50

“Okay lang ba sa ’yo na kasama natin siya?” tanong ni Shadrach nang buksan ko ang pinto ng shotgun seat ng itim niyang Hilux at bumungad sa akin ang napaka-cute na puting Shih Tzuh. Naka-upo siya roon at nakatingala sa akin habang kumakawag-kawag ang maliit niyang buntot.

Lumaki ang ngiti ko. “Syempre naman!” masayang sabi ko. “Hello!” bati ko sa pet niya.

“Her name is Vanilla.”

“Hi, Vanilla!” bati ko ulit bago nilahad ang kamay ko at hinayaan kong siya ang lumapit.

“Paki-kalong siya, please.”

“Ay akala ko sa likod ako,” natatawang sabi ko.

Nakangiting umiling si Shadrach. Kinuha niya muna si Vanilla para maka-upo ako sa shotgun seat at masara ko na ang pinto. Sinuot ko na rin ang seatbelt bago ko kinuha si Vanilla mula sa kan’ya.

Agad namang humiga sa hita ko si Vanilla at natulog na. Napahagikhik ako at marahang hinaplos ang likod niya.

“Saan tayo?” baling ko kay Shadrach nang magsimula na siyang magmaneho.

“Kumain ka na ba?” tanong niya habang nakatingin sa daan.

Napanguso ako at umiling. “Hindi pa.”

“Parang gusto ko mag-samg. Gusto mo rin ba?” tanong niya bago siya mabilis na lumingon sa akin.

Para akong batang nakangiti ngayon na tumatango at na-excite bigla. “G!”

Ngumiti rin siya at bahagyang binilisan ang pagmamaneho. “Okay! Here we go!”

Binaba ko ang bintana at nakangiting sinalubong ang malamig na simoy ng hangin. “Woooh!” sigaw ko habang tinatanaw ang bilog at maliwanag na buwan pati na rin ang mga nagkalat na mga bituin sa madilim na kalangitan.

Maya-maya pa ay ini-on ni Shadrach ang stereo ng sasakyan at umalingawngaw sa loob ang kanta ng Cup of Joe na Patutunguhan.

Habang papalayo kami sa bahay ay unti-unti ko na ring nakakalimutan ang problema ko.

Lihim akong napangisi, ganito pala ang pakiramdam na tumakas sa bahay. Ang saya. Para akong nakalaya mula sa kulungan. Ayoko nang umuwi pero hindi puwede kaya susulitin ko na lang ang pagkakataong ito.

Sorry, Shadrach, pero hindi ako nagpaalam. Dumaan lang ako sa bintana ng kuwarto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top