ang mga magulang mo sa ’yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top