52
“Thank you, Shadrach. Ang saya-saya ko ngayon!” buong puso kong saad nang makarating kami sa kanto kung saan niya ako sinundo kanina. Sinabi kong doon na lang niya ako ibaba para hindi na magising pa sila mama. Buti na lang at pumayag siya at hindi na rin nagtanong pa.
Malawak siyang ngumiti. “You’re welcome.”
Tumagal ang titig ko sa kan’ya. Gustong-gusto ko na talaga siyang yakapin kanina pa. Hindi niya alam kung gaano siya nakatulong sa akin.
“May problema ba?” masuyong tanong niya.
Napatingin ako kay Vanilla na mahimbing na natutulog sa likod. Humugot ako nang malalim na hininga bago ito mabilis na binuga at muling sinalubong ang mga niya.
Namungay ang mga mata ko. “Puwede bang ano. . .”
“Hmmm?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Nagtatanong.
“Can I hug you?” parang batang saad ko sa maliit na boses.
Mahinang tumawa si Shadrach. “Of course, you can.” Then he stretch his arms widely, welcoming me for a hug. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at mabilis na tinapon ang sarili sa kan’ya.
Mahigpit ko siyang niyakap habang nakasubsob ang ulo ko sa pagitan ng leeg at kanang balikat niya. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin pabalik.
Sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay hindi ko na matukoy kung ang akin lang ba o. . . pati ang sa kan’ya.
Pumikit ako at dinama ang bawat segundong magkayakap kami. Sobrang bago nito sa pakiramdam ko. Nakakapanibago. Nakaka-overwhelmed masyado dahil hindi ko kinakaya ang paggaan bigla ng mabigat kong damdamin, ang pagdama ko ng pagod ko at para akong nakapagpahinga sa mga bisig niya. Para akong isang araw na natulog sa init na dulot niya. Napaka-komportable na ayaw ko nang bumitaw.
Pero hindi puwede. Kahit na gusto kong panghabang buhay nang gano’n kami, hindi puwede.
Nang bumitaw ako sa kan’ya ay nagpaalam na ako at bumaba na sa sasakyan niya.
Muling bumigat ang dibdib ko habang papalapit ako sa bahay.
Kahit na anong gawin kong pagtakas, babalik at babalik pa rin ako sa nagpapahirap sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top