46
“Thank you talaga!”
Hindi ko alam kung pang-ilang beses na akong nagpapasalamat kay Shadrach habang kumakain ng fries at umiinom ng coke float.
Gaya ng dati nakaupo ulit siya sa harapan ko at tahimik akong pinapanood habang kumakain, minsan ay sumasagot sa mga tanong ko o ‘di kaya naman ay siya ang nagtatanong sa akin. Inaalok ko siya ng fries pero ayaw niya, mukhang nagsawa na sa menu nila.
Mahina siyang tumawa. “For the nth time, Caia, you're welcome.”
Tumawa ako. “Grabe, ang bait mo na sa akin. Ganito pala ang benefits ng pagiging loyal customer,” pagbibiro ko.
Napangisi lang naman siya.
Napanguso naman ako. “Eh, paano kung may kagaya ako? Baka pati siya itrato mong ganito?”
Napaangat ang isang kilay niya. “Akala ko ba endangered species ka?”
Tumango ako.
“Edi wala. Ikaw lang.”
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at impit na tumili. Maya-maya pa ay tinuro ko siya. “Ikaw ha! Nagbibigay ka na ng assurance, e, hindi ka pa nga umaamin sa akin! Gusto mo na ‘ko ‘no?”
“Nope.”
“Che! Mama natin nope!”
“Mama ko.”
“Edi mama mo nope!”
Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya para pigilan ang paghalakhak.
Nanahimik naman na ako dahil gutom na gutom talaga ako. Pinili ko lang dumaldal kanina kasi miss ko siya.
“Are you done with your PowerPoint?” tanong niya nang matapos akong kumain.
Tumango ako. “Yup! Katatapos ko lang kanina bago ako pumunta rito.”
“May I see?”
“Sige, wait!” Nilabas ko agad sa bag ang laptop at inabot iyon sa kan’ya.
“Napakalaking tulong talaga niyan sa akin. Thank you, ha?”
Ngumiti siya kasabay ng pagtango. “No prob.”
Hinayaan ko na siyang magkalikot sa laptop niya at basahin ang laman ng PowerPoint ko.
Tumango-tango pa siya at mukhang namamangha sa gawa ko kaya naman ramdam ko ang saya at pagka-proud sa sarili dahil nagawa ko ito ng tama.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya.
Bukod sa mga kaklase at kaibigan ko, si Shadrach lang ang may alam na kasali ako sa SIP. Hindi na ako nag-abalang sabihin ito sa mga magulang ko dahil alam kong puro pagdududa na mananalo ako ang ipapakita nila sa akin.
Ayos na sa akin na si Shadrach lang. Ang importante naniniwala siya. Iyon lang naman ang gusto ko, ang may maniwala sa aking kaya ko. Iyong alam kong may handang sumalo sa akin.
Habang tumatagal na nakakasama ko siya mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ko para sa kan’ya. Alam kong hindi na ito simpleng crush lang.
Pero natatakot akong kumpirmahin kung ano iyon. Dahil natatakot ako sa katotohanang ako lang naman ang may gusto sa kan’ya. Ayokong palalimin dahil baka hindi ako makaahon pa at maiwang mag-isa.
Pero sana, sa tamang panahon ako rin ang gusto niya. Kasi hindi ko na makita ang sarili ko sa hinaharap na hindi siya kasama.
“Ang galing mo!” nakangiting aniya nang matapos niyang basahin ang laman ng PowerPoint.
Napangiti ako. “Talaga?”
Mabilis siyang tumango. “Nandoon lahat sa PowerPoint ang mga important details. Great choice of words, too! Malakas ang impact at hindi nakakasawang basahin. Maganda rin ang pagkaka-edit mo na mas nakaka-engganyong basahin. Now, all you have to do is to practice how to defend your study.”
Napangiti ako. “Thank you!”
“You want to practice now?”
Mabilis akong tumango. “Sige!”
“Okay then. Let’s start!”
No’ng umpisa ay panay tawa pa ako sa pag-i-introduce ng study ko pero nang sumeryoso ang mukha ni Shadrach ay umayos na ako.
Inisip kong defense na iyon at siya ang isa sa mga panelists. Sinabi ko ang mga dapat sabihin at pinaliwanag ko ang dapat na ipaliwanag.
Nagtanong din sa akin si Shadrach ng sobrang hirap na mga tanong. Ang iba ay nasagot ko at ang iba naman ay sinagot niya at ipinaliwanag sa akin. Tinandaan ko ang lahat ng mga sinabi niya at mga payo niya.
“Just act like you know everything. Mas malakas ang impact no’n sa mga panelists. Stand up straight and chin up. Don’t make unnecessary move. And when you answer, answer it directly. Huwag kang magpaligoy-ligoy. At kapag hindi mo talaga alam, remain silent and have your time to think of the answer. You can do it, Caia! Good luck!”
Tumango ako at ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. “Sheeesh! Nakakakaba! Kaya ko ‘to! Thank you, Shadrach! Thank you talaga!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top