68
“Sorry. . .” maliit na boses na wika ni Caia habang yakap-yakap ako at umiiyak siya.
I hugged her too and caressed her back. “Shush. . . It’s fine, it’s fine,” I cooed.
Sa kanilang tatlo siya lang pala ang nalasing. Sinabi sa akin ni Jean kanina na mukhang problemado raw siya kaya hinayaan na nila. Tahimik ko na lang na binuhat si Caia papasok sa sasakyan at sumunod naman sa akin ang dalawa niyang kaibigan.
Nakatulog si Caia kanina habang hinahatid ko papauwi ang mga kaibigan niya at ngayon lang siya nagising nang makarating kami sa kanto na pinagpaparadahan ko tuwing hinahatid o sinusundo ko siya mula sa bahay nila.
Mahigpit ang yakap niya sa akin at hinahabol niya ang kaniyang paghinga dahil patuloy siya sa paghikbi. Mukhang takot na takot siya.
Hinawi ko ang mga buhok na tumatakip sa basang mukha niya. “Tahan na, Caia. . .” malambing na bulong ko.
Umiling siya at mas niyakap pa ako kahit na sobrang higpit na.
“H-Huwag ka nang magalit, please? Sorry. . . Sorry. . . Huwag mo akong iwan, please. Huwag mo akong iwan!” iyak pa niya.
Damn.
Gusto kong matawa. She’s so cute! But I forced myself not to.
Pero agad na nawala ang ngiti ko nang may matanto. Mukhang may problema nga siya.
“Shush. . . hindi kita iiwan, okay?”
“Huwag mo rin akong sigawan, please? A-Ayoko nang masigawan. . . Sobra na si mama, ayoko na. . .”
Bumigat ang damdamin ko para sa kan’ya. Hinawakan ko ang pisngi niya kaya tumingala siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Namumungay at mugto ang mga mata niya.
“May nangyari ba? You can tell me. . .”
Umiling siya. “Wala. . .”
“Kung wala. . . what’s our problem then, hmm?” masuyong tanong ko habang pinupunasan ang basang pisngi niya.
“Sorry. . .” panimula niya. “Sorry kung hindi pa kita kayang ipakilala kila mama. . . Natatakot ako, bae. Natatakot ako na baka ilayo ka nila sa akin. Ayoko. . . Ayoko. . . Ikaw na nga lang ang meron ako, e. Sana maintindihan mo. Sorry talaga. . .” iyak niya.
I sighed in relief. Thank, God, walang nangyaring masama sa kan’ya.
I hugged her tightly. “It’s fine, bae. Naiintindihan ko. I can wait naman.”
Sumiksik siya sa dibdib ko. “Thank you. . .”
Muli siyang nakatulog habang nakayakap sa akin. Napapaisip na ako kung paano ko siya iuuwi sa kanila dahil malamang ay hinahanap na siya dahil gabi na, nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Kumunot ang noo ko nang makitang tumatawag si Jean.
“Hello?” saad ko nang sagutin ko ang tawag niya.
“Hello, kuya. . . Tumawag na ako kila tito Charles, sinabi kong dito makikitulog si Caia. Pumayag naman sila kaya kahit iuwi mo muna si Caia kesa ganyan siyang uuwi sa kanila baka ‘di na ’yan makalabas ‘pag nagkataon. Okay sana dito sa bahay kung wala kaming bisita ngayon. Please, take care of her. I trust you. Sige na, babye!”
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad niya ring binaba ang tawag.
I sighed and watch my girl sleep peacefully while she was wrapped around my arms. I guess I have to take you home, bae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top