61

“Thank you, ha?” saad ko nang maisuot ko ang itim na jacket niya. Mukha tuloy akong batang nakakumot ngayon at naka-indian sit sa shotgun seat.

Tumango siya at tuluyan na siyang humarap at tumingin sa akin.

“So?” tanong ko. Ngumiti pa ako para itago ang kakaibang kaba na nararamdaman. Kinakabahan ako kasi ramdam kong aamin na siya pero hindi ko alam kung magiging kami ba o hindi. Paano kung ayaw niya? Saka kinakabahan din ako kasi tumakas lang ako habang gising pa sila mama. Baka maramdaman nilang wala ako sa kuwarto ko. Patay ako niyan.

Kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. Senyales ng paglunok niya.

“I have three ex-girlfriends. . .” panimula niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Tapos?” nalilito kong tanong.

Nanatili ang mga mata niya sa akin. “And the three of them left me with no valid reason. Basta na lang sila nagsawa at hindi ko rin alam kung bakit. Masakit ang maiwan ng taong mahal mo, Caia. That’s why I promised to myself that I will never love again. . .” aniya. Nanatili akong tahimik at hinihintay siyang magsalita. “But then you came. . .”

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

“Because of you. . . I broke that promise. Wala e, mas masayang mahalin ka kesa ang panghawakan ang pangako ko.”

Nag-init ang mga pisngi ko at mas lalong nagwala ang puso ko. Pilitin ko mang magpigil ng ngiti pero hindi ko kaya.

“Mahal mo na ‘ko?” tanong ko sa obvious.

Inabot niya ang kamay ko at saka ito marahang pinisil. “Sobra. . . I’m sorry kanina, ha? Dapat umamin muna ako—”

“Okay lang! Malinaw na, ayos na. . .” pigil ang kilig kong saad.

“May isa akong tanong, Caia.”

“Ano ’yon?”

“Puwede bang ligawan kita?” buong puso at malambing niyang saad.

Napatili ako at napahampas sa dibdib niya. Mahina siyang natawa.

“Ako rin may tanong. . .” saad ko.

Umangat ang isang kilay niya. “Ano ’yon?”

“Sigurado ka na ba sa akin?”

“Sigurado pa sa sigurado, Caia.”

Muli na naman akong tumili. Wala na talaga akong hiya at harap-harapan nang tumitili dahil sa kan’ya. “Huwag ka nang manligaw, tayo nalang,” mabilis kong saad bago ako mabilis na lumapit at hinalikan siya sa pisngi.

Humalakhak ako nang magtiim bagang siya habang namumula ang magkabilang tainga niya.

“Gan’yan pala kiligin ang isang, Shadrach, huh?” panunukso ko.

Ilang segundo pa bago siya nakabawi at saka nakakalokong ngumisi. Napatili ako nang bigla niyang hapitin ang baywang ko papalapit sa kan’ya. Akala ko ay hahalikan niya muli ako nang yakapin niya lang ako nang mahigpit.

“I love you, Micaia Esmeralda.”

Napangiti ako at tila niyakap ang puso ko nang marinig ko ang buo kong pangalan na sinambit niya ng puno ng pagmamahal. Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan ko sa ganyang paraan, karaniwan kasi ay palaging pagalit ang pagbanggit kaya naiinis ako. Ngayon ko lang ito nagustuhan.

“Thank you, Shadrach. . .” bulong ko at niyakap na siya pabalik. “Mahal din kita. . . Hindi kita iiwan. Nandito lang ako lagi.”

“Ako rin, Caia. Ako rin.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top